Share

Seducing My Hot Tycoon Stepbrother
Seducing My Hot Tycoon Stepbrother
Author: Dwendina

Chapter 1 [Love Letter]

Author: Dwendina
last update Petsa ng paglalathala: 2025-11-03 23:15:55

“Hay naku, Gabriella Castillo, hanggang love letter ka na lang ba? Kailan mo ba balak dumiskarte sa Kuya Francis mo?” anang kaibigan kong si Leslie na nakapamewang pa habang sinisilip ang sinusulat ko.

Sinimangutan ko siya.

“Kung bibilangin siguro iyang letters mo, aabutin na iyan ng libo,” dagdag niya pa nang may pang-aasar.

“Tumigil ka nga, suportahan mo na lang kasi ako. Akin na nga iyang white envelope ko,” naaalibadbaran kong utos sa kaniya.

Naiiling na lamang niyang inabot iyon sa akin.

Apat na taong gulang pa lamang ako nang ampunin ako ng pamilya Castillo. Ang pinakamayamang angkan sa Isabela noong panahong iyon. Walang anak na babae si Mommy Marianna, tanging dalawang lalaki lamang ang naging anak niya sa kaniyang namayapang asawa. Kaya't nang masilayan niya ako noong musmos pa lamang ako. Hindi siya nagdalawang-isip na ako'y ampunin kaagad.

Naging masaya naman ang childhood life ko sa poder nila. Mabubuti silang tao lalung-lalo na si Kuya Francis. Siya ang mas iniidolo ko sa kanilang dalawa ni Kuya Jordan. Mabait siya sa likod ng pagiging maangas niya, katalinuhan at kaguwapuhan. Sa katunayan, marami ang naaakit sa kaniyang anyo at isa na ‘ko do’n.

Naging malapit ang loob ko sa kaniya simula nang tumira ako sa kanila. Siya ang naging takbuhan ko noong nag-aaral pa ako. Kapag nahihirapan ako sa mga proyekto ko, mga asignatura sa paaralan at lalo na sa mga bully. Lagi niya akong pinagtatanggol at pinagbibigyan sa lahat ng anumang hilingin ko. Ngunit, nagbago ang lahat ng iyon nang lumayo siya sa amin at mag-aral ng master’s degree sa ibang bansa.

Nang magdalaga ako, hindi ko inaasahan na ang simpleng paghanga ko sa kaniya ay umusbong pa at mas lalo pang lumalim–nauwi sa matinding pagkagusto.

Simula no’n palihim na akong nagsusulat sa aking diary patungkol sa nararamdaman ko sa kaniya kung gaano ko siya ka-crush kahit noong elementarya pa ako.

Maliban doon, nagsusulat din ako ng love letters na itinatago ko lang din naman kaagad sa secret box ko. Inamin ko roon sa letters kung gaano ko siya kagusto sa kabila ng pagkakakilanlan namin bilang magkapatid. Pareho nga kami ng apilyedo ngunit hindi naman sa dugo. Ini-spoil ko ang aking lihim na nararamdaman sa kaniya.

Siya ang ideal man ko sapagkat nasa kaniya na ang lahat ng pinapangarap ko sa isang lalaki na nais kong maging asawa balang-araw. Pinagsikapan kong alamin ang mga paborito niya, gusto at mga ayaw niya. Gumawa pa ako noon ng autograph para malaman lang ang lahat ng iyon.

Sa araw-araw na magkasama kami sa mansion, mas yumabong ang lihim na pagtingin ko sa kaniya. Lumala ang kagustuhan kong lagi siyang makita at makasama. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ko siya. Gayunpaman, kapatid lang ang turing niya sa akin at nararamdaman ko ‘yon.

Ambisyon ko pa ring balang-araw ay maging kami. Naghanap ako ng paraan upang mas mapansin niya ako at magustuhan nang higit pa sa kapatid ang turing.

‘Ang cute mo talaga, bagay sa iyo ang lahat ng iyong suotin..’ naalala ko pang minsang puri niya sa akin sa party noong debut ko.

Ang mga katagang iyon ang laging pumapasok sa utak ko dahilan para gawing inspirasyon ko na mas mag-improve pa sa sarili. Para rin isipin na may pag-asa pang magkagusto siya sa akin kahit ganito lang ako–isang adopted child na walang ideya kung saang pamilya nagmula.

Pinagsikapan ko ring magtapos ng degree. Marami akong pinag-aralan. Hindi lamang sa nursing, fashion kung hindi pati na rin sa business. Gusto kong maging isang perpektong babae sa harap ni Kuya Francis upang balang-araw magustuhan niya rin ako.

Hanga ako sa kaniya sapagkat sa edad na 32 ay marami na siyang napatunayan. Lumaki siya sa high-profile na pamilya kaya't hindi maipagkakaila kung gaano siya kakilala sa larangan ng industriya. Walong taon ang agwat naming dalawa ni Kuya Francis. Mas matanda siya sa akin at iyon ang isa sa mga gusto ko sa lalaki–yaong mas mature mag-isip.

‘Gab, bakit parang napapansin ko–wala kang manliligaw na nagpupunta rito? Wala ka ni isang syotang ipinakilala sa ‘min, maganda ka naman at mabait,’ naalala ko pang tanong niya sa akin noong nakaraang taon.

Pabiro ko na lamang siyang sinagot no’n, ‘Walang kayang magtangka, Kuya dahil natatakot sila sa ‘kin.’ Pero ang totoo, ayaw ko sa kanila dahil mas gusto ko siya.

‘Nasa tamang edad ka na. Naku, kapag ikaw tumanda ng single. Huwag mo kaming desperadong pahanapin ng magiging asawa mo, ha?’ pabiro niya pang dagdag.

Natatawa na lamang ako habang naiisip ang naging usapan namin sa lanai no’n kasama sina Mommy at Kuya Jordan. Ako lang naman kasi ang laging pulutan nila sa tuwing nagtitipon kami sa mansion.

Twenty four na ako pero kahit kailan, hindi ko binigyang pansin ang mga kalalakihang nagpapaparamdam at nagpapakita sa akin ng anumang motibo. Si Kuya Francis lang ang hinihintay kong pag-ibig.

Isang hapon, sapagkat nasanay nga akong sorpresahin si Kuya Francis sa kaarawan niya. Matapos kong manggaling sa bahay ni Leslie, pasikreto akong nagpunta sa condo ni Kuya Francis. Alam ko ang password ng unit niya–of course dahil memorized ko iyon.

Mahigit dalawang linggo na siyang hindi umuuwi sa mansion dahil sa trabaho niya. Simula kasi nang pumasok siya noon sa business empire ng pamilya naging abala na siya sa buhay. Minsan lang siyang umuwi sa loob nang isang buwan. Ni hindi na nga siya nakaisip pang umuwi ngayong birthday niya.

Balak pa naman sana naming mag-celebrate kaso hindi natuloy. Kaya't heto ako, naghahanap ng paraan para makita siya at sorpresahin. Para kahit papaano ma-feel niya ang special na araw na ito.

Naabutan kong walang tao sa loob. Tamang-tama iyon para maayos ko ang silid. May ilang oras pa bago siya makarating. Alam kong busy siya sa mga ganitong oras at madalas gabi na siya kung umuwi.

Lumapit ako sa drawer niya at sinunod ang advice sa akin ni Leslie na iipit sa libro ang letter na ginawa ko kanina. Kinakabahan ako pero lakas-loob ko pa ring ginawa. Itinago ko iyon sa pinakailalim.

Makalipas ang mahigit dalawang oras, handa na ang mesa. Nagtungo ako sa dressing room niya para mag-retouch ng aking make-up. Medyo na-erase ng kaunti dahil sa pawis ko kanina. Tiningnan ko rin sa salamin ang repleksyon ko. Inayos ko ang suot kong maiksing red dress na backless.

Napangiti ako at nasasabik. Siguradong mapapansin na niya ako sa ganitong ayos. Wala akong pakialam kung sawayin niya ako sa suot ko. Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong ganito ka-sexy.

Tinititigan ko pa ang sarili ko sa salamin nang kaagad akong makarinig ng kalabog sa may pintuan. Hudyat na dumating na si Kuya Francis. Kinabahan ako ngunit nasasabik din. Magtutungo na sana ako sa may pintuan ngunit natigilan ako nang maulinigan ko ang boses ng isang babae na hindi ko mawari ang tono.

“Francis… saglit lang, masyado ka namang excited...” anang boses ng babae na may kalandian ang tono.

Naramdaman ko ang malakas na kabog sa dibdib ko nang dahan-dahan akong lumapit sa nakabukas na pintuan ng kaniyang kama. Konektado iyon sa dressing room na kasalukuyan kong kinaroroonan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 44 [Señorita]

    Tumigil ang putukan. Tanging mga usok na lamang ang naiwang bakas sa paligid. Mabilis na kinapa at sinuri ni Francis ang kaniyang sarili kung may tama siya ng baril. Maswerte siya at walang anumang gasgas na nakamit. Ilang sandali pa'y nakarinig si Francis ng mga paparating na sasakyan. 'Anong.. nagtawag pa talaga sila ng mga kasamahan, ha?! Mga duwag!' Natatawa siya na nanginginig din sa galit. Mas lalo lamang nagtagis ang kaniyang mga ngipin. Umiinit na ang palad niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa baril at manibela. Ito na ba ang hudyat? Inihanda niya ang sarili. Siya si Francis Alejandro Castillo, isang tycoon na may kinatatakutang personalidad. Wala pang sinuman ang nangahas na magtangka sa kaniya kung hindi ang mga ito lang. Humanda sila, mga lapastangan! Napasinghap siya. Subalit agad siyang natigilan. Kunot-noo niyang sinilip nang maingat ang bintana nang marinig ang mga yabag. Nahagip ng mga mata ni Francis ang grupo ng kalalakihan na nagsibabaan ng sasakyan.

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 43 [Mga Armado]

    'Kapag nagkita kayo, anak, dalhin mo siya rito't iharap mo sa 'kin, at nang mapasalamatan ko ang kabutihang-loob na ipinamalas ng magulang niya sa iyo–sa panahong wala ako sa tabi mo.' Walang nagawa si Gabriella kung hindi ang tumango sa isinaad ng kaniyang ama kanina. Ayaw man niyang makaharap si Francis, ngunit wala siyang magagawa. Ayaw niyang mapahamak ang lalaki sa kamay ng mga taong tulisan na tinakasan nila ni Leslie, kung sakali mang makaharap nito ang mga iyon. Minsan na siyang nakaranas ng takot at ayaw niyang maulit iyon, hindi para sa kaniya kundi kay Francis.Oo, hindi panatag ang loob niya nang malaman buhat sa kaibigan na mag-isa lang na nagtungo roon ang binata upang hanapin siya. Although matapang itong lalaki, malakas at may taglay na matipunong pangangatawan na kayang magpatumba ng kalaban, ngunit hindi iyon sapat para ipagtanggol nito ang sarili lalo pa't hindi lamang mag-isa ang mga nagtangka sa kanila ni Leslie.Hindi pa rin nawawala kay Gabriella ang mangamba.

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 42 [Pagkabahala]

    "Ano ba 'to, nawawala na ba ako? Ilang oras na akong bumabyahe pero hindi ko pa rin mahanap si Gabriella," aniya sa sarili na nababahala na. "Gaano ba kalaki itong lupaing 'to at hindi ako makarating-rating sa sinasabi nilang... Monasterio de Manor ba 'yon?" Malawak na lupain lamang ng maninipis na damo at ilang mga puno sa tabi ang natatanaw ni Francis. Hanggang sa maya-maya'y natuwa siya nang may mamataan.Natanaw niya ang isang pigura ng babaeng nangangabayo sa may kalayuan. Kunot-noo niyang nilinaw ito. "Gabriella?"Nakasuot ito ng cowgirl attire na nakaagaw ng kaniyang atensyon.'Ngunit, paanong magiging si Gabriella iyon?' sigaw ng kaniyang isipan. 'Ni hindi nga ito marunong sa ganoong bagay.'Ano bang alam ni Francis sa buhay ngayon ng dating kapatid? Ilang araw na nga niya itong hindi nakikita. Gayunpaman, unti-unting lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib. Umaasa na si Gabriella ang kaniyang natatanaw. Ang katawan nito ay kasing balingkinitan nang sa babaeng inampon nila. Na

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 41 [Quality Time]

    "Balak namin?" ulit niya sa tanong nito. "Balak namin ni Dad na dumito na muna, tutal amin naman itong Manor." Napataas ang kilay ng kaniyang kausap. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy, "Depende sa inyo kung babalik na kayo ng Cagayan or what, pwede rin naman na dumito rin muna kayo. Welcome naman kayo lagi sa pamamahay namin dahil magkamag-anak naman tayo, hindi ba tita?"Nahuli niya ang pagngitngit ng kalooban nito sa sinabi niya, halatang-halata iyon sa pamumukha ng ginang. Lihim siyang napangiti sa naging reaksyon nito."If you'll excuse me, I have an urgent matter to take care of," aniya nang talikuran ito.'Alam ko kung anong klase ka ng tao, tingnan natin ang kaya mong gawin.' Ngumiti siya nang mapanuya bago tuluyang lumabas.Mas lalong nanggalaiti si Mary sa galit nang maiwan ito sa loob.Napunta siya sa backyard. Nahagip ng kaniyang paningin si Ralph na nakaupo na naman sa paborito nitong pwesto sa hardin. Sa pagkakataong iyon ay wala itong hawak na libro na nakasanayan

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 40 [Ibigay ang Nararapat]

    Dahan-dahang hinipo ni Gabriella ang mga antique na gamit sa ibabaw ng cabinet habang mabagal siyang naglalakad papasok ng malaking kwarto. Natagpuan niya ang malapad na kama–may kabaguhan, malinis at maganda ang pagkakaayos na parang hinanda talaga para sa mga hindi inaasahang bisitang tulad niya. Pumasok ang banayad na ihip ng hangin sa nakabukas na bintana. Nilipad nito ang plain na kurtina. Mabango sa loob, maaliwalas, bakas ang amoy ng mamahaling air freshener na ginamit. 'Not bad..' aniya sa isipan. Nilingon niya ang malawak na banyo mula sa dressing room. Covered ito ng makapal na glass. Nagkikislapan ang mga silver na mga organisadong kagamitan na nasa ibabaw ng makintab at malapad na lababong gawa sa mamahaling granite. Para kay Gabriella, hindi ito nalalayo sa kalakihan ng buong kwarto niya sa mansion sa Antipolo. Muli na namang nagbalik-tanaw si Gabriella sa mga nakaraan niya sa piling ng kinalakhang pamilya. Ngunit sa huli ay iwinaksi niya sa isipan ang lahat ng ma

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 39 [Tiyuhin]

    “Má, itigil na natin ito. Ayokong pag-usapan ang tungkol diyan,” pag-iwas na wika ni Ralph kasabay nang paglakad nito palayo sa ina. Mabilis na tumago si Gabriella nang akma nang lalabas ang kaniyang pinsan. Ayaw niyang mahuli siya na nakikinig sa usapan ng dalawa. Alam niyang sa mga oras na iyon, galit sa kaniya ang kaniyang tiyahin dahil sa nangyaring usapan sa baba. Hindi na kumibo ang ginang. Hanggang sa napasunod na lamang si Gabriella ng tingin sa papalayong si Ralph. Halata sa mukha ng binata ang pagkadismaya. Napasulyap na lamang siya sa ginang na nanonood sa dalawang nag-uusap, ang daddy at tiyuhin niya. Hindi maipinta ang mukha nito habang tila nakikinig rin sa usapan ng dalawa kahit na may kalayuan naman ang mga ito sa kanilang kinaroroonan. “Maghanda kang Gabby ka, hindi ako papayag na muli kang makapasok sa buhay namin,” mariin nitong wika na abot hanggang doon sa kaniyang kinaroroonan ang boses habang naka-evil eye. “I'll find a way.” Maya-maya pa'y muli siyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status