Home / Romance / Secretly, Mrs. CEO / Volume 1 Kabanata 1

Share

Secretly, Mrs. CEO
Secretly, Mrs. CEO
Author: zeharilim

Volume 1 Kabanata 1

Author: zeharilim
last update publish date: 2025-07-27 10:15:44

Naya Diaz

Agad kong nabitawan ang hawak kong mga kubyertos nang marinig ko ang sinabi ni mama. Bagamat napupuno ng tawanan at ingay ang loob ng dinner room ay nanatili akong walang imik sa mga sandaling iyon.

"Ano hong sabi niyo?" kunot-noo kong tanong. "Ipapakasal niyo 'ko kay Ash Demetrio?"

"Kailangan pa bang ulitin, Naya? Malakas naman ang pagkakasabi ng mama mo, hindi ba?" anas ni tita Olga.

"Bakit-"

"Responsableng lalaki si Ash," pagsisimula niya. "Matino at higit sa lahat...may kaya sa buhay. Naku, kung alam mo lang kung gaano kayaman ang pamilya ng batang 'yon. Bukod pa doon ay nag-iisa siyang anak at ang ibig sabihin lang niyon ay siya rin ang tagapagmana nila."

Sumabat si tita Georgina. "Tama ang mama mo, Naya. Ano pa bang hahanapin mo kay Ash? Nasa kanya na ang lahat - kagwapuhan at siyempre, yaman."

Napabuga ako ng hangin sa narinig kong iyon mula sa kanilang dalawa.

Umiling ako kasunod niyon ay ang pagtayo ko mula sa kinauupuan ko.

"Hindi," anas ko na ikinatigil nilang tatlo. "Hindi ako papayag sa gusto niyo. Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko gusto at hindi ko mahal!"

Tumayo si mama sa kanyang kinauupuan.

"Mahal? Gusto?" Pagak siyang natawa. "Anong silbi ng pagmamahal kung nagugutom naman ang sikmura mo? Anong silbi ng pagmamahal kung wala kang mapapala at maghihirap ka lang buong buhay mo?"

Marahan akong tumango.

"Anong ibig mong sabihin? Pinakasalan mo lang si papa dahil sa pera niya? Dahil sa kayamanan niya at ng pamilya niya? Kaya ba nagpapakasasa ka-"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko na agad na nagpahinto sa akin.

Hawak ko ang pisngi ko ay binalingan ko ng tingin si mama na sa mga sandaling iyon ay gigil akong sinabunutan.

"Wala kang karapatang kwestyunin ang pagpapakasal ko sa ama mo!" Mas lalo pang humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Hindi ba't pinakikinabangan niyo rin naman ang kayamanang iyon? Meron ba kayong magandang buhay ngayon kung hindi dahil din sa apelyidong Diaz?"

Matapos niyon ay itinulak niya ako na naging dahilan ng kamuntikanan kong pagkasubsob sa sahig.

Tinapunan ko siyang muli ng tingin habang ramdam ko ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ko.

"Anak lang kita, Naya!" Muli niya akong sinampal. "Kaya kung anong gusto ko ay nararapat mong sundin. Wala kang karapatang umayaw! Iyon na nga lang ang maibibigay mong ambag sa pamilyang 'to, kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ang gusto namin!"

Sa narinig kong iyon ay mas lalong nagsikip ang dibdib ko ganoon din ang tuloy-tuloy na pagragasa ng mga luha ko.

Marahan akong umiling sabay atras mula kay mama.

Hindi ako nagsalita bagkus ay tumakbo ako patungo sa pinto.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahinto ako nang marinig ko ang mga sumunod na sinabi niya.

"Sa oras na lumabas ka sa pintong 'yan..." madiin niyang sambit. "Hinding-hindi ka na muling makakaapak sa pamamahay na 'to. At kapag lumabas ka riyan, wala ka na ring babalikang pamilya. You're not a Diaz anymore."

Nag-angat ako ng tingin kasunod niyon ay ang pagpunas ko ng mga luha ko.

Tiim-bagang kong inihakbang ang mga paa ko palabas ng pintong iyon at dali-daling tumakbo.

Humahagulgol kong ibinagsak pasara ang gate at hindi kalaunan ay napaluhod na lamang ako mula sa kinatatayuan ko.

Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang walang tigil na pag-iyak ko.

Hanggang sa hindi nagtagal ay nag-angat ako ng tingin nang isang lalaki ang lumapit sa akin. Katulad ko ay basang-basa na rin siya ng ulan. Sa puntong iyon ay salubong ang kanyang dalawang kilay habang matamang akong pinagmamasdan.

"Anong nangyari?" tiim-bagang niyang anas. "Bakit umiiyak ka na naman?"

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sabay yakap sa kanya.

"Ayoko na! Ayoko na, Xavier!" Hagulgol ko. "Ilayo mo na 'ko rito. Ipinagtabuyan na ako ng pamilya ko. Ayoko na! Sawang-sawa na 'ko. Pagod na pagod na 'ko. Buong buhay ko, ganito na lang palagi! Ayaw ko na."

Ginantihan din niya ako ng yakap.

Mahigpit iyon - yakap na sa puntong iyon ay kailangang-kailangan ko.

Hindi kalaunan ay kumalas siya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.

Bagamat pareho kaming naliligo sa ulan at nilalamig ay ramdam ko pa rin ang init ng bawat haplos niya.

Sa paglapit niya ng kanyang mukha sa akin ay pumikit ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko.

I kissed him back - hungrily and passionately.

Sa puntong iyon ay siya lamang ang natatanging taong nananatili at kahit kailan ay hindi umalis sa tabi ko.

Bago pa man ako makapagsalita ay natigil ako nang may ilabas siyang maliit na box mula sa kanyang bulsa.

Napalunok ako at agad siyang tinapunan ng tingin.

"Xavier..."

"Marry me, Naya," aniya at muli akong hinalikan sa labi. "I'll give you everything you need and everything you want. Sumama ka sa 'kin at ipaparanas ko sa 'yo ang buhay na hindi naibigay sa 'yo ng mga magulang mo."

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa narinig kong iyon mula sa kanya.

Hindi ako sumagot bagkus ay binuksan ko ang box na iyon at kinuha ang singsing doon.

Agad kong isinuot iyon sa ring finger ko at muli ay binalingan siya ng tingin.

"I do," anas ko.

Xavier didn't respond instead he kissed me one more time. Dali-dali niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at isinakay sa kotse niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nida Arga
Gandang bungad. Abangan ko to
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 253

    Mattias AvilaNapapailing na lamang ako sa tinuran ni Naya kanina. Hindi ko lubos maisip na bukod sa pamilya ko, isa rin siya sa walang tiwala sa akin. Pero kung tutuusin, hindi na ako nabigla sa inasta niyang iyon. Sanay na ako. Noon pa man ay ganoon na ako kung tratuhin ng mga taong malapit sa akin. Minsan pa nga akong napaghinalaan na magnanakaw at kriminal. Karamihan sa kanila ay dahil daw sa kung paano ako manamit at kung minsan pa nga ay dahil na rin sa kung paano ko sila titigan. Nag-usap na kami ni Xavier tungkol sa bagay na iyon at imbes na bigyan niya ako ng advice na baguhin ko ang sarili ko, mas gusto niyang ipagpatuloy ko ang ginagawa ko. Kung magiging kahina-hinala ako para sa mga inosenteng tao, mapupunta sa iba ang atensyon ng mga kalaban sa paligid namin. Mas mapapadali ang pagkilos ko.Matapos kong maligo ay agad na rin akong lumabas ng banyo. Ilang saglit pa ay natigil ako sa pagpupunas ng buhok ko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Xyla. "Kailan ba ako titi

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 252

    Naya DiazHalos sabay na umangat ang kilay nina Yven at Jasmine sa mga sandaling iyon. Pareho silang hindi nakaimik sa sinabi ko at ilang saglit pa ay agad silang nagkatinginan.Napailing na lamang ako sa inasta nilang iyon ay maya-maya ay tinapunan ko ng tingin si Xavier.He was still in the ICU—unconscious and had no idea what was going on around him.Ikinuyom ko ang mga kamao ko habang nakatuon ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong kalagayan niya. Sinabi sa akin ni Mom Celine na kailangan kong magpakatatag at huwag masyadong mag-isip, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang huminahon.I want to see him fully awake.Gusto kong makita ang mga ngiti niya habang hindi niya maalis ang tingin niya sa akin. Gusto kong maramdaman ang pag-aalaga niya habang ipinagbubuntis ko ang anak namin. Kung tutuusin, hindi pa namin ipinapaalam sa kahit na sino ang pagbubuntis ko.Ipinangako namin sa isa't isa na sasabihin namin ang tungkol di

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 251

    Mattias AvilaIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang nasa kalagitnaan ako ng almusal na iyon. Matagal na panahon na rin nang huli kong maranasan ang ganitong klaseng eksena. Halos sampung taon na rin yata ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko at sa mga panahong iyon ay masasabi kong nakalimutan ko na kung paano ang umasta sa harap ng mga taong malapit sa akin.Hindi kalaunan ay nabasag ang pananahimik ko nang tapikin ako ni Tita Nicole."Kamusta nga pala ang buhay probinsya, iho?" nakangiti niyang tanong. "Yven told me, na marami ka raw inaasikaso roon. Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito at iwanan pansamantala ang trabaho mo."Nagsalita si Jasmine. "Medyo pumayat nga siya, hindi tulad nang huli natin siyang nakita. Baka naman sa dami ng inaasikaso mo ay hindi mo na nahaharap ang sarili mo? Hindi mo ba natandaan ang sinabi sa 'tin ni Kuya Xavier about work?"Bago ko pa man sagutin si Jasmine ay agad na sumabat si Tito Rodolfo."Mattias is perfectly fi

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 250

    Naya DiazMatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Habang abala akong nagpupunas ng buhok ko ay natigil ako nang mapukol ang tingin ko sa puwesto ni Xavier sa kama namin.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Pakiwari ko ay may sumaksak sa akin ng matalim na kutsilyo sa likuran ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala rito si Xavier sa tabi ko at nandoon siya, nakahiga pa rin sa ICU.Tuluyan ko nang inihinto ang ginagawa ko at hindi kalaunan ay umupo sa gilid ng kama.Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko na hindi ko alam kung kailan nagsimula. Sinusubukan kong magpakatatag at umahon mula sa pagsubok na ito, ngunit tila ba lalong sinusubukan ang tatag ng loob ko.Ilang saglit pa ay agad kong pinunasan ang mga luha ko nang bumukas ang pinto.Iniluwa niyon si Mom Nicole.Right before she spoke, natigil siya nang mapukol ang tingin niya sa akin. Dali-dali siyang

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 249

    Mattias AvilaDalawang oras na ang nakakaraan simula nang makausap ko si Naya ngunit hanggang ngayon ay tila ba sariwa pa rin ang mga sinabi niya sa akin."Pwede bang humingi ng pabor?""Pwede naman. Depende lang kung kakayanin ko 'yan."Natawa siya ngunit agad din namang nagseryoso. "Can you take care of Xavier? Alam kong kayang gawin 'yon ni Yven. Alam ko rin na hindi siya hahayaan ni Ares at nang iba pa niyang mga tauhan. Pero sa dinami-rami ng mga kalaban niya na nakapaligid sa kanya, gusto ko, sobra pa sa sobra ang mga taong magbabantay sa kanya at sisiguraduhin ang kaligtasan niya."Kung tutuusin, hindi na kailangan ng proteksiyon ni Xavier. Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya sa kahit na sinumang mangahas na magbalak ng masama sa kanya.Pero tama rin naman si Naya.May limitasyon at hangganan din ang lahat ng bagay. Lalo na sa nangyari ngayon sa kanya, paniguradong hindi magdadalawang-isip na magbalak ng masama sa kanya ang mga kalaban niya. Ngunit bukod doon, nasisi

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 248

    Naya DiazPilitin ko mang matulog at ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Sa puntong iyon ay nananatiling gising ang diwa ko sa kadahilanang gusto kong manatili sa tabi ni Xavier.Kung hindi lang ako pinilit nina Yven at Mom Celine, hinding-hindi ako uuwi. Ayaw kong iwan ang asawa ko dahil baka mapano siya. Baka balikan siya ng mga taong naging dahilan ng nangyari sa kanya.I can't stand to lose him.Bagama't kinakailangan kong magpalakas, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa anak namin na ipinagbubuntis ko, para bang wala akong lakas na gawin iyon.I must do it no matter what, but why is it so hard?Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Bumangon ako sa pagkakahiga at hindi kalaunan ay sumandal sa headboard. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari kanina, lalo na ang naging kalagayan niya nang ilabas siya mula sa building ng kanilang kumpanya.Punit ang kanyang damit dahil sa nangyaring p

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 10

    Xavier IglesiasMatapos ang naganap na meeting namin ay agad na nag-aya si Mr. Harry na kumain kami sa labas. Halos matagal-tagal na rin kasi simula nang huli kaming nagkasama. Pare-pareho kaming mayroong kailangang tapusing mga trabaho dagdag pa roon ang ilan sa mga board members ay nagkaroon ng bu

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 8

    Xavier IglesiasAgad akong bumalik sa ulirat ko nang maramdaman kong may tumapik sa braso ko. Doon ko lamang napagtanto na nasa loob pala ako ng conference room at nasa kalagitnaan ng nagaganap na meeting. Kaya naman sa puntong iyon ay agad akong umayos ng upo at muling ipinukol ang atensyon sa kun

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 7

    (Four years ago) Naya Diaz Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang oras mula sa cellphone ko. Kaya naman dali-dali akong napabalikwas ng bangon at agad na tinungo ang cabinet ko upang maghanap ng damit. Matapos niyon ay dumiretso ako sa banyo upang maligo na. Nalintikan na! Baka magkataon ni

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 6

    (Four years ago)Xavier IglesiasHindi ko magawang hindi isipin ang mga ibinunyag na impormasyon sa akin ni Naya tungkol sa isyu niya sa kanyang pamilya. Wala akong ideya kung bakit ganoon ang pamilya nito pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang tratuhin nila siya na parang laruan. Kung ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status