Masuk“ANO’NG nangyari? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa si Miss Fuentes?” tanong sa kaniya ni Whinona nang lapitan siya nito.
“Hindi ko rin alam, kaya manahimik na lang tayo. Baka mamaya mapagdiskitahan na naman ako,” bulong niya rito. Tinatapos niya sa mga sandaling iyon ang iniwang trabaho kagabi.
Wala siyang narinig na kahit ano kanina noong pumasok na ito. Akala niya sesermunan siya nito, pero hindi ganoon ang nangyari. Ngumiti pa ito sa kaniya, kaya lang, halatang peke naman. Hindi niya alam kung ano’ng sinabi rito ng boss nila, pero bigla ay para itong naging maamong tupa. Subalit, hindi naman maikakaila sa mga gawi at kilos nito ang tunay na nararamdaman, gaya sa mga sandaling iyon.
“May nangyari kaya?” tanong pa ni Whinona na hindi pa rin pala umaalis sa tabi niya.
“Whin, puwede ba? Marami akong ginagawa rito! Ayokong mapagalitan, okay?” pabulong niyang sita rito. Sinilip pa niya sandali si Miss Fuentes. Halatang may malalim itong iniisip base sa pangungunot ng noo nito.
“Oo na! Oo na! Mabuti na lang din at parang occupied siya ngayon. Hindi niya naalala na kuhanin ang mga iyan.” Inginuso nito ang kaniyang ginagawa. Wala itong kaalam-alam kung bakit nga ba hindi siya ginagambala ng demonyita niyang boss. Wala rin naman siyang balak sabihin pa iyon dito.
“Kaya nga. Kaya bumalik ka na sa puwesto mo dahil baka mamaya, ikaw ang maputukan niya,” pananakot pa niya para tigilan na siya ng kaibigan.
Katakot-takot na irap ang itinugon nito sa kaniya, bago pinagulong ang kinauupuan sa sariling lamesa. Iiling-iling naman siyang nagpatuloy sa ginagawa. Ayaw rin naman niyang patagalin ang trabaho.
Engrossed na engrossed siya sa ginagawa kaya hindi niya namalayang lumipas na pala ang oras. Hindi rin niya namalayang may lumapit sa kaniya. Tumikhim ito pero parang wala naman siyang naririnig.
Tumikhim itong muli. Mas malakas at siniguradong aabot sa tainga niya.
Napaangat ang kaniyang ulo mula sa pagkakayuko. Napatayo siya nang makita kung sino ang naroon. Pag-ikot ng kaniyang mga mata sa kinaroroonan, siya na lang pala ang natitira roon.
Tiningnan niya ang malaking orasang nakakabit sa dingding. Pasado alas-dose na pala. Ni hindi niya namalayang lunch break na. At ang bruhilda niyang kaibigan, hindi man lang siya sinabihan!
Pero kung lunch break na, bakit naroroon ang lalaki sa harapan niya. Ang tinutukoy lang naman niya ay si Enrico Lagdameo. Nakapamulsa ito habang titig na titig sa kaniya. Hindi tuloy niya naiwasang pamulahan ng mukha.
Nahihiyang inayos niya ang salamin na suot pagkuwa’y yumuko. “A-ano pong kailangan ninyo, Sir? Wala po si Miss Fuentes. Baka po nag-lunch out,” aniya.
“Was that a habit?” he asked. Pero hindi naman niya alam kung ano ang tinutukoy nito.
Nag-angat siya ng ulo, ngunit paiwas pa rin ang tingin. “P-pardon, Sir?”
Umiling-iling ito habang tumataltak. “I just wanted to give you this.” Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. “You forgot it in my car last night,” anito.
Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na kinuha ang hawak nito. “S-sorry, Sir. Naabala pa kayo dahil dito.” Mabilis niyang inilagay sa bag ang kaniyang panyo na iniaabot nito.
Iginala nito ang mga mata sa tahimik na opisina. “Hindi ka ba mag-l-lunch?” Muli siya nitong binalingan.
“A-ahm . . . H-hindi po . . .” nauutal na tugon niya. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.
Bakit ba kasi naroon ang boss niya? Pinag-aksayahan pa nitong dalhin ang panyo niya, marami naman siya noon.
Bakit ba hindi ka na lang magpasalamat? Nag-abala pa naman iyong tao.
Hindi mo ba narinig? Nagpasalamat naman ako, ah.
Pero hindi sinsero . . .
Pagtatalo ng kaniyang isipan.
“Itigil na ninyo iyan!” inis na saway niya sa sarili. Bahagya ring napalakas ang tinig niya.
“What? Wala naman akong ginagawang masama,” sagot ng kaniyang boss.
Napakagat-labi siya. “P-pasensya na kayo, Sir . . .” tangi niyang nasabi. Halos hilingin na niyang lumubog na lang sa kinatatayuan sa pagkapahiya.
“Anyway, mag-lunch ka na. Hindi pa rin ba tapos iyan?” Tiningnan nito ang tambak na papeles sa kaniyang lamesa.
Umiling siya. “Hindi pa po. Saka, tatapusin ko po muna siguro ito. Kailangan na kasi ito ni Miss Fuentes,” aniya.
“No. You should eat first,” giit nito.
Tabingi siyang napangiti. Ano ba talagang gusto ng amo niya? Mukhang nagkamali siya nang sabihing introvert ito. Bukod sa makulit, parang wala yata itong balak na umalis doon.
“A-ah, sige po. Kayo rin, Sir, kumain na rin kayo,” hindi direktang pagtataboy niya rito. Kinuha niya ang packed lunch upang maintindihan nito ang nais niyang ipakahulugan.
“Alright . . . I’ll go ahead.”
Nakahinga siya nang maluwag.
Mabuti naman, sa loob-loob niya.
Uupo na sana siya nang bigla itong bumaling sa kaniya. “M-may kailangan pa po ba kayo?”
“Aren’t you gonna used the pantry?” tanong nito.
Right!
“O-opo nga,” tangi niyang naisagot saka muling tumayo. Mabilis ang mga kilos na tumalikod siya rito kipkip ang kaniyang baon.
“And by the way . . .” anitong nagpatigil sa kaniyang paghakbang. “You should clean your wound.”
Papalayong mga yabag nito ang sunod niyang narinig. Paglingon niya, papasarang pintuan na lang ng elevator ang kaniyang nakita.
Napabuntonghininga na lang siya. Kung ano man ang balak ng kaniyang amo sa paglapit-lapit sa kaniya, kailangan niyang ihanda ang sarili. Sa mga oras na iyon pa lang, kailangan na niyang ikandado ang puso dahil malaking gulo kapag nagpatuloy ang lalaki sa ginagawa nito.
She must build walls between them. Proteksyon na rin iyon para sa sarili at para sa lalaki.
“SIR, narito na po ang ipinakukuha ninyo,” anang sekretarya niyang si Fely.
“Just leave it here,” hindi nag-aangat ng ulong wika niya.
Patuloy siya sa pag-aaral ng mga prospective clients at investors niya. Kailangan niya iyon para sa expansion ng Lagdameo Cement and Steel. Dumadami na ang demands kaya nag-suggest siya sa ama ng expansion. Sumang-ayon naman ito, basta raw may mailatag siyang maayos na proposal.
“May sasabihin ka pa ba?” Hindi pa rin umaalis ang sekretarya niya sa kaniyang harapan. Napilitan tuloy siyang lingunin ito.
“E-eh, Sir, gusto ko lang sabihin na ikakasal na ho ako. Kaya kailangan n’yo munang maghanap ng temporary secretary ninyo,” alanganing tugon nito.
Ibinaba niya ang mga binabasa at sandaling nag-isip. Isa sa mga benefits ng mga empleyado roon ang pagkakaroon ng four months leave with pay kapag ikakasal. Iyon ay isa lamang sa mga prebelihiyong tinatanggap ng mga empleyado nila— na tanging kompanya lang nila ang mayroon. Ang Mommy Chesca niya kasi ang gumawa ng batas na iyon kaya hindi na makaangal pa ang kaniyang ama.
Sa isipan ay bahagya siyang nangiti. Pagdating sa pamilya, hindi maiiwasan sa kaniya ang makita sa ganoong tagpo. He loves his family dearly. It may not be perfect, but it is definitely one of those that other people felt jealous of. Isa na rin sa malaking dahilan doon ay ang kaniyang Mommy Chesca.
Oh, he missed his mom already. Naisip niyang dalawin ito sa mansyon sa weekend. Tiyak, masosorpresa ito.
“Sir?” untag sa kaniya ni Fely.
Napatingin siya rito. Nangungunot ang noo nito habang nakatitig sa kaniya. Hindi ito takot na masermunan. Kilala na kasi nito ang ugali niya. She’s good at her job, kaya lagi silang magkasundo. Ito lang sa lahat ng empleyado niya ang malapit sa kaniya at itinuturing niyang kaibigan. The rest . . . may pader pa ring nakapagitan.
Tumango siya. “Don’t worry about it. Ako na ang bahalang humanap ng kapalit mo.” May kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi nang sabihin iyon.
Napataas ang isang kilay nito. “Are you sure, Sir?”
“Kailan pa nangyari na pinagdudahan mo ako?” Sumandal siya sa kinauupuang swivel chair habang nilalaro sa daliri ang ballpen na hawak.
“Hindi sa ganoon, Sir. I don’t know. But . . .” Hindi nito itinuloy ang sinasabi.
“But?”
Huminga ito nang malalim. “But you seemed different. May kakaibang kislap sa mga mata ninyo,” anito.
Naiiling na nangingiti siya. “You’re imagining a lot of things, Fely. Maybe it’s wedding jitters. Try to calm yourself kung mabuting tao naman ang mapapangasawa mo,” may halong panunudyong wika niya.
Ito naman ang napailing. “Wala na akong sinabi.” Sinabayan nito iyon ng pagtalikod.
Inihatid niya ito ng tingin hanggang sa maisarado nito ang pintuan ng kaniyang opisina. Pagkatapos, ibinaba niya ang hawak na ballpen at kinuha ang folder na ibinigay nito. Binuklat niya iyon at binasa ang laman. He was nodding, at the same time, heaving a sigh.
After a while, he closed it again and looked outside the wall to the ceiling window. Ang dalawang kamay niya ay magkasalikop sa kaniyang harapan. He stared at the buildings outside. Ang iba roon ay kita na ang mga kumikinang na ilaw— tanda na malapit ng gumabi.
He turned around on his table again. Dinampot niyang muli ang ballpen at nagpatuloy sa pagbabasa at pagpirma ng mga dokumentong naroon.
He was still thinking of the woman at the twelfth floor. The woman who had the most conservative way of dressing herself. Noon lang yata siya nakakita ng babaeng tinalo pa ang propesora niya noon sa Philosophy kung manamit. Mukha itong old maid.
But even so, nakuha na nito ang atensyon niya. If that’s because he saw her being humiliated in front of her co-workers— hindi niya alam.
Baka naman dahil nakita mo kung gaano kakinis ang katawan niya, bulong ng likurang bahagi ng kaniyang isipan.
Napailing siya.
Aaminin niya sa sarili, makinis nga talaga ang balat nito. Nasisiguro niyang marami itong mabibihag na lalaki. Ang problema nga lang talaga ay ang uri ng pananamit nito, tagong-tago. Halos wala ng ipakita.
Kahit may kaliitan ang babae, bawing-bawi naman ito sa pisikal na hitsura. Maliit ang hugis bigas na mukha nito. Ang mga matang natatakpan ng makapal na salamin ay malamlam at parang laging nag-iimbita. Her eyebrows were proportionally drawn on her face. Aside from that, her heart-shaped lips were inviting. Ang ilong nitong kaliitan ay matangos. But what captured him the most was her mole under her lower lip. Parang mas lalong naging kaakit-akit itong tingnan dahil doon.
“Fuck!” Napatigil siyang muli sa ginagawa.
He looked at himself, down in the middle of his thighs. Bigla ay parang nagkaroon iyon ng sariling isip at buhay na buhay.
Another F-word was uttered on his head.
Tumayo siya. Niluwagan ang necktie na suot. He paced back in forth in his office. Tiyak na kagagalitan siya ng ina sa kaniyang iniisip. Kaya para matahimik, kailangan niyang ilabas ang init ng katawan.
He went to his table. Kinuha niya ang susi ng kaniyang sasakyan. Pagkatapos ay lihim na nangingiti habang naglalakad palabas ng kaniyang opisina.
SINALUBONG sila ng Head of Production na si Mr. Reynan Santos, pagdating nila sa factory. Nasa mid-forties na ito at sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pioneer ng LCS.“What happened?” hindi ngumingiting tanong ng boss nila rito.Nakasunod lang si Autumn dito habang hawak ang iPad, kung saan siya nag-r-record ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho. Mas convenient iyon at mas madaling magpasok ng input. Connected na kasi iyon sa computer na nasa opisina at sa laptop na ginagamit niya kapag ganoong wala sila sa main office.“Nagkaroon po ng electric malfunction. Sumabog po ang tatlo sa main switch natin,” imporma ni Mr. Santos sa boss nila. Isinusulat naman iyon ni Autumn.“How did it happen? Hindi ba ch-n-eck ng electrician natin ang mga switch? Paano ang production? Hindi ba iyon apektado?” sunod-sunod na tanong ng lalaki.“Our electrician already checked it last night. Siguro po ay nag-overheat kaya ganoon ang nangyari. Wala
“ANONG oras ka umuwi kagabi?” bungad kay Autumn ng kaniyang amain na si Luis, pagpasok niya sa dining nila. Kagaya ng nakagawian nagbabasa ito ng dyaryo, kahit hindi naman na iyon uso sa panahong iyon habang nagkakape.“Alas-dose na ho,” nakayukong tugon niya saka umupo.“Alas-dose? Uwi pa ba iyon ng matinong babae?” anito.Napalingon siya sa ina na nakayuko sa pagkain nito. Napakunot ang noo niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Mahigpit na napakuyom ang kaniyang kamao habang hawak ang kutsara. Masama ang tinging sinulyapan niya ang amain na patuloy pa rin sa pagbabasa nito.Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Her stepfather was hitting her mother from time to time. Habit na nito iyon. Habit na labis niyang ikinagagalit hindi lang dito pati na rin sa ina, dahil madalas din siyang nakatitikim ng lupit nito. Hindi niya maintindihan ang ina kung bakit kahit anong pilit niyang kumbinsi rito na iwanan ang asawa ay hindi nito magawa. Her stepfather was so obsessed with her moth
SANDALING nag-unat ng kaniyang katawan si Enrico. Kanina pa siya nagbabasa ng mga bagong proposals na ibinigay sa kaniya ng planning department para sa expansion ng LCS. Marami-rami rin siyang kailangang pag-aralan at tapusin at halos hindi pa siya nakapangangalahati sa ginagawa.Iginalaw-galaw niya ang ulo. He did a bit of head stretching. Minasahe rin niya ang batok na kanina pa nakararamdaman ng ngalay.Babalik na sana siyang muli sa ginagawa nang mapatingin sa glass wall ng kaniyang opisina; kung saan nakikita niya ang kaniyang bagong sekretarya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang unti-unting nahuhulog ang ulo nito sa pagkakayuko. Bigla siyang napatayo nang tuluyan ng napasubsob ang ulo nito sa lamesang nasa harapan.Napatingin siya sa labas.“Fuck!” mahinang usal niya. Nakumpirma ang kaniyang hinala nang tingnan niya ang orasan. Pasado alas-onse na pala.Naiiling na kinuha niya ang coat at isinampay iyon sa braso. Binuksan din niya ang drawer na nilalagyan niya ng susi ng kaniya
“SANDALI!” Tumatakbong hinabol ni Autumn ang papasarang pintuan ng elevator. Wala ng gasinong tao noon sa lobby dahil five minutes na siyang late!Hindi yata narinig ng tao sa loob niyon ang sigaw niya, kaya kaagad niyang iniharang ang isang kamay. Napaigik siya sa sakit dahil sa ginawa.Nang bumukas iyong muli, nakayukong pumasok siya roon. Pinindot niya ang twelfth floor saka inayos ang nagusot na damit.Pinagsalikop niya ang kamay sa harapan. Tiningnan niya ang monitor kung saan nag-iindika ng bawat palapag na nilalagpasan ng elevator. Pakiramdam niya bumagal sa pag-akyat iyon. Pinagpapawisan na siya dahil alam niyang makagagalitan na naman siya ni Miss Arah.Nang tumunog ang elevator, kipkip ang mga gamit na madali siyang lumabas doon. Subalit, nakaiilang hakbang pa lamang siya ay masama na ang tingin sa kaniya ng kaniyang superior.Akmang bubuka na ang bibig nito nang sumara iyong muli. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ilalim ng malapad na salamin. Bigla kasing natulala ang baba
Enrico ended up in a high-end bar in the Metro. Tinawagan niya ang dalawang kapatid na sina Alejandro at Jacob, pero mukhang parehong busy ang dalawa. Mag-isa tuloy siyang umiinom sa loob ng VIP room na iyon.He was drinking quietly when someone opened the door. Natigil sa ere ang basong hawak niya at napatingin doon. A beautiful sexy woman entered without hesitation, and with a seductive smile on her lips. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya.“Do you want some company?” she asked. Naupo ito isang dipa mula sa kaniya. She crossed her legs exposing almost everything she hid in her tiny shimmering black dress. Kita na ang suot nitong itim ding bikini.Makahulugan siyang napangiti. He’s a male specie. A hot-blooded male specie to be exact. Madalas, inilalabas niya ang init ng katawan sa mga hook ups niya. Sa mga babaeng sila mismo ang kusang lumalapit sa kaniya. No strings attached, just pure hot steamy sex for a night.At hindi iyon lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang,
“ANO’NG nangyari? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa si Miss Fuentes?” tanong sa kaniya ni Whinona nang lapitan siya nito.“Hindi ko rin alam, kaya manahimik na lang tayo. Baka mamaya mapagdiskitahan na naman ako,” bulong niya rito. Tinatapos niya sa mga sandaling iyon ang iniwang trabaho kagabi.Wala siyang narinig na kahit ano kanina noong pumasok na ito. Akala niya sesermunan siya nito, pero hindi ganoon ang nangyari. Ngumiti pa ito sa kaniya, kaya lang, halatang peke naman. Hindi niya alam kung ano’ng sinabi rito ng boss nila, pero bigla ay para itong naging maamong tupa. Subalit, hindi naman maikakaila sa mga gawi at kilos nito ang tunay na nararamdaman, gaya sa mga sandaling iyon.“May nangyari kaya?” tanong pa ni Whinona na hindi pa rin pala umaalis sa tabi niya.“Whin, puwede ba? Marami akong ginagawa rito! Ayokong mapagalitan, okay?” pabulong niyang sita rito. Sinilip pa niya sandali si Miss Fuentes. Halatang may malalim itong iniisip base sa pangungunot ng noo nito







