LOGINSANDALING nag-unat ng kaniyang katawan si Enrico. Kanina pa siya nagbabasa ng mga bagong proposals na ibinigay sa kaniya ng planning department para sa expansion ng LCS. Marami-rami rin siyang kailangang pag-aralan at tapusin at halos hindi pa siya nakapangangalahati sa ginagawa.
Iginalaw-galaw niya ang ulo. He did a bit of head stretching. Minasahe rin niya ang batok na kanina pa nakararamdaman ng ngalay.
Babalik na sana siyang muli sa ginagawa nang mapatingin sa glass wall ng kaniyang opisina; kung saan nakikita niya ang kaniyang bagong sekretarya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang unti-unting nahuhulog ang ulo nito sa pagkakayuko. Bigla siyang napatayo nang tuluyan ng napasubsob ang ulo nito sa lamesang nasa harapan.
Napatingin siya sa labas.
“Fuck!” mahinang usal niya. Nakumpirma ang kaniyang hinala nang tingnan niya ang orasan. Pasado alas-onse na pala.
Naiiling na kinuha niya ang coat at isinampay iyon sa braso. Binuksan din niya ang drawer na nilalagyan niya ng susi ng kaniyang sasakyan at tinungo ang pintuan palabas.
Halos tatlong linggo na ring nagtatrabaho sa kaniya si Autumn. At tatlong linggo na ring matyaga nitong sinusunod ang mga sinasabi niya. She literally stays wherever he is. Wala siyang naririnig na kahit anong reklamo rito, kahit pa nga halos hindi naman na ito nakauuwi sa kanila. Madalas kasi siyang nag-o-overtime.
Pagtapat niya sa lamesa nito ay pinagmasdan niya ang babae. Hindi nakabawas ang walang kaayusang buhok nito na bahagyang tumatabing sa makinis nitong mukha sa kagandahan nitong taglay. Her lips were still inviting. Mas lalo itong naging kaakit-akit dahil bahagyang nakanganga ang dalaga.
Napabuntonghininga siya habang pilit na pinakakalma ang sarili. No doubt that the woman was very sexy in her own way. Hindi lang talaga iyon mapapansin ng iba dahil sa kakaibang istilo ng pananamit nito.
He leaned a bit closer. Wala itong katagi-tagiyawat sa mukha. Kahit pinagbakasan niyon ay wala.
Nang magsawa sa pagmamasid dito ay tumayo siya ng tuwid. “Miss Martinez . . .” Hindi iyon malakas, ngunit hindi rin mahina. Sakto lang iyon para magising ito.
Pero mukhang hindi yata siya nito narinig. Ni hindi man lang ito gumalaw sa kinauupuan.
He extended his arm to wake her up again, pero bigla siyang natigilan. Autumn was crying while sleeping. Kitang-kita ng kaniyang mga mata ang paglalandas ng mga luha nito sa magkabilang pisngi. She even sobbed and continued crying.
Nabahala siya. Autumn must be having a bad dream.
“Miss Martinez . . . Miss Martinez?” Niyugyog niya ang balikat nito.
Bigla naman itong nagmulat ng mga mata. Ikinisap-kisap nito iyon na parang kinikilala ang lugar na kinaroroonan. Nang maalala, napaupo ito nang tuwid sabay baling sa kaniya.
“S-sir . . . P-pasensya na po, nakatulog ako. May ipag-uutos po ba kayo? Kape?” alertong tanong nito. Pagkatapos pahiran ang magkabilang pisngi ay tumayo ito, at pupunta na sana sa pantry pero kaagad niya itong hinawakan sa braso.
“Aw!” impit nitong daing.
Kaagad niya itong nabitiwan. “I’m sorry. I didn’t mean to,” hinging-paumanhin niya rito.
“A-ayos lang, Sir,” inayos nito ang suot na long sleeves.
“Huwag ka nang mag-abalang magtimpla, hindi naman ako iinom. In fact, I’m gonna send you home,” aniya.
“H-ho?!” bulalas nito. “Puwede naman akong umuwing mag-isa. Kaya ko naman po.”
Napakunot ang noo niya. He saw a glimpse of fear in her eyes. Takot ba ito sa kaniya?
Umiling siya. “No, I insist. Isa pa, doon din naman ang way ko pauwi,” aniya bago ito tinalikuran. Kung hindi siya magmamatigas, magpipilit lang ito sa gusto nito.
Sa pagdaan ng mga araw, napansin niyang hindi basta-basta natitinag ang babae. She stood firm on what she believed. Bagay na isa pa sa nagustuhan niyang personalinadad nito. Kahit may kaliitan ito, hindi ito basta nagpapa-bully sa kahit na sino. Maliban na lang sa trabaho.
Narinig niya ang mga yabag ng suot nitong sapatos na pasunod sa kaniya. Hindi niya ito nilingon. Dere-deretso siyang pumasok sa private elevator niya na connected sa basement parking; kung saan naroon ang kaniyang sasakyan.
“S-sir, okay na po ako. Ako na lang po ang uuwing mag-isa sa amin,” anang dalaga na atubing nakatayo sa labas ng elevator.
He leaned on the metal wall of the elevator. Humalukipkip siya pagkatapos ay pinagmasdan ito.
Bakit nga ba sa tuwing aalukin niya itong ihatid ay ganoon ito? Parang hindi mapakali. Hindi naman siya nangangagat.
“Takot ka ba sa akin, Miss Martinez?” tanong niya habang titig na titig sa mga mata nito.
Tila mapuputol ang leeg nito sa tindi ng pag-iling. “H-hindi naman po.”
“Then, come here. Gusto ko na ring magpahinga at alam kong ganoon ka rin. At kung hindi ka kikilos diyan sa kinatatayuan mo aabutin tayo pareho ng umaga rito,” seryosong banta niya.
Mabilis naman itong sumunod. Pagdating sa basement ay walang imikang tinungo nila ang kaniyang sasakyan. Hindi na niya ito ipinagbukas ng pintuan. Gustuhin man niya, palagi siyang nauunahan ng babae.
Pagsakay nila roon, tahimik pa rin siyang nagmaneho. He was bothered of what he saw earlier. Ganoon kasi siya noong bata pa siya. It was because of the trauma that he got from what happened to their family. Hindi iyon alam ng ama because he knew his father will be worried. At ayaw niya itong pag-alalahanin pa.
His father had a lot of responsibilities back then. He became a single father of three. Sa batang isip niya, nakikita niya noon kung gaano nahihirapan ang ama. He even didn’t want to mention the name of his second wife— na alam niyang kaya nito pinakasalan ay dahil sa kaniya. Dahil sa pagnanais nitong mabigyan siya ng kumpletong pamilya.
Saka, siya rin ang inaasahan nito noon sa dalawang nakababatang kapatid na sina Jacob at Alejandro. That’s why he hid everything from his dad. On his own, he managed to overcome his fear. Nagtagumpay naman siya, lalo na at bigla muling sumaya ang pamilya nila nang dumating ang kaniyang Mommy Chesca.
Napangiti siya.
Ganoon ang epekto ng ina sa tuwing maaalala niya ito. Bukod sa parang tropa lang ang turing nito sa kaniya, his mother is the best of all. Walang hindi ito kayang pasayahin sa kakulitan nito. Kaya walang hindi magkakamaling umibig dito, because his mother has a pure heart.
Ah . . . kung puwede nga lang sa Lagdameo Mansion siya umuwi ngayon. Pero . . .
Nilingon niya si Autumn. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito, but somehow he could feel her loneliness and sadness. Bagay na mas lalong gumulo sa kaniyang isipan.
While driving along the highway, napangiti siya sa nakita sa daan. Dahan-dahan siyang nagmenor at iginilid ang sasakyan. Nang tuluyan iyong huminto, napatingin sa kaniya ang katabing babae.
“May problema ba, Sir?” takang tanong nito.
Hindi siya sumagot. Bumaba siya ng sasakyan at sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagbukas niya ito ng pintuan. Bumaba naman ito mula roon.
“Ano hong gagawin natin?” nalilito pa ring tanong nito.
“Let’s eat something.” Walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay nito na mabilis naman nitong ipiniglas. Napatingin siya rito sa nangungunot na noo.
“E-eh . . . k-kasi, S-sir—”
Hindi na ito nakapagsalita nang muli niyang hawakan ang isang kamay nito nang mahigpit. Hinila niya ito sa stall na nakita niya kanina. Pagdating doon ay para siyang tumama sa lotto. Isa sa mga trip nila noon kasama ang kaniyang ina ang mag-midnight snacks sa kung saan-saang kalye. Mabuti na lang hindi kumokontra ang kaniyang ama. Mahirap naman nga kasing ayawan ang taong mahal mo, lalo na kung naglilihi. Hindi naman nakalilimot ang ina na isama silang tatlo. And for him, it’s one of the best memories he has from his childhood.
“Manong, sampung isaw nga po, limang mascara, limang dugo, at dalawang balút. Samahan n’yo na rin po ng maanghang na sawsawan,” aniya sa street food vendor.
“Sige, Sir. Pahintay na lang po,” anito.
Tumango siya. Mabilis naman nitong i-pre-n-pare ang order nila. At habang naghihintay ay naupo sila sa upuang nakahanda na roon para sa mga customers.
He looked around. Wala ng gasinong customers doon. Maghahating-gabi na rin kasi. Ramdam niya ang mga titig ni Autumn sa kaniya pero hindi niya ito pinapansin, kahit pa alam niyang nagtataka ang babae. Hindi nagtagal ay narinig niyang tumikhim ito.
“S-sir . . . baka ho puwedeng mauna na ako sa inyo. Gabing-gabi na rin ho, eh. Baka nag-aalala na ang nanay ko sa akin,” anito.
Walang kaemo-emosyong nilingon niya ito. “What did I tell you?”
Napayuko ito, kagat-kagat ang pang-ibabang labi. “I was just . . .” Umiling ito. Hindi na itinuloy ang sinasabi.
“You’re starving, I know. Kaya kakain muna tayo bago kita ihatid dahil gutom na rin ako.” Natanaw niyang luto na ang kaniyang order kaya tumayo siya at lumapit sa stall. “Ito na ba ang order ko, Manong?” magalang niyang tanong.
“Oho, Sir. Enjoy ho.” Nakangiting tumango ito sa kaniya habang iniaabot ang mga pagkain.
“Salamat ho.”
Bumalik siya sa puwesto nila ni Autumn. “Here.” Iniabot niya ang isang stick ng isaw rito, pati na ang isang paper cup.
Matagal iyong pinagmasdan ng babae. Tumingin pa ito sa kaniya nang may pag-aalinlangan.
Napataas ang isang kilay niya. “Hindi ka kumakain ng ganito?” curious niyang tanong.
“H-hindi po sa ganoon. Kayo ang inaalala ko, baka hindi kayo sanay na kumain ng ganiyan.” Dahan-dahan nitong kinuha ang iniaabot niya.
Natawa siya habang binubuhusan ng kaunting sawsawan ang ibinigay niya rito. “Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sisisihin kapag sumakit ang tiyan ko.”
Napatigil ito sa akmang pagsubo at napatingin sa kaniya.
“Kidding.” At nagsimula na siyang kumain. Si Autumn na halatang nagutom ay halos kalahati ang nakain sa in-order niya.
Sunod niyang binuksan ang balút at iniabot iyon sa dalaga. “Huwag mong sasabihin sa aking hindi ka kumakain nito,” aniya.
Ngumiti ito. Ngiting sa kauna-unahang pagkakataon ay ginawa nito mula nang magtrabaho ito sa kaniya. Ngiting halos ikapugto ng kaniyang hininga at bumuhay sa kaniyang dugo.
“Fuck!” mahinang mura niya sa sarili nang maramdaman ang epekto niyon sa katawan niya.
“Paborito ko ho ito,” ani Autumn.
Kinuha nito sa kamay niya ang balút, kaya hindi maiwasang magdikit ang mga balat nila. Mas lalo lang iyong nakadagdag sa nadarama niya.
He tried his best to concentrate his mind on eating. Pagkatapos, inihatid na niya si Autumn sa kanila. Gaya ng dati, nagmamadali itong bumaba ng kotse. At gaya ng dati, may naiwan na naman ito sa loob ng kotse niya— ang payong nito.
Inihatid niya ng tanaw ang babae papasok sa madilim na gate na bakal ng bahay ng mga ito. Hindi niya alam kung sinasadya ba iyon ni Autumn o talagang may pagkamalilimutin ito. But somehow, it made him smile.
Naiiling na dumeretso siya sa bahay niya. Ibabalik na lang niya sa dalaga ang payong nito, kasama ang iba pang mga bagay na naiwan nito sa sasakyan niya. Nakalimutan niya rin kasing ibalik iyon dito.
SINALUBONG sila ng Head of Production na si Mr. Reynan Santos, pagdating nila sa factory. Nasa mid-forties na ito at sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pioneer ng LCS.“What happened?” hindi ngumingiting tanong ng boss nila rito.Nakasunod lang si Autumn dito habang hawak ang iPad, kung saan siya nag-r-record ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho. Mas convenient iyon at mas madaling magpasok ng input. Connected na kasi iyon sa computer na nasa opisina at sa laptop na ginagamit niya kapag ganoong wala sila sa main office.“Nagkaroon po ng electric malfunction. Sumabog po ang tatlo sa main switch natin,” imporma ni Mr. Santos sa boss nila. Isinusulat naman iyon ni Autumn.“How did it happen? Hindi ba ch-n-eck ng electrician natin ang mga switch? Paano ang production? Hindi ba iyon apektado?” sunod-sunod na tanong ng lalaki.“Our electrician already checked it last night. Siguro po ay nag-overheat kaya ganoon ang nangyari. Wala
“ANONG oras ka umuwi kagabi?” bungad kay Autumn ng kaniyang amain na si Luis, pagpasok niya sa dining nila. Kagaya ng nakagawian nagbabasa ito ng dyaryo, kahit hindi naman na iyon uso sa panahong iyon habang nagkakape.“Alas-dose na ho,” nakayukong tugon niya saka umupo.“Alas-dose? Uwi pa ba iyon ng matinong babae?” anito.Napalingon siya sa ina na nakayuko sa pagkain nito. Napakunot ang noo niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Mahigpit na napakuyom ang kaniyang kamao habang hawak ang kutsara. Masama ang tinging sinulyapan niya ang amain na patuloy pa rin sa pagbabasa nito.Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Her stepfather was hitting her mother from time to time. Habit na nito iyon. Habit na labis niyang ikinagagalit hindi lang dito pati na rin sa ina, dahil madalas din siyang nakatitikim ng lupit nito. Hindi niya maintindihan ang ina kung bakit kahit anong pilit niyang kumbinsi rito na iwanan ang asawa ay hindi nito magawa. Her stepfather was so obsessed with her moth
SANDALING nag-unat ng kaniyang katawan si Enrico. Kanina pa siya nagbabasa ng mga bagong proposals na ibinigay sa kaniya ng planning department para sa expansion ng LCS. Marami-rami rin siyang kailangang pag-aralan at tapusin at halos hindi pa siya nakapangangalahati sa ginagawa.Iginalaw-galaw niya ang ulo. He did a bit of head stretching. Minasahe rin niya ang batok na kanina pa nakararamdaman ng ngalay.Babalik na sana siyang muli sa ginagawa nang mapatingin sa glass wall ng kaniyang opisina; kung saan nakikita niya ang kaniyang bagong sekretarya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang unti-unting nahuhulog ang ulo nito sa pagkakayuko. Bigla siyang napatayo nang tuluyan ng napasubsob ang ulo nito sa lamesang nasa harapan.Napatingin siya sa labas.“Fuck!” mahinang usal niya. Nakumpirma ang kaniyang hinala nang tingnan niya ang orasan. Pasado alas-onse na pala.Naiiling na kinuha niya ang coat at isinampay iyon sa braso. Binuksan din niya ang drawer na nilalagyan niya ng susi ng kaniya
“SANDALI!” Tumatakbong hinabol ni Autumn ang papasarang pintuan ng elevator. Wala ng gasinong tao noon sa lobby dahil five minutes na siyang late!Hindi yata narinig ng tao sa loob niyon ang sigaw niya, kaya kaagad niyang iniharang ang isang kamay. Napaigik siya sa sakit dahil sa ginawa.Nang bumukas iyong muli, nakayukong pumasok siya roon. Pinindot niya ang twelfth floor saka inayos ang nagusot na damit.Pinagsalikop niya ang kamay sa harapan. Tiningnan niya ang monitor kung saan nag-iindika ng bawat palapag na nilalagpasan ng elevator. Pakiramdam niya bumagal sa pag-akyat iyon. Pinagpapawisan na siya dahil alam niyang makagagalitan na naman siya ni Miss Arah.Nang tumunog ang elevator, kipkip ang mga gamit na madali siyang lumabas doon. Subalit, nakaiilang hakbang pa lamang siya ay masama na ang tingin sa kaniya ng kaniyang superior.Akmang bubuka na ang bibig nito nang sumara iyong muli. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ilalim ng malapad na salamin. Bigla kasing natulala ang baba
Enrico ended up in a high-end bar in the Metro. Tinawagan niya ang dalawang kapatid na sina Alejandro at Jacob, pero mukhang parehong busy ang dalawa. Mag-isa tuloy siyang umiinom sa loob ng VIP room na iyon.He was drinking quietly when someone opened the door. Natigil sa ere ang basong hawak niya at napatingin doon. A beautiful sexy woman entered without hesitation, and with a seductive smile on her lips. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya.“Do you want some company?” she asked. Naupo ito isang dipa mula sa kaniya. She crossed her legs exposing almost everything she hid in her tiny shimmering black dress. Kita na ang suot nitong itim ding bikini.Makahulugan siyang napangiti. He’s a male specie. A hot-blooded male specie to be exact. Madalas, inilalabas niya ang init ng katawan sa mga hook ups niya. Sa mga babaeng sila mismo ang kusang lumalapit sa kaniya. No strings attached, just pure hot steamy sex for a night.At hindi iyon lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang,
“ANO’NG nangyari? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa si Miss Fuentes?” tanong sa kaniya ni Whinona nang lapitan siya nito.“Hindi ko rin alam, kaya manahimik na lang tayo. Baka mamaya mapagdiskitahan na naman ako,” bulong niya rito. Tinatapos niya sa mga sandaling iyon ang iniwang trabaho kagabi.Wala siyang narinig na kahit ano kanina noong pumasok na ito. Akala niya sesermunan siya nito, pero hindi ganoon ang nangyari. Ngumiti pa ito sa kaniya, kaya lang, halatang peke naman. Hindi niya alam kung ano’ng sinabi rito ng boss nila, pero bigla ay para itong naging maamong tupa. Subalit, hindi naman maikakaila sa mga gawi at kilos nito ang tunay na nararamdaman, gaya sa mga sandaling iyon.“May nangyari kaya?” tanong pa ni Whinona na hindi pa rin pala umaalis sa tabi niya.“Whin, puwede ba? Marami akong ginagawa rito! Ayokong mapagalitan, okay?” pabulong niyang sita rito. Sinilip pa niya sandali si Miss Fuentes. Halatang may malalim itong iniisip base sa pangungunot ng noo nito







