تسجيل الدخول“Katulong sa umaga, parausan sa gabi." Iyan ang naging trabaho ko sa mansyon ni Ymilio. Gawain sa bahay ang inaatupag ko tuwing umaga, at sa pagsapit ng gabi ay siya naman ang pagsisilbihan ko sa kama. Halimaw siya sa paningin ko. Halimaw sa kama. At sinong mag-aakala na ang halimaw na ito ay unti-unti kong mapapaamo? Na ang dating kinatatakutan sa buong probinsya ay unti-unti nang lumalambot?
عرض المزيدNaniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.
Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.
Bukod sa wala kaming boses, wala rin kaming karapatan, at madalas, walang pagpipilian.
Bata pa lang ako nang mawala ang mga magulang ko. Ang tita ko lang na kapatid ni nanay ang nagtiyagang bumuhay sa akin, pero tila ayaw talaga sa akin ng tadhana. Pagtuntong ko pa lang ng high school ay agad din siyang kinuha sa akin ng Maykapal. Wala siyang asawa’t anak, at wala rin akong ibang kilalang kamag-anak. Sa madaling salita, mag-isa na lang ako ngayon sa buhay.
Swerte ko na lang at natanggap ako sa Fleur de Lis Maid Café, ang pinakasikat na café dito sa amin. Pero ang salitang 'swerte' ay may kalakip na dumi. Dito, ang bawat ngiti namin ay may presyo. Sa madaling salita ulit, kailangan namin pakisamahan ang mga master namin para may makuha kaming tip galing sa kanila.
Master ang tawag namin sa mga customer namin. May matanda, medyo bata-bata pa, basta mayamang lalaki, puwedeng pumunta dito sa café. Para lang itong restawran, iyon lang at puro mayayamang lalaki ang customer namin.
"Ika! ‘Yung order sa Table 4, kanina pa naghihintay si Master Domeng!" sigaw ng manager naming si Selya mula sa counter.
"Opo, paparating na!" sagot ko habang mabilis na inaayos ang mga tasa ng kape sa tray.
Nasa bandang kusina ako ngayon, kasalukuyang hinahanda ang order ng regular naming customer na si Domeng. May pagkamainipin ang isang ’to kaya binilisan ko lalo ang mga kilos ko.
“Ito na—" bitbit ang tray, palabas na sana ako ng pinto ng kusina nang matigilan ako.
Ang ingay sa labas. Lagi nang maingay rito, puno ng halakhakan, pero sa pagkakataong ito, kakaiba ang ingay na nagmumula roon.
"Pulis! Tumawag kayo ng pulis!" sigaw ng manager namin mula doon na nagpakabog ng dibdib ko, dahilan upang mabitawan ko ang tray.
Tumalsik ang dala kong traysa sahig, pero hindi ko na iyon nagawang panghinayangan. Mas lalong lumakas ang ingay. May naririnig na akong nababasag na salamin habang sinasabayan ng mga sigawan.
Sumilip ako nang bahagya sa awang ng pinto at halos manigas ang buong katawan ko sa nakita.
May gulo nga sa labas! May mga de-armas na lalaki na nakapasok. Lahat ng masters namin ay nakadapa na sa sahig sa tindi ng takot, habang ang mga kasamahan kong staff ay nakapusas na ang mga kamay.
Ano ba'ng nangyayari? Mga kidnapper ba ang mga ito?
Purong itim ang kanilang kasuotan. Mula sa tactical gear hanggang sa mga bota nila. Pero ang pinakanakakatakot sa kanila ay ang mga suot nilang maskara. Puting-puti ito na walang emosyon, katulad ng sa Jabbawockeez. Tuloy, nagmistula silang mga demonyo dahil sa dim lights ng café.
"Walang gagalaw!" baritonong sigaw ng isa sa kanila.
Ang manager namin na kaninang sumigaw ay nalingunan kong nanginginig na nakatago sa ilalim ng counter.
"Nasaan ang babae?" tanong ng isa pa sa mga de-armas na mga lalaki. Lumingon-lingon pa siya, tila may hinahanap na target.
Kinabahan ako nang tuluyang mag-sink in sa akin ang sitwasyon. May parte sa akin na nagsasabi na tumakbo na ako't tumakas, pero saan naman ako dadaan? Ang tanging labasan ay ang pinto sa harap kung nasaan ang mga lalaki.
Dahan-dahan akong umatras upang tumungo sa back exit ng kusina, pero bago pa man ako makalayo sa pinto ay isang malakas na pagsipa ang tumama doon, dahilan upang mapatili ako nang malakas.
Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isa sa kasamahan ng mga lalaki. Dumirekta agad ang mata niya sa akin.
"Found her," deklara niya na hindi tinatanggal sa akin ang tingin.
Bago pa man ako maka-react ay may pumasok ng dalawang kasamahan niya, pagkatapos ay ginapos ang mga kamay ko.
“A-anong… anong gagawin niyo sa'kin? T-tulong!” kinakabahan kong sigaw, sinubukan magpumiglas.
"Patahimikin na ’yan,” utos n'ung lalaking unang pumasok dito kanina.
Mas lalo ako nagpumiglas nang may nilabas na puting panyo ang isa sa nakagapos sa akin, sunod ay tinakip ito sa ilong ko. Pinaghalong matamis at matapang ang pagkakalanghap ko sa amoy ng panyo. Wala pang limang segundo ay naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng tuhod ko, hanggang sa kusa na lang bumigat ang mga talukap ng mata ko.
Nagising ako na may matinding sakit sa ulo. Pilit kong iminulat ang mga mata ko pero mabilis ding napapikit dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko.
Nang luminaw ang paningin ko, napansin kong nasa loob ako ng isang malawak na silid. Mataas ang kisame, may mga antigong gamit, at amoy mamahaling pabango at tabako ang paligid. Nakaupo ako sa isang velvet na sofa, at ang mga kamay ko ay hindi naman nakatali, pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong katawan ko.
"Gising ka na pala.”
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Doon ko lang din napansin na sa tapat ko ay may malaking bintana kung saan nakatayo ang nakatalikod sa gawi ko na lalaki.
Polong itim ang pang-itaas nito na nakatupi ang manggas hanggang siko, inilalantad ang kanyang maskuladong braso.
"S-sino ka? Nasaan ako?” pilit kong nilakasan ang boses ko kahit nanginginig ako.
Nilagay niya sa parehong bulsa ang mga kamay niya bago niya ako dahan-dahang nilingon. Agad nangunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya.
Para siyang hindi totoo. Ang mukha niya ay tila iginuhit ng isang bihasang pintor—matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang mga mata niyang kulay abo ay tila binabasa ang bawat hibla ng pagkatao ko. Gwapo.
Teka… ano nga ulit ang nangyari bago ako nawalan ng malay? Ah… ginapos pala ako ng mga kidnapper. Hindi kaya itong lalaking ito ang boss nila? Pero sobrang gwapo naman niya para sa isang kidnapper.
"You're in my territory, Ika," seryosong sagot ng lalaki na ikinabilog ng mga mata't bibig ko.
Ika? Tinawag niya ako sa pangalan ko!
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? At b-bakit niyo ako kinidnap?"
Pero imbes na sagutin ako ay nagsimula na lang siyang humakbang palapit sa gawi ko.
"I am Ymilio Eros Remington. And starting today, you work for me."
Napamaang ako. Remington? Isa siyang Remington?!
Mas lalong namilog ang bibig ko sa narinig. Ang Remington ang pamilyang nagmamay-ari ng pinakamalalawak na hacienda sa probinsyang ito. Sila ang batas dito.
Pero teka… ano nga ulit ang sinabi niya? Magtatrabaho ako sa kaniya?
Umayos ako ng tayo at bahagyang tumikhim para ikalma ang nagsisimula nang manginig na katawan ko dahil sa takot.
"M-mawalang galang po, M-mister… Remington… pero may trabaho na po ako sa cafe."
Niyuko ko agad ang ulo ko nang humakbang na naman siya ulit palapit lalo sa akin.
"That's not a job, that's a playground for old men," aniya. Ang boses niya ay maginoo pakinggan, pero may kung anong talim ang nakatago rito. "I'm offering you a real position. Personal maid. My personal maid.”
Personal maid?
Gusto kong iangat ang tingin sa kaniya para tingnan kung seryoso ba siya sa sinabi. Pero sa takot ko ay nanatili akong nakayuko, ni hindi na maibuka ang bibig at nagsisimula na rin manginig ang katawan ko.
"You will serve me in every way possible," pagpapatuloy niya nang hindi ako nakaimik. “From the kitchen... to the bedroom. Your job is to make sure I am satisfied. Sagad-sagad na kasiyahan. Do you understand?"
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Ang mga salita niya ay direktang pambabastos, pero ang paraan ng pagkakasabi niya ay tila isang utos na hindi mo ko puwedeng tanggihan.
"S-sagad-sagad po? Ano pong ibig niyong sabihin?” nanatiling nakayuko ang ulo ko kahit hinawakan na niya ang hibla ng buhok kong humaharang ngayon sa mukha ko. Pagkatapos ay pasimple niya itong inipit sa likod ng tainga ko. Bigla akong kinilabutan.
“Oo, sagad sagad. Simple lang naman ang trabaho mo. Katulong kita sa umaga, parausan naman kita tuwing gabi. Naintindihan mo na?”
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang titig na titig pa rin sa naiguhit ko. Bakit ito ang naiguhit ko? Ang nasa isip ko lang kanina ay lagyan ng kakaibang awra ang tanaw kong view sa labas. Parking lot? Babaeng nakahandusay at dalawang lalaki na may patalim? Hindi kaya… ito ang tinutukoy noon ni Ymilio na nangyari sa akin bago ako mawalan ng ala-ala? Sabi niya nasa bingit ako ng kamatayan nang matagpuan niya ako? Ako ba itong babae?Sari-saring teorya na ang pumapasok sa utak ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko nang mapansin ko ang matinding panginginig nito. Pagkatapos ay pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Imposibleng ito nga ang nangyari sa akin. Baka napanood ko lang sa ‘to sa kung anong palabas bago ako mawalan ng memorya," pagkumbinsi ko sa sarili ko. Kukuha sana ako ng tela para takpan ang canvas dahil para akong nasusuka sa tuwing tinititigan ko ito, nang bigla kong narinig ang pagbukas ng digital lock ng pintuan.Si Ymilio. Pagpasok niya ay agad niyang ibinaba ang
Nanatili akong nakaupo sa kama habang nakatingin sa pigura niya. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang sumikip ang dibdib ko. Lagi siyang nakangiti sa akin pero hindi ganito. Ang lawak ng pagkakangiti niya ngayon. Sa sobrang lawak ay ngayon ko lang napagtanto na may dimple pala siya. Sino ba'ng kausap niya? Imposible namang katrabaho niya dahil lumabas pa siya at talagang isinarado ang pintuan. Dahil sa mga tanong na isa-isang pumasok sa utak ko, at sa matinding kuryusidad, dahan-dahan akong bumaba sa kama. Sinikap kong huwag lumikha ng kahit anong ingay habang papalapit na ako sa de-salaming pinto ng balkonahe. Nang nandoon na ako ay idinikit ko ang tainga ko sa glass panel. "...please, take care of yourself. Darating ako d'yan mamaya, okay?" dinig kong sabi niya sa kausap. Mariin kong nakagat ang labi ako at awtomatikong napakapit sa kumirot na namang dibdib ko. Ang lambing lambing ng pagkakasabi niya n'un. Walang panama ang kalambingan ng boses niya kapag ako ang kausap niya.
Pagkalapag na pagkalapag niya sa akin sa kama, mabilis niyang hinila ang pinakaitaas na drawer ng nightstand at inilabas mula doon ang dalawang wireless gaming controller. Isang sulyap lang niya sa malaking screen sa tader ay awtomatiko na itong bumukas at nag-load ang paborito naming fighting game."Let's see if you can keep up with me this time," nakangising hamon niya sabay maingat na binato sa akin ang kulay pulang controller.Mabilis ko naman itong nasalo, sunod ay naupo na ako sa gitna ng kama, isinandal ko ang likod ko sa naglalakihang unan. "Akala mo naman sobrang galing mo? Tatlong araw mong idinahilan 'yang mga business meetings mo kaya nakaligtas ka sa pagkatalo! Babawian kita ngayon, Lord master!""We'll see," maikli niyang sagot at namili na ng kaniyang karakter sa screen.Nagsimula ang unang round at agad na napuno ng ingay ng mga pinipindot na buttons ang buong kwarto. Talagang seryoso ako ngayon dahil tatlong araw ko itong lihim na pinag-ensayuhan tuwing wala siya sa m
Huminga ako nang malalim at tinalikuran na muna ang malaking salamin. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko. Bahagya akong natawa sa sarili ko habang patungo ako sa malawak na kusina. Kung anuman ang nakaraan ko bago ang aksidente, mas gusto ko na lang munang i-enjoy kung anong mayroon ako ngayon. At least dito, reyna ako na nagpapanggap na katulong.Para mawala ang inip ko habang naghihintay sa kaniyang pag-uwi, nagdesisyon akong linisin na naman ang buong sala. Sobrang linis naman dito pero para may magawa lang ako, nilinisan ko pa ito lalo. Nang matapos ako ay nagluto na rin ako ng hapunan namin mamaya. Nakapagtataka lang dahil kahit wala akong maalala sa buhay ko, pagdating sa kusina ay tila may sariling utak ang mga kamay ko. Alam ko kung aling mga pampalasa ang babagay sa karne, at kung paano hiwain ang mga gulay nang mabilis nang hindi nasasaktan ang sarili ko."Siguro chef ako sa past life ko," natatawa kong bulong sa sarili ko habang hinahalo ang niluluto kong adobo.Eksakton
“Ang sagwa n'yo po palang makipag-s*x!” ulit ko pa, sunod ay pinapahid ko ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng kamay ko. Lasang-lasa ko pa rin ang lagkit at alat ng likidong iniluwa niya sa loob ng bibig ko."You're making a fuss over a drop of milk? We haven’t even started the real work," he sa
Halos hindi ko na malasahan ang steak na nginunguya ko habang siya'y halos patapos na. Para akong kumakain ng papel habang panakaw-nakaw ang tingin sa kaniya. Grabe. Normal na normal na siguro sa kaniya ’yung ganito. ’Yung magha-hire ng gagawing parausan, tapos kapag magsawa ay hahanap na naman ng
Mabilis akong natapos sa pagligo dahil na rin sa excitement. Paglabas ko ng banyo, nakita kong nakahanda na sa ibabaw ng kama ang isang simpleng t-shirt at maong na shorts. May kasama pa itong white rubber shoes na alam kong kay Ymilio galing dahil wala naman akong dalang ganoong sapatos."Isuot mo
Medyo natagalan bago ako nakabangon mula sa pagkakahiga. Ramdam ko ang lagkit sa buong katawan ko pero mas nangingibabaw ang hapdi. Pagkaapak pa lang ng paa ko sa sahig ay muntik na akong mabuwal. Literal na nangangatog ang tuhod ko."Ten minutes, Ika. I'm counting," dinig kong sabi ni Ymilio mula


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
المراجعاتأكثر