Share

Ang Inosenteng Maid ni Lord Master
Ang Inosenteng Maid ni Lord Master
Author: ExDealers

Sagad 1

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-18 00:55:37

Naniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.

Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.

Bukod sa wala kaming boses, wala rin kaming karapatan, at madalas, walang pagpipilian.

Bata pa lang ako nang mawala ang mga magulang ko. Ang tita ko lang na kapatid ni nanay ang nagtiyagang bumuhay sa akin, pero tila ayaw talaga sa akin ng tadhana. Pagtuntong ko pa lang ng high school ay agad din siyang kinuha sa akin ng Maykapal. Wala siyang asawa’t anak, at wala rin akong ibang kilalang kamag-anak. Sa madaling salita, mag-isa na lang ako ngayon sa buhay.

Swerte ko na lang at natanggap ako sa Fleur de Lis Maid Café, ang pinakasikat na café dito sa amin. Pero ang salitang 'swerte' ay may kalakip na dumi. Dito, ang bawat ngiti namin ay may presyo. Sa madaling salita ulit, kailangan namin pakisamahan ang mga master namin para may makuha kaming tip galing sa kanila.

Master ang tawag namin sa mga customer namin. May matanda, medyo bata-bata pa, basta mayamang lalaki, puwedeng pumunta dito sa café. Para lang itong restawran, iyon lang at puro mayayamang lalaki ang customer namin.

"Ika! ‘Yung order sa Table 4, kanina pa naghihintay si Master Domeng!" sigaw ng manager naming si Selya mula sa counter.

"Opo, paparating na!" sagot ko habang mabilis na inaayos ang mga tasa ng kape sa tray.

Nasa bandang kusina ako ngayon, kasalukuyang hinahanda ang order ng regular naming customer na si Domeng. May pagkamainipin ang isang ’to kaya binilisan ko lalo ang mga kilos ko.

“Ito na—" bitbit ang tray, palabas na sana ako ng pinto ng kusina nang matigilan ako.

Ang ingay sa labas. Lagi nang maingay rito, puno ng halakhakan, pero sa pagkakataong ito, kakaiba ang ingay na nagmumula roon.

"Pulis! Tumawag kayo ng pulis!" sigaw ng manager namin mula doon na nagpakabog ng dibdib ko, dahilan upang mabitawan ko ang tray.

Tumalsik ang dala kong traysa sahig, pero hindi ko na iyon nagawang panghinayangan. Mas lalong lumakas ang ingay. May naririnig na akong nababasag na salamin habang sinasabayan ng mga sigawan.

Sumilip ako nang bahagya sa awang ng pinto at halos manigas ang buong katawan ko sa nakita.

May gulo nga sa labas! May mga de-armas na lalaki na nakapasok. Lahat ng masters namin ay nakadapa na sa sahig sa tindi ng takot, habang ang mga kasamahan kong staff ay nakapusas na ang mga kamay.

Ano ba'ng nangyayari? Mga kidnapper ba ang mga ito?

Purong itim ang kanilang kasuotan. Mula sa tactical gear hanggang sa mga bota nila. Pero ang pinakanakakatakot sa kanila ay ang mga suot nilang maskara. Puting-puti ito na walang emosyon, katulad ng sa Jabbawockeez. Tuloy, nagmistula silang mga demonyo dahil sa dim lights ng café.

"Walang gagalaw!" baritonong sigaw ng isa sa kanila.

Ang manager namin na kaninang sumigaw ay nalingunan kong nanginginig na nakatago sa ilalim ng counter.

"Nasaan ang babae?" tanong ng isa pa sa mga de-armas na mga lalaki. Lumingon-lingon pa siya, tila may hinahanap na target.

Kinabahan ako nang tuluyang mag-sink in sa akin ang sitwasyon. May parte sa akin na nagsasabi na tumakbo na ako't tumakas, pero saan naman ako dadaan? Ang tanging labasan ay ang pinto sa harap kung nasaan ang mga lalaki.

Dahan-dahan akong umatras upang tumungo sa back exit ng kusina, pero bago pa man ako makalayo sa pinto ay isang malakas na pagsipa ang tumama doon, dahilan upang mapatili ako nang malakas.

Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isa sa kasamahan ng mga lalaki. Dumirekta agad ang mata niya sa akin.

"Found her," deklara niya na hindi tinatanggal sa akin ang tingin.

Bago pa man ako maka-react ay may pumasok ng dalawang kasamahan niya, pagkatapos ay ginapos ang mga kamay ko.

“A-anong… anong gagawin niyo sa'kin? T-tulong!” kinakabahan kong sigaw, sinubukan magpumiglas.

"Patahimikin na ’yan,” utos n'ung lalaking unang pumasok dito kanina.

Mas lalo ako nagpumiglas nang may nilabas na puting panyo ang isa sa nakagapos sa akin, sunod ay tinakip ito sa ilong ko. Pinaghalong matamis at matapang ang pagkakalanghap ko sa amoy ng panyo. Wala pang limang segundo ay naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng tuhod ko, hanggang sa kusa na lang bumigat ang mga talukap ng mata ko.

Nagising ako na may matinding sakit sa ulo. Pilit kong iminulat ang mga mata ko pero mabilis ding napapikit dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko.

Nang luminaw ang paningin ko, napansin kong nasa loob ako ng isang malawak na silid. Mataas ang kisame, may mga antigong gamit, at amoy mamahaling pabango at tabako ang paligid. Nakaupo ako sa isang velvet na sofa, at ang mga kamay ko ay hindi naman nakatali, pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong katawan ko.

"Gising ka na pala.”

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Doon ko lang din napansin na sa tapat ko ay may malaking bintana kung saan nakatayo ang nakatalikod sa gawi ko na lalaki.

Polong itim ang pang-itaas nito na nakatupi ang manggas hanggang siko, inilalantad ang kanyang maskuladong braso.

"S-sino ka? Nasaan ako?” pilit kong nilakasan ang boses ko kahit nanginginig ako.

Nilagay niya sa parehong bulsa ang mga kamay niya bago niya ako dahan-dahang nilingon. Agad nangunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya.

Para siyang hindi totoo. Ang mukha niya ay tila iginuhit ng isang bihasang pintor—matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang mga mata niyang kulay abo ay tila binabasa ang bawat hibla ng pagkatao ko. Gwapo.

Teka… ano nga ulit ang nangyari bago ako nawalan ng malay? Ah… ginapos pala ako ng mga kidnapper. Hindi kaya itong lalaking ito ang boss nila? Pero sobrang gwapo naman niya para sa isang kidnapper.

"You're in my territory, Ika," seryosong sagot ng lalaki na ikinabilog ng mga mata't bibig ko.

Ika? Tinawag niya ako sa pangalan ko!

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? At b-bakit niyo ako kinidnap?"

Pero imbes na sagutin ako ay nagsimula na lang siyang humakbang palapit sa gawi ko.

"I am Ymilio Eros Remington. And starting today, you work for me."

Napamaang ako. Remington? Isa siyang Remington?!

Mas lalong namilog ang bibig ko sa narinig. Ang Remington ang pamilyang nagmamay-ari ng pinakamalalawak na hacienda sa probinsyang ito. Sila ang batas dito.

Pero teka… ano nga ulit ang sinabi niya? Magtatrabaho ako sa kaniya?

Umayos ako ng tayo at bahagyang tumikhim para ikalma ang nagsisimula nang manginig na katawan ko dahil sa takot.

"M-mawalang galang po, M-mister… Remington… pero may trabaho na po ako sa cafe."

Niyuko ko agad ang ulo ko nang humakbang na naman siya ulit palapit lalo sa akin.

"That's not a job, that's a playground for old men," aniya. Ang boses niya ay maginoo pakinggan, pero may kung anong talim ang nakatago rito. "I'm offering you a real position. Personal maid. My personal maid.”

Personal maid?

Gusto kong iangat ang tingin sa kaniya para tingnan kung seryoso ba siya sa sinabi. Pero sa takot ko ay nanatili akong nakayuko, ni hindi na maibuka ang bibig at nagsisimula na rin manginig ang katawan ko.

"You will serve me in every way possible," pagpapatuloy niya nang hindi ako nakaimik. “From the kitchen... to the bedroom. Your job is to make sure I am satisfied. Sagad-sagad na kasiyahan. Do you understand?"

Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Ang mga salita niya ay direktang pambabastos, pero ang paraan ng pagkakasabi niya ay tila isang utos na hindi mo ko puwedeng tanggihan.

"S-sagad-sagad po? Ano pong ibig niyong sabihin?” nanatiling nakayuko ang ulo ko kahit hinawakan na niya ang hibla ng buhok kong humaharang ngayon sa mukha ko. Pagkatapos ay pasimple niya itong inipit sa likod ng tainga ko. Bigla akong kinilabutan.

“Oo, sagad sagad. Simple lang naman ang trabaho mo. Katulong kita sa umaga, parausan naman kita tuwing gabi. Naintindihan mo na?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Etselec Otrop Obesa
cnu author nito
goodnovel comment avatar
Sotchie Alvarez Gonzales
nice,,,tingin q magandang storya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   EPILOGUE

    YMILIO'S POV"Ang labo mo rin e no? Ngayon na nagkagusto ako sa kaniya, sasabihin mo sa'king lubayan ko na siya? Ano ba'ng trip mo ha?!"Napasinghap ako nang malalim sabay iwas ng tingin, hindi magawang sagutin ang direktang tanong ni Jace. Sa mga oras na ito, baka nakarating na sa New York si Ika. Gustong-gusto ko siyang sundan doon dahil nag-aalala ako sa magiging lagay niya sa banyagang lugar, pero ang Don at Donya na ang mismong nakiusap sa akin na huwag na dahil iyon daw ang makakabuti sa kaniya. Buntis siya.Wala nang mas ikakasakit sa katotohanang iyon para sa akin. Si Jace ang totoong ama—isang katotohanang mas lalong nagpadurog at nagpira-piraso sa natitira kong puso."Ano, 'di mo ‘ko sasagutin?! Nasaan si Ika?! Wala akong pakialam kung nabuntis mo siya, gusto kong mag-usap kami! Wala ka namang kwentang kausap e!" sunod-sunod na sigaw sa akin ni Jace, galit na galit akong hinahamon.Ang alam niya kasi ay ako ang nakabuntis kay Ika. Naniwala siya agad sa isang sabi ko lang. A

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 170 (YMILIO'S POV)

    Pinuntahan ko si Ika sa ospital pagkatapos ng ilang araw na pagkakakulong ko rito. Hindi para itakas siya tulad ng plano ko noon, kundi para sabihing hindi na kami pwede. Na hindi na kami pwedeng magsama sa iisang bahay.Nadatnan ko siyang nakaupo sa hospital bed, maputla ang mukha pero agad na sumilay ang maamo niyang ngiti nang makita ako. Doon pa lang, parang piniga na agad ang puso ko. Nilapitan ko siya, pilit na pinatitigas ang aking mukha habang pasimpleng iniiwas ang tingin.“Everything we did… everything from the moment I brought you into my house… was all part of my plan…” sabi ko sa pilit pinatatag na boses. At least, this part wasn't a lie. At least.Sinabi ko sa kaniya na hindi na kami pwede na sising-sisi ako na nagawa ko siyang galawin ng paulit-ulit, kahit pawang kasinungalingan ang mga ito. Wala akong pinagsisihan. Kung mayroon man, iyon ay ang hindi naging maganda ang pagtatagpo namin. Na kung puwede lang ibalik, gugustuhin kong idaan lahat sa tamang proseso. Pero

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 169 (YMILIO'S POV)

    "Magkapatid kayo, Ymilio! Diyos ko! Paanong nagawa mo 'yun sa kaniya, ha?!"Ang histerikal na boses ni Victoria ay umalingawngaw sa buong mansyon ko. Mabilis kong binitawan ang mga damit na iniimpake ko at humarap sa kaniya nang may nagpupuyos na galit."Hindi kami magkapatid ni Ika! Our DNA didn't match! Bakit ba pinagpipilitan niyo ‘yan?!" halos lumabas ang mga ugat ko sa leeg sa lakas ng boses ko.Nandito kami ngayon sa sarili kong mansyon. Personal nila akong pinuntahan ni Papa para lang sabihin ang kahibangan na ito. Umuwi lang naman ako rito saglit para mag-impake dahil may plano akong itakas si Ika mula sa ospital. I wanted to take her away from here. Magpapakalayo-layo na kami sa lugar na ito, malayo sa pamilyang ito na hindi ko naman kailanman maituturing na totoong pamilya. Pero hindi ko akalaing mabilis nila akong mapupuntahan dito. "Magkapatid kayo dahil anak ko siya! Please, Ymilio! Ano bang pumasok sa utak mo para idamay siya sa galit mo sa'kin?!" humahagulgol na lumapi

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 168 (YMILIO'S POV)

    I refused to believe it. No, I absolutely rejected the idea that my father had another child, and that it was Ika. Kung totoo ang narinig ko sa mga hagulgol na ‘yun ni Victoria, ibig sabihin ay tama si Mama noong una pa lang. Ngunit ang isiping may isa pa kaming kapatid mula sa kasuklam-suklam na babaeng iyon ay sapat na para madagdagan ang inis ko kay Papa at Victoria.But I needed concrete proof. I couldn't just rely on a breakdown I witnessed through a cracked door. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan.Kaya naman bago pa ako tuluyang mabaliw sa kakaisip, palihim kong inimbestigahan ang nakaraan ni Victoria. Doon ko napag-alaman na may una siyang naging seryosong boyfriend bago niya nakilala si Papa. Isang lalaki mula sa kaniyang probinsya. At sa sandaling iyon, bahagya akong nabuhayan ng pag-asa. Nasisiguro kong ang lalaking iyon ang tunay na ama ni Ika, at hindi ang Papa ko.Agad kong pinatawag ang mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. “Find every woman named Blessica in this

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 167 (YMILIO'S POV)

    "May kabet ang Papa mo..."Limang taong gulang pa lang ako nang unang marinig ko ‘yan kay Mama. Noong mga panahon na 'yun, hindi ko pa naintindihan ang ibig niyang sabihin. Ang alam ko lang, malungkot si Mama at madalas siyang mag-isa sa malaking bahay namin habang ang Papa ay laging wala. I was too innocent to realize that my perfect world was already crumbling down. Kaya binalewala ko lang ang mga salitang iyon at nagpatuloy sa buhay ko bilang batang walang kamuwang muwang. Simula noon ay halos iyon na ang bukambibig ni Mama. Na may kabet si Papa, na kaya ito laging wala sa amin ay dahil nasa kabet niya ito. Hindi ko talaga iyon dinidibdib. Saglit ko lang dinadamayan si Mama tuwing umiiyak siya pero wala pang isang oras ay lalabas na ako ng kuwarto nila ni Papa para maglaro sa labas. Akala ko hanggang doon lang. Hanggang sa dumating ang araw na nagkasakit si Mama. Labing-isang taong gulang ako n'un nang tuluyan siyang bawian ng buhay dahil sa sakit niya na iyon. At doon na rin a

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 166

    "Ano'ng itataya ang buhay ng bata?" histerikal na salo ng Mama ni Jace. "Doc, hindi ba pwedeng dumaan sa pera ang lahat? Magbabayad naman kami kahit magkano. Maghanap kayo ng ibang donor sa labas! Huwag lang ang apo ko! As you can see, ngayon lang namin nalaman na may anak pala siya! Does Jace even know about it?" ako naman ang nilingon niya. Napayuko ako habang humahagulgol saka umiling nang umiling. “H-Hindi ko pa po sa kaniya nasasabi… I'm so sorry…”Walang nakaimik sa kanila. Naramdaman ko ang bahagyang pag-alo sa akin ni Ymilio nang yakapin niya ako. Ano nang gagawin ko? Hindi ko kayang i-risk ang kalusugan ni Zeus dahil apat na taon pa lang siya. Ang isiping ipapasok siya sa operating room at tutusukan ang kaniyang buto ay dinudurog na ang puso ko. Lord, wala na bang ibang paraan?Sa tabi ko, nanatiling tahimik si Ymilio habang mariing hawak ang balikat ko. Alam kong simula't sapul ay alam na niya kung sino ang tunay na ama ni Zeus, kaya hindi siya nagulat sa pag-amin ko. Pero

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 119

    Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan na kaming makalabas ni Jace sa mansyon. Pagkapasok ko sa kaniyang kotse ay stress akong napasandal sa upuan, pilit pinakalma ang kaninang kinakabahan kong dibdib. Habang nakatingin ako sa bintana, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ak

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 115

    Napatitig ako kay Ymilio at nang makita kong seryoso siya sa kaniyang sinabi ay walang alinlangan kong pinindot ang power button ng cellphone ko hanggang sa tuluyan itong mag-shutdown. Ikinagulat niya ‘yun.“Why?" gulat niyang tanong. Nagkibit ako ng balikat. "Istorbo lang ‘yun sa'tin,” tipid kong

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 110

    "I-I'm not hurting you... ikaw ang gumagawa nito sa atin," hirap kong tugon sa pagitan ng mga halik niya, pilit na kumakapit sa kaniyang maskuladong balikat habang ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa pagkabābae ko.Mariin siyang dumaing, tila ba tuluyan nang nilamon ng matinding pagnanasa. “I-I

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 106

    Napatitig ako sa screen ng cellphone ko, hindi alam ang irereact sa text niya. "Ika, nand'yan na si Ma'am," kalabit sa akin ni Rachelle na lumingon pa sa likod ko."Uhm… mauna ka na. May kukunin lang ako sa locker," pagsisinungaling ko bago mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng building.Hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status