Share

CHAPTER 4

last update publish date: 2026-05-27 16:04:23

Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.

Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig na galit sa mga mata nito.

Samantalang si Fiona naman ay salitan ang tingin sa kanilang dalawa na para bang hindi alam kung matatawa ba o matataranta.

“Teka lang—” naguguluhang saad nito. “Ano bang nangyayari dito?”

Napakagat ng labi si Astrid habang pilit kinokontrol ang kaba niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Lalo na’t alam niyang hindi simpleng “past relationship” lang ang meron sila ni Xavian.

Magulo. Masakit. At puno ng mga lihim.

“Out.” malamig na saad ni Xavian.

Napakurap si Fiona.

“H-Ha?”

“I said out.”

Mababa ang boses nito ngunit sapat para maramdaman ang bigat ng awtoridad nito.

Napalingon si Fiona kay Astrid na para bang nagtatanong kung okay lang ba siya. Pilit namang ngumiti ang babae.

“I’m okay.”

Hindi kumbinsido si Fiona pero tumango pa rin ito.

“Sige… I’ll wait outside.”

Pagkasara ng pinto ay agad na bumigat ang atmosphere ng buong opisina.

Pakiramdam ni Astrid ay mas lalo siyang nahirapang huminga.

Dahan-dahang sumandal si Xavian sa gilid ng mesa habang walang emosyon na nakatitig sa kanya.

“Care to explain?” malamig nitong tanong.

Hindi agad nakasagot si Astrid. Hindi niya kayang salubungin ang titig nito.

“Xavian…”

“Answer me.”

Napapikit siya sandali.

“I was drunk.”

Napatawa nang mahina ang lalaki ngunit walang amusement doon.

“That’s your excuse again?”

Mariing napahawak si Astrid sa strap ng bag niya.

“I didn’t know it was you.”

“Then what?” malamig nitong saad. “Kung hindi ako ‘yon, okay lang? Kahit sinong lalaki na lang?”

“Stop twisting my words!”

Biglang tumalim ang tingin ni Xavian.

“Then tell me what the hell that money means.”

Tahimik ulit.

Pakiramdam ni Astrid ay unti-unting bumabalik ang takot na matagal niyang tinakasan. Ito ang dahilan kung bakit siya umalis noon. Kapag nagagalit si Xavian…Pakiramdam niya kayang sirain ng lalaki ang buong mundo.

“I left it because—”

“Because what?” putol agad nito. “Para wala akong masabi? Para isipin kong bayaran mo lang ako?”

“No!”

Mabilis ang sagot niya.

Napahinga siya nang malalim bago marahang nagsalita.

“I left it because I panicked.”

Naningkit ang mga mata ni Xavian.

“Panicked?”

“Oo,” mahina niyang saad. “Hindi ko alam gagawin ko paggising ko.”

Saglit na natahimik ang lalaki. Ngunit hindi pa rin nawawala ang lamig sa ekspresyon nito.

“Five years kang nawala,” madiin nitong sabi. “Pagbalik mo, iiwanan mo ulit ako kinabukasan.”

Nanuyo ang lalamunan ni Astrid. Hindi niya alam kung bakit mas masakit marinig iyon ngayon. Marahil dahil alam niyang may kasalanan talaga siya.

Pero wala siyang choice noon. Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang ilayo ang sarili niya kay Xavian. Dahil kung hindi…Mabubunyag ang lihim na pilit niyang itinago sa loob ng limang taon. At iyon ang pinakakinatatakutan niya ngayon. Hindi niya pwedeng malaman. Hindi pa.

Mahigpit siyang napakapit sa bag niya.

Hindi napansin ni Xavian ang bahagyang panginginig ng kamay niya dahil abala ito sa pagpigil ng galit.

“Do you know what I went through because of you?” paos nitong tanong.

Napayuko si Astrid.

“Xavian…”

“Hindi mo man lang ako kinausap.” Lumapit ito nang kaunti. “Bigla ka na lang nawala.”

Humigpit ang dibdib niya.

Alam niya. At araw-araw niyang dala ang guilt na iyon.

“May dahilan ako noon.”

“Then tell me.”

Napapikit siya nang mariin. Hindi pwede. Hindi niya kayang sabihin. Dahil sa oras na malaman ni Xavian ang totoo, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. At baka iyon na tuluyan nilang ikasira.

“Hindi ko pweding sabihin.”

Biglang tumigas ang ekspresyon ng lalaki.

“So there’s really something.”

Mabilis na napaangat ang tingin ni Astrid.

“What?”

“Five years, Astrid.” Naningkit ang mga mata ni Xavian. “Hindi ka basta mawawala nang ganoon lang.”

Pakiramdam niya ay lalo siyang kinakabahan habang titig na titig sa kanya ang lalaki. Parang sinusubukan nitong basahin lahat ng tinatago niya. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Dahil si Xavian, masyado siyang kilala nito.

“You’re hiding something from me.”

Nanlamig ang buo niyang katawan.

“No.”

“Lie.”

Mariin siyang napalunok. Kailangan niyang kumalma. Hindi niya pwedeng mahalata. Hindi pwede.

Biglang tumunog ang cellphone ni Xavian dahilan para maputol ang tensyon sa pagitan nila.

Hindi agad ito sumagot.

Nakatingin pa rin ito kay Astrid bago dahan-dahang kinuha ang phone mula sa bulsa nito.

Bahagya itong napailing saka sinagot ang tawag.

“Yes?”

Tahimik na nakatayo lang si Astrid habang pilit inaayos ang magulong paghinga niya.

Ngunit habang abala si Xavian sa tawag, bahagya niyang naaninag ang wallpaper ng cellphone nito. At doon siya tuluyang nanigas. Larawan niya iyon. Old picture. Kuha limang taon na ang nakakaraan. Nakangiti siya habang yakap si Xavian sa isang beach.

Parang gumuho ang mundo niya. Hindi niya inakalang hanggang ngayon ginagamit pa rin iyon ni Xavian.

Five years na ang lumipas. Pero hindi siya nakalimutan ng lalaki kahit kailan. At iyon ang mas lalong nagpabigat sa dibdib niya.

Mabilis siyang umiwas ng tingin nang matapos ang tawag. Ngunit tila napansin ni Xavian ang reaksyon niya.

Bahagya itong napangisi.

“You saw it?”

Hindi siya sumagot.

“Hindi ko pinalitan ‘yong wallpaper ko.”

Lalong sumikip ang dibdib niya. Bakit ginagawa nito ito? Bakit parang mas lalo nitong pinapahirapan ang puso niya?

“Why are you telling me that?” mahina niyang tanong.

Malamig itong tumawa.

“Because unlike you…” marahan nitong saad, “I never forgot.”

Tahimik ulit. At sa pagkakataong iyon, gusto na lang ni Astrid tumakas.

Dahil pakiramdam niya unti-unti nang bumibigay ang matagal niyang itinayong pader laban kay Xavian.

Mabilis niyang iniwas ang tingin.

“Kailangan ko nang umalis.”

Akma siyang lalampas dito ngunit agad siyang nahawakan ni Xavian sa pulsuhan.

Napasinghap siya. Mainit ang palad nito. At ganoon pa rin ang pakiramdam. Parang kaya nitong sunugin buong pagkatao niya.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap.”

“Xavian…”

“Tell me the truth.”

Mariin siyang napapikit. Kung pwede lang. Kung kaya lang niya. Pero hindi pwede. Dahil kapag nalaman nito, hindi niya alam kung anong mangyayari.

Biglang may kumatok sa pinto. Pareho silang napalingon. At nang bumukas iyon ay agad na pumasok si Fiona.

“Boss, nandito na po ‘yong investors from Singapore.”

Bahagyang kumunot ang noo nito nang makitang hawak pa rin ni Xavian ang pulsuhan ni Astrid.

Ngunit mabilis ding kumalma ang ekspresyon nito.

“Ah… am I interrupting something?”

Agad na binawi ni Astrid ang kamay niya.

“No,” mabilis niyang saad.

Ngunit bago pa siya makaalis, muling nagsalita si Xavian.

“Starting today,” malamig nitong saad habang nakatingin sa kanya, “you’ll work directly under me.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“What?”

Maging si Fiona ay nagulat.

“Boss? Pero design managers usually—”

“She’s an exception.”

Pakiramdam ni Astrid ay lalo siyang kinabahan. Hindi maganda ito. Hindi talaga.

Kapag palagi silang magkasama ni Xavian, mas mataas ang posibilidad na malaman nito ang lihim niya. At hindi niya pwedeng hayaan mangyari iyon.

Hindi matapos-tapos ang pag-iisip niya habang nakasakay sa elevator pababa.

Tahimik lang si Fiona sa tabi niya ngunit halatang gustong-gusto na nitong magtanong. At hindi nga siya nagkamali. Pagkasara pa lang ng elevator doors ay agad itong napaharap sa kanya.

“Okay,” saad nito. “Explain.”

Napabuntong-hininga si Astrid.

“It’s complicated.”

“Complicated?!” halos mapasigaw si Fiona. “Girl, sinabi ng boss natin na kilalang-kilala ka niya habang may hawak na limang libo!”

Napahawak si Astrid sa noo niya.

“I know…”

Naningkit ang mga mata ni Fiona.

“Wait… ex mo ba siya?”

Tahimik.

At doon tuluyang napasinghap si Fiona.

“No freaking way.”

Ngunit bago pa ito makapagtanong ulit, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Astrid.

Nanlamig agad ang mukha niya nang makita ang sender. Si Xavian.

Mabagal niyang binuksan ang message. At halos tumigil ang tibok ng puso niya sa nabasa.

You can hide your secret from everyone else, Astrid.

But not from me.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Running Away With His Child   CHAPTER 30

    Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M

  • Running Away With His Child   CHAPTER 29

    Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun

  • Running Away With His Child   CHAPTER 28

    Hindi nakatulog si Ethan buong gabi. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato ng death certificate ng kanyang ama habang nakaupo sa madilim na opisina. Sa loob ng dalawampung taon, iisa lamang ang katotohanang pinaniwalaan niya. Nagpakamatay si Leonardo Cervantes. Iyon ang nakasulat sa opisyal na report. nIyon ang sinabi ng mga pulis. Iyon ang pinaniwalaan ng buong mundo. Ngunit ngayon...May isang hindi kilalang tao na nagsasabing kasinungalingan ang lahat.Your father was murdered.Parang paulit-ulit na umuukit ang mga salitang iyon sa isip niya. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Galit. Pagkalito. Takot. Lahat iyon ay nagsasama-sama sa kanyang dibdib. At higit sa lahat...Pagdududa. Dahil kung totoo iyon...Ano pa ang mga bagay na mali niyang pinaniwalaan buong buhay niya?Bigla siyang tumayo."Find the sender."Malamig ang boses niya. Agad tumango ang tauhan niyang nasa kabilang linya."Yes, sir."Pagkaputol ng tawag ay muli niyang tinitigan ang dokumento. At sa unang pagkakataon

  • Running Away With His Child   CHAPTER 27

    Tahimik ang buong bahay matapos ang tawag ni Helena. Ngunit hindi iyon ang tahimik na nagbibigay ng kapayapaan. Kundi iyong klase ng katahimikan na parang may paparating na bagyo.Nakatayo si Xavian sa terrace habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga huling sinabi ni Helena."We've been looking at the wrong enemy."Sa loob ng maraming linggo, inakala nilang si Victor Avanzado ang sentro ng lahat. Ang dahilan ng galit ni Ethan. Ang dahilan ng paghihiganti. Ang dahilan ng panganib na bumabalot sa pamilya nila. Pero paano kung mali sila? Paano kung may mas malalim na ugat ang lahat? At paano kung mismong pamilya nila ang may kasalanan?"Xavian."Napalingon siya. Nakatayo si Astrid sa may pintuan ng terrace. Tahimik itong lumapit. Hindi na ito nagtatanong kung okay lang siya. Hindi na rin ito nagpapanggap na wala itong pakialam. Dahil sa puntong ito, pareho na nilang alam ang katotohanan. Kasama nila ang i

  • Running Away With His Child   CHAPTER 26

    Hindi naging tahimik ang mga sumunod na araw sa Avanzado Estate. Sa kabila ng mahigpit na seguridad.Sa kabila ng mga bantay. Sa kabila ng mga taong nakapaligid para protektahan sila. Hindi pa rin mawala ang pakiramdam ni Astrid na may paparating na bagyo. Parang may kung anong naghihintay sa dilim.At anumang oras...Maaaring sumabog ang lahat.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, may isang bagay na pilit niyang pinanghahawakan. Si Ashton. Dahil habang tumatawa ang anak niya. Habang masaya ito.Habang normal pa rin ang mundo nito. Kaya pa niyang lumaban."Mama!"Napakurap siya. Mabilis na tumakbo si Ashton papunta sa kanya mula sa sala. May hawak itong papel. At mukhang sobrang excited."Look!"Agad niya iyong tinanggap. At nang mabasa niya ang laman...Bahagya siyang napangiti.Family Day ProgramNanlaki ang mga mata ni Ashton."We have family day this Friday!"Masayang-masaya ang bata. Parang nanalo sa raffle.At agad nitong idinagdag—"Mom and dad need to come!"Nanigas si Astrid. Li

  • Running Away With His Child   CHAPTER 25

    Hindi na pinag-isipan pa ni Xavian ang desisyon. Matapos ang nangyari sa school ni Ashton...Matapos ang pagtatangkang lapitan ng tauhan ni Ethan Cervantes ang anak nila...Isa lang ang malinaw sa isip niya. Hindi na ligtas sina Astrid at Ashton sa bahay na tinitirhan nila ngayon. At wala siyang balak hintaying may mas masamang mangyari bago kumilos."No."Agad na tumanggi si Astrid nang marinig ang plano nito. Nakatayo silang dalawa sa sala habang abala si Ashton sa panonood ng cartoons. Hindi nito naririnig ang usapan. At mabuti na rin iyon. Dahil ayaw nilang maramdaman ng bata ang takot na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat."Astrid—""No, Xavian."Napapikit siya. Dahil alam niyang matigas ang ulo ng babae. At alam din niyang hindi ito basta-basta magpapasunod. Katulad noon. Katulad pa rin ngayon.Ngunit sa pagkakataong ito...Hindi siya susuko."Someone approached our son."Mababa ang boses niya. Diretso. Walang paligoy-ligoy.Agad natahimik si Astrid. Dahil alam nitong tama siy

  • Running Away With His Child   CHAPTER 5

    Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o

  • Running Away With His Child   CHAPTER 3

    Halos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan.You ran away again.This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Kahit hind

  • Running Away With His Child   CHAPTER 2

    Mabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing.Tahimik ang buong paligid.Walang tunog ng ulan. Wala ring

  • Running Away With His Child   CHAPTER 1

    Sa isang Presidential Suite.Kakaibang init ang bumabalot sa buong kwarto, init na parang yumayakap sa kanilang pagkatao.Dalawang tao ang magkayakap sa paraang ayaw nang magkahiwalay. Ang kutis ng babae ay kasing puti ng jade, kasing kinis ng nyebe, maselan at malambot, na may bahagyang mapulang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status