Share

Chapter 2

Author: Ethaniel Rein
last update publish date: 2026-02-08 21:52:57

Sa sandaling pumasok si Mallory sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang tita Ruth na nakatulala sa sofa.

Ang mga mata nito ay pamumula, parang kagagaling sa pag-iyak.

Tumingin-tingin si Mallory sa paligid at hindi napigilang magtanong. "What happened, Tita? Where is Daddy?"

Si Ruth ang ikalawang asawa ng kanyang ina. Ngunit hindi ito ang isang tipikal na madrastang malupit, mabunganga ito ngunit maalaga.

Nang marinig ang tanong na iyon ni Mallory, agad na tumayo si Tita Ruth at nagsimulang pumalatak.

"Ang walang hiya mong ex! Napakawalang utang na loob! Ang sama-sama niya! Gigil na asik ng ginang, nakahawak pa ang isang palad sa beywang habang ang isa ay dumuro-duro na para bang nasa harapan nito ang kaaway. "Nandoon ka sa tabi niya noong mga panahong mahirap pa siya sa daga! Tapos ngayon at maayos na ang buhay niya, itatapon ka na lang ng basta-basta na para bang isang walang kwentang bagay?! Hindi pa nakuntento ang hayop, ipinakulong pa ang iyong ama!" Marahas niyang pinahid ang kanyang luha. "Naku, Mallory, noon pa man ay sinabihan na kita na hindi ka bagay sa engratong iyon, pero hindi ka nakinig!

Patuloy ang palatak ni Tita Ruth.

Napatigil si Mallory sandali, pagkatapos ay mahinahon siyang nagsalita. "Huwag kang mag-alala, Tita, kakausapin ko po si Kenneth."

Kahit na wala na sila, mayroon pa rin naman silang pinagsamahan. Baka kapag kinausap niya si Kenneth ay magbago ang isip nito.

Tinawagan niya ito at mabilis namang sinagot.

Bumaba ang tingin ni Mallory. "Kenneth, ngayong tapos na tayo, pakiusap, huwag mong idamay si Daddy..."

Umangat ang kilay ni Kenneth at mapang-asar na tumawa.

"No, one has to face the consequences! Walang puso nitong sinabi.

Subalit gusto pa ring subukan ni Mallory. Walang kasalanan ang kanyang ama.

"Oh well, may iba pa namang paraan. Depende lang kung handa ka, my dear Mallory... As long as you stay by my side for years, I will set free uncle Manuel.

Napatigil si Wen Man." Biglang pagpapalit ng usapan ni Kenneth.

Nalaglag ang panga ni Mallory. Marahas na umangat-baba ang kanyang dibdib sa mabilis na paghahabol ng hininga.

Hindi niya inakala na ganito kababoy ang ugali ni Kenneth. Gusto nitong sirain ang kinabukasan niya, gusto rin nitong paglaruan ang kanyang katawan!

"Hayop ka, Kenneth! Napakahayop mo, nakakadiri ka!" Nanginginig sa galit niyang sinabi.

Ngumisi lamang si Kenneth sa kabilang linya, "hindi mo ba kilala kung sino ako?" May bakas ng pagbabanta sa boses nito.

Pinakiskis ni Mallory ang kanyang ngipin, mariing kumuyom ang kanyang kamao.

"Hinding-hindi mo ako magiging kabit! Hinding-hindi!" Aniya.

Mahinang tumawa si Kenneth. "Kung ganon, maghanda ka nang kumuha ng abogado para kay Uncle Manuel! Don't you dare blame me as if I did not remind you. Ang ganoong kalaking halaga ay magdudulot ng hindi bababa sa sampung taong pagkakakulong."

"I will get the best lawyer!" Mariing sinabi ni Mallory.

"Hm... You mean, Cameron Gavinson?" Tumawa na naman si Kenneth na para bang nakakatawa ang sinabing iyon ni Mallory. "Mallory dear, don't you remember that he is the brother of my fiancee? Do you think he'd help you?

Kinilabutan si Mallory mula ulo hanggang paa!

"Mallory, I will wait until you beg for me... Dahil walang-wala ka kapag wala ako."

Sa sandaling ibaba ni Mallory ang telepono, sumigaw sa galit si Tita Ruth.

"Hayop ka!" Aniya. "Huwag kang pumayag, kahit na mamatay pa ang buong angkan natin, hinding-hindi ka namin ibibigay sa demonyong iyon!" Habang nagsasalita si Tita Ruth, tumulo ang luha sa kanyang mga mata: "Future brother-in-law na ng hayop na iyon si Atty. Cameron Gavinson, paano na natin siya makukuha ngayon? Mallory, kailangan nating umisip ng paraan."

Nagbaba ng tingin si Mallory.

Pagkatapos ng ilang sandali, mahinang nagsalita siya. "I have met Atty. Gavinson Tita, titingnan ko kung makakausap ko siya."

Babae si Tita Ruth at sensitive. Naaamoy niya ang alak kay Mallory, at ang coat na suot nito ay malaki at maluwag. Malamang ay hindi iyon sa kanya. Ngunit ang napapansing iyon ni Tita Ruth ay hindi na lamang niya isinaboses.

Hindi madali para kay Mallory na makita si Cameron.

Sa lobby ng Gavinson Law Firm, nagtanong si Mallory kung sayang floor ang opisina ni Cameron, ngunit sinagot lamang siya ng isang receptionist. "I apologize, Miss... Hindi po kayo maaaring payagan umakyat. Kailangan ninyo po munang mag-book ng appointment."

Nagsisisi na tuloy ngayon si Mallory na hindi niya tinanggap ang business card nito kagabi.

"Kung magpapa-schedule ako ngayon, kailan ko po makikita si Atty. Gavinson?" Tanong niya kapagkuwan.

Nicheck ng receptionist at sumagot. "Hindi bababa sa kalahating buwan po."

Bumagsak ang balikat ni Mallory.

Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng elevator sa sulok ng lobby at lumabas ang isang lalaki at babae.

Ang lalaki ay si Cameron Gavinson.

Nakasuot ito ng puting suit, maayos ang hitsura, malakas ang charisma at bakas sa tindig ang pagiging elite.

Makinis, matangkad at maganda ang babaeng kasama nito. Kitang-kita sa pangangatawan nito ang karangyaan.

Nakita agad ni Cameron si Mallory nang lumabas siya ng elevator, ngunit parang hindi niya ito nakikilala at inalalayan ang kliyente hanggang sasakyan nito.

Mahinahon siyang nagkipag-usap sa babae at marahang nagkipagkamay rito.

Matamis ang boses ng babae at para bang nang-aakit ito. "Atty. Gavinson, I thank you so much for helping me with my divorce. If it weren't because of you, I can't get my properties and assets smoothly. Hindi mo lang alam kung paano ako pinerahan ng ex ko na iyon simula nang makahanap siya ng bago!"

"That's what I work for, ma'am." Mahinang humalakhak si Cameron.

"Atty, how about a drink tonight?" Alok pa ng babae.

Ang tingin ni Mallory ay nakatutok sa babae, naramdaman niyang sa ganitong pangangatawan, mahirap iyong matanggihan ng kahit sinong lalaki.

At hindi exception si Cameron doon.

Sinulyapan niya ang kanyang relo at magalang na tumanggi, "unfortunately, I have a date later." Wika nito.

Matalino ang babae, alam nitong tinatanggihan siya ng abogado. Hindi na ito nagpumilit pa at nakangiting nagpaalam umalis.

Nang makaalis ang kliyente, sandali tumigil si Cameron sa front desk.

Tumingin siya kay Mallory at nakangising sinabi, "have you changed your mind?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 31

    “Sige, subukan mo akong ilantad!” Nagusot ang mukha ni Kenneth at mapang-asar na tumawa. “Tingnan natin kung patatawarin ka ni Mitzie, tingnan natin kung makakaligtas nang walang kapinsalaan ang iyong buong pamilya, at tingnan natin kung tutulungan ka ni Cameron Gavinson!”Nang mabanggit ang pangalan ni Cameron ay lalong tumindi ang hapdi ng kaniyang sugat!Sobrang tindi ng kasamaan nito. Sa pagkakataong ito ay nakita na ni Mallory ang tunay na anyo ni Kenneth…Tiniis ng lalaki ang hapdi at lumapit upang hilahin si Mallory palapit sa kaniya.Marahang hinaplos niya ang mukha ng dalaga, at mababa at paos ang kaniyang tinig. “Bumalik ka sa akin! Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko pa! Halimbawa, maaari kong ipakulong si Tita Ruth ng sampu o walong taon dahil sa pananakit, o kaya naman ay gawan ko ng paraan si Bernardo…”Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang mukha!Nanginginig sa matinding galit si Mallory. “Napakasama mo!” inangat ang kamay upang sampalin ang la

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 30

    Natulala lang si Mallory at hindi naiproseso ng kanyang utak ang sinabi ng madrasta.Namumutlang inulit iyon ni Ruth. “Nagpakamatay ang Daddy mo sa loob! Mabuti na lang at may nakakita at agad siyang nailigtas! Stable na siya sa ngayon, ngunit napakabigat pa rin ng kaniyang kalagayan! Mallory, nakikiusap ako sa’yo, humanap ka ng paraan para makita ko siya! Mahina na ang kaniyang pangangatawan, at napakalaki ng dagok na ito sa kaniya!”Tinakpan ni Tita Ruth ang kaniyang mukha at humagulgol nang malakas.Nalilito at hindi makapaniwala si Mallory. Hindi niya matanggap na ang kaniyang ama—na para bang matibay na bato—ay magtatangkang magpakamatay. Noong huli niya itong nakausap ay maayos naman ang kalagayan nito! Agad niyang tinawagan si Attorney Mendoza para humingi ng tulong at mapabilis ang mga papeles upang makita nila si Bernardo.Nakatanggap din si Atty. Mendoza ng balita at handa sanang makipag-usap kay Mallory, kaya ipinatawag niya ito sa kaniyang tanggapan.Pinakalma muna ni Mall

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 29

    Habang nag-iisip si Charlene, bigla siyang nakaramdam ng matinding hapdi sa kaniyang anit.Hinawakan ni Kenneth ang kaniyang buhok at ibinagsak ang kaniyang mukha sa malamig na ibabaw ng mesa, na nagdulot ng matinding pagkakatama sa kaniyang noo at pagdurugo nito nang malakas…Natigilan si Charlene.Walang bahid ng awa si Kenneth. Muli niyang hinawakan ang itim na buhok nito at pilit na hinarap sa kaniya. Nanlalamig ang kaniyang mukha habang nagsasalita. “Alam mo ba ang kapalit ng pagsasalita ng walang kabuluhan?”Masakit ang kaniyang nararamdaman, ngunit higit na nabalisa si Charlene. Sa wakas ay naunawaan niya kung saan nagmumula ang galit ni Kenneth.Nalaman ni Mallory na mahalaga ito sa kaniya!Hindi makapaniwala si Charlene at napabulong. “Hindi ba sinabi mong hindi mo siya mahal?”“Tama! Hindi ko siya mahal!” Lalong nanlamig ang ngiti ni Kenneth. “Pero sino ka para makialam sa aming dalawa?”Napatawa at napa-iyak si Charlene.Ang dugo at luha ay naghalo sa kaniyang mukha, nasira

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 28

    Upang hindi malungkot si Mallory ay pinakalma pa niya ito. “Huwag mo nang isipin! Sa ngayon ay kay Mitzie na siya, at hindi na tayo dapat makialam sa kanilang maruruming gawain.”Biglang naalala ni Mallory ang sinabi ni Cameron. Minsan ay nagtangkang magpakamatay si Mitzie dahil kay Kenneth… Marahil ay alam din ni Cameron ang mga gawain ng lalaki, ngunit sadyang ipinipikit na lamang ang kaniyang mga mata alang-alang sa kapatid!Nalulunod siya sa kaniyang pag-iisip nang tapikin siya ni Dianna. “Huwag ka nang malungkot dahil sa lalaking 'yon. Hindi niya deserve ng luha mo, you should be happy dahil sa wakas ay nakalaya ka na sa isang gagong kagaya niya!”Tumango lamang si Mallory.Bumuntong-hininga si Diana. “Mas mahalaga ang pera kaysa sa isang lalaking walang kwenta.”Nag-aalalang baka kapusin sa pera si Mallory, inilabas pa niya ang kaniyang bank card… Ngunit agad na tumanggi si Mallory at mahinang sumagot. “Salamat, hindi ko naman kailangan sa ngayon.”Hindi ito naniwala si Diana.N

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 27

    Medyo nadismaya si Direktor Lowell sa babae.Bumuntong-hininga ito at nagsalita. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pag-alis mo sa sentro ng musika? Alam mo ba kung ilang tao ang naiinggit sa dami ng mahuhusay na mag-aaral na ipinagkatiwala sa’yo?”Alam na alam iyon ni Mallory!Ngunit ano ang magagawa niya? Napigilan na lamang niya ang kaniyang mga luha at humingi ng paumanhin sa matandang tumulong at gumabay sa kaniya.Labis na inis ang naramdaman ni Direktor Lowell.Nagsindi ito ng isang payat na sigarilyo, hinihithit ito hanggang sa kalahati, bago tumingin kay Mallory at magtanong. “Mallory, may nakagalit ka ba?”Mariing tumango si Mallory.Alam niyang hindi kayang mag-isa ni Charlene na gumawa ng gulo; tiyak na nasa likod nito si Kenneth! Gusto niyang malaman kung hanggang saan pa aabot ang mga pakana ng lalaki laban sa kaniya.Pinatay ni Direktor Lowell ang sigarilyo, at kahit labis na nagsisisi ay kailangan itong magsalita. "Para mapatahan ang mga magulang na nagagalit, ka

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 26

    Bahagyang naantig ang damdamin ni Mallory. Marahang hinaplos ng kanyang mahahabang daliri ang telepono. Matagal siyang nag-alinlangan at hindi agad sumagot; makalipas ang kalahating oras pa lamang siya nakapagpadala ng mensahe. "Sorry, Mr. Gavinson, nakatulog na kasi ako." Sa kabilang dako, hawak ni Cameron ang isang baso ng alak at napangiti nang mabasa ang sagot ni Mallory. —Medyo nakatutuwa pa rin ang pagiging mahinhin ni Miss Sullivan. Hindi na siya sumagot, kundi dahan-dahang hinalo at ininom ang pulang alak sa kanyang baso. Sa mga sumunod na araw ay hindi nagpakita si Cameron, ngunit paminsan-minsan ay nagpapadala pa rin siya ng mensahe—minsan ay litrato, minsan ay isa o dalawang pangungusap. Magaan at tila walang bahala ang kanyang pananalita, ngunit may halong karisma ng isang may sapat na gulang na lalaki. Hindi naman laging sumasagot si Mallory. Ngunit pareho nilang nararamdaman ang hindi malinaw na ugnayan sa pagitan nila. Isang madaling araw, habang papaso

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 10

    Nakita ni Kenneth ang lalaki at akma na niya itong babatiin nang mapansin niya ang babaeng nakaupo sa harapan nito. Kahit na natatakpan ng menu ang mukha nito, walang duda na si Mallory ang babaeng iyon.Kumunot ang noo ni Kenneth. Paano napunta sa tabi ni Rowan si Mallory?Magalang na nagpaliwanag

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 9

    Ilang beses ng binulatlat ni Mallory ang kahon pero wala siyang nakitang contact information ni Cameron doon, well, maybe totoo talaga ang sinabi nito na ayaw na siya nitong makitang muli.Kaya pagkagaoos ng trabaho, nagpasya si Mallory na pumunta sa Gavinson Law Firm. Iniwan niya ang velvet box sa

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 8

    Matatagpuan ang bahay ni Cameron sa isang eksklusibo at mataas ang seguradad na subdivision. Nang makapasok si Mallory, wala siyang magawa kundi ang umawang ang labi dahil lahat ng nakikita niya sa paligid ay pawang mamahalin. Bigla tuloy siyang kinabahang gumalaw dahil baka may masagi siyang mas m

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 7

    Nakauwi na si Mallory.Nagsisindi ng insenso si Tita Ruth nang makita itong dumating, at muling sumigla ang pag-asa sa kanyang mga mata.Umiling si Mallory, namumutla ang mukha.Nadismaya si Tita Ruth at gusto sana itong pagalitan, pero sa huli ay lumambot din ang kanyang puso at sinabi na lang, "B

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status