MasukGumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?
Lihat lebih banyak"Ugh..."
Bumukas ang pinto ng silid, at dalawang pigura ang halos sumubsob sa loob. Kapwa sila lasing, at nagsimulang maghalikan. Ang mga halinghing ay nagsimulang umalingawngaw sa silid. "Ah!" Napasinghap si Mallory nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Ang paa naman nito ay agad pumulupot sa bewang ng lalaki. Habang humigpit naman ang hawak nito sa bewang niya, hinila siya papalapit hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng dibdib nito. Ibinagsak siya nito sa kama na parang wala itong pakialam kung maguluhan man ang kumot. At bago pa siya makabawi, pumaibabaw ang lalaki. Ang mga kamay ay nagsimulang maglakbay sa katawan ni Mallory. Mapula ang mga mata ng lalaki. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pagnanasa. Iyon ay tingin ng isang lalaking matagal nang nagtitimpi at ngayong natanggal ang preno…wala na siyang balak huminto. Mahigpit na kumapit si Mallory sa kumot, may sumilip na liwanag mula sa bintana, sumasayaw sa kanyang balat kasabay ng kanyang hininga, at ang kanyang mga mahihinang daing ang pumuno sa buong silid sa gabing iyon… — "Lori…Lor” “Mallory Tuesday!” Napabalikwas si Mallory, halos lumipad ang kamay niya sa dibdib. Basang-basa ng pawis ang leeg at sentido niya. Tatlong buwan na ang lumipas, pero gabi-gabi pa rin siyang binabalik ng utak niya sa silid na iyon. Sa mga kamay na hindi niya kilala. Sa gabing iyon na dapat ay tinapon na niya sa limot, pero ayaw siyang tantanan. Humugot siya ng malalim na hininga habang pinupunas ang pawis sa noo. Ang mga pangyayaring iyon ay nananatili sa kanyang isip…. ang dilim ng silid, ang liwanag na sumasayaw mula sa bintana, ang kanyang mga mata na puno ng pagnanasa na para bang lalamunin siya nito. Huminga si Mallory ng malalim at inalis ang mga buhok na nakatakip sa kaniyang mukha. Hindi niya pa rin matanggap na nagawa niya iyon. Noong gabing iyon, kaarawan iyon ni Iñigo. Dala ang ngiti at walang kamalay-malay na puso, dumalo si Mallory, akala niya simpleng salu-salo lang. Pero hindi pala. Hindi lang siya ang inimbita, pati ang ibang estudyante sa parehong major, at kasama na roon si Julia, maganda, sikat, at halos likas sa kanya ang pagiging perpekto. Marami sa mga kaklase nila ang tumingin kay Mallory, naghihintay sa kanyang magiging reaksyon. Hindi sila magkaklase ni Iñigo, pero alam ng lahat na may gusto siya rito sa loob ng dalawang taon. Kahit si Iñigo ay alam ito, pero hindi siya nito binabasted. Sa mga tingin ng mga kaklase niya, parang alam na nilang lahat na may relasyon si Julia at Iñigo. Ang mas masakit, lahat alam na. Lahat… maliban sa kanya. Dalawang taon niyang gusto si Iñigo. Dalawang taon siyang nagtago, naghintay, umaasa. At sa huli, siya pa ang napag-iiwanan. Tinalikuran niya ang mga tingin ng mga kaklase niyang punong-puno ng awa, tsismis at pang-iinsulto. At napagtanto niya na….pinaglalaruan lang pala siya. Pinaniwala. Pinabitin. Tapos sa huli, iba ang pinili. Ang mapanghusgang tingin ng mga kaklase niya ang sumugat sa kanyang puso, at doon niya napagdesisyunan na itigil na ang kakatwang paghanga na ito. Hindi niya ito kinaya. Kumuha si Mallory ng bote ng alak at tinungga iyon, hanggang sa hindi niya na maaninag ang mukha ng mga tao sa paligid. Nagpunta siya sa banyo para huminga sandali pero nang lumabas ito, nabangga niya ang isang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata…matitim, matalim, at may kakaibang liwanag na hindi niya maipaliwanag. Mas gwapo siya kay Iñigo, mas matipuno, at may dating. Hindi niya alam kung saan nakuha ang lakas ng loob, pero bigla niyang hinila ang kwelyo niya at sinabi, "Do you want to sleep with me?” Hindi siya nagsalita. Basta na lang niyang hinila nalang siya palapit sa kanya, at ang sumunod na nangyari ay naging malabo na. Nang magising si Mallory kinabukasan, wala na siyang saplot at Isang mukha ng lalaki na nakahiga sa tabi niya ang bumungad sa kaniya. Ang kanyang puso ay tumigil sa pagtibok. Agad itong nagbihis at kumaripas ng takbo palabas sa silid na iyon. Hindi niya na inabalang gisingin ito. Alam niyang mali ang ginawa niya, kaya hindi niya ito sinabi sa kahit sino, at hindi niya tinangkang alamin kung sino ang lalaking iyon. "Lori! Kung hindi ka babangon ngayon, talagang ma-late tayo!" Dahil sa sigaw ni Mimi, bumalik sa ulirat ang kanina pang nakatungangang Mallory. Dali-dali niyang inalis ang mga maiitim na imahe sa kanyang isip, at nagmadaling bumangon. Pagkatapos niyang maghilamos, nagmadali silang umalis ni Mimi. "Ano ba, bakit ka nagmamadali?" hindi makasabay si Mallory sa kanyang kaibigan. "Hindi mo ba naalala? May klase tayo sa Anatomy ngayon," sabi ni Mimi. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo, kaya nakakalimutan mo." Doon lang naalala ni Mallory. Balita niya, kumuha ang unibersidad ng isang napakagaling na propesor sa Anatomy. Nagtapos ito sa St. Celestine Medical University, at ginawa agad itong propesor. Ito raw ang pinakabatang propesor sa College of Medicine. Hindi agad makapunta ang propesor na iyon noong last semester, inurong ang klase nila sa Anatomy ng isang buwan. Ngayon, pagkatapos ng bakasyon ng National Day, ang unang klase nila ay sa propesor na iyon. "Lori, alam mo ba, may mga estudyante nang nakakita sa kanya kaninang umaga," may kagalakang sambit pa ni Mimi. "Balita ko, sobrang gwapo raw ng Professor na iyon! Kaya maraming estudyante ang nagsisisi na hindi nila kinuha ang klase na iyon," hinila ni Mimi ang kanyang kamay. "Bilisan mo! baka hindi na tayo magkasya sa auditorium!” "OA naman," iyon na lang tanging nasabi ni Mallory. Third year na sila, at first class pa lang. Maraming estudyante ang hindi nakakagising nang maaga, kaya pinapapirmahan na lang nila ito sa kanilang mga kaibigan. Pero nang makita ni Mallory ang sobrang daming tao sa harap ng kanilang auditorium, napanganga siya. Para may kandidatong na namimigay ng libreng bigas na pinagkakaguluhan ng mga tao. "Kapag guwapo na't galing pa sa isang prestihiyosong unibersidad, aba'y mas grabe pa 'to sa fan meeting teh!” Hinila siya ni Mimi papasok sa silid. "Excuse me, excuse me—kung hindi niyo subject ‘to, huwag kayong umupo sa upuan namin." At nang makahanap sila ng mauupuan ay sumimangot naman si Mimi. “Tssk” “What?” "Malas." reklamo ni Mimi. Sinundan ni Mallory ang tingin nito, at nakita niya si Iñigo at Julia na nakaupo sa harap ng auditorium. Dahil malaking silid ito, may ibang klase ang pinagsasama-sama. Hindi niya inasahan na magkikita sila. Sobrang lapit nila sa isa't isa. May binulong si Iñigo kay Julia, dahilan upang tumawa ito. Napansin ni Mimi na nakatingin ang kaibigan sa dalawa, "Okay lang na malungkot ka. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang taong gusto mo sa loob ng dalawang taon ay may iba na?" Nagulat si Mallory. "Sila na ba?" "Oo, noong birthday party ni Iñigo…bakit parang ngayon mo lang nalaman?" Sumilay ang maliit n ngiti ni Mallory bago tumango sa kaibigan, "Ah…oo, ngayon ko lang nalaman." "Kung ganun, sino ba ang gumugulo sa'yo nitong mga nakaraang araw? Bakit ganyan ang itsura mo?” Umiling si Mallory at bahagyang ngumiti sa kaibigan. Ang kirot na akala niya ay nawala na ay biglang bumabalik. Iniwas niya ang tingin at ibinaling sa harap sa stage ng auditorium, hinihintay ang bago nilang Professor. Nang biglang tumahimik ang auditorium. Pumasok ang isang lalaki. Napatigil si Mallory, biglang nanlamig ang kanyang mga kamay. Ang hininga niya'y halos huminto. Ang puso niya, parang gustong kumawala sa kanyang dibdib. Hindi pwede…. Nakatayo siya sa harap ng klase, nakasuot ng puting polo at itim na pantalon, ang kanyang buhok ay maayos na nakasuklay. Inikot nito ang tingin sa lahat ng estudyante nandito sa auditorium, may ngiting sumilay. Hindi pwede!Kakatapos lang patayin ni Mallory ang maliwanag na ilaw sa kanyang kwarto. Ang buong paligid ay dahan-dahang lumubog sa katahimikan, at inihiga na niya ang kanyang ulo sa malambot na unan, handa nang ipikit ang mga mata at matulog nang mahimbing. Pero biglang may mahinang katok sa kanyang pinto, tunog na sapat para mawala ang antok niya. Napabuntong-hininga siya nang kaunti, binuksan ulit ang ilaw, at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Naglakad siya patungo sa pinto, at binuksan ito. Nakatayo sa labas si Theodore. Nakasuot siya ng damit pang-tulog, at mahigpit na nakahawak sa kanyang bisig ang sarili niyang unan. Medyo nagulat at naguluhan si Mallory kaya’t pabulong na tinawag ang lalaki, “Professor Leviste….?” Nananatiling kalmado at walang emosyon ang mukha ni Theodore, pero may halong pag-aalinlangan sa kanyang boses nang magsalita siya. “I’m sorry to bother you so late… the heating in my room just stopped working completely. It’s getting really chilly over there. Would you m
‘Ano raw ang sinabi nito? Salamat? Hindi naman siya ang pinupuri ko!’ napaisip si Professor Dex. Si Mallory ang kinukumusta at pinupuri niya kanina pero parang tuwang-tuwa pa at may pagmamalaki pa sa sarili ang mukha ni Theodore habang sinabi iyon. Labis na nagulat si Mallory sa ginawa ni Theodore, at parang lalo pang lumubog sa hiya ang buong pagkatao niya. Hindi niya alam kung saan dapat magtago, parang gusto na lang niyang humukay ng butas para doon magtago dahil sa sobrang init ng kanyang mukha. Napaisip si Mallory at nag-alala na baka naman gusto talagang sabihin ni Theodore sa lahat na magkamag-anak sila! Maya-maya lang, parang napagtanto na rin ni Theodore ang sinabi niya. Nang salubungin niya ang naguguluhang tingin ni Professor Dex, dinepensahan niya ang sarili sa kalmado at walang halong pag-aalalang boses. "Oh… what I meant was, this student here should be the one thanking you for your kind words.” Tumahimik ang pagitan nilang lahat. Napakawalang kwenta ng pa
Sumagot naman ni Theodore nang may kalmado at seryosong tingin, pero hindi ito matapang o nakakatakot, may halong magaan na awra habang tumatango nang dahan‑dahan. “Yes… I can see her clearly too.” Ang kanyang boses ay mahina lamang, tila ba nagkukuwento ng isang bagay na matagal na niyang itinatago sa kanyang isipan. Hindi nagbago ang kanyang paninindig, nanatili siyang nakatingin nang maayos kay Mallory na parang mayroong marami pang gustong sabihin pero pinipili munang manahimik. “Bakit ka ba nagtatago roon? Akala mo ba kakainin ka namin o saktan ng iyong mga guro?” tanong ni Professor Dex nang sadya niyang gawing matapang at mahigpit ang kanyang tono,gaya ng isang gurong nagpapanggap na galit lamang para mapakilos nang maayos ang estudyante. Nakangiti pa rin siya nang bahagya sa kanyang mga mata kahit matigas ang kanyang pananalita, alam niyang sapat na ito para maging alerto ang dalawa. Napahinga nang malalim si Mallory at pilit na nagpakatatag habang sumasagot nang toto
Tumango nang bahagya si Professor Dex bilang pasasalamat, at dahan‑dahang ibinaba ang kanyang tingin sandali, tila naghahanda pa ng kanyang sasabihin bago ito muling itinuon sa kausap. “Totoo po bang kasal—-may asawa ka na....po?” tanong niya nang maingat pa rin, parang natatakot sa maaaring maging sagot. Dahan‑dahang hinaplos at kiniskis ni Theodore ang ibabaw ng singsing gamit ang dulo ng kanyang kabilang daliri. May mahina at malambing na ngiting lumitaw sa kanyang mga labi habang nakatingin dito nang may pagmamahal at pagmamalaki. “That’s right… I am indeed married.” sagot niya nang tapat. Parang may malakas na tunog ng pagkatok na umugong sa isipan ni Professor Leviste na parang may nabasag na bagay sa loob ng kanyang dibdib. Lubos siyang nabigla at labis na nalungkot sa loob‑loob. Ang lalaking inaasahan niyang magiging mapapangasawa ng kanyang anak, na halos hawak na niya sa kanyang palad, ay biglang nawala at hindi na niya makukuha pa. Parang lumipad palayo ang pagkakatao
“Magkikita kayo ng pamilya niya? Dapat inisip mo ‘yan bago ka pumayag magpakasal, ‘di ba? Bakit ngayon ka pa biglang lumalambot at kinakabahan nang ganito?” asar na sabi ni Mimi habang pinipisil ang pisngi ni Mallory. Napabuntong-hininga nang malalim si Mallory, parang dala-dala ang bigat ng buon
Nang sumapit ang oras ng hapunan, naroon na silang tatlo sa loob ng restaurant. Nakaupo na sila sa mesa, at nasa tapat na mismo ni Mimi sina Mallory at Theodore.Natatawa umano si Mallory sa kaibigan dahil kung gaano kayabang at kasigurado pa ito sa mga sinabi nito kanina sa chat. Puno ng tapang, a
Dahil nanggaling na mismo kay Professor Leviste, natural lamang na walang nagkaroon ng anumang pagtutol ang ibang estudyante. Ang bawat isa ay masiglang sumunod, na tila ba'y isang malaking karangalan ang makasama sa isang group photo kasama ang kagalang-galang na propesor.Isang grupo ng mga tao
Kumuyom ang kamao ni Mallory, at bahagyang kinagat ang kanyang labi. Nakita niya ang mapang-asar na ngiti ni Iñigo at ang pagsang-ayon ni Julia. Ang lahat ay nakikita niya, at ramdam niya ang kaba at pagkadismaya."Alright, here's the next question, focusing on the second line of defense: In the hu






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan