Mag-log inNakauwi na si Mallory.
Nagsisindi ng insenso si Tita Ruth nang makita itong dumating, at muling sumigla ang pag-asa sa kanyang mga mata. Umiling si Mallory, namumutla ang mukha. Nadismaya si Tita Ruth at gusto sana itong pagalitan, pero sa huli ay lumambot din ang kanyang puso at sinabi na lang, "Basang-basa na ang damit mo, maligo ka na at baka magkasakit ka pa." Tumango si Mallory. Pagkatapos maligo ay uminom na rin ng gamot si Mallory, pero nilalagnat you pa rin siya at nahihilo. Pagsapit ng hatinggabi, tumawag si Diana, sabik na sabik malaman ang nangyari. Paulit-ulit na ikinuwento iyon ni Mallory nang paos ang boses. Hindi makapaniwalang pumalatak si Diana. "Ano? Sinong poncio pilato ba ang reincarnation ng lalaking iyon? Nakakandong ka na sa kanya't lahat, nagawa pa rin niyang magpigil? Oh my goodness! Sigurado ka bang normal siya sa parteng iyon? Mahinang sagot ni Mallory, "Wala naman, sa tingin ko ay normal siya!" Nakahinga nang maluwag si Diana at pinasigla si Mallory, "Basta't wala siyang sakit, hindi ako maniniwala na hindi natin siya mapapa-amo." Napangiti nang mapait si Mallory. Alam niya sa sarili na hangga't hindi siya gusto ni Cameron, hinding-hindi niya ito maaakit. Pagkatapos makipag-usap sandali, bumalik siya sa pagtulog. Pagkagising niya, tanghali na ng sumunod na araw. Wala si Tita Ruth sa bahay at tahimik ang buong paligid. Lalong lumala ang pakiramdam ni Mallory, at nang sukatin niya ang lagnat niya, umabot ito ng 39.5 degrees Celsius. Pinilit niyang bumangon, kumain nang kaunti, at sumakay ng taxi papuntang ospital. Puno ng tao ang ospital, at inabot siya ng isang oras bago siya tawagin. Pinag-drip siya ng doktor. Alas-tres na ng hapon nang maisalin ang gamot sa katawan niya. Pagod na pagod siya kaya nakatulog siya sa simpleng upuan makalipas ang kalahating oras. Samantala, inihatid ni Cameron ang kanyang ina para kumuha ng gamot. Paalis na sana sila nang aksidenteng makita niya si Mallory sa loob ng infusion room. Natutulog si Mallory. May karayom na nakatusok sa maputi nitong kamay, at ang maganda nitong mukha habang natutulog ay namumutla, kaya naman mukha itong kaawa-awa. Ilang saglit pang nakatitig si Cameron. Napansin ni Mrs. Gavinson ang tingin ng anak, tumingin din siya at nagulat nang tanungin, "Cam, do you know this lady?" Mahinahong sagot ni Cameron, "Nagkakilala lang saglit." Sinabi ni Mrs. Gavinson sa anak, "Nag-aalala pa naman ako kanina kasi ang gulo na ng proseso dito sa ospital. Tinuruan pa ako nitong dalaga kung paano gawin. Hindi ko akalain na kilala mo pala siya, anak." Muling sumulyap si Cameron kay Mallory. Nagising din ito noon mismo. Nang makita si Cameron, nakalimutan niyang may karayom pala sa kamay at dali-daling tumayo. Agad na namula ang transparent na tube dahil sa pag-agos ng dugo. Napakunot-noo si Mallory, napadaing nang mahina, at mabilis na umupo. Napakunot din ang noo ni Cameron. Maganda ang impresyon ni Mrs. Gavinson kay Mallory. Sinabi niya sa anak, "Son, bakit hindi ka na lang maghintay dito para samahan siya? Mukhang kawawa oh, she was all alone..." Ayaw sana ni Cameron sa una, pero dahil sa tingin ng kanyang ina, pumayag na rin siya. Hindi na nakatanggi si Mallory. Inihatid muna ni Cameron ang ina niya hanggang sa parking lot kung saan naghihintay ang driver. Pagkaupo sa sasakyan, hindi napigilan ni Mrs. Gavinson na sabihin, "Sa tingin ko ay mabait itong si Mallory! Anak... mag-e-thirty anyos ka na sa makalawa, kaya kung may makita kang mabuti, magpakasal ka na." Isinilid ni Cameron ang mga kamay sa bulsa at ngumiti nang bahagya. —Kung alam lang ng ina niya na ex-girlfriend pala ni Kenneth si Mallory, magiging ganoon pa rin ba siya ka-enthusiastic? Pinabayaan na lang niya ito at sinagot nang padalos-dalos. Wala namang magawa si Mrs. Gavinson kundi huminga nang malalim at napabuntong-hininga na lang sa sarili. Bumalik si Cameron sa infusion room at nakita niyang malalim ang iniisip ni Mallory habang nakaupo. Inamin ni Cameron sa sarili na gusto niya ang katawan ni Mallory, lalo na ang mapuputi at mahahabang binti nito na talagang nakakaakit hawakan at laruin. Pero hanggang doon na lang iyon. Gusto lang niya ang katawan nito, pero ayaw niyang makialam o masangkot sa buhay nito. Umupo si Cameron sa tabi ni Mallory at tanong nang medyo malamig ang boses, "Ilang bote pa ang natitira?" Nagulat si Mallory na bumalik talaga siya. Dahil ayaw niyang mapagalitan o mainis ito, mahina niyang sagot, "Isa na lang ang natitira." Hindi umimik si Cameron; tumingin na lang siya sa kanyang cellphone at inasikaso ang mga trabaho. Wala namang mahanap na pagkakataon si Mallory na makipag-usap, kaya unti-unti na naman siyang nakatulog. Sa paglalaboy-laboy ng kanyang diwa, parang narinig niya na may kinakausap si Gavinson na nurse, at may sumaklob na damit sa kanyang mga binti, na tumakip nang buo sa mga nakalantad nitong hita... Muling nagmulat ng mata si Mallory. Napansin niya na nakasandal pala siya sa balikat ni Cameron habang mahigpit na hawak ng kamay nito ang bewang niya. naamoy niya ang pabango nito—may halong amoy ng kahoy at pabangong panlalaki—na parang gamot na nakakaakit ng damdamin. Nasa telepono si Cameron. Mababa ang boses nito pero seryoso. Kahit hindi nararapat na tumawag sa telepono habang nasa silid para sa pagpapainom ng gamot, sadyang napakaguwapo ni Cameron kaya ang mga kababaihan at maybahay na nakapaligid ay hindi maalis ang tingin sa kanya. Para bang natutunaw ang mga ito habang nakatingin kay Atty., Gavinson. Ibinaba ni Cameron ang telepono at napansing gising na pala si Mallory. Ang dati ay maputlang mukha nito ay bahagyang namula. Ang malalabo nitong mga mata dahil sa kakaahon lang sa pagtulog ay may halong kawalang-malay na sadyang nakakaakit sa mga lalaki. Mahinahong nagtanong si Cameron, "Hanggang kailan mo balak manatiling nakasandal sa akin?" Namula ang mukha ni Mallory at agad na umayos ng upo. Kinuha ni Cameron ang kanyang amerikana at iniligpit ang telepono. Tumingin ito sa kanya at sinabi, "Ihahatid na kita pauwi." Nahihiya naman si Mallory na abalahin pa ito, pero mapilit si Cameron. Nang makarating sila sa unang tigil, may tinanggap siyang tawag. Ilang sandali silang nag-usap at sinabi niya kay Mallory, "Kailangan ko munang dumaan sa bahay ko para kumuha ng dokumentong ipinadala sa akin. Ihahatid na kita pagkatapos." Nag-alangan si Mallory. Alam niyang hindi maganda para sa isang babae ang pumunta sa bahay ng binata, pero sabi niya sa sarili nang may kaunting pang-iinsulto: Hindi naman nagkukulang sa kababaihan si Cameron, hindi niya kailangang gumamit ng ganitong paraan! Nanatiling tahimik si Mallory, nangangahulugan iyon ng kanyang pagpayag.“Sige, subukan mo akong ilantad!” Nagusot ang mukha ni Kenneth at mapang-asar na tumawa. “Tingnan natin kung patatawarin ka ni Mitzie, tingnan natin kung makakaligtas nang walang kapinsalaan ang iyong buong pamilya, at tingnan natin kung tutulungan ka ni Cameron Gavinson!”Nang mabanggit ang pangalan ni Cameron ay lalong tumindi ang hapdi ng kaniyang sugat!Sobrang tindi ng kasamaan nito. Sa pagkakataong ito ay nakita na ni Mallory ang tunay na anyo ni Kenneth…Tiniis ng lalaki ang hapdi at lumapit upang hilahin si Mallory palapit sa kaniya.Marahang hinaplos niya ang mukha ng dalaga, at mababa at paos ang kaniyang tinig. “Bumalik ka sa akin! Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko pa! Halimbawa, maaari kong ipakulong si Tita Ruth ng sampu o walong taon dahil sa pananakit, o kaya naman ay gawan ko ng paraan si Bernardo…”Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang mukha!Nanginginig sa matinding galit si Mallory. “Napakasama mo!” inangat ang kamay upang sampalin ang la
Natulala lang si Mallory at hindi naiproseso ng kanyang utak ang sinabi ng madrasta.Namumutlang inulit iyon ni Ruth. “Nagpakamatay ang Daddy mo sa loob! Mabuti na lang at may nakakita at agad siyang nailigtas! Stable na siya sa ngayon, ngunit napakabigat pa rin ng kaniyang kalagayan! Mallory, nakikiusap ako sa’yo, humanap ka ng paraan para makita ko siya! Mahina na ang kaniyang pangangatawan, at napakalaki ng dagok na ito sa kaniya!”Tinakpan ni Tita Ruth ang kaniyang mukha at humagulgol nang malakas.Nalilito at hindi makapaniwala si Mallory. Hindi niya matanggap na ang kaniyang ama—na para bang matibay na bato—ay magtatangkang magpakamatay. Noong huli niya itong nakausap ay maayos naman ang kalagayan nito! Agad niyang tinawagan si Attorney Mendoza para humingi ng tulong at mapabilis ang mga papeles upang makita nila si Bernardo.Nakatanggap din si Atty. Mendoza ng balita at handa sanang makipag-usap kay Mallory, kaya ipinatawag niya ito sa kaniyang tanggapan.Pinakalma muna ni Mall
Habang nag-iisip si Charlene, bigla siyang nakaramdam ng matinding hapdi sa kaniyang anit.Hinawakan ni Kenneth ang kaniyang buhok at ibinagsak ang kaniyang mukha sa malamig na ibabaw ng mesa, na nagdulot ng matinding pagkakatama sa kaniyang noo at pagdurugo nito nang malakas…Natigilan si Charlene.Walang bahid ng awa si Kenneth. Muli niyang hinawakan ang itim na buhok nito at pilit na hinarap sa kaniya. Nanlalamig ang kaniyang mukha habang nagsasalita. “Alam mo ba ang kapalit ng pagsasalita ng walang kabuluhan?”Masakit ang kaniyang nararamdaman, ngunit higit na nabalisa si Charlene. Sa wakas ay naunawaan niya kung saan nagmumula ang galit ni Kenneth.Nalaman ni Mallory na mahalaga ito sa kaniya!Hindi makapaniwala si Charlene at napabulong. “Hindi ba sinabi mong hindi mo siya mahal?”“Tama! Hindi ko siya mahal!” Lalong nanlamig ang ngiti ni Kenneth. “Pero sino ka para makialam sa aming dalawa?”Napatawa at napa-iyak si Charlene.Ang dugo at luha ay naghalo sa kaniyang mukha, nasira
Upang hindi malungkot si Mallory ay pinakalma pa niya ito. “Huwag mo nang isipin! Sa ngayon ay kay Mitzie na siya, at hindi na tayo dapat makialam sa kanilang maruruming gawain.”Biglang naalala ni Mallory ang sinabi ni Cameron. Minsan ay nagtangkang magpakamatay si Mitzie dahil kay Kenneth… Marahil ay alam din ni Cameron ang mga gawain ng lalaki, ngunit sadyang ipinipikit na lamang ang kaniyang mga mata alang-alang sa kapatid!Nalulunod siya sa kaniyang pag-iisip nang tapikin siya ni Dianna. “Huwag ka nang malungkot dahil sa lalaking 'yon. Hindi niya deserve ng luha mo, you should be happy dahil sa wakas ay nakalaya ka na sa isang gagong kagaya niya!”Tumango lamang si Mallory.Bumuntong-hininga si Diana. “Mas mahalaga ang pera kaysa sa isang lalaking walang kwenta.”Nag-aalalang baka kapusin sa pera si Mallory, inilabas pa niya ang kaniyang bank card… Ngunit agad na tumanggi si Mallory at mahinang sumagot. “Salamat, hindi ko naman kailangan sa ngayon.”Hindi ito naniwala si Diana.N
Medyo nadismaya si Direktor Lowell sa babae.Bumuntong-hininga ito at nagsalita. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pag-alis mo sa sentro ng musika? Alam mo ba kung ilang tao ang naiinggit sa dami ng mahuhusay na mag-aaral na ipinagkatiwala sa’yo?”Alam na alam iyon ni Mallory!Ngunit ano ang magagawa niya? Napigilan na lamang niya ang kaniyang mga luha at humingi ng paumanhin sa matandang tumulong at gumabay sa kaniya.Labis na inis ang naramdaman ni Direktor Lowell.Nagsindi ito ng isang payat na sigarilyo, hinihithit ito hanggang sa kalahati, bago tumingin kay Mallory at magtanong. “Mallory, may nakagalit ka ba?”Mariing tumango si Mallory.Alam niyang hindi kayang mag-isa ni Charlene na gumawa ng gulo; tiyak na nasa likod nito si Kenneth! Gusto niyang malaman kung hanggang saan pa aabot ang mga pakana ng lalaki laban sa kaniya.Pinatay ni Direktor Lowell ang sigarilyo, at kahit labis na nagsisisi ay kailangan itong magsalita. "Para mapatahan ang mga magulang na nagagalit, ka
Bahagyang naantig ang damdamin ni Mallory. Marahang hinaplos ng kanyang mahahabang daliri ang telepono. Matagal siyang nag-alinlangan at hindi agad sumagot; makalipas ang kalahating oras pa lamang siya nakapagpadala ng mensahe. "Sorry, Mr. Gavinson, nakatulog na kasi ako." Sa kabilang dako, hawak ni Cameron ang isang baso ng alak at napangiti nang mabasa ang sagot ni Mallory. —Medyo nakatutuwa pa rin ang pagiging mahinhin ni Miss Sullivan. Hindi na siya sumagot, kundi dahan-dahang hinalo at ininom ang pulang alak sa kanyang baso. Sa mga sumunod na araw ay hindi nagpakita si Cameron, ngunit paminsan-minsan ay nagpapadala pa rin siya ng mensahe—minsan ay litrato, minsan ay isa o dalawang pangungusap. Magaan at tila walang bahala ang kanyang pananalita, ngunit may halong karisma ng isang may sapat na gulang na lalaki. Hindi naman laging sumasagot si Mallory. Ngunit pareho nilang nararamdaman ang hindi malinaw na ugnayan sa pagitan nila. Isang madaling araw, habang papaso
Sakal-sakal ni Kenneth si Mallory, ang tanging ginawa lamang niya ay tingnan ito sa mga mata na puno ng galit at poot. Mula noon hanggang ngayon, wala siyang lakas na ipagtanggol ang kanyang sarili. Katulad na ng nasira nilang relasyon. Pabato siyang binitawan ni Kenneth. Mapang-asar itong tumawa.
Tumango ang asawa ni Diana. "This is Mallory Sullivan, Diana's college friend. She's actually a piano teacher." "Oh, hi teacher Sullivan!" Natatawang sambit ni Cameron. Inilahad pa nito ang kanyang kamay na para bang isang mabait na nilalang. Sa paligid, ang mga lalaki mula sa mayayamang pamil
Natigilan si Mallory. Agad na pinamulahan ng mukha si Mallory, wala sa sariling inangat niya ang dalang paper bag. "Ibinabalik ko lang ang coat mo, Atty, Gavinson.Kinuha iyon ni Cameron. "Salamat sa abala." Isang beses pa itong tumango. Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa elevator.Tumalima si
Sa sandaling pumasok si Mallory sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang tita Ruth na nakatulala sa sofa. Ang mga mata nito ay pamumula, parang kagagaling sa pag-iyak. Tumingin-tingin si Mallory sa paligid at hindi napigilang magtanong. "What happened, Tita? Where is Daddy?" Si Ruth ang ikalaw







![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)