LOGINYOHANN
Maaga kaming gumising muli ni Tiyo Andres upang makakakuha ng pagkain namin sa maghapon. Tinuruan din niya ako ng ibang sideline na ginagawa niya para kumita ng pera. Mula sa mga namimili sa Divisoria ay maghahanap ako ng mga mamamili na gustong magpabuhat ng mga pinamili at katumbas nun ay bibigyan nila ako ng pera na bayad.
Dahil doon ay makakaipon ako ng pera para sa pag-aaral ko. Dalawang taon na lang ay makakatapos na ako ng junior high school kaya kailangan kong sipagan. Pangarap kong makatapos ng pag-aaral dahil iyon na lang ang natitira kong paraan para makaalis sa buhay na mayroon ako ngayon. Mahirap man pero walang mas mahirap pa sa pinagdadaanan ko ngayon kaya handa akong sumugal.
"Yohann..." Napatingin ako kay Tiyo Andres ng bigla itong umubo ng sunod-sunod.
"Tiyo." Nilapitan ko siya para tingnan. Nakahiga ito sa isang lumang papag at nakabalot ng manipis na kumot.
"Pasensiya ka na Yohann, mukhang hindi ako makakasama sayo sa pamamagpag ngayon araw...masama kasi ang pakiramdam ko."
Umupo ako sa tabi niya at sinalat ang kanyang noo. "Mataas ang lagnat mo Tiyo Andres," nag-aalala kong sabi sa kanya.
"Oo nga eh...dumadalas na ang pagkakasakit ko dahil siguro dito sa bukol ko sa lalamunan." Saka nito sinalat ang lalamunan na nakaulbok dahil sa bukol. Bigla namang dumagsa ang takot sa dibdib ko dahil ilang beses ko nang naramdaman ang ganong takot ng magkasakit ang mga magulang ko. Pakiramdam na walang pag-asa at tanging ang mga luha lamang sa mga mata ko ang nakakakita ng lahat ng pinagdadaanan namin.
"Huwag po kayong mag-alala Tiyo, ako na lang po ang kukuha ng pagkain natin. Bago ako umuwi ay hahanap ako ng nangangailangan ng serbisyo para maibili kita ng gamut," Pangako ko sa kanya. Naibayad kasi namin sa inuupahan naming kuwarto ang naipon kong pera sa pagbubuhat kaya wala pa akong maibibili ng gamot niya.
"Salamat Yohann, pati ikaw ay nag-aalala sa sitwasyon ko."
"Ayos lang po Tiyo, iiwan ko muna kayo dito. Hintayin nyo ako at ipag-uuwi ko kayo ng pagkain at gamot." Nakita kong tumango si Tiyo at bahagyang nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Luha na nagsisilbing pahiwatig na may iniinda itong sakit na dapat naming agapan bago pa mahuli ang lahat.
Pagdating ko sa lugar kung saan kumukuha ng pagpag ang mga katulad kong nakatira sa squater area ay nakita ko ang mga bagong mukha ng mga kabataan na nakabantay na doon.
"Oh sino naman ang isa na yan." Turo sa akin ng isang bruskong lalake na may hikaw pa ang gilid ng mga mata nito.
"Ah yan ba, pamankin yan ni Andres…yun matandang namamagpag dito." Sagot ng isa pang lalake na katabi nito. Sa kabuuan ay lima silang mga lalake na masama ang tingin sa akin lahat.
"Oh yun pa lang tiyuhin niya ang namamagpag dito bakit siya ang nandito?" Reklamo nito muli.
"Ewan ko ba dyan, gusto mo paalisin natin?" suhestiyon ng isa.
"Sige, magkakaroon pa tayo ng kaagaw sa pagpag eh." At nakita ko ngang lumapit ang apat na kasamahan nito palapit sa akin.
"Hoy ikaw!" Duro sa akin ng isa. "Umalis ka na dito sabi ni Bugoy bago ka pa namin saktan, naiintindihan mo?" Hinawi nito ang aking balikat dahilan kung bakit bahagya akong napasandal sa kinakalawang na wire na nakapalibot at nagsisilbing bakod ng lugar.
"Hindi nyo naman pagmamay-ari ang lugar na ito hindi ba? Bakit kailangan ninyong magpaalis ng tao rito?"
"Aba, Bugoy! Sumasagot pa, ano bang mainam na gawin dito?" hiyaw ng lalakeng nasa harapan ko ngayon.
"Bigyan nyo ng leksyon!" balik na sigaw ng tinatawag nilang Bugoy.
At akma akong susuntukin nito ng biglang may bumusinang truck sa labas ng lugar kung saan nagbababa ng mga basura.
"Nandito na ang truck, mamaya nyo na harapin ang kutong lupa na yan!" sigaw muli ni Bugoy, muli akong tiningnan ng masama ng mga lalakeng kasama nito.
"Pasalamat ka dumating na ang truck ng basura kung hindi basag yang mukha mo sa amin." Ismid nito sa akin. At tinalikuran na nila ako para puntahan si Bugoy at mga nag-akyatan na sa truck ang mga ito.
Minabuti ko na lang na hindi na tumuloy sa pangunguha ng pagpag at baka muli akong pag-initan ng mga grupo ni Bugoy. Dumeretso na lang ako sa pamilihan ng Divosoria kung saan kami naghahanap ni Tiyo ng magpapabuhat ng mga bagahe o paninda ng mga namimili.
Inabot ako ng ilang oras bago ako makahanap ng isang babaeng nasa kuwarenta ang edad. Pinabuhat niya sa akin ang mga supot ng gulay at prutas na pinamili nito. Bahaya akong nagbabagal sa paglalakad habang bitbit ko ang mga supot na dala ko. May kabigatan din iyon at habang naglalakad kami ay manaka-naka na humihinto pa ang babaeng nagmamay-ari ng mga dala-dalahan na bitbit ko dahil nagtatanong pa ito ng ibang bagay na tinda sa daan. Hindi ko namalayan na hindi ko na pala siya kasunod dahil nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at nagulat na lang ako ng may sumigaw sa aking likuran.
"Magnanakaw! Magnanakaw, hulihin ninyo ang magnanakaw na'yun!" Nagulat ako sa sinabi ng ale na nagpabuhat sa akin ng mga dala-dalahan niya.Ako ba ang pinagbibintangan niyang magnanakaw?
Huminto ako sa paglalakad at hinintay kong makalapit sa akin ang ilang tanod na nakabantay sa lugar na iyon.
"Hinto!" sigaw ng isang tanod sa akin.
"Napakawalanghiya mong bata ka! Sabi mo ay tutulungan mo akong magbuhat ng mga pinamili ko tapos ay nalingat lang ako ay tinakbo muna ang mga pinamili ko!" bintang ng ale sa akin.
"H-hindi po...nagkakamali po kayo. Akala ko po kasi ay nasa likod ko kaya habang naglalakad----" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng muli siyang sumigaw.
"Naku...Naku! Luma na ang istilo nyo na yan, mga magnanakaw kayo!" muling bintang sa akin ng ale na galit na galit.
"Ikaw,sumama ka sa amin sa barangay hall doon ka magpaliwanag." biglang singit ng isang tanod.
"Sandali lang po, wala po talaga akong ginagawang masama." Halos naiiyak ko nang paliwanag sa kanila. Ang ale na nagbibintang sa akin ay nakaismid lang at hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Hulihin ninyo na ang lalakeng iyan. At baka marami pang mabiktima ang isa na yan." utos ng ale sa mga tanod. Naalarma ako at naibagsak ko ang mga plastik bag na bitbit ko ng simulan akong hawakan sa braso ng mga tanod.
"Maawa po kayo, wala po akong ginagawang masama. Nagtratrabaho lang po ako..."
Akma na nila akong kakaladkarin ng biglang may dumating na isang lalake. Naka apron pa ito, halatang taga luto ito base sa itsura nito.
"Sandali." awat nito sa mga tanod.
"Bakit Mang Antonio?" tanong agad ng isang tanod nakahawak sa braso ko.
"Baka naman puwede na nating pag-usapan ang problema dito at huwag nang makarating sa barangay hall tutal ay wala namang nabawas o nawala sa mga pinamili ng ale. Kilala ko ang batang iyan, mabait siya at mapagkakatiwalaan baka hindi lang nagkaintindihan ang ale na ito at ang batang iyan ng bitbitan niya ang mga pinabubuhat ng ale na yan."
Nagulat ako sa sinabi niya at tinitigan ko ang kanyang mukha. Pare siyang isang ama sa aking harapan na handang ipagtanggol ang kanyang anak. Gustong bumuhos ng luha sa mga mata ko pero ang galit na kinikimkim ko sa dibdib ko ang pumipigil para ito ay tuluyang bumuhos sa aking mga mata.
Bakit ba napakahirap mabuhay sa mundong ang tangin ng lahat sayo ay walang karapatang maging parte ng lipunan? Na lahat ng mayroon sila ay nararapat lamang sa kanila at hindi ka kaylanman magkakaroon nito? Bakit sobrang hirap ng sitwasyon ng isang kagaya niya, ang hirap-hirap…
YOHANN Magkayap kami ni Martina habang nakatitig sa tahimik na mga bituin sa langit. Ang sarap titingan ng mga ito sa malayo na para bang mga maliliit na ilaw na sinabog sa kalangitan. Nagniningning ang mga ito katulad ng nararamdaman namin ni Martina sa sandaling kapiling namin ang isa't isa. “Yohann…” Narinig kong tawag ni Martina sa pangalan ko. “Hmm? Why, sweetheart?” Hinaplos ko ang malambot at mabaha niyang buhok. “Bakit nandun ka sa bahay ng sumakit ang tiyan ko?” Curious nitong tanong sa akin. Inasahan ko na itatanong nito ang bagay na'yun pag-uwi namin ng bahay. “I always make sure that I see you everyday even if your not here beside me.” Seryoso kong sabi sa kanya. Aaminin ko na nakalimutan ko kung gaano ko siya kamahal dahil sa selos. Ang buong akala ko ay niloloko niya ako kasama ang Warren na'yun. Hindi ko matanggap na hindi niya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. “Ibig sabihin ay araw-araw kang na
MARTINA Halos magdadalawang buwan na rin ng magpaalam ako kay Yohann para lumayo sa kanya. Sa lumang bahay ako tumira kung saan naging komportable ako dahil alam kong kahit paano ay naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni tatay. Masasabi kong naging magaan ang pakiramdam ko ng nakalipas na dalawanng buwan. Hindi nagparamdam si Yohann sa akin katulad ng pangako nito na maghihintay ito sa pagbabalik namin na mag-ina sa bahay namin. Tahimik kong pinagmasadan ang mga pasibol pa lang na bulaklak sa mga paso na nakahilera sa hagdan ng bahay namin. Hinimas ko ang tiyan kong nagsisimula ng magkalaman. Namimiss ko ang guwapong mukha ng daddy mo anak, maski ang amoy niya…gusto ko siyang maamoy ulit. Natatawa kong kausap sa anak namin. Bakit ko nga ba pinapahirapan ang sarili ko na makasama ang lalaking mahal ko? Dahil sa takot? Pag-aalinlangan? Oh sadyang hindi ko lang naintindihan sa umpisa na kapag nagmahal ka ay kasama na doon ang sakit at pa
MARTINA Nakatulog ako sa kahihintay kay Yohann kagabi. Umasa akong uuwi ito NG bahay at dito ito matutulog pero hindi iyon ang nangyari. Umasa ako at nabigo sa huli. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga posibleng bagay na maaaring mangyari kagabi habang magkasama si Yohann at Mariz. Pati ang sangol sa sinapupunan ko ay naapektuhan na ang mga nararamdaman ako ngayon na kagagawan ng ama nito. Hindi ako dapat magpatalo sa mga negatibong nararamdaman at naiisip ko ngayon. Dapat akong magpalakas at lumaban para sa anak ko,sa anak namin ni Yohann. Dahil sa nakikita kong sitwasyon namin ni Yohann ay mas mabuting protektahan ko ang anak namin sa sinapupunan ko at magagawa ko lamang ang bagay na'yun kung hindi ko muna sasabihin sa kanya ang katotohanan. Nagpasya akong gumayak para magpatingin sa doctor. Buti na lang at binigyan ako ang isang card ni Yohann para magamit sa mga pang gastos ko. Magwiwithdraw ako ng pera para gamitin sa
ALBERT We ate our dinner in one of the luxurious restaurants in the Metro. Finally, I got her. I have this feeling that she also likes me. I'm so happy to have her at the least expected time of my life. “You like this?” tanong ko sa kanya ng makita kong ubos na ang pagkain sa plato niya. Tumango siya kaya pinaglagay ko siya ng meat sa plato niya. I ordered a lot para makakain siya matapos naming magsolo sa bahay nito. Yes, palagi kaming nasa bahay niya pagkatapos naming mamasyal oh may puntahang ibang lugar. Pinaalala ko sa kanya ang huli naming pagkikita sa ibang bansa at nagulat siya ng sabihin ko sa kanya ang eksaktong araw at petsa kung kailan ko siya nakilala sa pamamagitan ni Yohann. Tumawa kami pareho habang inaalala ang ilang bagay pati ang pagkagusto niya kay Yohann na nagdulot sa akin ng selos. “That was before, okay? Ikaw na ang gusto ko ngayon.” Sagot ni Bridgitte sa akin na kinalungkot ko. “Gust
BRIDGITTE Halos ilang minuto ko ng pinagmamasdan ang lalakeng nasa tabi ko ngayon habang pareho kaming nakahiga at walang saplot ang katawan. It’s been a week since may mangyari sa amin at naulit pa iyon ng maraming beses. I don’t know but I keep asking myself why I suddenly let these things happen. Maiintindihan ko pa ang unang beses na may nangyari sa aming dalawa pero ang maulit ito ng maraming beses at pumayag ako ay hindi ko maintindihan talaga ang personal kong dahilan kung humantong kami sa ganitong sitwasyon. I never imagined my life being with other man except Yohann. But because of that unplanned scenario, all things were suddenly changed. Alipin ako ngayon ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Napukaw ang mga iniisip ko ng biglang umungol si Albert sa tabi ko na parang naalimpungatan. He automatically search for me by his hand at doon niya ako muling niyakap at walang kahirap-hirap na hinila palapit sa tabi niya ng
MARTINA Nagdalawang isip ako kung tatawagan ko si Warren oh hindi. Malamang na paalis na ito papuntang Leyte. Siya na lang ang pag-asa ko para makaalis sa poder ni Yohann at kalimutan ang lahat sa aming dalawa. Pero isipin ko pa lang na isuko siya sa babaeng gusto ng mga magulang nito para maging asawa ay tuluyan na akong nanghihina. Mahal ko siya at hindi ko kayang makita na may iba sa buhay niya. Pinunasan ko ang mga luhang lumasdas sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan akong nasa kuwarto namin ni Yohann at nagkulong dito. Hindi ko inaasahan ang ganitong sakit dahil sa mga nakita at narinig ko mula sa pamilya ni Yohann. Wala itong kalam-alam sa mga pinagsasabi ng mga ito laban sa akin. Asawa niya ako, sa mata ng Diyos at batas ako ang may karapatan sa kanya at hindi kung sino mang babaeng gusto ng mga magulang nito para sa kanya. Iyon ang dapat kong gawin, ang manatili sa tabi nito at maghinta
MARTINA Kasalukuyan na nasa harapan ko ngayon ang doctor na nag momonitor sa kalagayan ni tatay ng biglang dumating si Warren. Agad kaming nagkatinginan ng makita nitong nasa kuwarto si Dr. Yohann. Napatingin din ako sa kama kung saan natutulog si tatay. Mahimbing pa rin natut
MARTINA Pagkauwi ko galing ng trabaho ay namili pa ako ng mga stocks na pagkain sa bahay. Buti na lang at kahit papaano ay nakakaraos kaming mag-ama sa araw-araw kahit na mahirap ang sitwasyon namin. Hindi pa rin tuluyang gumagaling sa sakit sa puso si tatay at malaking halaga ang k
YOHANN Ang sabi nila, gaano mo man planuhin ang buhay mo, mangyayari at mangyayari pa rin ang inilaan sayo ng kapalaran at Diyos sayo. Katulad ng nangyari sa akin, labing limang taon na ang nakalipas. Hindi ko inakala na maiiba ang aking tadhana dahil sa isang pangyayaring hindi ko ma
MARTINA "Teka...teka," awat ko kay Warren ng binuhat nito ang mga bottled water na dapat ilagay sa malaking cooler para lumamig. "Ano?" Magkasalungat ang mga kilay ko ng lingunin si Martina. Kanina pa ako nabibingi sa kakadaldal niya, kulang na lang ay maging announcer ito sa radyo







