ANMELDENAnong mangyayari kapag ikinasal ang isang simpleng construction worker na playboy sa isang malamig at makapangyarihang CEO? Magkakasundo ba sila o magkakaintindihan pa rin sila kahit na langit at lupa sila? Pero paano kung hindi naman pala talaga siya construction worker lang? Magkakaintindihan pa rin ba kahit may namagitan ng kasinungalingan? Magbabago pa ba ang isang playboy para lang mapaamo ang malamig na puso ng babaeng CEO?
Mehr anzeigenBumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.
Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito ng isang branded na leather shoes. Idagdag pang nasa five feet at eleven inches ang kanyang tangkad saka ang buhok niyang maayos ang pagkakasuklay, nagmukha tuloy siyang model ng isang mamahaling brand.
Napatingin sa kanya si Danilo, kasamahan niya sa trabaho. “Ang bilis mo namang nakapag-ayos? Naligo ka ba o wisik-wisik lang?”
“Kung magpapaulan ng swerte sa labas, siguradong mapapabilis din ang kilos mo,” nakangising sagot naman ni Anton habang nakaharap sa salamin at gwapong-gwapo sa sarili.
Napapailing na lang si Danilo. Sanay na kasi siya sa mga kalokohan ni Anton. Halos kalahating taon pa lang sila bilang mga constraction worker, pero kung ano-ano na ang kinukwento ni Anton sa kanya.
Minsan hitman daw ito, minsan naman ay bodyguard. Nakapunta na raw ito sa mahigit sampung bansa sa Europa at minsan naman ay pinipilihan daw ito ng mga kababaihan sa mga bansang napuntahan nito.
Ang pinakamalala sa lahat ng kwento nito ay ang pagkabuhay raw nitong muli matapos itong ilibing sa lupa sa loob ng isang buwan!
Kung ganoon naman pala ito kagaling, bakit pa ito nagtatrabaho bilang construction worker sa isang kumpanya, ang Villamor Group of Companies o VGC?
Kaya nang marinig ni Danilo na ang isang simpleng trabahador na nagsasabing pinipilihan daw ng mga kababaihan sa iba't ibang bansa, kahit sinong makakarinig ay hindi maniniwala lalo pa at pareho lang naman silang mga simpleng trabahador.
Pero kahit na ganoon kaloko si Anton ay isa siyang mabuti at mapagbigay na kaibigan.
Katulad na lang ngayon...
Sabi ni Danilo, ni minsan ay hindi pa siya nakakapasok sa Hermosa Hotel— ang isa sa pinakasikat at dinadayo na hotel sa buong lungsod. Kaya naman ay sinabi ni Anton na may kaklase siyang ikakasal doon at isinama niya si Danilo.
Ngayong gabi ay naka-book ang buong hotel dahil gaganapin doon ang kasal nina Marionne Villamor, ang presidente ng Villamor Group of Companies at Daniel Corpuz, ang CEO ng Corpuz Estate. Ang kasalang ito ay naging usap-usapan sa buong lungsod ng Santa Catalina.
Kapag pinag-uusapan ang VGC, imposibleng hindi mabanggit ang presidente nito na si Marionne Villamor. Dahil kung may isang halimbawa ng pagiging perpektong dalaga ang mga binata sa lungsod, siya iyon— maganda, mayaman, at matalino.
Nag-iisang anak siya ng CEO ng VGC na si Ramon Villamor, isa sa pinakanangungunang negosyante sa bansa. Kaya walang ibang magmamana ng VGC kundi siya lang. Ang lalakeng mapapangasawa niya ay para na ring tagapagmana ng VGC.
Maraming nanliligaw kay Marionne, mga sikat at may katayuan sa lipunan. Pero si Daniel Corpuz ang nagwagi sa kanilang lahat.
Sa kabilang banda ay wala namang kinalaman sa kanila si Anton. Hindi sila magkakilala kahit sa mukha man lang. Nagsinungaling lang siya kay Danilo para makakain ng libre.
“Hoy, Anton. Magkakilala ba talaga kayo ni Marionne Villamor?” hindi pa rin naniniwalang tanong ni Danilo.
Presidente ng isang makapangyarihang kumpanya at isang hamak na construction worker lang sa isa sa mga proyekto nito ay magkakilala? Para silang langit at lupa kaya hirap talagang maniwala ni Danilo.
“Magkaklase kami noong elementary, ano ka ba!" pagrarason pa ni Anton na puno pa ng kumpyansa sa sarili.
“Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol diyan? Isa pa, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa kanya para makaakyat sa mas mataas na posisyon?” tanong pa ni Danilo habang napapaisip.
Kung may kakilala kang ganoon kataas ang posisyon, madali kang mabibigyan ng magaan na trabaho kaysa magbabad sa gitna ng mainit na araw sa construction site.
“Gustong-gusto ko ang trabaho ko. Isipin mo, nakakagawa ka ng mga skyscraper gamit ang sarili mong mga kamay. Nakaka-proud kaya!” sabi ni Anton habang nakatingala sa langit at halata ang kumpyansa sa sarili.
“Mga kalokohan mo talaga,” napapailing na sagot ni Danilo at wala ng magawa kung hindi ang sundan si Anton.
Pumasok silang dalawa sa loob saka sumakay ng elevator. Nang magsasara na sana ang elevator ay may babae ang sumigaw. “Sandali lang!”
Isang babaeng nakasuot nang mamahaling high heels, may bitbit na isang designer bag at ang suot nitong itim na evening dress ay isang limited edition na pwede nang bumili ng isang bagong sasakyan. Mahaba ang bahagyang kulot nitong buhok na sumasabay sa kanyang paggalaw. Mapupula rin ang labi nito na kaakit-akit tingnan.
Sa madaling salita ay kapansin-pansin ang kanyang dating.
Pumasok siya sa loob ng elevator.
“Hi miss beautiful, anong floor ka?” nakangiting tanong ni Danilo na halatang nabighani sa ganda ng babae.
Payat at maliit si Danilo na para bang kulang sa nutrisyon. Nagmukha tuloy siyang bata habang katabi ang matangkad na babae. Pero dahil hindi naman matured ang mukha ni Danilo ay napagkakamalan siyang bata.
“Sa 8th floor, salamat,” mahinahong sagot ng babae at walang bahid ng kayabangan ang tono nito kahit halatang mayaman.
“Pupunta ka rin sa kasal?” tanong muli ni Danilo.
“Kaklase ko si Marionne, ang bride,” magalang na sagot ng babae.
“Kaibigan ka rin pala ni Marionne Villamor? Ang liit ng mundo! Kaklase rin siya ng kaibigan ko," tuwang-tuwang sagot ni Danilo at siniko pa si Anton na kanina pa tahimik sa tabi.
Doon lang napansin ng babae si Anton at sa isang tingin pa lang ay kaagad na itong namangha sa kanya. Base sa dating ngayon ni Anton ay masasabi talagang galing siya sa isang prominenteng pamilya. Idagdag pa ang kagwapuhan nito at tangkad ay talagang walang makapagsasabing isa lang siyang construction worker.
Napatingin naman si Danilo kay Anton nang mapansing titig na titig ang babae kay Anton. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at napagtantong may dating ang dalawa. Iyon ay kung hindi isasama ang trabaho ni Anton.
Sa isip ng babae ay may tinatago palang gwapong kaibigan si Marionne! Naghahanda na siya ngayon nang sermon sa kaibigan.
“Ako nga pala si Kattrina Jane Salvador,” pagpapakilala ng babae.
“Ako naman si Anton Dela Vega. Kagaya ni Prince Anton na nasa Europa, ay makisig at matipuno rin ako,” pagpapakilala naman ni Anton na may halong kalokohan.
“Napaka-funny mo naman, Mr. Dela Vega,” natatawang sagot naman ni Kattrina. "Paano at kailan ba kayo naging magkaibigan ni Marionne?”
“Noong elementarya,” walang paliguy-ligoy na sagot ni Anton na para bang hindi siya nagsisinungaling.
“Nag-aral ka rin sa St. Matthew Academy?” gulat na tanong ni Kattrina. “Doon din ako nag-aral pero bakit hindi kita nakita roon?”
“Iba kasi ang mukha ko noon. Isa lang akong tahimik na nerd sa tabi kaya wala talagang nakakakilala sa akin ngayon. Malaki na ang pinagbago ko,” pagrarason pa ni Anton.
“Nasa anong section ka ba?”
“Hmm... nandito na tayo sa eighth floor! Tara na at baka magsisimula na ang kasal!” mabilis na sabi ni Anton habang marahang tinutulak si Danilo palabas.
“Tabi tayo sa table mamaya, ha?” alok pa ni Kattrina.
“May usapan na kami ng mga kaibigan ko. Pero pwede ka naman naming isama,” sabi pa ni Anton.
“Deal!” tuwang-tuwang pagpayag ni Kattrina.
Pagkasabi niyon ay naglakad na palayo si Kattrina.
Napabuntong-hininga si Anton. Muntik na siyang mabuko. Gusto talaga niyang sapakin si Danilo. Bakit pa kasi kailangang kausapin niya ang babaeng iyon?
Punong-puno ng tao ang buong floor. Daan-daang mesa ang nakahanda at napakaelegante ng pagkakaayos nga mga dekorasyon.
"Saan tayo uupo, Anton?” tanong pa ni Danilo na kanina pa abala sa pagmamasid sa paligid na hindi man lang narinig ang huling pag-uusap nina Anton at Kattrina.
Dahil sa hindi inaasahang pagkakilala ni Anton kay Kattrina ay nagulo ang plano niya. Kapag tinanong nito si Marionne tungkol sa kanya ay siguradong mabubuking sila ni Danilo.
Naisip ni Anton na magpakalayo-layo sila ni Danilo para hindi sila mahanap o makita ni Kattrina. Kakain lang sila at aalis na kaagad. Sa dami ng taong naririto ay imposibleng mapansin pa sila.
Samantala, kaagad na hinanap ni Kattrina si Marionne at nang makita niya ito sa isang sarado at nakabukod na kwarto ay napapalibutan ito ng mga kababaihan na parang isang prinsesang nakihalubilo sa kanyang mga nasasakupan.
Exclusive na kasal ang magaganap at dahil sa impluwensya ay napapayag nila ang pari sa simbahan na rito gaganapin ang kasal.
“At ayan na nga ang bride! Ang ganda-ganda mo! Naiinggit ako!”
Nakasuot si Marionne ng isang modern wedding dress na kulay baby blue, lantad ang kanyang leeg at balikat, at natatakpan ng manipis na belo na nagbibigay sa kanya ng misteryoso at kaakit-akit na dating.
Magaan lamang ang kanyang makeup— halos hindi mapansin kung hindi titingnang mabuti. Pero gaano man kaganda ang makeup niya ay hindi nito matatakpan ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngumingiti nga siya pero hindi naman abot sa mga mata niya.
“At ito ka naman, nag-iisa. Sa ganda ng dating mo ngayon ay wala ka man lang escort? Nakakadismaya," kunwaring inis na sabi ni Marionne.
“May gana ka pang sabihin ’yan? May kilala ka pa lang gwapo na kaibigan pero hindi mo man lang pinapakilala sa akin? Eh, di sana ay hindi ako nag-iisa ngayon. Magkalimutan na lang tayo!”
“Aba? Ipinakilala ko na sayo lahat ng matinong lalakeng kilala ko, pero wala ka namang nagugustuhan! Kasalanan ko pa tuloy kung choosy ka.” Napapailing na sabi ni Marionne.
Marami na talaga siyang naipakilala na lalake rito pero wala man lang pumasa sa panlasa nito. Alam na alam na tuloy ng lahat na sobrang pihikan nito pagdating sa lalake.
“May tinatago kang top-tier guy para sa sarili mo, ’no?” nanunuyang sabi ni Kattrina. “Sabihin mo nga ang totoo, may back-up kang lalake, 'no?”
Napairap na lang si Marionne. Itinuro niya ang lahat ng lalaki sa paligid. “Lahat ng kaibigan at kaklase ko ay nandito. Pumili ka na lang. Sabihin mo sa akin kung may nagustuhan ka at ako na ang bahala.”
“Paano naman si Anton Dela Vega? Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala?” nakataas ang kilay na tanong ni Kattrina.
“Sinong Anton Dela Vega?”
“Matangkad, gwapo, at super ang lakas ng dating! Kaklase mo raw siya noong elementary,” sagot naman ni Kattrina.
“Ikaw lang ang elementary classmate na inimbitahan ko ngayon. Okay ka lang ba? O baka naman naloko ka ng kung sino?”
Biglang natauhan si Kattrina. Hinding-hindi magsisinungaling sa kanya si Marionne! Naalala niya pa ang dating ni Danilo at dahil hindi naman siya ganoon na nanghahamak ng tao ay binalewala niya iyon. Lalo pa at nalihis ang atensyon niya kay Anton. “Marionne, mukhang may nakalusot na freeloader.”
Napakunot naman ang noo ni Marionne sa narinig. “Okay lang kung makikikain lang sana. Pero natatakot akong may iba siyang pakay.”
Likas na maingat si Marionne bilang presidente ng VGC at ang susunod na magiging CEO. Nag-isip siya sandali bago nagsalita. “Magpapasama ako ng dalawang security guard sayo at hanapin ninyo siya. Pero huwag kang magpapahalata sa mga bisita.”
“Hahanapin ko talaga siya at bubugbugin ko siya hanggang sa hindi siya makilala ng sarili niyang nanay!”
Magkahalong galit at pagkapahiya sa sarili ang nararamdaman ni Kattrina. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nagkaroon siya ng interes sa isang lalaki pero naloko lang pala siya nito!
Habang naglalakad siya sa tahimik at halos walang taong kalye, naupo siya sa gilid ng daan at nagsindi ng sigarilyo.Sa isip niya, bukas ay pupunta na siya sa Beijing. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pananabik. Unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang mga alaalang matagal na niyang ibinaon.Matapos ang napakaraming taon, sa wakas ay makababalik na rin siya roon.Patay na kaya talaga ang walanghiyang lalaking iyon?Kumusta na kaya ang batang babaeng laging nakatirintas ang buhok?At ang babaeng gusto kong patayin noon... ganoon pa rin kaya siya kayabang at mapang-api?Matapos maubos ang sigarilyo, tumayo siya. Nagkataon namang may isang babaeng makapal ang make-up na naglalakad sa kanyang harapan.Napasipol siya. "Miss, sandali..."Hindi pa man siya nakakatapos magsalita ay iritado na itong sumagot. "Ikaw na hampaslupa, huwag mo akong binobola. Wala kang pag-asa!"Pagkasabi niyon ay nagpatuloy ito sa paglalakad. Bigla itong nahulog sa isang bukas na manhole.Napabuntong-hininga si
Agad na bumalik si Anton sa hotel.Binalaan siya ni Maribel na kapag hindi siya umuwi, tatalon ito mula sa bubong.Pagpasok niya sa hotel, isa-isang bumati sa kanya ang mga empleyado. Ngunit kakaiba ang tingin ng mga ito sa kanya. Parang nagtataka silang mahigit kalahating buwan siyang hindi nagpakita sa hotel."Anton, nakabalik ka na pala!" Lumapit si Danilo, kasama ang kanyang kapatid na si Danica, na nakasuot ng maayos na business suit."Sir Anton," magalang na bati ni Danica.Nagniningning ang kanyang magagandang mga mata habang nakatingin kay Anton.Nagpalitan sila ng ilang magagalang na salita. Ngunit hindi na kinaya ni Anton ang paraan ng pagtitig ni Danica, kaya tinanong niya, "Nasaan si Maribel?""Nasa opisina po."Pagkatapos iwan ang magkapatid, dumiretso siya sa opisina ni Maribel.Pagkapasok pa lamang niya ay mabilis na lumapit si Maribel at niyakap siya. Namula ang mga mata nito nang makitang ligtas siya."Akala ko may nangyari na sa'yo. Halos ikamatay ko ang pag-aalala."
Sina Maribel, Marionne, at Alissa ang pinakamaraming beses na tumawag sa kanya.Sa kanilang tatlo, si Maribel ang pinakamasigasig. Halos bawat oras ay tumatawag ito. Agad na tinawagan ni Anton si Maribel.Pagkasagot pa lamang nito, isang nag-aalalang boses ang agad niyang narinig. "Nasaan ka ba nitong mga nakaraang araw? Bakit hindi mo sinasagot ang telepono mo? Alam mo bang halos lahat ay hinahanap ka na?"Nagkunwaring kalmado si Anton. "Nag-hiking ako dalawang linggo na ang nakalipas. Sa kasamaang-palad, nahulog ako sa bangin at naipit doon nang halos kalahating buwan. Mabuti na lang at nakahanap ako ng daan palabas. Nabuhay lang ako sa pagkain ng mga ligaw na prutas."Hindi man lang naniwala si Maribel. "Hindi ako mahilig magbasa ng mga nobela. Huwag mong isipin na maniniwala ako sa ganyang kwento."Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Kapag hindi ka umuwi sa hotel ngayong araw, tatalon ako mula sa bubong at mamamatay mismo sa harap mo!"Pagkasabi niyon ay galit niyang
Walang tigil na pinaghahampas ng halimaw ang bakal na haligi gamit ang mga kamao nito.Ang mapupula nitong mga mata ay nakatitig kay Phoenix. Parang may kakaibang kapangyarihan ang mga matang iyon. Hindi man lamang nangahas si Phoenix na titigan ang mga iyon nang diretso.Makalipas ang ilang sandali ay naalala niya ang dapat niyang gawin. Mabilis siyang lumapit sa isang kahon sa sulok ng silid. Pagbukas niya nito, lumitaw ang isang payat na baril na may nakakabit na panglunsad ng syringe sa dulo.Dalawang bahagi ang laman ng kahon.Sa unang bahagi ay ang baril. Sa ikalawa naman ay isang hanay ng mga syringeng may iba't ibang kulay.Kumuha siya ng syringe na may puting likido. Ikinalabit niya ito sa baril. Itinutok sa halimaw. Tumama ang syringe sa katawan ng halimaw at agad na naiturok ang likido.Pagkaraan ng ilang sandali ay unti-unting kumalma ang kaninang nagngangalit na halimaw. Tahimik na nagtanong si Phoenix, "Sino ka? Ano ang pangalan mo?"Bahagyang ikiniling ng halimaw ang ul
Pagbangon ni Anton mula sa kama, napatingin siya sa magulong silid at napailing. Talagang ibang klase ang mga babaeng may edad kaysa sa mga inosenteng dalaga. Kahit gaano pa siya kalakas, muntik na siyang hindi makasabay.May nakatagong "tigre" sa bawat babae—ang tanong lang ay kung sino ang makapa
Paglabas ni Anton mula sa coffee shop, muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Isa-isang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala. Hindi niya inakalang matapos ang mahigit isang taon ay ganoon pa rin kalinaw ang lahat. Akala niya ay nakalimutan na niya ang mga iyon, ngunit napagtanto niyang itinago la
Lumaki ang mga mata ni Alissa sa pagkagulat. Kilala niya si Marionne Villamor— presidente ito ng VGC, ang magiging susunod na CEO, at napakaraming tao ang pilit na nagpapapansin dito ngunit ni hindi nito pinapansin. Hindi niya inaasahang kilala pala nito ang simpleng construction worket na ito at t
“Ang malas talaga kapag ganitong klase ang napangasawa mo,” napailing si Anton.Pagkatapos magpaalam kay Maribel, bumaba si Anton sa paradahan upang kunin ang kanyang sasakyan at sunduin ang asawa niya sa ospital.Paglabas pa lamang niya ng parking lot, may pamilyar na pigurang humarang sa kanyang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rezensionen