LOGINVictor’s POV
I stared at Belinda while she was lying on my bed.
Bakit pakiramdam ko parang may mali? Bakit parang imbes na matakot kanina ay parang nasasaktan pa siya?
Parang may kakaiba sa kaniya.
Hindi ba dapat ay humingi na siya ng tawad sa akin? Bakit parang wala siyang ideya sa nagawa niyang kasalanan sa akin?
Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin.
Mali. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko.
Belinda fooled me once. Hindi ako papayag na magawa niya pa ito ulit sa akin.
Tumayo na ako at iniwan siya sa silid. Paglabas ko ay sinalubong ako agad ni Matthew, my right-hand man.
“Boss, what should we do now? Mukhang masyado siyang natakot sa ‘yo kanina. Hinimatay siya.”
Nagsalubong ang mga kilay ko.
“Why do you care? Dapat lang na matakot siya. This is just the beginning.”
Nag-iwas ng tingin si Matthew. I could see the hesitation in his eyes.
“May gusto ka bang sabihin?”
Napangiwi si Matthew at bahagyang napakamot sa likod ng kaniyang ulo.
“Ahm, Boss. What if… we are all wrong?”
I smirked. “Then I will end you, Matthew. Hindi ba’t ikaw ang nag-double check ng lahat ng ebidensya?”
Napakurap-kurap si Matthew. He was already wavering kaya napatungo ito.
“S-Sorry, Boss.”
Napailing na lang ako. Back then, sinigurado ako na tama ang lahat ng ebidensya na mayroon ako. I have known Belinda all my life, at hindi ako makapaniwala na napaikot niya ako nang gano’n-gano’n lang.
Tapos ngayon ay manghihina siya sa harapan ko?
Weak.
“Ikaw na ang bahala dito. I’ll go back to the party.”
Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng hotel room. Naiwan doon si Matthew na naka-bow pa rin.
Kanina habang sinusubukan kong pahiyain si Belinda ay bigla na lamang itong nawalan ng malay.
She always has a weak heart. Pero ano ba ang pakealam ko? It was all for the show. Kaya alam ko ngayon na nagpapanggap lang siya.
Tsk!
Same trick! Akala niya ba mauuto niya ako ulit?
Belinda’s POV
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Wala na ako sa madilim at magulong silid na iyon.
Nawala na ang maingay at malakas na tugtugin.
Napalitan ng nakabibinging katahimikan.
Muli ay binalot ako nang matinding kalungkutan at kirot sa aking dibdib.
Nasapo ko ang aking leeg. Nararamdaman ko pa rin doon ang matigas na kamay ni Victor.
Ibang-iba na ang Victor na nakaharap ko kanina. Handa talaga siya na paghubarin ako sa harap ng mga kaibigan niya.
Paano niya ito nagawa sa akin? Bumalik lang ba siya para pahirapan ako ng ganito?
Muling tumulo ang mga luha ko.
Naghintay ako sa kaniya sa pag-asa na muling maibabalik ang kung ano mang mayroon kami.
Tatanggapin ko pa rin naman siya e. Mahal na mahal ko si Victor. Kaya kong magpikit-mata sa nagawa niya sa akin kahit na masakit. Basta bigyan niya lang akong nang magandang paliwanag.
Kaso wala. Bagkus ay heto pa ang ginagawa niya sa akin.
Pinahid ko na ang mga luha ko at tumayo.
Hindi ko alam kung paano ako napunta rito matapos kong mawalan ng malay sa silid na iyon. Matapos niya akong sakalin.
Ayaw ko nang umasa na siya ang nagdala sa akin dito. Nagawa niya nga akong sakalin. Bakit pa siya mag-aabala na dalhin ako rito?
Dapat siguro ay tanggapin ko nang hanggang dito na lang kami. Hindi ko na kakayanin pang makita si Victor kung ganito siya.
Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin. Pero mas pipiliin ko na lang na ako ang lalayo kaysa ganito.
Pagkalabas ko ng kwartong iyon ay doon ko lang na realize na naroon pa rin ako sa hotel kung saan sana gaganapin ang banquet.
Maaga pa kaya sigurado ako na nagkakasiyahan pa rin sila roon. Pero wala na akong lakas na magpakita pa sa mga katrabaho ko. Higit sa lahat ay sira na ang damit ko.
Kaya naman ay nagdere-deretso na lang ako palabas ng hotel.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang tumawag sa akin kaya napatigil ako.
“Belinda?”
Paglingon ko ay nagulat pa ako noong makita kong si Sir Mike iyon. Napaawang ang bibig ko at bahagyang napaatras.
“What happened to you? Sino’ng gumawa nito sa ‘yo?” gulat at nag-aalalang tanong niya.
Lumapit siya sa akin habang hinububad ang kaniyang jacket. Pagkatapos ay ipinatong nito iyon sa balikat ko upang matakpan ang punit kong damit.
Nakagat ko ang aking labi.
Pakiramdam ko bigla ay bumigat ang dibdib ko noong makita ko si Sir. Kaya hindi ko na napigilan pa at napahagulhol ako.
“Sshh… I’m here now.”
Marahang hinagod ni Sir Mike ang braso ko. Habang ang noo ko naman ay nakasubsob sa kaniyang dibdib. Para akong batang nagsusumbong sa kaniya at iyak nang iyak.
Wala naman akong balak na sabihin kay Sir Mike ang koneksyon ko sa boss namin.
Siguro ay naghahanap lang ako nang mapaglalabasan ng bigat ng nararamdaman ko.
Ang sakit. Para akong unti-unting pinapatay. Mas masakit ito kaysa noong unang beses kong mapanood ang video. Noong iniwanan ako sa harap ng simbahan ni Victor.
Mas durog na durog ako ngayon dahil nakikit ako mismo si Victor. Dahil mas alam ko na sinasaktan na niya ako.
Sana ay pinatay na lang talaga niya ako kanina. Edi sana ay hindi ko na ulit nararamdaman ito.
“What the hell is going on here?!”
Victor’s POVFuck… my head was spinning. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo dahil sa sobrang sakit niyon. What happened? Ang huli kong naalala ay nag-uusap kami ni Tatay tungkol kay Belinda. Bahagyang nawala ang kirot ng ulo ko noong maalala ko si Belinda. Yes, my wife. She was finally my wife. Tumagilid ako para sana yakapin siya. Asawa ko na siya kaya alam ko na siya ang katabi ko. Kaya napangiti ako agad noong maramdaman ko siya. Ngunit napakunot ang noo ko noong maramdaman ko na parang may kakaiba sa katawan ni Belinda. Belinda was petite. She has curves and a flat stomach. Pero ito? Parang yumakap ako sa malambot na at matambok na unan. Masyado ring matapang ang amoy nito. Iminulat ko na ang mga mata ko. Napanganga ako noong makitang hindi si Belinda ang kayakap ko, kundi si Tatay Arnaldo, ang tatay ni Belinda. Napatayo ako agad noong makaramdam ako ng kilabot. Hindi naman ako nandidiri kay Tatay. Sadyang hindi ko lang in-expect na ito ang katabi ko. “What happened la
Nakatungo na si Victor sa lamesa noong makita ko sila. Si Tatay ay namumula na rin. Halatang lasing na rin ito.Napailing na lang ako at lumapit na sa kanilang lamesa. Marahan kong tinapik ang balikat ni Victor.“Victor. Halika na. Matulog ka na,” yaya ko sa kaniya. Umungol lamang si Victor. Marahan ko na siyang hinila. “Victor,” tawag ko sa kaniya. Bigla na lamang kumilos ang kamay niya at hinila ako sa may baywang paupo sa tabi niya. Isinubsob niya ang mukha sa may leeg ko. Nag-panic ako nang kaunti dahil nasa harapan pa rin namin si Tatay. Isa pa, nasa bakuran kami. “Victor!” Suminghot-singhot si Victor. “Wife…”Pinamulahan ako ng mga pisngi. “Yes, Husband… Matulog ka na.” Umungol si Victor. Mas isinubsob pa ang mukha sa may leeg ko. Naramdaman ko na rin ang pagdampi ng mga labi niya sa leeg ko na nagpatayo ng balahibo ko. Marahan ko siyang tinapik sa braso. “Ano ka ba, Victor? Nasa labas pa tayo,” saway ko sa kaniya. “Hoy! Ano ang ginagawa mo sa anak ko?” galit na tanong
Napakabilis nang pangyayari. Kanina lamang ay nasa bahay kami. Na parang nasa hot seat kaming dalawa ni Victor habang kaharap si Tatay. Pero ngayon ay narito na kami sa munisipyo at naghihintay sa pagtawag sa amin ng mayor para ikasal kami ni Victor. Nagpalit lang ako ng simpleng white dress. Habang sila Nanay ay nagsuot din ng maayos na damit. Si Victor ay nasa loob ng opisina ng mayor at kinakausap iyon. Oo, ito ang gusto ko. Ang sa wakas ay makaisang dibdib ko ang lalakeng pinakamamahal ko. Pero pakiramdam ko ngayon ay para akong naduwag. Para kasing napakabilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko manlang magawang huminga kahit saglit. “‘Tay, sigurado ka na ba talaga sa gusto mo? Talaga bang pumapayag na kayo na makasal kami ni Victor?” tanong ko ulit kay Tatay. Katabi ko siya sa bench. Si Nanay naman ay nasa kaliwa ko. Tumikhim si Tatay. “Bakit? Ayaw mo na bang magpakasal sa kaniya? Hindi ba ito ang gusto mo?” balik-tanong ni Tatay. Natahimik ako. “H-Hindi naman po sa gano’n, ‘Ta
Nakatungo lang ako habang naghihintay sa sasabihin ni tatay. Kanin pa ito dumating galing sa sabungan. Nagulat ito noong makita akong nasa bahay na. Pero mas nagulat ito noong magsabi na si Nanay sa rason kung bakit ako umuwi. Nasa sala pa rin kami. Ako ay mag-isang nakaupo sa kanan. Habang sila Tatay ay nasa kaliwa naman. Ang mga kapatid ko ay kasalukuyang nasa kani-kanilang kwarto at ini-enjoy ang pasalubong ko sa kanila. “Ewan ko ba rito sa anak mo, Arnaldo. Hindi naman ako nagkulang sa pagsabi sa kaniya. Kaso…” ani Nanay makalipas ang ilang sandali. Lalo akong napatungo. Kung pwede lang ay umalis na lang ako sa harapan nila. Ngunit alam ko na mas ikagagalit lang iyon nila. Tumikhim si Tatay. Naramdaman ko agad ang seryoso niyang mga tingin. “Totoo ba itong sinasabi ng nanay mo, Belinda? Umuwi ka dahil nagkabalikan na kayo ni Victor?” tanong ni Tatay. Bawat salita niya ay ramdam ko ang bigat. Napalunok ako at marahang tumango. “O-Opo, ‘Tay.” Huminga nang malalim si T
Gabi na noong makarating ako ng Pinas. Hindi na ako nagpasundo pa kay Victor kahit na namimilit ito na sunduin ako. Kailangan ko pa kasi na pumunta sa amin dahil walang ideya sila Nanay na uuwi ako.Hindi ko pa nga alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga ito sa pagdating ko.Pagbaba ko ng tricycle ay nakita ko agad si Nanay na nagdidilig sa mga halaman nito. Nasa bakuran din ang dalawa kong kapatid at nagmumuni-muni.Si Tatay lang ang hindi ko nakikita. Siguro ay kasama na naman nito ang paborito nitong mga manok.Agad na napatigil si Inay noong mapansin niya akong papasok ng gate.“Belinda?” Tumingin ako kay Nanay at ngumiti. “‘Nay.”Agad na naglapitan ang mga kapatid ko sa aking noong makita na rin nila ako.“Ate Belinda!” Tuluyan akong pumasok sa loob ng bahay. Kinuha na nina Brian at Bernard ang dala kong maleta. Ikalawa si Bernard sa akin. Eighteen pa lang ito. Habang si Brian naman ay fifteen pa lang. Parehas silang nag-aaral pa at umaasa pa sa akin.“Belinda, anak.
“Sigurado ka na ba talaga, Belinda? Babalik ka na ng Pinas?” tanong ulit ni Cassy. Siguro ay hindi na lang makasampung beses niya tinanong sa akin ‘yan. Matapos kong maihatid ni Victor sa apartment namin ay agad akong naghanda papasok ng trabaho. Doon ay nagpasa ako agad ng resignation letter. Panay ang pangungulit sa akin ng mga katrabaho ko kung ano raw talaga ang relasyon ko kay Victor. Na search kasi nila na isa itong bilyonaryo sa Pinas. Iyong iba ay kinikilig sa amin. Iyong iba naman ay may halong inggit. Pero si Cassy? Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Sumama siya sa akin pauwi para mag-ayos ng mga gamit ko. At magmula no’n ay hindi na niya ako tinigilan sa katatanong. “Oo, Cassy. Uuwi na ako.” “Pero gano’n talaga kadali? Ayos na kayong dalawa agad? Nakalimutan mo na agad ang mga panloloko niya sa ‘yo?” Napabuga ako ng hangin. Itinigil ko ang ginagawa ko at humarap sa kaniya. Nakatayo lamang siya sa gilid ng kama habang ako ay nakaupo. “Alam kong nag-aalal
Naging usap-usapan sa buong Salcedo ang nangyari sa kasal namin ni Victor. Halo-halo ang kanilang mga opinyon. Mayroong mga naawa sa akin. Mayroon namang mga ako pa ang sinisi. Masyado raw kasing mataas ang pangarap ko sa buhay. Alam ko naman daw na napakalayo ng agwat namin ni Victor, pero talag
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagpanood ang video sa cellphone ko. Gusto kong ialis ang mga mata ko pero hindi ko magawa dahil sa lalakeng bida ng video na iyon. It was Victor. My boyfriend. Ang lalakeng pakakasalan ko sana ngayong araw. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko
Tumakbo ako palabas ng restaurant. Ni hindi ko na nakuha ang gamit ko sa pagmamadaling lumayo roon. Tanging ang cellphone ko lang ang dala ko na nasa bulsa lang ng pantalon na suot ko. Gusto kong lumayo. Kailangan kong makalayo kay Victor. “Belinda! Wait!” narinig kong tawag sa akin ni Victor. P
Napangiti ako noong makita ko ang bagong apartment na titirahan ko rito sa Brimwell City. Dito kasi malapit ang bago kong trabaho. Itong apat na sulok ng maliit na bahay na ito ang magiging saksi sa bago kong simula. Inilapag ko na ang maleta ko sa sala. May kasama ng mga gamit sa loob kaya hindi







