Share

Chapter 2

Author: London Bridge
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-09 12:02:08

Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.

“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.

Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”

“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”

Natigilan ako. “A-Ano?” mahina kong sagot, pilit na pinakakalma ang aking boses. “Anong… ibig mong sabihin?”

Lumapit si Manang, hawak pa ang basahan niya. “Hindi rin po umuwi si Sir Rowan kagabi. Sabi namin baka magkasama po kayo.”

Parang biglang lumiit ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ang lakas ng kabog ng puso ko, ramdam ko hanggang sa aking mga tainga.

“Ako lang ang umuwi?” pilit kong sabi, sabay iwas ng tingin. “Si Rowan… hindi pa rin ba talaga dumarating hanggang ngayon?”

Umiling si Manang, at kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. “Hindi pa po, Ma’am. Wala pa siyang tawag, wala ring message.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kung hindi ko kasama si Rowan kagabi, tapos hindi siya ang lalaking nasa kama ko kanina paggising ko, ibig sabihin… lalong nanginig ang aking mga kamay.

Oh my god... ano ba talagang nangyari kagabi?

“Ma’am, gusto niyo po bang kumain muna? Mukhang pagod na pagod kayo.” Pagpapatuloy pa ni Manang. Alam kong nagtataka siya sa magulo kong hitsura; hindi pa rin kasi sapat kahit nag-ayos ako nang kaunti bago bumaba ng taxi.

Umiling ako. “Hindi. Gusto ko lang magpahinga.”

Mabilis akong umakyat sa kuwarto naming mag-asawa. Bawat hakbang, parang tinutusok ng karayom ang aking dibdib. Ang dami kong tanong na lalo lang dumarami, pero wala kahit isa ang may kasagutan. Pagkasara ko ng pintuan, napaupo ako sa sahig. Umiyak ako nang tahimik habang yakap ang sarili kong mga braso, na parang gusto kong burahin ang lahat ng nangyari.

Napakagat ako sa aking labi, pinipigilan ang sigaw ng pagkasuklam at hiya sa sarili. Pero ang sakit ng katawan ko, ang mga labi kong namamaga, at ang imahe ng mukha ng lalaking nakasiping ko ang huli kong nakita bago ako tumakbo palabas ng kuwartong iyon… lahat iyon, hindi ko kayang burahin.

Pumasok ako agad sa banyo, halos madapa pa sa pagmamadali. Pagtingin ko sa salamin ay napaatras ako. Doon ko lang napansin ang mga mapupulang marka sa aking leeg, sa braso, hanggang sa dibdib.

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang shower knob. Bumuhos ang malamig na tubig, pero pakiramdam ko hindi iyon sapat para linisin ang dumi na bumabalot sa aking balat. Dinampot ko ang sabon at body scrub saka sinimulang kuskusin ang bawat parte ng aking katawan. Halos magasgas na ang balat ko sa sobrang diin.

“Please, go away!" paulit-ulit kong bulong. Pilit kong iniisip na baka kapag mas lalo kong kinuskos ay mabubura rin ang lahat ng nangyari. Pero habang ginagawa ko iyon, mas lalo kong nakikita ang mga marka at pamumula sa balat ko. Mga ebidensya na hindi ko kayang itanggi.

Pagdampi ng kamay ko sa aking dibdib ay napaigtad ako sa kirot. Maging ang aking mga nipplès ay tila namamaga. Ang bigat ng pakiramdam, para bang may nakadagan pa rin doon.

Napaluhod ako sa malamig na sahig ng banyo habang patuloy ang agos ng tubig mula sa shower. Doon ako tuluyang umiyak nang malakas, wala na akong pakialam kung marinig man ako ng mga kasambahay.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Nakakadiri. Nandidiri ako sa sarili ko. Para akong binaboy, at ang mas masakit pa, hindi ko alam kung paano haharapin ang asawa ko o kung paano ipapaliwanag na wala akong matandaan man lang sa nangyari.

Bandang hapon, narinig ko ang malakas na busina sa labas. Napabalikwas ako mula sa kama. Ramdam ko ang kaba, parang gusto kong sumuka. Dumating na siya. Dumating na yata si Rowan. Hindi ko rin namalayang nakatulog ako sa kaiiyak.

Nag-unahan ang mga katulong sa pagbukas ng gate. Mula sa bintana, tanaw ko ang pamilyar na kotse. Bumaba si Rowan, maayos ang suot, parang walang nangyari. Nakangiti pa siya nang ibaba ang kanyang sunglasses.

“Nasaan si Sophia?” agad niyang tanong kay Manang habang tinatanggal ang kanyang coat.

“Sir, nandoon po sa taas, nagpapahinga. Kanina pa po siya dumating,” sagot ni Manang.

Tumango si Rowan, halatang pagod pero excited. “Tawagin mo siya, gusto ko siyang makita.”

Doon ay lalo akong napaiyak nang tahimik. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto ng kuwarto namin, pinapakinggan ko siya habang nagsasalita sa baba. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa guilt. Gusto kong bumaba, gusto kong yakapin ang asawa ko, pero nanginginig ang aking mga tuhod. Natatakot akong makita niya ang aking mga pasa. Natatakot akong tumingin nang diretso sa kanyang mga mata at makita niya ang bagong sikreto na pilit kong itinatago.

At sa sandaling narinig ko siyang umaakyat na sa hagdan, mas lalo akong kinabahan. Narinig ko ang bawat yabag niya. Mabigat, pamilyar, pero ngayon parang bawat tunog ay tinatamaan ang puso ko ng matalim na bato. Humigpit ang kapit ko sa kumot, halos mawalan ng kulay ang kamao ko sa higpit. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

Pagbukas ng pinto, bumungad ang mukha ni Rowan. Maayos pa rin siya, mabango ang hitsura, walang bahid ng pagod na parang galing sa inuman kagabi. Pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko ang pamamaga ng aking mga labi.

“Sophia,” mahina niyang tawag.

“K-Kararating mo lang?” tanong ko.

Tumango siya, tinanggal ang relo at inilapag iyon sa mesa. Para bang walang problema, parang wala man lang balak magpaliwanag kung bakit hindi kami magkasamang umuwi. Hindi ko na napigilan. Mabilis kong itinanong, halos pabulong pero puno ng kaba.

“Rowan, nasaan ka ba kagabi? Bakit hindi ka umuwi? I mean, bakit hindi tayo sabay na umuwi?”

Natigilan siya, tumingin saglit sa akin, tapos parang wala lang bago sumagot. “Si Mariel. May sakit siya kagabi. Tinawagan niya ako. Medyo boring na iyong party, so I just stayed with her buong magdamag.”

Parang may sumabog na bomba sa loob ng dibdib ko. Napasinghap ako pero agad kong tinakpan ng pilit at mapait na ngiti ang reaksyon ko. Si Mariel. Palagi na lang si Mariel. Lagi itong handang puntahan at alagaan ni Rowan, pero sa akin, laging nawawala kapag kailangan ko siya.

“Ni hindi mo man lang naisip na naiwan ako roon, Rowan? Hindi mo man lang…”

Gusto kong isigaw sa kanya, "Habang inaalagaan mo siya, alam mo ba kung anong nangyayari sa akin? Habang pinipili mo siya, bakit ako napunta sa kama ng kaibigan mo?"

Pero wala akong nasabi. Nilulon ko ang lahat ng pait at pilit na ikinubli ang sakit. Dahil alam na alam ko ang isasagot niya kung sakaling sumbatan ko siya.

“Ah, ganun ba,” mahina kong sagot, may bikig ang aking lalamunan. “Mabuti naman at napuntahan mo siya.”

Ngumisi si Rowan, pero malamig. “Of course. Alam mo namang hindi ko matitiis ang babaeng mahal ko, hindi ba?”

Muli ay naramdaman ko ang pagkadurog ng aking puso. Sinasadya talaga niya ito para ako na mismo ang makipaghiwalay. Matagal ko nang alam na hindi ako minahal ng asawa ko. Para sa kanya, isa lang akong babaeng napilitan niyang pakasalan dahil kailangan niya makuha ang mana niya. Hindi boto ang pamilya ni Rowan kay Mariel dahil minsan nang niloko ni Mariel si Rowan.

Tumalikod siya sandali para magpalit ng damit, at doon ko tinakpan ang aking bibig upang pigilin ang mga hikbi.

Kasalanan ko ito dahil pinilit kong pakasalan siya kahit hindi naman talaga ako ang gusto niya. Hindi ko puwedeng ipagtapat ang nangyari kagabi, kung paanong gumuho ang mundo ko sa tabi ng kaibigan niya. Lalo lang siyang magkakaroon ng dahilan para hiwalayan ako.

**

Kinabukasan, maaga pa lang ay narinig ko na ang ingay sa sala. Mabigat pa rin ang aking katawan, pero bumangon ako dahil sa kakaibang kaba. Pagbaba ko ng hagdan, muntik na akong mapamura sa nakita ko.

Si Mariel.

Nakaupo siya sa sofa na para bang siya ang may-ari ng bahay. Halos nakabilad ang katawan, naka-nightgown pa, may kasamang maliit na overnight bag.

“Good morning, Sophia,” sarkastikong bati niya. “Nakakahiya man sabihin, pero I’ll be staying here for a while. Hindi ko na kayang mag-isa sa condo ko, lalo na ngayon na masama ang pakiramdam ko. Kailangan ko ng mag-aalaga sa akin.”

Nanlaki ang aking mga mata, at lumabas ang matagal ko nang itinatagong galit. “Mariel, ang kapal din talaga ng mukha mo, ano? Dito pa talaga sa bahay namin? Mukha ba itong hospital para dito ka magpaalaga?”

Ngumisi siya, parang alam na alam na matatalo niya ako kahit ako pa ang legal na asawa. “Rowan loves me, Sophia. Alam mo naman iyan. Kaya wag ka na ring magpanggap na masakit ito para sa iyo dahil matagal mo ng alam na hindi ka niya mahal.”

Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig. Ako ang asawa, pero ako ang tinawag na intruder. Pero hindi ako magpapatalo.

“At the end of the day, hindi ikaw ang asawa. Hindi ikaw ang pinakasalan niya,” mariin kong sagot, pilit pinatatatag ang aking boses. “Ako. Ako ang may karapatan dito, Mariel. Kung may dapat lumayo, ikaw iyon.”

Bago pa makasagot si Mariel, bumukas ang pinto. Dumating si Rowan galing sa pagja-jogging. Sa isang iglap, nawala ang kaunting lakas ng loob ko, pero hindi ako umatras.

“Rowan,” lumapit agad si Mariel sa kanya, parang siya ang asawa rito. “I told Sophia na dito na muna ako. I hope it’s okay to her. Hindi naman ako magtatagal, mga dalawang linggo lang."

Hindi ko na napigilan ang sumigaw. “Naririnig mo ba ang kahibangan ng babaeng yan, Rowan? Papayagan mong dito tumira ang babae mo? Sa mismong bahay natin?”

Tumitig sa akin si Rowan. Malamig ang kanyang mga mata. Walang ni katiting na usig ng konsensya.

“Sophia, if you can’t handle this situation anymore, then maybe we should annul our marriage."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 163

    Maaga akong nagising para maghanda. Pagkatapos kong makapaghugas ng katawan at makapagpalit ng maluwag na damit, naupo muna ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang ina ni Tyler na abala sa pag-aayos ng mga natitirang gamit namin sa loob ng silid. Si Athena naman ay mahimbing pa ring natutulog sa loob ng kaniyang munting higaan dito sa tabi ko, nakabalot sa malambot na pink na kumot. Ngayong araw na ang discharge namin mula sa ospital.Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Tyler. May dala na siyang ilang piraso ng papel at malawak ang ngiti sa kaniyang mga labi habang naglalakad palapit sa amin."Everything is cleared. Pwede na tayong umuwi," anunsyo niya bago binalingan ang kaniyang ina. "Mom, ready na ba ang mga gamit?""Yes, kanina ko pa natapos i-pack ang mga dinalang damit ni Sophia," sagot ng kaniyang ina habang lumalapit sa higaan ng sanggol. Maingat niyang binuhat at kinarga si Athena. "Akin na muna si Athena, Tyler, para mabitbit mo na ang mga bagaheng ito pababa."Mabilis

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 162

    MARIELMabilis ang naging pagpapatakbo ko sa sasakyan pabalik ng bahay. Halos hindi ko na namamalayan ang trapiko dahil sa sobrang pananabik na nararamdaman ko. Hawak ko ang manibela habang paulit-ulit na nagrerehistro sa isip ko ang impormasyong bagong tuklas ko lang.Sophia is in Switzerland.Agad kong ipinarada ang kotse ko pagkapasok sa garahe. Subalit bago ko pa man mapatay ang makina, kumunot na ang noo ko nang makita ang isang pulang sasakyan na nakaparada sa kabila. Malapit na malapit ito sa entrance ng pintuan at talagang nakaharang sa daanan.Sino namang magpaparada ng sasakyan nang ganito? Tatanga-tanga!Padabog akong bumaba ng kotse. Kinailangan ko pang igilid nang husto ang aking katawan at humakbang nang patagilid para lang makalusot sa maliit na espasyong iniwan ng pulang kotse. Sa kamalasan, bigla pang bumangga ang siko ko sa side mirror nito."Bwisit," bulong ko habang hinahaplos ang siko ko. Lalong nairita ang sistema ko. Sino ba ang bisita ni Rowan ngayon? Paano niy

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 161

    Kinabukasan, maagang pumasok si Doctor Suarez sa aking kwarto upang tingnan ang aking vital signs at ang kondisyon ng aking mga tahi. Kasama ko pa rin sa loob si Tyler na hindi man lang umalis sa tabi ko simula kahapon pa. Nang matapos ang paunang pagsusuri ng doktor, bago pa man ito makahakbang patungo sa pinto, ay hinawakan ko na ang pagkakataon para magtanong."Doctor Suarez, gusto ko lang sanang itanong kung kailan ko pwedeng ibiyahe sa eroplano si Athena? Pati na rin ako, kailan kami ligtas na makakasakay para sa isang mahabang flight?" diretsong tanong ko habang nakasandal sa aking mga unan.Napatigil si Doctor Suarez. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay kay Tyler, bago bahagyang sumeryoso ang kaniyang mukha. "Babalik na ba kayo agad sa Pilipinas? Bakit ninyo kailangang magmadali?"Naunahan ako ni Tyler sa pagsagot. Humakbang siya palapit sa gilid ng kama upang harapin ang doktor. "We just want to fix everything as soon as possible. May mga legal matters pa kaming kailangang ta

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 160

    “Sophia!”Bumukas ang pinto ng aking kwarto at agad na pumasok si Manang Loring. Hindi pa man ako tuluyang nakakahuma sa kaniyang biglaang pagdating ay mabilis na siyang lumapit sa gilid ng aking kama. Agad niya akong niyakap nang mahigpit habang humihikbi sa labis na pagkasabik.Natatawa naman kong tinapik-tapik ang likod ng matanda. “Manang, dahan-dahan lang po sa yakap. Baka mapunit ang mga tahi ko,” pabiro kong saway sa kaniya.Mabilis siyang kumalas sa pagkakaakap at pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang panyo. “Ay, pasensya ka na, iha. Labis lang talaga ang kagalakan ko nang ibalita ni Tyler na nakapanganak ka na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.”Pumasok na rin sa loob ng kwarto ang ina ni Tyler, kasunod si Axel na bitbit ang ilang bagahe na agad nitong inilapag sa sulok. Napailing ang ina ni Tyler habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa ni Manang Loring.“Alam mo ba, Sophia, itong si Manang Loring ay nakailang suka habang nasa eroplano kami,” pagbubunyag

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 159

    MARIELMahigpit ang hawak ko sa manibela habang nakatitig sa gate ng eksklusibong subdivision ng mga Santibañez. Gamit ko ngayon ang lumang kotse na hiniram ko pa sa boyfriend ng best friend ko. Kailangan kong mag-ingat dahil saulado na ng driver ni Tyler na si Axel ang sarili kong sasakyan, at kapag nakita nila ako rito, paniguradong palalayasin lang ako ng mga guard. Nakaparada ako sa isang bahagi ng kalsada na medyo malayo sa gate, sapat para makita ko ang bawat sasakyang lumalabas at pumapasok, ngunit hindi sapat para paghinalaan ng mga security personnel.Ilang linggo na akong pabalik-balik sa lugar na ito. Araw-araw akong nag-aabang, nagbabakasakali na may makuha akong kahit anong impormasyon tungkol sa kinaroroonan nina Tyler at Sophia, pero palagi akong walang napapala.Biglang umikot ang sikmura ko. May kung anong likido na mabilis na umakyat sa aking lalamunan.Nataranta ako. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse, dali-daling lumabas, at humawak sa pader bago tuluyang sum

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 158

    Nakasubsob ang ulo ni Tyler sa gilid ng aking kutson habang ang kaniyang isang kamay ay mahigpit pa ring nakakapit sa akin. Nakaupo siya sa silya, ngunit ang posisyon ng kaniyang katawan ay halatang hindi komportable. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at bakas sa kaniyang mukha ang labis na puyat mula sa pagbabantay sa akin buong magdamag.Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Marahan kong ipinalad ang aking mga daliri sa kaniyang buhok, sinusubukang hindi siya magising. Pero dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Tyler. Nang makita niyang gising na ako, mabilis na napawi ang antok sa kaniyang mga mata at napaayos siya ng upo."Sophia," tawag niya. Hinawakan niya ang aking mukha. "Gising ka na. May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo? Nauuhaw ka ba? Nagugutom?"Umiling ako nang bahagya, pilit na binabalewala ang kaunting hapdi sa aking ibabang bahagi. "Ayos lang ako, Tyler. Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kagabi."Huminga siya nang malalim at hinalikan ang aking noo. "

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 85

    TYLERHatinggabi na nang bigla akong maalimpungatan. Hindi dahil sa kung anong ingay sa labas, kundi dahil sa isang matinis at nakakapanindig-balahibong tunog ng alarm mula sa mga aparato ni Sophia.Mabilis akong napabalikwas mula sa sofa. Nanlalamig ang mga kamay ko nang makita ko ang kalagayan ni

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 77

    TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 32

    Alas-otso na ng gabi nang makarating ako sa casino. Alam kong wala pa roon si Mr. Villaflor kaya dumiretso muna ako sa powder room para ayusin ang aking sarili. Ngunit bago pa ako makalapit sa salamin ay napatigil ako nang makarinig ng mahihinang ungòl."Hmmm... Ahh!" Palakas nang palakas ang tuno

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 29

    ROWANSunod-sunod kong tinungga ang alak mula sa bote. Halos mapuno na ng mga bakanteng bote ang sahig sa paanan namin, pati na rin ang ibabaw ng lamesa."Rowan... tama na 'yan. Pare, tingnan mo nga ang sarili mo, lasing na lasing ka na. Paano ka magda-drive pauwi niyan?" sita sa akin ni Clinton. "U

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status