LOGINMabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.
Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing. Tahimik ang buong paligid. Walang tunog ng ulan. Wala ring tunog ng mahinang ungol o habol-hininga ni Astrid na paulit-ulit niyang narinig kagabi. Unti-unti siyang napamulat nang tuluyan. At doon niya agad napansin na wala na ang babae sa tabi niya. Nanigas ang ekspresyon niya. Mabilis siyang napabangon at napatingin sa kabilang side ng kama. Gusot pa rin ang bedsheet at may bakas pa ng presensya ni Astrid doon, pero malamig na ang pwesto nito. Ibig sabihin matagal na itong umalis. Mariing napahawak si Xavian sa noo niya habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Astrid. She came back. Pagkatapos ng limang taon. At pagkatapos ng limang taon na iyon… ngayon lang ulit siya nakatulog nang maayos. Napabuntong-hininga siya at isinandal ang likod sa headboard. I have insomnia for five fucking years. Simula nang mawala si Astrid ay halos hindi na siya makatulog nang maayos. Kahit gaano siya kapagod sa trabaho, kahit ilang bote ng alak ang ubusin niya, kahit ilang sleeping pills pa ang inumin niya, hindi talaga siya makatulog nang diretso. Every night felt like torture. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, mukha ni Astrid ang nakikita niya. Noong una, galit ang nararamdaman niya. Pero habang tumatagal… mas nangingibabaw ang pangungulila. Hinahanap-hanap niya ang init ng babae. Ang boses nito. Ang halik nito. At kagabi, for the first time in five years…nawala lahat ng ingay sa isip niya. Mahimbing siyang nakatulog habang yakap si Astrid. Napatawa siya nang mahina ngunit walang saya iyon. “Fuck…” paos niyang bulong. Parang isang magandang panaginip lang ang lahat. Ngunit mabilis ding nagdilim ang ekspresyon niya nang maalala niyang wala na naman si Astrid paggising niya. Just like before. Bigla na lang itong nawawala na parang bula. Mariin siyang napapikit. “Damn it, Astrid…” Tumayo siya mula sa kama at walang emosyon na pinulot ang pantalon niyang nakahagis sa sahig. Kalat pa rin ang mga damit nilang dalawa sa buong suite. Maging ang red laced nightgown ni Astrid ay nakahandusay pa malapit sa sofa. Napatitig siya roon nang matagal. Naalala niya kung paano iyon dahan-dahang nahulog mula sa katawan ng babae kagabi. Kung paano siya halos mabaliw nang marinig niyang banggitin ni Astrid ang pangalan niya habang lasing ito. Hindi niya alam kung ano ang mas matindi, ang galit niya rito? O ang katotohanang hanggang ngayon ay baliw pa rin siya rito? Mabigat ang hakbang na nagtungo siya sa banyo. Pagharap niya sa salamin ay isang pagod at magulong bersyon ng sarili niya ang sumalubong sa kanya. Magulo ang buhok niya. May bakas ng kalmot sa leeg at dibdib niya. At sa unang beses matapos ang mahabang panahon, mukha siyang tao ulit at hindi na parang bangkay na gumagalaw. Napailing siya bago binuksan ang shower. Malamig na tubig ang bumagsak sa katawan niya ngunit hindi noon maalis ang init na naiwan ni Astrid sa balat niya. Damn her. Kahit mawala ito nang paulit-ulit, kaya pa rin nitong guluhin ang buong pagkatao niya. Pagkatapos maligo ay mabilis siyang nagbihis. Nagsuot lang siya ng black slacks at white polo. At ang mamahaling relo na basta na lang nakapatong sa bedside drawer. Ngunit nang akmang kukunin niya iyon, napahinto siya. May nakita siyang perang nakapatong sa bedside table. Isang malinis na bundle ng libo-libong piso. 5,000 pesos. Nanlaki ang mga mata niya. Saglit siyang hindi gumalaw. Parang hindi agad nag-register sa isip niya ang nakita. Ngunit nang tuluyan iyong magsink in, biglang nanigas ang panga niya. Unti-unting dumilim ang ekspresyon niya habang nakatitig sa perang iniwan ni Astrid. Then he snapped. “Fuck!” Marahas niyang sinuntok ang bedside lamp dahilan para bumagsak iyon sa sahig at mabasag. Malakas ang paghinga niya habang titig na titig sa perang para bang iyon ang pinaka-insultong natanggap niya buong buhay niya. Binayaran siya. Binayaran siya ni Astrid matapos ang nangyari sa kanila kagabi. Parang isa siyang bayarang lalaki. Parang isa lang siyang random na spa technician na pinatulan nito dahil lasing ito. Nanlilisik ang mga mata niyang dinampot ang pera. Halos madurog iyon sa higpit ng hawak niya. “Is this how you see me?” madiin niyang bulong. Sumikip ang dibdib niya dahil sa galit. At sakit. Tangina. Habang siya halos mabaliw sa paghahanap dito sa loob ng limang taon…Habang gabi-gabi siyang hindi makatulog dahil sa pagkawala nito…Habang buong buhay niya umiikot pa rin kay Astrid. Para sa babae, isa lang siyang lalaking nakasama nito sa kama. At heto pa ang mas malala. Binayaran pa siya nito. Napatawa siya nang malamig. “Unbelievable…” Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya mula sa mesa at agad na tumawag. Ilang segundo lang ay may sumagot. “Boss?” rinig niyang boses ng assistant niya. “Find Astrid.” Mabilis. Malamig. Nakakatakot. “Sir?” “I don’t care how,” madiin niyang saad. “I want her location within the hour.” Ramdam niya ang kaba ng assistant sa kabilang linya. “Y-Yes, sir.” Pagkababa niya ng tawag ay muli niyang tinitigan ang perang nasa kamay niya. Naalala niya ang mukha ni Astrid kagabi. The way she held him. The way she whispered his name. Hindi iyon peke at sigurado siya. Kaya bakit? Bakit ito umalis ulit? At bakit kailangan siyang bayaran? Napailing siya habang pilit kinokontrol ang matinding emosyon sa dibdib niya. Pero isang bagay ang malinaw ngayon. Hindi na niya hahayaang mawala ulit si Astrid. Not this time. Kahit itali pa niya ito sa tabi niya. Kahit ikulong pa niya ito. Hindi na siya papayag na muling maranasan ang limang taon na impyerno. Muli niyang dinampot ang pera at malamig na ngumiti. “You really know how to piss me off, Astrid…” Samantala, sa loob ng isang black luxury car na mabilis na bumabaybay sa highway, tahimik lang na nakasandal si Astrid sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. Mahigpit niyang hawak ang handbag niya. Halos hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan niya. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil sa alaala ng lalaking iniwan niya sa hotel. Napapikit siya nang mariin. Hindi niya akalaing si Xavian iyon. Sa dami ng taong pwede niyang makasama kagabi… bakit siya pa? Parang tinatawanan siya ng tadhana. Mahina siyang napatawa ngunit puno ng pagod iyon. “Miss Astrid?” tawag ng driver. Hindi siya sumagot. Abala siya sa pagpigil sa magulong emosyon sa dibdib niya. Akala niya handa na siyang bumalik ng Pilipinas. Akala niya kaya na niyang harapin ang nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil isang gabi pa lang kasama si Xavian. Pakiramdam niya babalik na naman siya sa dating sarili niya. Sa babaeng handang sirain ang mundo para lang sa lalaking iyon. Dahan-dahan niyang inilabas ang cellphone niya. At agad bumungad ang mahigit limampung missed calls mula kay Fiona. Napabuntong-hininga siya. Tatawag pa lang sana siya pabalik nang biglang may pumasok na mensahe. From Unknown Number. Nanlamig ang kamay niya nang mabasa iyon. You ran away again. Kasunod no’n ang isa pang message. This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M
Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun
Hindi nakatulog si Ethan buong gabi. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato ng death certificate ng kanyang ama habang nakaupo sa madilim na opisina. Sa loob ng dalawampung taon, iisa lamang ang katotohanang pinaniwalaan niya. Nagpakamatay si Leonardo Cervantes. Iyon ang nakasulat sa opisyal na report. nIyon ang sinabi ng mga pulis. Iyon ang pinaniwalaan ng buong mundo. Ngunit ngayon...May isang hindi kilalang tao na nagsasabing kasinungalingan ang lahat.Your father was murdered.Parang paulit-ulit na umuukit ang mga salitang iyon sa isip niya. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Galit. Pagkalito. Takot. Lahat iyon ay nagsasama-sama sa kanyang dibdib. At higit sa lahat...Pagdududa. Dahil kung totoo iyon...Ano pa ang mga bagay na mali niyang pinaniwalaan buong buhay niya?Bigla siyang tumayo."Find the sender."Malamig ang boses niya. Agad tumango ang tauhan niyang nasa kabilang linya."Yes, sir."Pagkaputol ng tawag ay muli niyang tinitigan ang dokumento. At sa unang pagkakataon
Tahimik ang buong bahay matapos ang tawag ni Helena. Ngunit hindi iyon ang tahimik na nagbibigay ng kapayapaan. Kundi iyong klase ng katahimikan na parang may paparating na bagyo.Nakatayo si Xavian sa terrace habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga huling sinabi ni Helena."We've been looking at the wrong enemy."Sa loob ng maraming linggo, inakala nilang si Victor Avanzado ang sentro ng lahat. Ang dahilan ng galit ni Ethan. Ang dahilan ng paghihiganti. Ang dahilan ng panganib na bumabalot sa pamilya nila. Pero paano kung mali sila? Paano kung may mas malalim na ugat ang lahat? At paano kung mismong pamilya nila ang may kasalanan?"Xavian."Napalingon siya. Nakatayo si Astrid sa may pintuan ng terrace. Tahimik itong lumapit. Hindi na ito nagtatanong kung okay lang siya. Hindi na rin ito nagpapanggap na wala itong pakialam. Dahil sa puntong ito, pareho na nilang alam ang katotohanan. Kasama nila ang i
Hindi naging tahimik ang mga sumunod na araw sa Avanzado Estate. Sa kabila ng mahigpit na seguridad.Sa kabila ng mga bantay. Sa kabila ng mga taong nakapaligid para protektahan sila. Hindi pa rin mawala ang pakiramdam ni Astrid na may paparating na bagyo. Parang may kung anong naghihintay sa dilim.At anumang oras...Maaaring sumabog ang lahat.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, may isang bagay na pilit niyang pinanghahawakan. Si Ashton. Dahil habang tumatawa ang anak niya. Habang masaya ito.Habang normal pa rin ang mundo nito. Kaya pa niyang lumaban."Mama!"Napakurap siya. Mabilis na tumakbo si Ashton papunta sa kanya mula sa sala. May hawak itong papel. At mukhang sobrang excited."Look!"Agad niya iyong tinanggap. At nang mabasa niya ang laman...Bahagya siyang napangiti.Family Day ProgramNanlaki ang mga mata ni Ashton."We have family day this Friday!"Masayang-masaya ang bata. Parang nanalo sa raffle.At agad nitong idinagdag—"Mom and dad need to come!"Nanigas si Astrid. Li
Hindi na pinag-isipan pa ni Xavian ang desisyon. Matapos ang nangyari sa school ni Ashton...Matapos ang pagtatangkang lapitan ng tauhan ni Ethan Cervantes ang anak nila...Isa lang ang malinaw sa isip niya. Hindi na ligtas sina Astrid at Ashton sa bahay na tinitirhan nila ngayon. At wala siyang balak hintaying may mas masamang mangyari bago kumilos."No."Agad na tumanggi si Astrid nang marinig ang plano nito. Nakatayo silang dalawa sa sala habang abala si Ashton sa panonood ng cartoons. Hindi nito naririnig ang usapan. At mabuti na rin iyon. Dahil ayaw nilang maramdaman ng bata ang takot na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat."Astrid—""No, Xavian."Napapikit siya. Dahil alam niyang matigas ang ulo ng babae. At alam din niyang hindi ito basta-basta magpapasunod. Katulad noon. Katulad pa rin ngayon.Ngunit sa pagkakataong ito...Hindi siya susuko."Someone approached our son."Mababa ang boses niya. Diretso. Walang paligoy-ligoy.Agad natahimik si Astrid. Dahil alam nitong tama siy
Halos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan.You ran away again.This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Kahit hind
Sa isang Presidential Suite.Kakaibang init ang bumabalot sa buong kwarto, init na parang yumayakap sa kanilang pagkatao.Dalawang tao ang magkayakap sa paraang ayaw nang magkahiwalay. Ang kutis ng babae ay kasing puti ng jade, kasing kinis ng nyebe, maselan at malambot, na may bahagyang mapulang
Chapter 17Hindi na muling nakatulog nang maayos si Astrid. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, iisa lang ang naiisip niya. Si Ashton. At ang posibilidad na may taong gustong agawin ito sa kanya.Limang taon niyang pinalaki ang anak nang siya lang.Limang niyang ipinaglaban. Limang taon niy
Chapter 8Hindi makatulog si Astrid buong gabi. Paulit-ulit lang sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian bago ito umalis.“Kapag nalaman kong anak ko siya… I’m taking back what’s mine.”Mahigpit niyang niyakap ang unan habang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Katabi niya si Ashton na mahimbing na n







