Mag-log in‘Pinangakuan siya nito ng kasal at walang hanggang kaligayahan na sa ibang babae nito tinupad…’ Umasa si Quinn Autumn Gonzales na sa pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na nobyong si Reon Nicolo Romanov, ay matutupad na ang mga plano at pangarap nila. Subalit isang araw bago makauwi ang lalaki, nabalitaan nalang niya na namatay ito sa gitna ng misyon nito bilang isang sundalo. Nagdalamhati siya ng labis pero pinilit niya ang sarili na magpakatatag alang-alang sa munting buhay na umaasa sa kanya. Limang taon ang lumipas, nakatagpo siya ng isang lalaking kamukhang-kamukha ng yumao niyang kasintahan—si Dmitri Sandoval. Iisang mukha, subalit ibang katauhan, kaparehong itsura, pero kakaibang pamumuhay at estado. At ang mas nagpaguho ng pag-asa niya ay ang katotohanang may pamilya na ang lalaki. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin ngayong muling nabuksan ang sugat ng nakaraan? Tunay nga kayang namatay na ang lalaking minamahal niya o sinadya lang nitong iwan siya para tuparin ang ipinangako nitong kaligayahan sa kanya para sa iba…
view moreParang nawalan ng lakas si Rodolfo nang makaalis na si Benedict. Hindi niya alam kung ano ang nalaman nito pero ang mas nakakabahala sa kanya ay ang ginagawa ng kanyang anak sa probinsya. Is she really there for a medical mission or she... she's there to meet Nicolo?! Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan si Autumn. Nakailang ring pa ang cellphone nito bago nasagot ang kanyang tawag. "Dad? Napatawag ka?" Nagtatakang tanong ni Autumn. "Gusto ko lang kumustahin ang lagay ninyong dalawa ni Neo diyan sa probinsya. Hindi ba kayo nahirapan?" Tanong pa nito. "Hindi naman po. We are doing fine," kaswal na sagot ni Autumn. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila na ipinagtaka ni Autumn. Her father's voice seemed agitated too. "May problema ba diyan sa siyudad, Daddy?" Nag-aalala niyang tanong. "Wala naman. Kailan nga ulit kayo uuwi?" Muli nitong tanong. "Bukas po. Bakit niyo po naitanong?" Tanong niya pabalik. "I just missed my grandson. Mula ng lumipat k
Paulit-ulit na plinay ni Benedict ang call record sa cellphone ni Autumn. Hindi siya pwedeng magkamali. It was really Autumn talking to a man. He paused for a moment. Sino ba ang kausap ni Autumn. Was it one of the doctors? It's possible but a part of him is not believing it. They seemed so close. Like they share a deep connection.Kaya naman muli niyang tinawagan si Berto na kasalukuyang kasama ni Autumn sa probinsya."Wala ba talagang kahi-hinalang mga taong nakapaligid sa barangay kung saan kayo nananatili ngayon?" Tanong niya."Wala naman po, Sir Benedict. Lahat po ng nakita ko dito ay dito mismo sa barangay nakatira," sagot ng lalaki.Marahan niyang tinapik-tapik ang isa niyang daliri sa mesa habang mataman na nag-iisip. "The moment Autumn found out her son is missing, saan siya nakapwesto?""Nasa loob po siya ng tent at kasalukuyan na nagpapahinga," agaran na sagot nito."May kasama ba siya sa loob? Perhaps a doctor? Or anyone else from the barangay?"Sa pagkakataong iyon ay san
Nagsimula ng umiyak si Autumn habang binabaybay nila ang kagubatan kasama ang mga tauhan ni Benedict at ilang mga barangay tanod. Halos hindi siya makahinga dahil sa labis na kabang nararamdaman niya. Mabuti sana kung naligaw lang ito. Ang ikinakatakot niya ay kung makasalamuha ito ng mga ligaw na hayop gaya ng ahas o kung ano pa."Neo! Nasaan ka?!" Sigaw niya habang sinusuyod ang maliit na daan."Mommy!" Dinig niyang sagot ng isang pamilyar na boses."Doc, mukhang nasa bandang batis po ang anak ninyo," ani ng isang tanod.Tumango siya at sinundan ang yabag nito. Ilang sandali pa'y natanaw na niya ang kanyang anak na naglalakad mula sa isang partikular na direksyon. Patakbo niya itong sinalubong at niyakap ng mahigpit."Oh my God! I thought I have lost you," nanginginig ang boses niyang sambit."I'm sorry, Mommy," mahina nitong bigkas."Are you hurt? Did something happen? Okay kalang ba?" Sunod-sunod niyang tanong.Agad siyang kumalas ng yakap at sinipat ng tingin ang kabuuan ni Neo p
Napatitig si Nicolo sa laruan na iniabot sa kanya ni Neo. Parang may mainit na bagay ang humaplos sa puso niya sa ginawa nito."Y—you're giving me your toy?" Nanginginig ang boses niyang tanong.Sunod-sunod naman ang naging pagtango nito. "Opo. Sayo na yung toy ko."Maluha-luha niya iyong tinanggap. "Thank you, Neo... Thank you," aniya habang nagpipigil na mapahagulhol.He was a damn soldier but he didn't expect he would be this crybaby infront of his own son. Maya-maya pa'y nag-angat ito ng tingin at napanguso."Are you sad po? Why are are nagcry? Hindi ba enough yung toy ko para happy ikaw?" Puno ng kainosentihan nitong tanong.Mariin siyang umiling at ngumiti. "Of course not. Masyado lang akong masaya na makilala ka kaya naiyak ako."Unti-unti naman itong napangiti. "Ako happy kasi kita tayo. Sana... Sana nextime magplay din tayo," nakangiti nitong wika."Oo naman. Kapag tapos na ako sa work, magpeplay na tayo palagi. Tayong tatlo ni Mommy mo," masuyo niyang wika bago mahigpit na n
Mula kay Nicolo, napatingin siya sa pintuan ng tent. Dali-dali siyang tumayo at sinugurado na nakalock iyon para walang makapasok na kahit isa. Nang masiguro niyang sarado na iyon, lumapit siya sa lalaki at agad na kinurot ang tagiliran nito. Napangiwi naman si Nicolo pero hindi ito gumawa ng anuma
Natigil sa paglalakad si Nicolo sa loob ng laboratory nang makarinig siya ng malakas na pagsabog. Agad niyang hinawakan ang dala niyang radyo para kausapin ang kanyang mga juniors. Bago siya pumasok sa loob kanina para hanapin si Benedict, mahigpit niyang bilin sa mga kasamahan niya na bantayan ang
Nanigas si Nicolo sa kanyang kinatatayuan nang mamataan ang suot ng isa sa mga biktima—isang kupas na kamiseta at tsinelas na gawa sa gulong. Ang isa naman ay matandang lalaki na may mga kalyo sa kamay, palatandaan ng pagsasaka.Sila ang mga taga-nayon mula sa liblib na bahagi ng lugar kung saan na
Nanatiling nakapako ang mga mata ni Autumn habang papalapit si Nicolo sa kanya. Dala ang mga sulat ni Nicolo, lumabas siya ng underground kani-kanina lang para doon ituloy ang pagbabasa. Subalit hindi paman siya nakakarami, hindi niya inaasahan ang bigla nitong paglitaw sa kanyang harapan.The mome



![Fated to Marry the Devil [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore