Share

Running Away With His Child
Running Away With His Child
Author: KristiyanongInlove

CHAPTER 1

last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-27 15:50:43

Sa isang Presidential Suite.

Kakaibang init ang bumabalot sa buong kwarto, init na parang yumayakap sa kanilang pagkatao.

Dalawang tao ang magkayakap sa paraang ayaw nang magkahiwalay. 

Ang kutis ng babae ay kasing puti ng jade, kasing kinis ng nyebe, maselan at malambot, na may bahagyang mapulang kinang.

Ang lalaking may malapad na balikat, makitid na baywang, matalas na hubog ng mga buto, at matitipunong kalamnan ay naglalabas ng makapangyarihang presensya na lalo siyang nagiging seksi at kaakit-akit.

Kakabalik lang ni Astrid galing China. Nakipagkita siya agad sa matalik niyang kaibigan na si Fiona. 

Kahit may jetlag pa si Astrid ay nagtungo agad sila ni Fiona sa isang club para uminom at mag-party. Hindi malakas ang alcohol tolerance ni Astrid kaya agad din siyang nalasing.

Kaya naman nag book ng isang Presidential suite na may kasamang spa service si Fiona para sa kaibigan. 

Pagkarating sa suite ay inihiga ni Fiona ang kaibigan sa king sized bed.

“Maiwan na kita, hintayin mo na lang ‘yong spa technician. Kumuha rin kasi ako ng spa service para sa’yo.” Saad ni Fiona.

“Hmmm,”

Umalis na nga si Fiona pagkatapos nun.

Nakaramdam ng init si Astrid kaya tumayo ito at naghubad. Naghalungkat siya sa luggage niya at nakita niya ang isang red laced night gown kaya iyon ang isinuot niya.

Naupo siya sa kama habang nakaharap sa glass window at may hawak-hawak na Isang baso ng red wine.

Maya-maya ay narinig niyang bumukas ang pintuan sa likuran niya pero hindi siya lumingon.

Pumasok si Xavian at napako ang tingin niya sa maputi at makinis na likod ng dalaga. Napalunok siya dahil sa nakita niya.

“Fucked,”

Napalingon si Astrid nang makarinig ng boses ng isang lalaki.

“Lalaki ka?” Gulat na tanong ng babae.

Never pa kasi siyang naka experience ng spa service na lalaki ang spa technician. 

Napakunot naman si Xavian.

Hindi niya ba ako nakikilala? 

Maya-maya naglakad ng kamay si Astrid.

“Ipakita mo sa akin ang medical certificate mo.”

Nagdalawang-isip  pa si Xavian kung ipapakita niya ba sa babae ang medical certificate niya o hindi. At habang nagdadalawang-isip siya ay hindi niya namalayan na nasa harapan na niya ang babae. Nakatingala ito sa kanya dahil mas mataas siya dito.

“Ang pogi mo naman.”

Dun na confirm ni Xavian na lasing nga ang babae. Aside kasi sa mapula-pula na ang pisngi nito ay hindi rin siya nito makilala.

Huminga siya ng malalim at doon nakatitig si Astrid sa Adams apple ng binata na nagtaas-baba noong huminga ito.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Astrid at hinalikan ang Adams apple ni Xavian saka marahang kinagat ito. Gulata naman na napakagat ng labi niya ang lalaki at may kumawalang munting ingay sa labi nito.

Fucked, Astrid, you’re driving me nuts.

“Do you want to sleep with me?” Tanong ni Astrid.

“Nakikilala mo ba ako?”

“My spa technician?”

Napapikit nang mariin si Xavian.

She’s asking a random male spa technician to sleep with her? Is she out of her mind?!

“Don’t worry, I’ll double the pay.” Saad pa ni Astrid.

Hindi na nakapag pigil si Xavian at sinunggaban na niya ng halik ang babae.

It’s been five years. He’s been looking for her for five years. Ngayon niya lang ulit nakita ang babae tapos nag aaya pa ito ng kung sino-sino.

She deserved a punishment for that.

Mariin niyang kinagat ang leeg ng babae kaya napaungol ito. 

Five years simula nang maghiwalay silang dalawa. Simula nun hindi na niya nakita muli ang babae. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Halos nalibot na niya ang buong Pilipinas sa loob ng five years pero hindi niya mahanap-hanap ang babae.

Hanggang isang araw ay may natanggap siyang balita na uuwi raw si Astrid galing China. Hindi niya manlang nalaman na nagpunta ito ng China. Kaya kaninang umaga palang ay nasa airport na siya at naghihintay.

Galit na galit siya. Gusto niyang saktan at patayin ang babae dahil sa sakit na idinulot nito sa kanya. Nang makita niya ito sa airport ay hindi agad siya lumapit. Sinundan niya muna ito. Nakasunod lang siya noong nagpunta ito sa club kasama ang kaibigan nito. Hanggang sa nagpunta ito sa Lawrence hotel ay nakasunod parin siya.

Nang makita niyang umalis si Fiona at naiwang mag-isa si Astrid sa Presidential Suite sa 55th floor ay doon na siya pumasok. Handa na siyang patayin ito pero no’ng nakita niya ang likod ng babae ay nanlambot siya.

Ang tagal na nang huling dumampi ang mga labi niya sa makinis at maputing likod na iyon. Nang halikan at kagatin ni Astrid ang Adams apple niya ay doon na siya tuluyang bumigay.

Hindi na namalayan ni Astrid kung paano sila napuntang presidential suite ng 56th floor gayong nasa 55th floor lang naman sila kanina. Hindi na niya iyon iniisip pa dahil nababaliw na siya sa sarap na ipinararanas sa kanya ng lalaking kasama niya ngayon. 

Hindi niya alam kung ilang beses siyang inagkin ng lalaking ‘yon noong gabing iyon. 

“You know what, you look like my ex-boyfriend.” Saad ni Astrid.

So naaalala parin niya ako? After five long years ay naaalala niya parin ako.

And while they were doing it, Astrid keeps moaning Xavian’s name. Louder and louder.

“That's it, keep moaning my name. Because I’ll be damn jealous if you moan another man’s name while I’m claiming you.”

Mariing napakapit si Astrid sa balikat ni Xavian habang habol-hininga itong napapapikit. Nanginginig pa ang buo niyang katawan sa init na dulot ng lalaki.

Ngunit sa kabila ng kalasingan niya, may kung anong pamilyar sa paraan ng paghawak nito sa kanya.

Sa paraan ng marahang pagkagat nito sa leeg niya. Sa paraan ng paghaplos nito sa bewang niya na para bang kabisado ang bawat kurba ng katawan niya.

At higit sa lahat…

Sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

“X-Xavian…” mahina niyang bulong habang unti-unting namumulat ang isip niya.

Napatigil ang lalaki.

Saglit na nanahimik ang buong kwarto maliban sa mahinang tunog ng ulan sa labas ng glass windows ng suite.

Dahan-dahang itinaas ni Astrid ang kamay niya at hinawakan ang mukha ng lalaki. Dumako ang tingin niya sa matalas nitong panga, sa malamlam nitong mga mata, hanggang sa maliit na peklat sa gilid ng labi nito.

Pamilyar na pamilyar.

Biglang nanlaki ang mga mata niya.

“I-Ikaw…”

Madilim ang ekspresyon ni Xavian habang titig na titig sa kanya.

“Finally recognized me?” malamig nitong tanong.

Napaatras si Astrid ngunit agad din siyang nahila pabalik ng lalaki.

“Five years, Astrid.” Paos ang boses nito. “Five damn years kang nawala na parang bula.”

Nanuyo ang lalamunan ng babae.

Hindi niya inaasahang magkikita silang muli nang ganito.

Hindi matapos-tapos ang paghahanap sa kanya ni Xavian noon. Alam niya iyon. Kaya nga siya umalis.

Pero hindi niya inakalang hanggang ngayon ay ganoon pa rin katindi ang emosyon nito.

“Bitawan mo ako…” mahina niyang saad.

Ngumiti si Xavian ngunit walang init iyon.

“You disappeared without a word.” Marahan nitong hinaplos ang buhok niya ngunit puno ng pagpipigil ang galaw nito. “Tapos pagbalik mo dito, nagyayaya ka ng ibang lalaki?”

“I was drunk…”

“That’s not an excuse.”

Napapikit si Astrid nang maramdaman niyang sumandal ang noo ng lalaki sa kanya.

“Do you know how crazy I became looking for you?” bulong nito. “Halos masiraan ako ng ulo.”

Bahagyang nanginig ang pilikmata ni Astrid.

Naalala niya lahat.

Kung paano sila nagmahalan noon. Kung paano naging possessive si Xavian. Kung paano sila nasaktan pareho hanggang sa siya mismo ang kusang lumayo.

Akala niya, nakalimutan na siya nito.

Pero mukhang hindi.

Lalong humigpit ang hawak ni Xavian sa bewang niya.

“You left me,” madiin nitong sabi. “And now you’re back… what do you expect me to do?”

Hindi agad nakasagot si Astrid.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Running Away With His Child   CHAPTER 30

    Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M

  • Running Away With His Child   CHAPTER 29

    Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun

  • Running Away With His Child   CHAPTER 28

    Hindi nakatulog si Ethan buong gabi. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato ng death certificate ng kanyang ama habang nakaupo sa madilim na opisina. Sa loob ng dalawampung taon, iisa lamang ang katotohanang pinaniwalaan niya. Nagpakamatay si Leonardo Cervantes. Iyon ang nakasulat sa opisyal na report. nIyon ang sinabi ng mga pulis. Iyon ang pinaniwalaan ng buong mundo. Ngunit ngayon...May isang hindi kilalang tao na nagsasabing kasinungalingan ang lahat.Your father was murdered.Parang paulit-ulit na umuukit ang mga salitang iyon sa isip niya. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Galit. Pagkalito. Takot. Lahat iyon ay nagsasama-sama sa kanyang dibdib. At higit sa lahat...Pagdududa. Dahil kung totoo iyon...Ano pa ang mga bagay na mali niyang pinaniwalaan buong buhay niya?Bigla siyang tumayo."Find the sender."Malamig ang boses niya. Agad tumango ang tauhan niyang nasa kabilang linya."Yes, sir."Pagkaputol ng tawag ay muli niyang tinitigan ang dokumento. At sa unang pagkakataon

  • Running Away With His Child   CHAPTER 27

    Tahimik ang buong bahay matapos ang tawag ni Helena. Ngunit hindi iyon ang tahimik na nagbibigay ng kapayapaan. Kundi iyong klase ng katahimikan na parang may paparating na bagyo.Nakatayo si Xavian sa terrace habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga huling sinabi ni Helena."We've been looking at the wrong enemy."Sa loob ng maraming linggo, inakala nilang si Victor Avanzado ang sentro ng lahat. Ang dahilan ng galit ni Ethan. Ang dahilan ng paghihiganti. Ang dahilan ng panganib na bumabalot sa pamilya nila. Pero paano kung mali sila? Paano kung may mas malalim na ugat ang lahat? At paano kung mismong pamilya nila ang may kasalanan?"Xavian."Napalingon siya. Nakatayo si Astrid sa may pintuan ng terrace. Tahimik itong lumapit. Hindi na ito nagtatanong kung okay lang siya. Hindi na rin ito nagpapanggap na wala itong pakialam. Dahil sa puntong ito, pareho na nilang alam ang katotohanan. Kasama nila ang i

  • Running Away With His Child   CHAPTER 26

    Hindi naging tahimik ang mga sumunod na araw sa Avanzado Estate. Sa kabila ng mahigpit na seguridad.Sa kabila ng mga bantay. Sa kabila ng mga taong nakapaligid para protektahan sila. Hindi pa rin mawala ang pakiramdam ni Astrid na may paparating na bagyo. Parang may kung anong naghihintay sa dilim.At anumang oras...Maaaring sumabog ang lahat.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, may isang bagay na pilit niyang pinanghahawakan. Si Ashton. Dahil habang tumatawa ang anak niya. Habang masaya ito.Habang normal pa rin ang mundo nito. Kaya pa niyang lumaban."Mama!"Napakurap siya. Mabilis na tumakbo si Ashton papunta sa kanya mula sa sala. May hawak itong papel. At mukhang sobrang excited."Look!"Agad niya iyong tinanggap. At nang mabasa niya ang laman...Bahagya siyang napangiti.Family Day ProgramNanlaki ang mga mata ni Ashton."We have family day this Friday!"Masayang-masaya ang bata. Parang nanalo sa raffle.At agad nitong idinagdag—"Mom and dad need to come!"Nanigas si Astrid. Li

  • Running Away With His Child   CHAPTER 25

    Hindi na pinag-isipan pa ni Xavian ang desisyon. Matapos ang nangyari sa school ni Ashton...Matapos ang pagtatangkang lapitan ng tauhan ni Ethan Cervantes ang anak nila...Isa lang ang malinaw sa isip niya. Hindi na ligtas sina Astrid at Ashton sa bahay na tinitirhan nila ngayon. At wala siyang balak hintaying may mas masamang mangyari bago kumilos."No."Agad na tumanggi si Astrid nang marinig ang plano nito. Nakatayo silang dalawa sa sala habang abala si Ashton sa panonood ng cartoons. Hindi nito naririnig ang usapan. At mabuti na rin iyon. Dahil ayaw nilang maramdaman ng bata ang takot na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat."Astrid—""No, Xavian."Napapikit siya. Dahil alam niyang matigas ang ulo ng babae. At alam din niyang hindi ito basta-basta magpapasunod. Katulad noon. Katulad pa rin ngayon.Ngunit sa pagkakataong ito...Hindi siya susuko."Someone approached our son."Mababa ang boses niya. Diretso. Walang paligoy-ligoy.Agad natahimik si Astrid. Dahil alam nitong tama siy

  • Running Away With His Child   CHAPTER 5

    Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o

  • Running Away With His Child   CHAPTER 4

    Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig

  • Running Away With His Child   CHAPTER 3

    Halos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan.You ran away again.This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Kahit hind

  • Running Away With His Child   CHAPTER 2

    Mabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing.Tahimik ang buong paligid.Walang tunog ng ulan. Wala ring

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status