Share

Ruthless CEO and Her Fake Husband
Ruthless CEO and Her Fake Husband
Author: Reign

Chapter 1

Author: Reign
last update publish date: 2026-05-28 16:33:17

Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.

Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito ng isang branded na leather shoes. Idagdag pang nasa five feet at eleven inches ang kanyang tangkad saka ang buhok niyang maayos ang pagkakasuklay, nagmukha tuloy siyang model ng isang mamahaling brand.

Napatingin sa kanya si Danilo, kasamahan niya sa trabaho. “Ang bilis mo namang nakapag-ayos? Naligo ka ba o wisik-wisik lang?”

“Kung magpapaulan ng swerte sa labas, siguradong mapapabilis din ang kilos mo,” nakangising sagot naman ni Anton habang nakaharap sa salamin at gwapong-gwapo sa sarili.

Napapailing na lang si Danilo. Sanay na kasi siya sa mga kalokohan ni Anton. Halos kalahating taon pa lang sila bilang mga constraction worker, pero kung ano-ano na ang kinukwento ni Anton sa kanya.

Minsan hitman daw ito, minsan naman ay bodyguard. Nakapunta na raw ito sa mahigit sampung bansa sa Europa at minsan naman ay pinipilihan daw ito ng mga kababaihan sa mga bansang napuntahan nito.

Ang pinakamalala sa lahat ng kwento nito ay ang pagkabuhay raw nitong muli matapos itong ilibing sa lupa sa loob ng isang buwan!

Kung ganoon naman pala ito kagaling, bakit pa ito nagtatrabaho bilang construction worker sa isang kumpanya, ang Villamor Group of Companies o VGC?

Kaya nang marinig ni Danilo na ang isang simpleng trabahador na nagsasabing pinipilihan daw ng mga kababaihan sa iba't ibang bansa, kahit sinong makakarinig ay hindi maniniwala lalo pa at pareho lang naman silang mga simpleng trabahador.

Pero kahit na ganoon kaloko si Anton ay isa siyang mabuti at mapagbigay na kaibigan.

Katulad na lang ngayon...

Sabi ni Danilo, ni minsan ay hindi pa siya nakakapasok sa Hermosa Hotel— ang isa sa pinakasikat at dinadayo na hotel sa buong lungsod. Kaya naman ay sinabi ni Anton na may kaklase siyang ikakasal doon at isinama niya si Danilo.

Ngayong gabi ay naka-book ang buong hotel dahil gaganapin doon ang kasal nina Marionne Villamor, ang presidente ng Villamor Group of Companies at Daniel Corpuz, ang CEO ng Corpuz Estate. Ang kasalang ito ay naging usap-usapan sa buong lungsod ng Santa Catalina.

Kapag pinag-uusapan ang VGC, imposibleng hindi mabanggit ang presidente nito na si Marionne Villamor. Dahil kung may isang halimbawa ng pagiging perpektong dalaga ang mga binata sa lungsod, siya iyon— maganda, mayaman, at matalino. 

Nag-iisang anak siya ng CEO ng VGC na si Ramon Villamor, isa sa pinakanangungunang negosyante sa bansa. Kaya walang ibang magmamana ng VGC kundi siya lang. Ang lalakeng mapapangasawa niya ay para na ring tagapagmana ng VGC.

Maraming nanliligaw kay Marionne, mga sikat at may katayuan sa lipunan. Pero si Daniel Corpuz ang nagwagi sa kanilang lahat.

Sa kabilang banda ay wala namang kinalaman sa kanila si Anton. Hindi sila magkakilala kahit sa mukha man lang. Nagsinungaling lang siya kay Danilo para makakain ng libre.

“Hoy, Anton. Magkakilala ba talaga kayo ni Marionne Villamor?” hindi pa rin naniniwalang tanong ni Danilo. 

Presidente ng isang makapangyarihang kumpanya at isang hamak na construction worker lang sa isa sa mga proyekto nito ay magkakilala? Para silang langit at lupa kaya hirap talagang maniwala ni Danilo.

“Magkaklase kami noong elementary, ano ka ba!" pagrarason pa ni Anton na puno pa ng kumpyansa sa sarili.

“Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol diyan? Isa pa, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa kanya para makaakyat sa mas mataas na posisyon?” tanong pa ni Danilo habang napapaisip.

Kung may kakilala kang ganoon kataas ang posisyon, madali kang mabibigyan ng magaan na trabaho kaysa magbabad sa gitna ng mainit na araw sa construction site.

“Gustong-gusto ko ang trabaho ko. Isipin mo, nakakagawa ka ng mga skyscraper gamit ang sarili mong mga kamay. Nakaka-proud kaya!” sabi ni Anton habang nakatingala sa langit at halata ang kumpyansa sa sarili.

“Mga kalokohan mo talaga,” napapailing na sagot ni Danilo at wala ng magawa kung hindi ang sundan si Anton.

Pumasok silang dalawa sa loob saka sumakay ng elevator. Nang magsasara na sana ang elevator ay may babae ang sumigaw. “Sandali lang!”

Isang babaeng nakasuot nang mamahaling high heels, may bitbit na isang designer bag at ang suot nitong itim na evening dress ay isang limited edition na pwede nang bumili ng isang bagong sasakyan. Mahaba ang bahagyang kulot nitong buhok na sumasabay sa kanyang paggalaw. Mapupula rin ang labi nito na kaakit-akit tingnan. 

Sa madaling salita ay kapansin-pansin ang kanyang dating.

Pumasok siya sa loob ng elevator.

“Hi miss beautiful, anong floor ka?” nakangiting tanong ni Danilo na halatang nabighani sa ganda ng babae.

Payat at maliit si Danilo na para bang kulang sa nutrisyon. Nagmukha tuloy siyang bata habang katabi ang matangkad na babae. Pero dahil hindi naman matured ang mukha ni Danilo ay napagkakamalan siyang bata.

“Sa 8th floor, salamat,” mahinahong sagot ng babae at walang bahid ng kayabangan ang tono nito kahit halatang mayaman.

“Pupunta ka rin sa kasal?” tanong muli ni Danilo.

“Kaklase ko si Marionne, ang bride,” magalang na sagot ng babae.

“Kaibigan ka rin pala ni Marionne Villamor? Ang liit ng mundo! Kaklase rin siya ng kaibigan ko," tuwang-tuwang sagot ni Danilo at siniko pa si Anton na kanina pa tahimik sa tabi.

Doon lang napansin ng babae si Anton at sa isang tingin pa lang ay kaagad na itong namangha sa kanya. Base sa dating ngayon ni Anton ay masasabi talagang galing siya sa isang prominenteng pamilya. Idagdag pa ang kagwapuhan nito at tangkad ay talagang walang makapagsasabing isa lang siyang construction worker.

Napatingin naman si Danilo kay Anton nang mapansing titig na titig ang babae kay Anton. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at napagtantong may dating ang dalawa. Iyon ay kung hindi isasama ang trabaho ni Anton.

Sa isip ng babae ay may tinatago palang gwapong kaibigan si Marionne! Naghahanda na siya ngayon nang sermon sa kaibigan.

“Ako nga pala si Kattrina Jane Salvador,” pagpapakilala ng babae.

“Ako naman si Anton Dela Vega. Kagaya ni Prince Anton na nasa Europa, ay makisig at matipuno rin ako,” pagpapakilala naman ni Anton na may halong kalokohan.

“Napaka-funny mo naman, Mr. Dela Vega,” natatawang sagot naman ni Kattrina. "Paano at kailan ba kayo naging magkaibigan ni Marionne?”

“Noong elementarya,” walang paliguy-ligoy na sagot ni Anton na para bang hindi siya nagsisinungaling.

“Nag-aral ka rin sa St. Matthew Academy?” gulat na tanong ni Kattrina. “Doon din ako nag-aral pero bakit hindi kita nakita roon?”

“Iba kasi ang mukha ko noon. Isa lang akong tahimik na nerd sa tabi kaya wala talagang nakakakilala sa akin ngayon. Malaki na ang pinagbago ko,” pagrarason pa ni Anton.

“Nasa anong section ka ba?”

“Hmm... nandito na tayo sa eighth floor! Tara na at baka magsisimula na ang kasal!” mabilis na sabi ni Anton habang marahang tinutulak si Danilo palabas.

“Tabi tayo sa table mamaya, ha?” alok pa ni Kattrina.

“May usapan na kami ng mga kaibigan ko. Pero pwede ka naman naming isama,” sabi pa ni Anton.

“Deal!” tuwang-tuwang pagpayag ni Kattrina.

Pagkasabi niyon ay naglakad na palayo si Kattrina.

Napabuntong-hininga si Anton. Muntik na siyang mabuko. Gusto talaga niyang sapakin si Danilo. Bakit pa kasi kailangang kausapin niya ang babaeng iyon?

Punong-puno ng tao ang buong floor. Daan-daang mesa ang nakahanda at napakaelegante ng pagkakaayos nga mga dekorasyon.

"Saan tayo uupo, Anton?” tanong pa ni Danilo na kanina pa abala sa pagmamasid sa paligid na hindi man lang narinig ang huling pag-uusap nina Anton at Kattrina.

Dahil sa hindi inaasahang pagkakilala ni Anton kay Kattrina ay nagulo ang plano niya. Kapag tinanong nito si Marionne tungkol sa kanya ay siguradong mabubuking sila ni Danilo.

Naisip ni Anton na magpakalayo-layo sila ni Danilo para hindi sila mahanap o makita ni Kattrina. Kakain lang sila at aalis na kaagad. Sa dami ng taong naririto ay imposibleng mapansin pa sila.

Samantala, kaagad na hinanap ni Kattrina si Marionne at nang makita niya ito sa isang sarado at nakabukod na kwarto ay napapalibutan ito ng mga kababaihan na parang isang prinsesang nakihalubilo sa kanyang mga nasasakupan.

Exclusive na kasal ang magaganap at dahil sa impluwensya ay napapayag nila ang pari sa simbahan na rito gaganapin ang kasal.

“At ayan na nga ang bride! Ang ganda-ganda mo! Naiinggit ako!”

Nakasuot si Marionne ng isang modern wedding dress na kulay baby blue, lantad ang kanyang leeg at balikat, at natatakpan ng manipis na belo na nagbibigay sa kanya ng misteryoso at kaakit-akit na dating.

Magaan lamang ang kanyang makeup— halos hindi mapansin kung hindi titingnang mabuti. Pero gaano man kaganda ang makeup niya ay hindi nito matatakpan ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngumingiti nga siya pero hindi naman abot sa mga mata niya.

“At ito ka naman, nag-iisa. Sa ganda ng dating mo ngayon ay wala ka man lang escort? Nakakadismaya," kunwaring inis na sabi ni Marionne.

“May gana ka pang sabihin ’yan? May kilala ka pa lang gwapo na kaibigan pero hindi mo man lang pinapakilala sa akin? Eh, di sana ay hindi ako nag-iisa ngayon. Magkalimutan na lang tayo!”

“Aba? Ipinakilala ko na sayo lahat ng matinong lalakeng kilala ko, pero wala ka namang nagugustuhan! Kasalanan ko pa tuloy kung choosy ka.” Napapailing na sabi ni Marionne.

Marami na talaga siyang naipakilala na lalake rito pero wala man lang pumasa sa panlasa nito. Alam na alam na tuloy ng lahat na sobrang pihikan nito pagdating sa lalake.

“May tinatago kang top-tier guy para sa sarili mo, ’no?” nanunuyang sabi ni Kattrina. “Sabihin mo nga ang totoo, may back-up kang lalake, 'no?”

Napairap na lang si Marionne. Itinuro niya ang lahat ng lalaki sa paligid. “Lahat ng kaibigan at kaklase ko ay nandito. Pumili ka na lang. Sabihin mo sa akin kung may nagustuhan ka at ako na ang bahala.”

“Paano naman si Anton Dela Vega? Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala?” nakataas ang kilay na tanong ni Kattrina.

“Sinong Anton Dela Vega?”

“Matangkad, gwapo, at super ang lakas ng dating! Kaklase mo raw siya noong elementary,” sagot naman ni Kattrina.

“Ikaw lang ang elementary classmate na inimbitahan ko ngayon. Okay ka lang ba? O baka naman naloko ka ng kung sino?”

Biglang natauhan si Kattrina. Hinding-hindi magsisinungaling sa kanya si Marionne! Naalala niya pa ang dating ni Danilo at dahil hindi naman siya ganoon na nanghahamak ng tao ay binalewala niya iyon. Lalo pa at nalihis ang atensyon niya kay Anton. “Marionne, mukhang may nakalusot na freeloader.”

Napakunot naman ang noo ni Marionne sa narinig. “Okay lang kung makikikain lang sana. Pero natatakot akong may iba siyang pakay.”

Likas na maingat si Marionne bilang presidente ng VGC at ang susunod na magiging CEO. Nag-isip siya sandali bago nagsalita. “Magpapasama ako ng dalawang security guard sayo at hanapin ninyo siya. Pero huwag kang magpapahalata sa mga bisita.”

“Hahanapin ko talaga siya at bubugbugin ko siya hanggang sa hindi siya makilala ng sarili niyang nanay!”

Magkahalong galit at pagkapahiya sa sarili ang nararamdaman ni Kattrina. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nagkaroon siya ng interes sa isang lalaki pero naloko lang pala siya nito!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 110

    "Kulang pa kami ng limang daang libo."Napabuntong-hininga si Kimberly at sinabi, "Sandra, hindi sa ayaw kitang tulungan, pero ginawa na ng tiyahin mo ang lahat ng makakaya niya. Huwag kang magpalinlang sa nakikita mong maayos ang buhay ko ngayon. Sa totoo lang, wala rin naman akong gaanong ipon. Noong huli siyang naoperahan, malaking sakripisyo na ang tatlumpung libo na ibinigay ko sa inyo.""Tita, huwag mo akong lokohin. Hindi ka ba masyadong madamot?" may bahagyang galit na sabi ni Sandra."Paano mo nagawang sabihin iyan? Akala mo ba ayaw kang tulungan ng tiyahin mo?" Nagalit si Kimberly sa sinabi ni Sandra. "Ang ama mo ay sarili kong kapatid. Sa tingin mo ba pababayaan ko siyang mamatay kung may pera ako? Pinaghihirapan ko ang bawat sentimo ng kinikita ko rito. Gabi-gabi akong nagpupuyat sa pag-aasikaso ng mga kliyente. Akala mo ba madali ang buhay ko?"Tinitigan siya ni Sandra habang mariing nagkasalubong ang kanyang mga ngipin."Narinig kong kumikita ka rito ng halos tatlumpung

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 109

    Ang babaeng pumasok ay may mapang-akit at hubog na pangangatawan, taglay ang alindog ng isang babaeng may sapat na karanasan.Kung pagbabatayan lamang ang kanyang makinis at mapulang balat, iisipin mong wala pa siyang dalawampu't lima.Ngunit kung isasaalang-alang ang kanyang mapang-akit na kilos at karisma, malamang ay lampas trenta na siya.Anuman ang tunay niyang edad, hindi maikakailang napakaganda ng babaeng nasa harapan nila."Dumating na si Manager Kim. Hayaan ninyong ipakilala ko siya. Ito si Sir Anton, ang general manager na lagi kong ikinukuwento sa inyo. Ito naman sila ay mga kasamahan kong manager sa bawat departamento, sina Danilo at Carlos," nakangiting sabi ni Randy, na halatang matagal nang kakilala ang babae. "Ito si Miss Kimberly Arroyo, ang pinakasikat na bituin ng Charms Bar!""Magandang gabi, Sir Anton, Danilo at Carlos." Dahan-dahang lumapit si Kimberly, nagsalin ng tig-iisang baso ng beer para sa apat, at nakangiting sinabi, "Isang tagay para sa inyong lahat, mg

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 108

    Kinabukasan ng umaga, maagang nagising si Anton. Inimpake niya ang kanyang mga gamit at naghanda na pagkatapos ng almusal ay sasama siya kay Marionne upang tapusin ang proseso ng kanilang diborsyo.Pagbaba niya sa ibaba, wala roon si Marionne. Tinanong niya si Aling Carol at nalaman niyang maaga itong umalis sakay ng kotse.Tinawagan ni Anton si Marionne."Hindi ba't napagkasunduan nating magpapadiborsyo tayo ngayon? Bakit ang aga-aga ay wala ka na?""May aasikasuhin ako ngayon. Abala ako," sagot ni Marionne."E di bukas na lang.""Hindi rin ako libre bukas.""E di sa makalawa.""Hindi ko rin alam kung magiging libre ako sa makalawa."Pakiramdam ni Anton ay parang pamilyar ang eksenang ito. Maya-maya ay naalala niyang noong nakaraang araw, nang banggitin ni Marionne ang diborsyo, ganoon din ang mga dahilan na ginamit niya para umiwas. Hindi niya akalaing makalipas lamang ang isang araw ay mababaligtad ang sitwasyon.Bakit ayaw na niyang makipagdiborsyo? Hindi ba siya natatakot na maul

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 107

    May nangyari nga kay Anton.Naalala ni Marionne ang lahat ng panahong nakasama niya ito. Kahit na tila masama ang ugali nito sa panlabas, may sarili itong hangganan at hindi siya kailanman pinilit na gawin ang anumang bagay na labag sa kanyang kalooban.Hindi niya maiwasang isipin na may nangyaring hindi pangkaraniwan kay Anton. Naghinala pa siya na baka hindi man lang alam ni Anton ang ginagawa nito."Anton, ako ito... si Marionne at nakakatakot ang itsura mo ngayon."Ngunit tila walang narinig si Anton.Ganito na ba talaga ang katapusan ko? Wala nang ibang maisip, bigla niyang ibinaon ang kanyang mga ngipin sa balikat ni Anton.Isang malakas na ungol na parang mula sa isang mabangis na hayop ang lumabas sa bibig ni Anton. Noon lang napansin ni Marionne na may dalawang mahahabang pangil na nakalabas sa bibig nito.Ano'ng nangyayari?Pakiramdam ni Marionne ay hindi na kayang iproseso ng kanyang isip ang lahat ng nakikita niya.Nang handa na sana siyang tanggapin ang kanyang kapalaran,

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 106

    Talagang nahulog siya sa sarili niyang bitag. Talagang hindi kaaya-aya kapag masyadong matalino ang isang babae.Buti na lang at mabilis mag-isip si Anton. Agad siyang nagpaliwanag. "Si Abigaile mismo ang nagsabi sa akin. Noong huli niya akong tinawagan, ikinuwento niyang may lalaking kaklase siyang nagbigay sa kanya ng kuwintas na nagkakahalaga ng mahigit sampung libo. Tinawag pa niya akong kuripot dahil hindi raw ako gumagastos para sa kanya. Hindi ba't para rin iyon sa ikabubuti niya? Bata pa siya. Madali siyang masanay sa magastos na pamumuhay."Patuloy lang siya sa pagsisinungaling.Sa sobrang inis, nagngitngit ang mga ngipin ni Marionne.Matagal na niyang nalaman ang buong pangyayari. Ipinagyabang pala ni Abigaile ang kuwintas sa paaralan. Nang makarating iyon sa tainga ng kanyang ama, natakot itong magkaroon ng masamang impluwensya kaya kinumpiska ang kuwintas at tinanong pa si Abigaile kung saan niya iyon nakuha. Nangyari iyon noong araw na sinamahan ni Anton si Abigaile sa pa

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 105

    Si Anton ay hindi santo, at lalong hindi isang dakilang tao.Isa lamang siyang ordinaryong lalaki na taglay ang halos lahat ng karaniwang bisyo ng kalalakihan—lalo na ang kahinaan niya sa magagandang babae.Gusto niya sina Maribel, Marionne, at Alissa.Si Marionne ay dalisay at malamig, kaya palagi niyang gustong tunawin ang malamig nitong puso. Para sa kanya, ito ang uri ng babaeng pinakamainam maging asawa.Malaki rin ang paghanga niya kay Alissa. Bukod sa napakaganda nitong katawan, gusto rin niya ang matuwid at makatarungang ugali nito. Hindi mabilang ang beses na naisip niyang makasiping ito, iniisip pa nga niya kung magiging dominante rin ba ito sa kama, at kung sino sa kanila ang mangunguna.Tungkol naman kay Maribel, hindi na kailangang sabihin pa. Ang alindog at pagiging maalalahanin nito ay hindi niya kayang tanggihan.Gusto niyang mapasakanya ang lahat ng babaeng ito. Kung sasabihin niyang hindi, nagsisinungaling lamang siya.Ngunit may isang kundisyon.Kailangan ay kusang-

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 66

    "Nais mong sabihin ko? Huwag ka nang mangarap," mariing sagot ni Sherwin habang nagngangalit ang mga ngipin."Heh, matigas pala ang ulo mo. Tingnan natin kung mas matigas ang bibig mo kaysa sa mga daliri mo."Lumingon si Anton kay Danilo."Danilo, isama mo sa itaas si Tita Pilar at ang iba pa. Ang

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 65

    Isang mesa na puno ng iba't ibang putahe ang nakahain. Sina Pilar at Danica, kapwa nakasuot ng apron, ay abalang naghahanda at nag-aasikaso.Nang makita ni Danica si Anton na pumasok, mabilis niya itong sinulyapan bago agad umiwas ng tingin.Nagkunwaring walang napansin si Anton at naupo, ngunit li

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 64

    Kinabukasan, matapos ihatid si Marionne sa kumpanya nito, nagmaneho si Anton papunta sa Queenstar Hotel.Pagdating pa lamang niya, agad siyang sinalubong ni Danilo. “Anton, libre ka ba mamayang gabi? Gusto kang imbitahan ni Mama na maghapunan.”“Napakabait talaga ni Tita Pilar. Siyempre pupunta ako

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 56

    “Wife, alin ang gagamitin nating sasakyan?” tanong ni Anton habang itinuturo ang dalawang mamahaling kotse.“Yung Porsche. May sasalubungin akong mahalagang dayuhang kliyente ngayon. Narinig kong magaling ka raw sa Ingles, kaya sasama ka sa akin sa airport para sunduin siya,” sagot ni Marionne.“Si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status