MasukSa araw ng kanilang wedding anniversary ay natuklasan ni Clara Villareal, Del Rosario ang katotohanan sa likod ng kakaibang kinikilos ng asawa sa gabi. Nalaman niyang hindi pala siya mahal ng asawa na si Ethan, kundi ang hipag niyang si Mina at nilihim iyong lahat ng pamilya nito mula sa kanya. Masakit pero nilaban niya ang pagmamahal para sa asawa. Ngunit isang araw pa lang ang lumilipas matapos na pumanaw ang asawa nito mula sa isang aksidente ay dinala na ni Ethan si Mina at ang anak nito sa bahay upang doon tumira. Hindi siya pumayag, nilaban niya ang karapatan bilang asawa pero hindi iyon naging sapat. Unti-unti niyang naramdaman ang pagbabago at hindi iyon ang pinangarap niyang buhay. Sa huli, kahit mahirap at masakit ay pinili niya ang sarili. Ayaw na niyang masaktan nang paulit-ulit sa ginagawa ni Ethan. Nakipaghiwalay siya upang makapagsimulang muli. Ngunit tila may ibang plano ang kapalaran sa kanya.
Lihat lebih banyakALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.
Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglasses ay nagsalita siya, "Ethan, kanina ka pa riyan. Ipagpabukas mo na lang 'yan."
Nag-angat ito ng tingin pero binalewala lang ang sinabi niya at muling sinuot ang eyeglasses. "Tapusin ko lang 'to, mauna ka ng matulog."
Ngumiti si Clara, mariing pinaglapat ang labi. "Okay…" Nilapag niya ang libro sa side table saka nahiga sa kama. Inayos niya ang kumot habang nakatingin sa asawa.
Nang mapagtantong matatagalan pa talaga ito ay pumikit na siya. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay hindi siya madalaw ng antok. Akmang babangon ng maramdaman niyang lumubog ang kabilang bahagi ng kama kaya sinamantala niya ang pagkakataon.
Pumaling siya ng higa sa pwesto ni Ethan at niyakap ito, dama ang init na nagmumula sa katawan nito kaya lihim siyang napangiti.
"Are you awake?" ani Ethan, sa malalim at namamaos na boses.
Nagmulat ng mata si Clara at mas pang nagsumiksik sa katawan nito. Gustong-gusto niya ang amoy ni Ethan pero madalas na ayaw nitong inaamoy niya.
"Gusto ko ng matulog," anas ni Ethan, pilit inaalis ang kamay nitong nakapulupot sa kanya.
Ngumiti lang si Clara, lalong kumapit. "Hmm… mas makakatulog ako ng ganito."
Napabuntong-hininga na lamang si Ethan sabay pikit, hinayaan na sa nais nito. Pero ilang sandali pa ay naramdaman niya ang unti-unting pagbaba ng kamay ni Clara hanggang sa tuluyan nang ipinasok sa loob ng kanyang damit. Mabilis siyang nagmulat sabay pigil sa kamay nito. "What are you doing?!"
Hindi sumagot si Clara, sa halip ay bumangon bigla at kumaibabaw sa asawa. Pagkatapos ay hinalikan ito sa labi na ikinabigla ni Ethan. Hinawakan siya sa magkabilang balikat upang pigilan ngunit lumaban siya.
Hinawakan ang mukha nito upang palalimin pa ang halik ngunit naitulak na siya nito.
"Not now, pagod ako," ani Ethan.
"Pero—" bago pa niya matapos ang sasabihin ay bigla itong bumangon at umalis sa kama, naiwan siyang naguguluhan.
Masakit para sa kanya na kahit mag-iisang taon na silang mag-asawa ay isang beses pa lang may nangyari sa kanila—iyon ay sa mismong araw pa ng kanilang kasal.
Gusto niyang isipin na busy lang si Ethan sa trabaho, pero may pagkakataong napapatanong siya sa sarili kung siya ba ang may mali?
Hindi ba siya maganda at kaakit-akit sa paningin nito na kahit halik man lang ay umiiwas ito?
"M-May problema ba tayo, Ethan?" mapait niyang tanong bago pa ito lumabas ng silid at matulog muli sa guest room kapag nais nitong umiwas.
Bumuntong-hininga si Ethan, hindi na humarap para hindi nito makita ang katotohanan. "Siyempre, wala. Pagod lang talaga ako." Sabay pihit sa doorknob, pero hindi pa man nabubuksan ang pinto ay may pahabol pang tanong ni Clara.
"Hindi mo na ba 'ko mahal? May iba na ba?"
Umismid si Ethan saka ito hinarap. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ako nambababae. Alam mong wala akong panahon para riyan at busy ako sa kompanya… Sige na, matulog ka na."
"Then, dito ka na matulog. 'Di mo kailangan pumunta na naman sa guest room." Marahang tinapik-tapik ni Clara ang kama. "Sleep here." Matapos ay hindi na niya ito hinintay na bumalik ito sa kama at nahiga na patalikod. Mariing kagat ang ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak.
Tahimik siyang lumuha hanggang sa makatulogan ang sama ng loob na nararamdaman.
Mga bandang alas-dos ng madaling araw ay nagising siya na nanunuyo ang lalamunan. Bumangon siya sa kama upang kumuha ng tubig na maiinom pero napansin niyang siya na lamang ang nasa kama.
Hindi na siya nag-abala pang hanapin ang asawa at masama pa rin ang loob. Palabas na siya ng makarinig ng ingay mula sa banyo, lagaslas ng tubig kaya lumapit siya akmang kakatok. "Ethan—"
Saktong bumukas ang pinto at bumungad ang asawa. Pareho silang nagkagulatan ngunit nakakapagtakang hindi naman ito bagong ligo pero pawisan, hinihingal at namumula ang leeg saka tenga.
"B-Ba't gising ka pa?"
"Ikaw. Anong ginagawa mo sa banyo ng ganitong oras?" tanong ni Clara.
Umiwas ng tingin si Ethan saka ito nilagpasan. "Nagbawas lang."
Hindi na nang-usisa pa si Clara. Lalabas na sana siya ng pamansin sa sink ang cellphone ng asawa, naiwan ito kaya pumasok siya, balak sanang ibalik.
Pero hindi pa man niya nahahawakan ay naunahan na siya ni Ethan. Pag-angat ng tingin ay may kaba sa mukha nito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong ayoko ng pinapakialaman—"
"Sino 'yung nasa cellphone mo, Ethan?" putol ni Clara. "Nakita ko sa screen—"
Sa pagkakataong iyon ay si Ethan naman ang nag-cut off. "Anong babae? Sigurado ka sa nakita mo?"
Hindi nakasagot si Clara dahil pahapyaw lang niyang nakita ang screen ng cellphone. Pero tiyak niyang babae iyon at hindi siya dahil maikli at may kulay ang buhok.
"Baka namamalikmata ka lang," ani Ethan, sabay hawak sa balikat nito. "Ang mas mabuti pa'y matulog ka pa para hindi kung ano-ano ang nakikita mo." Sabay akay pabalik sa kama.
Nagpatianod naman si Clara, bumalik sa kama at muling natulog. Ngunit simula ng araw na iyon ay hindi na mawaglit sa kanya ang nakita.
Bumabagabag ang imaheng nakita niya, hindi man malinaw pero tiyak niyang ibang babae iyon. Hindi siya matatahimik hangga't hindi nalalaman ang totoo.
Dalawang linggo niyang palihim na sinusundan si Ethan kapag papunta na ito sa trabaho. Ganoon din sa hapon kapag pauwi na ito pero lagi lang dumidiretso ng uwi si Ethan, walang kakaiba sa routine nito.
Kaya minsan, kinukuwestiyon na niya ang sarili kung tama pa ba ang ginagawa niya? Masiyado na siyang naghihinala sa asawa.
Kilala niya si Ethan, alam niyang hindi nito magagawang magloko kaya bakit ganoon na lamang siya kung mag-isip?
"Ayos ka lang? Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"
Napalingon si Clara ng marinig ang boses na iyon. Awtomatiko siyang ngumiti ng tumabi sa kanya si Mina, asawa ng kapatid ni Ethan.
Nasa isang family gathering sila ng mga sandaling iyon at matapos ang dinner ay lumabas siya saglit upang magpahangin.
Habang malalim ang iniisip ay hindi niya napansin ang paglapit nito. "W-Wala, Ate."
"Anong wala? Tinatawag kita kanina pa, pero 'di ka sumasagot. Ano ba 'yun? Don't tell me, may problema kayo ni Ethan?"
Umiling-iling si Clara. "Hindi 'yun gano'n, Ate. Wala kaming problema… Ako lang," sabay bulong sa huling dalawang salita.
Nagtaas ng kilay si Mina, biglang na-curious. "Ano ba 'yun? Willing naman akong makinig kung gusto mo lang i-share."
Walang balak si Clara na ikwento ang kapraningan niya pero ng sandaling iyon, hindi niya napigilan ang sarili. May tiwala naman siya kay Mina na hindi ito magkukuwento sa iba.
"Ate… matagal mo ng kilala si Ethan, 'di ba?"
"Oo, almost a decade na rin. Ba't mo na tanong?"
"Ano… sa tingin ko, may ibang babae si Ethan," pag-amin niya habang mahigpit na hawak ang kamay.
Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Mina hanggang sa tuluyan itong natawa. "Ano? Imposible!"
Hiyang-hiya naman si Clara. "Alam ko, pero 'di ko lang maiwasan kasi…" saka niya kinuwento ang naganap ng gabing iyon. "Gusto lang malaman kung sino ang babaeng 'yun na nasa cellphone niya?"
Huminga nang malalim si Mina saka nagsalita, "Baka 'yung nakita mo ang… first love niya?"
"Who is she, Ate? Kilala mo ba?"
HINGANG MALALIM ang ginawa ni Helena sa sinabi ng manugang. Dismayado na siya sa pinaggagagawa ng anak at nahihiya na siyang humarap kay Clara. Gayon pa man ay naniniwala siyang malalampasan ng dalawa ang problema, na nabubulagan lang si Ethan at matatauhan kalaunan.Hinawakan niya sabay haplos ang braso nito, upang huminahon. "Naiintindihan ko, na pagdating sa pag-aasawa ay dadaan talaga ang lahat sa mga ganitong pagsubok. Ang kailangan lang ay maging matatag kayo at 'wag sumuko sa isa't isa."Dahil sa narinig ay binawi ni Clara ang kamay saka siya umiwas ng tingin. "Madali lang po sabihin 'yan pero kung napupurwisyo na po ang buhay niyo at nalalagay na sa kapahamakan… I'm sure, maiintindihan niyo 'ko."Napakunot-noo si Helena, naguguluhan. "A-Anong ibig mong sabihin, hija? Pwedeng pakilinaw?"Bumuntong-hininga si Clara at sinabi na muntik na siyang mamatay ng dahil kay Ethan, "Bigla na lang sumulpot si Mina sa lugar kung saan ako nakatira at pinagtangkaan akong sagasaan. Kung natulo
NAGUGULUHAN si Ethan sa sinasabi nito, matagal niyang tinitigan si Janice saka napagtanto na hindi ito nagsisinungaling kaya nilampasan niya ito at nagtuloy-tuloy sa apartment.Sa hamba pa lang ng pinto ay hinila na siya ni Janice para hindi tuluyang makapasok. "Ano ba! Bingi ka ba?""Clara?!" tawag ni Ethan, hindi pinansin ang kaibigan nito. Pumasok siya at nagpunta sa kusina pero nang hindi niya ito makita roon ay pumanhik siya sa hagdan."Hoy!" react ni Janice.Samantalang sa ikalawang palapag ng bahay, naririnig ni Clara ang sigaw ng kaibigan at pagtawag sa kanya ni Ethan.Hindi pa siya okay ng mga sandaling iyon pero kailangan niya itong harapin kung nais niyang matapos na ang lahat. Lumabas siya ng kwarto at naabutan niyang nag-uunahan ang dalawa na makaakyat pero nang makita siya ay agad ring natigilan."Pasok sa room, Clara. Ako nang bahala rito," ani Janice."Clara…" tawag naman ni Ethan."Anong kailangan mo?" aniya sabay lapit. Tiningnan niya ang kaibigan sabay tango, pinapa
MALAYO pa lang ay nagkulay pula na ang traffic light. Ngunit dahil sa labis na pagkataranta dahil sa nagawa ay hindi na iyon napansin ni Mina at muntik nang sumalpok sa nakahintong kotse sa unahan.Mabuti na lamang at mabilis niyang natapakan ang preno. Sumubsob ang mukha niya sa manibela at bagama't nauntog ay balewala iyon sa kanya.Mas nanaig ang takot na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nanginginig ang buo niyang katawan nang kunin niya ang cellphone at tawagan si Ethan, mabuti na lamang at agad itong sumagot."Hello—""Ethan!" iyak niya sa linya. "P-Please, help me." Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ni Mina. Natatakot siyang makulong dahil sa nagawa."Bakit, anong nangyari?"Sa halip na magpaliwanag ay iyak na lamang siya nang iyak, nagmamakaawa sa linya. Hindi na nga niya alintana ang busina ng ibang sasakyan matapos magkulay berde ang traffic lights.Naririnig iyon ni Ethan sa kabilang linya kaya hindi niya napigilang mag-alala at sinabing pupuntahan ito. Iniwan ni
HINDI makapaniwala si Mina sa narinig habang napapailing kay Ysabelle. "No... imposible." Bahagya pa siyang natawa, pilit kinukumbinsi ang sarili na hindi iyon magagawa ni Ethan.Sa halip naman na makipagtalo ay natawa lang si Ysabelle. "You think so?" mapanuya niyang sabi. "Kung 'di ka naniniwala, ba't 'di mo tawagan? Wala namang pumipigil sa'yo para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ko o hindi."Mariing napakuyom ang kamao ni Mina. "I'm sure na may ginawa si Clara."Napailing na lamang si Ysabelle. "Ikaw ang bahala. Isipin mo ang gusto mong isipin." Matapos ay tumayo na siya at naglakad patungo sa pinto ngunit bago tuluyang makaalis ay muling humarap. "Kung may natitira ka pang kahihiyan sa katawan, umpisahan mo nang mag-empake at umalis sa bahay ng kapatid ko." Matapos iyong sabihin ay tuluyan na siyang umalis.Naiwan si Mina, nakatayo at tulala halatang naguguluhan. Ilang sandali pa ay kinuha ang cellphone at tinawagan si Ethan pero hindi ito sumasagot kaya muli niyang sinubu
NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka
MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t
NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon
ALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglas












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan