Home / Romance / SANDALING KAPILING KA / CHAPTER 1- PIGHATI

Share

SANDALING KAPILING KA
SANDALING KAPILING KA
Author: YNAH MENDOZA

CHAPTER 1- PIGHATI

Author: YNAH MENDOZA
last update publish date: 2026-05-14 20:06:04

Ang bawat patak ng luha mula sa mga mata ni Yohann ang nagsilbing palatandaan ng lungkot na lumulukob sa kanyang puso ng mga oras na iyon. Siya lamang at ang kanyang Tiyo Andres ang tanging nasa harapan ng puntod ng kanyang ina.

        Namatay ito dahil sa sakit sa baga, katulad ng sa kanyang ama ay hindi ito naagapan. Isang taon pa lang ang nakakalipas ng mawala ang kanyang ama dahil din sa isang sakit.

        Itinaas niya ang kanyang ulo mula sa langit habang walang humpay pa rin ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.

        Bakit napakalupit ng tadhana sa kanya? Kasalanan ba ang humiling ng isang kumpleto at masayang pamilya? Buong buhay niya, wala siyang nakita at narinig kung hindi ang hirap ng buhay pero tiniis nila ang lahat ng iyon. Pero ngayon...paano niya haharapin ang hirap ng buhay kung mag-isa na lang siya?

        Para saan pa ang pagsusumikap niya para mag-aral at mabuhay kung ang mga taong mahal niya ay wala na sa mundo?

        Napaluhod si Yohann mula sa lupa at ni isang salita ay wala itong narinig mula sa kanyang tiyuhin kung hindi ang paghagod ng magaspang at marumi nitong kamay sa kanyang likod.

        Ang buhay ay masyadong malupit para sa mga taong mahihirap at walang kakayahang mabuhay ng marangal. Kahit ipilit na itanggi ay kusang hahalik ang mga labi ng mga taong mahihirap sa lupa upang ito ay amuyin at ipaalala kung anong klase ng mundo ang kanilang ginagalawan.

        "Yohann, dapat na tayong umalis, ang ulan ay nagbabadya na." Narinig niyang sabi ng kanyang tiyuhin habang nakamasid ito sa kanya. Muli ay nilingon niya ang puntod ng kanyang mga magulang na magkatabi.

        Gusto niyang humiyaw, magmura upang ilabas ang sakit na kinikimkim niya sa mundo. Walang isang salita ang makakapag paliwanag ng sitwasyon niya ngayon. Isang talunan at walang patutunguhan ang buhay na hinaharap niya. Iyon ang nasa kanyang isipan.

        Hinila siya mula sa braso ng kanyang Tiyo Andres ay napilitan siyang tumayo mula sa putikan at kalugmukan na kanyang pinagdaraanan.

        "Makakaya mong harapin ang bukas,Yohann. Nandito lang ako para samahan at tulungan ka," kahit hirap sa pagsasalita ang kanyang tiyuhin dahil may bukol ito sa lalamunan ay pilit niyang inintindi ang sinabi nito. Pilit niyang isiniksik sa kanyang isipan  ang mga sinabi nito upang kahit sa mga salitang iyon ay magkaroon siya ng lakas upang maglakad papalayo sa lugar na iyon na  naging isang lugar ng kasawian para sa kanya.

        Pagdating nila ng bahay ay pinagmasdan muli ni Yohann ang paligid. Isang kapirasong kuwarto na halos tirhan na ng iba't ibang klaseng ipis at daga dahil sa hitsura nito.Iyon na ang magiging tahanan niya simula ngayon.

        "Pasensya ka na sa bahay ko Yohann ha, maliit ito at masikip pero ang prinsipyo ko...kahit na sa isang kasing laki lang ng kahon ako nakatira ay mas okay na kaysa ang magpakalat-kalat ako sa daan at sa huli ay aalipustahin  lang ako ng mga matang nakatingin sa akin."

        Bigla siyang napatingin sa kanyang Tiyo Andres… Inunawa ni Yohann ang sinabi nito at alam nitong hindi magiging madali ang pagdadaanan nito habang nasa puder siya ng kanyang Tiyuhin pero handa siyang gawin ang lahat para manatili siyang buhay sa kasalukuyang mundo kung saan ang lahat ay malupit at mapanghusga.

        "Ayos lang po ako Tiyo. Kaya ko pong magtsaga."

        "Talaga? Abay mabuti yan, huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang buhay natin ay may simula at wakas, kaya habang tayo ay nasa gitna pa ng paglalakbay ay gawin mo na ang lahat ng makakaya mo para maiba ang landas na tinatahak mo. Kung ang mundo mismo ang nagdadala sayo sa sitwasyong hindi mo nakikita ang magagadang nangyayari, ikaw na ang gumawa ng paraan para tuluyang makaalis sa sitwasyong iyon bago ka pa tuluyang malugmog."

        Alam ni Yohann na sa edad ng kanyang Tiyo Andres ay marami na itong karanasan sa buhay. Mga karanasan na lalong nagpahirap sa sitwasyon nito at hindi nito nakayang lagpasan at iwasan kaya nanatili itong nakatali sa kahirapan at lungkot ng buhay.

        "Magsisikap po ako Tiyo Andres,pagkatapos ay magtatagumpay at aalis tayo sa lugar na ito." Pangako niya sa sarili, iyon ang pangakong gaano man kahirap ay susuungin niya para lamang magkatotoo.

        "Oh siya, iayos muna ang mga gamit mo para tayo ay makakain na at makapagpahinga. Sabi nga nila, bagong araw...bagong pag-asa." Nakita ni Yohann kung paano ang mga linya sa noo ng kanyang Tiyuhin ay lumubog mula sa pagkakangiti nito sa harap niya. Nagsilbi iyong pag-asa na ang buhay ay hindi nararapat na bigyang ng tuldok dahil lang sa kapighatian kung hindi ito ay nararapat ding harapin dahil sa bagong pag-asa na dala ng bagong umaga.

        Kinabukasan ay isinama siya ng kanyang tiyuhin upang maghanap ng pagpag sa kahabaan ng ka Maynilaan. Ito raw ang magiging pagkain nila para sa tanghalian.

        Hindi niya inakala na sa paraang iyon ay lalong mamumulat ang mga mata niya sa katotohanan kung gaano kahirap ang buhay.

        Mula sa truck na dumating na kumukulekta ng mga tirang pagkain sa mga restaurant ay inutusan siyang umakyat ng kanyang Tiyo Andres sa taas ng nito.

        "Kailangan mong makipag-unahan sa kanila Yohann kung hindi ay wala tayong kakainin sa tanghalian." Turo ni Tito Andres sa mga batang marurungis na bigla na lang nag sidatingan ng makita ng mga ito ang parating ang truck ng basura.

        Tumango siya at kumilos para gawin ang pinag-uutos ng kanyang tiyuhin. Umakyat siya sa mismong dumpbox ng truck at kumuha ng isang black bag ng basura. Iniabot niya iyon sa kanyang Tiyo Andres. Pagkabukas ng supot ay agad na bumungad sa kanyang ilong ang amoy ng pinagsama-samang pagkain sa iisang supot. May tira-tirang karne at isda, mayroong din ilang butil ng mga gulay.

        "Kunin mo ang mga piraso ng karne na yan Yohann, puwede pa nating hugasan at iprito yan." Napatingin siya sa mga halo-halong tirang pagkain na parang isang bagay na paulit-ulit na magpapaalala sa kanya kung ano ang sitwasyong kinasasadlakan niya ngayon.

        Muli ay sinunod niya ang kanyang Tiyo at isa- isa niyang kinuha mula sa plastic bag ang mga tirang karne. Halos mahalukay na nila ang buong laman ng plastic bag na iyon para makahanap ng tirang karne na puwede nilang iuwi at kainin.

        Pagdating nila sa bahay ay agad siyang inutusan ng kanyang Tiyo Andres na maligo habang piniprito nito ang mga karne na nakuha nila sa pamamagpag.

        Pagkapaligo niya ay niyaya na siyang maupo nito sa kulay itim na lamesa nito na sa katagalan ay umuuga na ang ilang paa at pati ang kahoy na upuan na ginagamit nila ay lumalangitngit na rin kapag sinubukan mong maupo.

        "Sanayin muna ang sarili mo sa ganitong buhay Yohann.Kung matututunan mong tanggapin agad ang buhay na mayroon tayo ngayon baka mas madali kang makakagawa ng paraan para makaahon ka sa kahirapang tinatamasa natin ngayon," saglit siyang napahinto ng marinig niya ang sinabing iyong ng kanyang Tiyo Andres.

         Paano mo nga ba sasanayin ang sarili mo sa isang sitwasyon na kahit minsan ay hindi mo pinangarap? Oh maging ninais na mangyari sayo buong buhay mo?

        Sinumpa niyang hindi ang kahirapan ang magpapatapos ng buhay niya. Gagawin niya ang lahat para makaalis sa buhay na kinagisnan niya at pilit na nagpapaalala sa kanya kung bakit namatay ang kanyang mga magulang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SANDALING KAPILING KA   FINALE

    YOHANN Magkayap kami ni Martina habang nakatitig sa tahimik na mga bituin sa langit. Ang sarap titingan ng mga ito sa malayo na para bang mga maliliit na ilaw na sinabog sa kalangitan. Nagniningning ang mga ito katulad ng nararamdaman namin ni Martina sa sandaling kapiling namin ang isa't isa. “Yohann…” Narinig kong tawag ni Martina sa pangalan ko. “Hmm? Why, sweetheart?” Hinaplos ko ang malambot at mabaha niyang buhok. “Bakit nandun ka sa bahay ng sumakit ang tiyan ko?” Curious nitong tanong sa akin. Inasahan ko na itatanong nito ang bagay na'yun pag-uwi namin ng bahay. “I always make sure that I see you everyday even if your not here beside me.” Seryoso kong sabi sa kanya. Aaminin ko na nakalimutan ko kung gaano ko siya kamahal dahil sa selos. Ang buong akala ko ay niloloko niya ako kasama ang Warren na'yun. Hindi ko matanggap na hindi niya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. “Ibig sabihin ay araw-araw kang na

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 50- PAGYAKAP SA KATOTOHANAN

    MARTINA Halos magdadalawang buwan na rin ng magpaalam ako kay Yohann para lumayo sa kanya. Sa lumang bahay ako tumira kung saan naging komportable ako dahil alam kong kahit paano ay naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni tatay. Masasabi kong naging magaan ang pakiramdam ko ng nakalipas na dalawanng buwan. Hindi nagparamdam si Yohann sa akin katulad ng pangako nito na maghihintay ito sa pagbabalik namin na mag-ina sa bahay namin. Tahimik kong pinagmasadan ang mga pasibol pa lang na bulaklak sa mga paso na nakahilera sa hagdan ng bahay namin. Hinimas ko ang tiyan kong nagsisimula ng magkalaman. Namimiss ko ang guwapong mukha ng daddy mo anak, maski ang amoy niya…gusto ko siyang maamoy ulit. Natatawa kong kausap sa anak namin. Bakit ko nga ba pinapahirapan ang sarili ko na makasama ang lalaking mahal ko? Dahil sa takot? Pag-aalinlangan? Oh sadyang hindi ko lang naintindihan sa umpisa na kapag nagmahal ka ay kasama na doon ang sakit at pa

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 49- PAGHIHIWALAY NG LANDAS

    MARTINA Nakatulog ako sa kahihintay kay Yohann kagabi. Umasa akong uuwi ito NG bahay at dito ito matutulog pero hindi iyon ang nangyari. Umasa ako at nabigo sa huli. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga posibleng bagay na maaaring mangyari kagabi habang magkasama si Yohann at Mariz. Pati ang sangol sa sinapupunan ko ay naapektuhan na ang mga nararamdaman ako ngayon na kagagawan ng ama nito. Hindi ako dapat magpatalo sa mga negatibong nararamdaman at naiisip ko ngayon. Dapat akong magpalakas at lumaban para sa anak ko,sa anak namin ni Yohann. Dahil sa nakikita kong sitwasyon namin ni Yohann ay mas mabuting protektahan ko ang anak namin sa sinapupunan ko at magagawa ko lamang ang bagay na'yun kung hindi ko muna sasabihin sa kanya ang katotohanan. Nagpasya akong gumayak para magpatingin sa doctor. Buti na lang at binigyan ako ang isang card ni Yohann para magamit sa mga pang gastos ko. Magwiwithdraw ako ng pera para gamitin sa

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 48- PAG-AALINLANGAN

    ALBERT We ate our dinner in one of the luxurious restaurants in the Metro. Finally, I got her. I have this feeling that she also likes me. I'm so happy to have her at the least expected time of my life. “You like this?” tanong ko sa kanya ng makita kong ubos na ang pagkain sa plato niya. Tumango siya kaya pinaglagay ko siya ng meat sa plato niya. I ordered a lot para makakain siya matapos naming magsolo sa bahay nito. Yes, palagi kaming nasa bahay niya pagkatapos naming mamasyal oh may puntahang ibang lugar. Pinaalala ko sa kanya ang huli naming pagkikita sa ibang bansa at nagulat siya ng sabihin ko sa kanya ang eksaktong araw at petsa kung kailan ko siya nakilala sa pamamagitan ni Yohann. Tumawa kami pareho habang inaalala ang ilang bagay pati ang pagkagusto niya kay Yohann na nagdulot sa akin ng selos. “That was before, okay? Ikaw na ang gusto ko ngayon.” Sagot ni Bridgitte sa akin na kinalungkot ko. “Gust

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 47- SELOS

    BRIDGITTE Halos ilang minuto ko ng pinagmamasdan ang lalakeng nasa tabi ko ngayon habang pareho kaming nakahiga at walang saplot ang katawan. It’s been a week since may mangyari sa amin at naulit pa iyon ng maraming beses. I don’t know but I keep asking myself why I suddenly let these things happen. Maiintindihan ko pa ang unang beses na may nangyari sa aming dalawa pero ang maulit ito ng maraming beses at pumayag ako ay hindi ko maintindihan talaga ang personal kong dahilan kung humantong kami sa ganitong sitwasyon. I never imagined my life being with other man except Yohann. But because of that unplanned scenario, all things were suddenly changed. Alipin ako ngayon ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Napukaw ang mga iniisip ko ng biglang umungol si Albert sa tabi ko na parang naalimpungatan. He automatically search for me by his hand at doon niya ako muling niyakap at walang kahirap-hirap na hinila palapit sa tabi niya ng

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 46- PAGMULAT SA KATOTOHANAN

    MARTINA Nagdalawang isip ako kung tatawagan ko si Warren oh hindi. Malamang na paalis na ito papuntang Leyte. Siya na lang ang pag-asa ko para makaalis sa poder ni Yohann at kalimutan ang lahat sa aming dalawa. Pero isipin ko pa lang na isuko siya sa babaeng gusto ng mga magulang nito para maging asawa ay tuluyan na akong nanghihina. Mahal ko siya at hindi ko kayang makita na may iba sa buhay niya. Pinunasan ko ang mga luhang lumasdas sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan akong nasa kuwarto namin ni Yohann at nagkulong dito. Hindi ko inaasahan ang ganitong sakit dahil sa mga nakita at narinig ko mula sa pamilya ni Yohann. Wala itong kalam-alam sa mga pinagsasabi ng mga ito laban sa akin. Asawa niya ako, sa mata ng Diyos at batas ako ang may karapatan sa kanya at hindi kung sino mang babaeng gusto ng mga magulang nito para sa kanya. Iyon ang dapat kong gawin, ang manatili sa tabi nito at maghinta

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 31- TAHANAN

    MARTINA Habang papasok kami sa isang exclusive subdivision ay hindi ko mapigil na tingnan ang mga nag gagandahang mga bahay sa paligid. Ang yayaman siguro ng mga taong nakatira sa lugar na ito? Naisaloob ko na lang. Magarbo at malaki ang mga bahay na nakatayo sa bawat hanay ng subdi

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 29- UNANG HALIK

    Martina Bumuhos ang malakas na ulan. Ang kalsada ay halos hindi na maaninag dahil sa agos ng tubig. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ni Yohann habang pinapanuod ang mga taong tumatakbo sa ulan huwag lang gabihin sa pag-uwi. “Ang lakas ng ulan.” Walang ano-an

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 28- PAHIWATIG

    MARTINA Ang buong akala ko ay sa isang simpleng restaurant lang kami pupunta para makakain ng hapunan pero nagkamali ako. Nagulat pa ako ng mapadpad kami sa isang mataas na parte ng Manila at talagang nakakamangha ang ganda ng mga kumikinang na mga ilaw sa ibaba namin. “Nasaan t

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 24- KAMATAYAN

    ALBERT I’m still here in Yohann’s exclusive house. Exclusive dahil halos wala naman atang pumupunta sa kahit sinong kakilala nito para puntahan ito. No wonder kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ito sa nakaraan nila ni Martina. He’s been mentioning her name since we bec

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status