LOGINHalos buong araw na lutang si Astrid.
Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian. You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me. Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya. Pakiramdam niya anumang oras ay mabubunyag na ang lahat. At iyon ang pinakakinatatakutan niya. Tahimik siyang nakaupo sa conference room habang nagsasalita ang isa sa project heads tungkol sa bagong luxury hotel project ng kumpanya. Pero wala siyang maintindihan. Abala siya sa pagpigil sa kaba. “What do you think, Ms. Alejandro?” Bigla siyang napakurap nang matawag. Lahat ng tingin ay nasa kanya. Maging si Xavian na nasa pinakadulong bahagi ng conference table ay malamig na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang umayos ng upo. “I think… mas magandang gawing minimalist contemporary ang lobby para mas lumabas ‘yong elegance ng structure.” Tumango ang project head. “Exactly what I was thinking.” Ngunit hindi pa rin inaalis ni Xavian ang tingin nito sa kanya. Parang sinusubukan nitong himayin lahat ng nasa isip niya. Nakakabinging tensyon ang namagitan sa kanilang dalawa hanggang matapos ang meeting. Pagkatapos no’n ay agad na tumayo si Astrid para makaalis. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng conference room… “Ms. Alejandro.” Huminto siya. Nanuyo agad ang lalamunan niya nang marinig ang boses ni Xavian. Unti-unti siyang lumingon. Nakatayo na ngayon ang lalaki habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa nito. “Stay.” Tahimik na nagsialisan ang ibang employees. Maging si Fiona ay napatingin muna kay Astrid bago tuluyang lumabas. At nang tuluyang sumara ang pinto, pakiramdam ni Astrid ay lalo siyang kinapos ng hininga. Mabagal na lumapit si Xavian sa kanya. “What do you want?” mahina niyang tanong. Naningkit ang mga mata ng lalaki. “The truth.” Napapikit siya nang mariin. Again. Lagi na lang iyon. Pero paano niya sasabihin? Paanong sasabihin niyang habang halos mabaliw ito sa paghahanap sa kanya noon…bitbit-bitbit niya ang anak nila? “Wala akong itinatago.” Malamig na tumawa si Xavian. “You’re a terrible liar.” Hindi siya sumagot. Tumigil ito sa harapan niya. Sobrang lapit. Ramdam niya agad ang init ng katawan nito. “Why did you leave?” Tahimik. “Tell me the real reason.” Mariing napakagat si Astrid sa labi. At sa pagkakataong iyon… Bumalik lahat ng alaala niya. *Flashback* “Nasaan ka?!” sigaw ni Xavian habang malakas na ibinabagsak ang vase sa sahig. Napapikit si Astrid habang nanginginig sa takot. “Office lang ako—” “Sinungaling!” Marahas siyang hinila nito noon sa braso. Halos mapaiyak siya sa sakit. Possessive si Xavian noon. Mahal siya nito. Sobra. Pero habang tumatagal… Lalong nagiging mapanganib ang pagmamahal nito. Kontrolado nito lahat. Kung sino kakausapin niya. Saan siya pupunta. Anong oras siya uuwi. At kapag nagseselos ito, nagiging bayolente. Hindi man siya direktang sinasaktan noon ni Xavian…Pero sapat na ang paraan ng paghawak nito kapag galit. Sapat na ang mga basag na gamit.Mga suntok sa pader. At nakakatakot nitong mga mata. Hanggang sa isang araw… Nalaman niyang buntis siya. At doon siya tuluyang natakot. Ayaw niyang lumaki ang anak niya sa ganoong klaseng environment. Ayaw niyang matutunang katakutan ang sariling ama.Kaya umalis siya. Walang paalam. Walang paliwanag. Dahil alam niyang hindi siya pakakawalan ni Xavian kapag sinabi niya ang totoo. *End of Flashback* “Answer me, Astrid.” Muling bumalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang malamig na boses ng lalaki. Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Kailangan ko nang umuwi.” Akma siyang lalakad palayo ngunit agad siyang nahawakan ni Xavian sa braso. Nanigas siya. Hindi niya namalayang bahagya siyang nanginig. At tila napansin iyon ng lalaki. Biglang kumunot ang noo nito. “Why are you shaking?” Mabilis niyang binawi ang kamay niya. “I’m tired.” Ngunit habang nakatitig si Xavian sa kanya… May kung anong kakaiba sa ekspresyon nito. Parang may naalala ito. Parang may napansin. At lalo iyong nagpakaba kay Astrid. Hindi na siya naghintay pa. Mabilis siyang lumabas ng conference room at dire-diretsong naglakad papunta sa elevator. Kailangan niyang makaalis. Kailangan niyang makauwi. At higit sa lahat, kailangan niyang makita ang anak niya. Pagdating niya sa condo unit ay agad siyang sinalubong ng katahimikan. Ngunit ilang segundo lang… “Mama!” Biglang lumiwanag ang mukha niya nang may munting batang tumakbo palapit sa kanya. Agad niya itong sinalo sa yakap. Napangiti siya sa wakas matapos ang magulong araw. “There’s my baby…” Mahigpit siyang niyakap ng bata. “Mama, you’re late!” Napatawa siya nang mahina saka hinalikan ang noo nito. “I’m sorry, baby. Madaming work si mama today.” Unti-unti siyang napatingin sa mukha ng bata. At gaya ng palagi… Sumisikip ang dibdib niya. Dahil kahit anong gawin niya, kitang-kita niya si Xavian dito. Parehong mata. Parehong matangos na ilong. Parehong hugis ng labi. At kahit limang taong gulang pa lang ito… Ramdam na ramdam na niya ang malakas nitong presence. Parang maliit na bersyon ni Xavian. “Did you miss me?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok ng anak. Tumango naman agad ang bata. “Yes! Tita Fiona brought me ice cream!” Napailing siya nang mahina. Of course. Spoiled na spoiled ito kay Fiona. “Where’s yaya?” “Nasa kitchen!” Ngumiti siya bago tuluyang pumasok sa loob ng condo. Ngunit habang pinagmamasdan niya ang anak niyang masayang nagkukwento tungkol sa buong araw nito, unti-unting bumibigat ang dibdib niya. Limang taon niyang inilihim ang batang ito. At wala ni isang beses na nagsisi siya. Dahil ang batang ito ang naging buong mundo niya. Ang dahilan kung bakit kinaya niyang mabuhay mag-isa sa China. Ang dahilan kung bakit tiniis niya lahat. “Mama?” Napakurap siya nang hawakan ng bata ang pisngi niya. “Why do you look sad?” Mabilis siyang ngumiti. “I’m not sad.” “Liar.” Napatawa siya nang bahagya. Mana talaga sa ama nito. Masyadong observant. “Kumain ka na ba?” Tumango ang bata. “Yes! But I waited for you.” Biglang sumikip ang dibdib niya sa sinabi nito. Dahan-dahan niya itong niyakap. “I love you so much.” “I love you too, mama.” Napapikit siya nang mariin. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya kayang hayaang malaman ni Xavian ang totoo. Kapag nalaman nitong may anak sila, hindi siya titigilan nito. At sigurado siyang kukunin nito ang bata sa kanya. Biglang tumunog ang doorbell. Nanigas si Astrid. Bahagyang kumunot ang noo ng anak niya. “Mama?” Hindi agad siya gumalaw. Hindi niya alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang may masamang kutob siya. Muling tumunog ang doorbell. At bago pa siya makapunta sa pinto, biglang tumakbo roon ang anak niya. “Baby wait—!” Ngunit huli na. Nauna nang nabuksan ng bata ang pinto. At doon tuluyang nanlamig ang buong katawan ni Astrid. Nakatayo si Xavian sa labas ng condo. Malamig ang ekspresyon nito kanina, Pero sa mismong sandaling makita nito ang batang nasa harapan niya, biglang tumigil ang mundo. Nanigas ang lalaki. Unti-unting bumaba ang tingin nito sa mukha ng bata. At doon tuluyang nawala ang kulay sa mukha ni Xavian. Dahil para itong nakatingin sa sarili niyang limang taong gulang. Tahimik na tumingala naman ang bata kay Xavian. Curious ang mga mata nito. At pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, ngumiti ang bata. “Hello po.”Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M
Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun
Hindi nakatulog si Ethan buong gabi. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato ng death certificate ng kanyang ama habang nakaupo sa madilim na opisina. Sa loob ng dalawampung taon, iisa lamang ang katotohanang pinaniwalaan niya. Nagpakamatay si Leonardo Cervantes. Iyon ang nakasulat sa opisyal na report. nIyon ang sinabi ng mga pulis. Iyon ang pinaniwalaan ng buong mundo. Ngunit ngayon...May isang hindi kilalang tao na nagsasabing kasinungalingan ang lahat.Your father was murdered.Parang paulit-ulit na umuukit ang mga salitang iyon sa isip niya. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Galit. Pagkalito. Takot. Lahat iyon ay nagsasama-sama sa kanyang dibdib. At higit sa lahat...Pagdududa. Dahil kung totoo iyon...Ano pa ang mga bagay na mali niyang pinaniwalaan buong buhay niya?Bigla siyang tumayo."Find the sender."Malamig ang boses niya. Agad tumango ang tauhan niyang nasa kabilang linya."Yes, sir."Pagkaputol ng tawag ay muli niyang tinitigan ang dokumento. At sa unang pagkakataon
Tahimik ang buong bahay matapos ang tawag ni Helena. Ngunit hindi iyon ang tahimik na nagbibigay ng kapayapaan. Kundi iyong klase ng katahimikan na parang may paparating na bagyo.Nakatayo si Xavian sa terrace habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga huling sinabi ni Helena."We've been looking at the wrong enemy."Sa loob ng maraming linggo, inakala nilang si Victor Avanzado ang sentro ng lahat. Ang dahilan ng galit ni Ethan. Ang dahilan ng paghihiganti. Ang dahilan ng panganib na bumabalot sa pamilya nila. Pero paano kung mali sila? Paano kung may mas malalim na ugat ang lahat? At paano kung mismong pamilya nila ang may kasalanan?"Xavian."Napalingon siya. Nakatayo si Astrid sa may pintuan ng terrace. Tahimik itong lumapit. Hindi na ito nagtatanong kung okay lang siya. Hindi na rin ito nagpapanggap na wala itong pakialam. Dahil sa puntong ito, pareho na nilang alam ang katotohanan. Kasama nila ang i
Hindi naging tahimik ang mga sumunod na araw sa Avanzado Estate. Sa kabila ng mahigpit na seguridad.Sa kabila ng mga bantay. Sa kabila ng mga taong nakapaligid para protektahan sila. Hindi pa rin mawala ang pakiramdam ni Astrid na may paparating na bagyo. Parang may kung anong naghihintay sa dilim.At anumang oras...Maaaring sumabog ang lahat.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, may isang bagay na pilit niyang pinanghahawakan. Si Ashton. Dahil habang tumatawa ang anak niya. Habang masaya ito.Habang normal pa rin ang mundo nito. Kaya pa niyang lumaban."Mama!"Napakurap siya. Mabilis na tumakbo si Ashton papunta sa kanya mula sa sala. May hawak itong papel. At mukhang sobrang excited."Look!"Agad niya iyong tinanggap. At nang mabasa niya ang laman...Bahagya siyang napangiti.Family Day ProgramNanlaki ang mga mata ni Ashton."We have family day this Friday!"Masayang-masaya ang bata. Parang nanalo sa raffle.At agad nitong idinagdag—"Mom and dad need to come!"Nanigas si Astrid. Li
Hindi na pinag-isipan pa ni Xavian ang desisyon. Matapos ang nangyari sa school ni Ashton...Matapos ang pagtatangkang lapitan ng tauhan ni Ethan Cervantes ang anak nila...Isa lang ang malinaw sa isip niya. Hindi na ligtas sina Astrid at Ashton sa bahay na tinitirhan nila ngayon. At wala siyang balak hintaying may mas masamang mangyari bago kumilos."No."Agad na tumanggi si Astrid nang marinig ang plano nito. Nakatayo silang dalawa sa sala habang abala si Ashton sa panonood ng cartoons. Hindi nito naririnig ang usapan. At mabuti na rin iyon. Dahil ayaw nilang maramdaman ng bata ang takot na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat."Astrid—""No, Xavian."Napapikit siya. Dahil alam niyang matigas ang ulo ng babae. At alam din niyang hindi ito basta-basta magpapasunod. Katulad noon. Katulad pa rin ngayon.Ngunit sa pagkakataong ito...Hindi siya susuko."Someone approached our son."Mababa ang boses niya. Diretso. Walang paligoy-ligoy.Agad natahimik si Astrid. Dahil alam nitong tama siy
Hindi naging mapayapa ang sumunod na mga araw. Matapos ang biglaang pagdating ni Victor Avanzado, tila may mabigat na ulap na nakabitin sa ibabaw ng bahay nina Astrid. Wala nang ibang ginawa si Astrid kundi isipin ang mga sinabi ng matanda. "My grandson has been hidden long enough." Paulit-ulit
Chapter 8Hindi makatulog si Astrid buong gabi. Paulit-ulit lang sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian bago ito umalis.“Kapag nalaman kong anak ko siya… I’m taking back what’s mine.”Mahigpit niyang niyakap ang unan habang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Katabi niya si Ashton na mahimbing na n
Mabigat ang katahimikan sa loob ng condo. Mahigpit na nakakapit si Ashton sa bewang ni Astrid habang nakatingin naman si Xavian sa kanilang dalawa. At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang tingin nito sa bata. Parang may unti-unting nabubuo sa isip niya. Isang katotohanang pilit itinatanggi ni
Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman n







