Share

Chapter 6

Author: Ethaniel Rein
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-01 21:11:10

Diretsahan ang tanong ni Cameron, pinamulahan ng mukha si Mallory sa kahihiyan.

Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon ginagawa kasama si Kenneth!

Noong sila pa ni Kenneth, ang pinakahigit na nabigay niya rito ay tanging mababaw na mga halik lang. Bukod doon, wala na!

Matagal bago nagsalita si Mallory.

Hindi na muling nagsalita pa si Cameron. Mabilis niyang tinapos ang kanyang sigarilyo, hindi nagtagal ay gumalaw na rin ang trapiko.

Agad niyang pinaandar ang sasakyan at pinarada sa gilid ng daan.

Bago pa man makapagsalita si Mallory kung bakit, narinig niya ang pagkakatanggal ng kanyang safety buckle.

Pagkatapos ay basta na lamang siya nitong sinakop at inilagay paharap sa kandungan nito.

Hinubad ni Cameron ang kanyang coat, nakalantad sa kanyang harapan ang malapad nitong dibdib, ang puti nitong damit panloob ay unti-unti ng nababasa dahilan upang maging malaswa iyong tingnan.

Sa labas, malakas ang hangin at buhos ng ulan.

Ang windshield wipers ay may ritmo na umiindayog pakanan at pakaliwa sa harap ng bintana ng kotse... ang eksena sa loob ng kotse ay minsang malinaw at minsang malabo.

Napilitan si Mallory na halos humiga na padapa sa malapad at matigas na katawan ng binata.

Napakahusay ng lalaki humalik, since si Kenneth lang naman ang lalaking pinayagan niyang pumasok sa buhay niya, malamang ay wala siyang ibang background kung gaano ba kagaling ang mga lalaking humalik. Naramdaman na lamang niya na naliliyo na siya sa mga halik nito at parang nahihipnotismong sumusunod na lang sa bawat kilos nito. Nakayakap si Cameron sa kanyang likuran, dinidiin siya sa katawan nito na para bang hindi pa sapat ang pagkakadikit ng katawan nila.

Minsan ay binubuksan ni Mallory ang kanyang mga mata, para lamang makita ang sariling parang ibang tao kung kumilos.

Hindi siya makapaniwala, talaga bang ginagawa niya iyon sa mga sandaling iyon? Napakalaswang tingnan! Hindi niya akalain na darating ang pagkakataon na mangyayari iyon! At sa isang estranghero pa!

Nang mapansin ni Cameron na nagiging malalim na ang kanilang ginagawa, huminga siya ng malalim at unti-unting bumitaw sa halik. Hangga't maaari ay hindi niya iyon gagawin sa kanyang sasakyan. Tumigil ang halikan ngunit magkadikit pa rin ang kanilang labi, naghahabol ng hininga ang babae samantalang ang lalaki ay parang normal lamang. "May isang high-end na guesthouse sa malapit, do you want us to stay there for the night?"

Napakurap-kurap si Mallory, parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Bagama't nahihilo siya sa mga halik, malinaw pa rin ang kanyang isip. Sa puntong ito, ang gusto lang ni Cameron ay isang pansamantalang ligaya. Yakap-yakap niya ang leeg nito at nagsalita sa mahinang tinig, "Atty. Gavinson, sandali lang..."

Nawalan ng gana si Cameron.

Inabot niya ang isa pang sigarilyo, sinindihan ito, dahan-dahang humithit bago nagsalita. "If you can't handle it, don't dare to play. It's pointless.." anito sa malamig na boses.

Muling humalik si Mallory.

Ngunit hindi tumugon si Cameron, nakatitig lamang ang malalim nitong mata sa babae.

Namula si Mallory sa pagkapahiya, hindi pa siya naging ganoon kailanman. Gayunpaman, ang ganoong kaunting pang-aakit kay Cameron ay hindi sapat para maapektuhan ito.

Nangangalahati na si Cameron sa kanyang sigarilyo nang patayin niya ito, "I'm taking you home!"

Hiyang-hiya si Mallory na manatili sa hita nito. Kaya naman dahan-dahan siyang umalis doon nang hindi tinitingnan sa mata si Cameron.

Pagdating sa sekswal na bagay, alam ng lahat ng nakararanas niyon na kung biglang titigil sa kaligtnaan, walang sinuman ang matutuwa.

Tumitig si Cameron sa mukha ng babae, mabilis pa rin ang paghinga at hindi pa nawawala ang init na nararamdaman.

Nakaupo na si Mallory sa passenger seat, hindi siya makatingin kay Cameron dahil parang lalamunin siya nito ng buhay sa sobrang iritasyon. Nakatingin na lamang siya sa labas ng bintana at parang tuod na tuwid na umupo.

Naiintindihan niya na ang kanyang mga kilos ay walang epekto kay Cameron.

Nakaramdam siya ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa.

Sa susunod na mga sandali, tahimik ang kotse; walang ni isang nagsalita.

Inihatid ni Cameron si Mallory sa kanilang bahay, tumigil na rin ang ulan. Hindi ito lumabas ng kotse upang pagbuksan siya ng pintuan, tipid lamang na tango ang iginawad nito.

Hindi pa rin sumuko si Mallory at sinabi, "Atty., Gavinson, pwede ba kitang i-add sa social media?

Agad na tumanggi si Cameron, kapagkuwan ay mahinahon itong nagsalita. "Why don't you find Atty, Mendoza instead? He's also known in this industry."

Matapos magsalita, yumuko ito at kumuha ng isang business card mula sa lalagyan. "Ito ang information card niya."

Nagdikit ang kanilang kamay nang kunin ni Mallory ang card, muling umusbong ang init na pinipigilan.

Wala sa sariling napatingala si Mallory sa lalaki..

Nakatitig siya sa gwapong mukha ng lalaki, sandali pa siyang natulala roon hanggang sa unti-unting nagbabago ang ekspresyon nito, ang pagiging kalmado ay naging iritasyon.

Bumilis ang tibok ng dibdib ni Mallory nang bigla na lang dumaan sa harap niya si Cameron at binuksan ang pintuan. "Teacher Sullivan, I hope this is the last time we see each other."

Kahit na makapal ang mukha niya, hindi na kayang manatili pa sa loob ng kotse si Mallory.

Lumabas na ng kotse si Mallory, sa sandaling sumara ang pintuan ng kotse ay mabilis na humarurot si Cameron.

Nakatayo si Mallory sa kadiliman, at isang nagyeyelong lamig ang tumagos sa kanyang buong katawan...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 31

    “Sige, subukan mo akong ilantad!” Nagusot ang mukha ni Kenneth at mapang-asar na tumawa. “Tingnan natin kung patatawarin ka ni Mitzie, tingnan natin kung makakaligtas nang walang kapinsalaan ang iyong buong pamilya, at tingnan natin kung tutulungan ka ni Cameron Gavinson!”Nang mabanggit ang pangalan ni Cameron ay lalong tumindi ang hapdi ng kaniyang sugat!Sobrang tindi ng kasamaan nito. Sa pagkakataong ito ay nakita na ni Mallory ang tunay na anyo ni Kenneth…Tiniis ng lalaki ang hapdi at lumapit upang hilahin si Mallory palapit sa kaniya.Marahang hinaplos niya ang mukha ng dalaga, at mababa at paos ang kaniyang tinig. “Bumalik ka sa akin! Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko pa! Halimbawa, maaari kong ipakulong si Tita Ruth ng sampu o walong taon dahil sa pananakit, o kaya naman ay gawan ko ng paraan si Bernardo…”Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang mukha!Nanginginig sa matinding galit si Mallory. “Napakasama mo!” inangat ang kamay upang sampalin ang la

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 30

    Natulala lang si Mallory at hindi naiproseso ng kanyang utak ang sinabi ng madrasta.Namumutlang inulit iyon ni Ruth. “Nagpakamatay ang Daddy mo sa loob! Mabuti na lang at may nakakita at agad siyang nailigtas! Stable na siya sa ngayon, ngunit napakabigat pa rin ng kaniyang kalagayan! Mallory, nakikiusap ako sa’yo, humanap ka ng paraan para makita ko siya! Mahina na ang kaniyang pangangatawan, at napakalaki ng dagok na ito sa kaniya!”Tinakpan ni Tita Ruth ang kaniyang mukha at humagulgol nang malakas.Nalilito at hindi makapaniwala si Mallory. Hindi niya matanggap na ang kaniyang ama—na para bang matibay na bato—ay magtatangkang magpakamatay. Noong huli niya itong nakausap ay maayos naman ang kalagayan nito! Agad niyang tinawagan si Attorney Mendoza para humingi ng tulong at mapabilis ang mga papeles upang makita nila si Bernardo.Nakatanggap din si Atty. Mendoza ng balita at handa sanang makipag-usap kay Mallory, kaya ipinatawag niya ito sa kaniyang tanggapan.Pinakalma muna ni Mall

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 29

    Habang nag-iisip si Charlene, bigla siyang nakaramdam ng matinding hapdi sa kaniyang anit.Hinawakan ni Kenneth ang kaniyang buhok at ibinagsak ang kaniyang mukha sa malamig na ibabaw ng mesa, na nagdulot ng matinding pagkakatama sa kaniyang noo at pagdurugo nito nang malakas…Natigilan si Charlene.Walang bahid ng awa si Kenneth. Muli niyang hinawakan ang itim na buhok nito at pilit na hinarap sa kaniya. Nanlalamig ang kaniyang mukha habang nagsasalita. “Alam mo ba ang kapalit ng pagsasalita ng walang kabuluhan?”Masakit ang kaniyang nararamdaman, ngunit higit na nabalisa si Charlene. Sa wakas ay naunawaan niya kung saan nagmumula ang galit ni Kenneth.Nalaman ni Mallory na mahalaga ito sa kaniya!Hindi makapaniwala si Charlene at napabulong. “Hindi ba sinabi mong hindi mo siya mahal?”“Tama! Hindi ko siya mahal!” Lalong nanlamig ang ngiti ni Kenneth. “Pero sino ka para makialam sa aming dalawa?”Napatawa at napa-iyak si Charlene.Ang dugo at luha ay naghalo sa kaniyang mukha, nasira

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 28

    Upang hindi malungkot si Mallory ay pinakalma pa niya ito. “Huwag mo nang isipin! Sa ngayon ay kay Mitzie na siya, at hindi na tayo dapat makialam sa kanilang maruruming gawain.”Biglang naalala ni Mallory ang sinabi ni Cameron. Minsan ay nagtangkang magpakamatay si Mitzie dahil kay Kenneth… Marahil ay alam din ni Cameron ang mga gawain ng lalaki, ngunit sadyang ipinipikit na lamang ang kaniyang mga mata alang-alang sa kapatid!Nalulunod siya sa kaniyang pag-iisip nang tapikin siya ni Dianna. “Huwag ka nang malungkot dahil sa lalaking 'yon. Hindi niya deserve ng luha mo, you should be happy dahil sa wakas ay nakalaya ka na sa isang gagong kagaya niya!”Tumango lamang si Mallory.Bumuntong-hininga si Diana. “Mas mahalaga ang pera kaysa sa isang lalaking walang kwenta.”Nag-aalalang baka kapusin sa pera si Mallory, inilabas pa niya ang kaniyang bank card… Ngunit agad na tumanggi si Mallory at mahinang sumagot. “Salamat, hindi ko naman kailangan sa ngayon.”Hindi ito naniwala si Diana.N

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 27

    Medyo nadismaya si Direktor Lowell sa babae.Bumuntong-hininga ito at nagsalita. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pag-alis mo sa sentro ng musika? Alam mo ba kung ilang tao ang naiinggit sa dami ng mahuhusay na mag-aaral na ipinagkatiwala sa’yo?”Alam na alam iyon ni Mallory!Ngunit ano ang magagawa niya? Napigilan na lamang niya ang kaniyang mga luha at humingi ng paumanhin sa matandang tumulong at gumabay sa kaniya.Labis na inis ang naramdaman ni Direktor Lowell.Nagsindi ito ng isang payat na sigarilyo, hinihithit ito hanggang sa kalahati, bago tumingin kay Mallory at magtanong. “Mallory, may nakagalit ka ba?”Mariing tumango si Mallory.Alam niyang hindi kayang mag-isa ni Charlene na gumawa ng gulo; tiyak na nasa likod nito si Kenneth! Gusto niyang malaman kung hanggang saan pa aabot ang mga pakana ng lalaki laban sa kaniya.Pinatay ni Direktor Lowell ang sigarilyo, at kahit labis na nagsisisi ay kailangan itong magsalita. "Para mapatahan ang mga magulang na nagagalit, ka

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 26

    Bahagyang naantig ang damdamin ni Mallory. Marahang hinaplos ng kanyang mahahabang daliri ang telepono. Matagal siyang nag-alinlangan at hindi agad sumagot; makalipas ang kalahating oras pa lamang siya nakapagpadala ng mensahe. "Sorry, Mr. Gavinson, nakatulog na kasi ako." Sa kabilang dako, hawak ni Cameron ang isang baso ng alak at napangiti nang mabasa ang sagot ni Mallory. —Medyo nakatutuwa pa rin ang pagiging mahinhin ni Miss Sullivan. Hindi na siya sumagot, kundi dahan-dahang hinalo at ininom ang pulang alak sa kanyang baso. Sa mga sumunod na araw ay hindi nagpakita si Cameron, ngunit paminsan-minsan ay nagpapadala pa rin siya ng mensahe—minsan ay litrato, minsan ay isa o dalawang pangungusap. Magaan at tila walang bahala ang kanyang pananalita, ngunit may halong karisma ng isang may sapat na gulang na lalaki. Hindi naman laging sumasagot si Mallory. Ngunit pareho nilang nararamdaman ang hindi malinaw na ugnayan sa pagitan nila. Isang madaling araw, habang papaso

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 11

    Hindi nangahas pa na tumanggi si Rowan. Bagaman kaedaran lang niya si Cameron, napakalaki na ng narating ng huli sa kanyang karera at talagang nakahihigit ito sa kanilang lahat.Kumindat si Rowan kay Mallory at sinabi, “Hihintayin kita sa sasakyan.”Pilit na ngumiti na lamang si Mallory.Nang maka

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 10

    Nakita ni Kenneth ang lalaki at akma na niya itong babatiin nang mapansin niya ang babaeng nakaupo sa harapan nito. Kahit na natatakpan ng menu ang mukha nito, walang duda na si Mallory ang babaeng iyon.Kumunot ang noo ni Kenneth. Paano napunta sa tabi ni Rowan si Mallory?Magalang na nagpaliwanag

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 9

    Ilang beses ng binulatlat ni Mallory ang kahon pero wala siyang nakitang contact information ni Cameron doon, well, maybe totoo talaga ang sinabi nito na ayaw na siya nitong makitang muli.Kaya pagkagaoos ng trabaho, nagpasya si Mallory na pumunta sa Gavinson Law Firm. Iniwan niya ang velvet box sa

  • Spoil Me, Attorney Gavinson   Chapter 8

    Matatagpuan ang bahay ni Cameron sa isang eksklusibo at mataas ang seguradad na subdivision. Nang makapasok si Mallory, wala siyang magawa kundi ang umawang ang labi dahil lahat ng nakikita niya sa paligid ay pawang mamahalin. Bigla tuloy siyang kinabahang gumalaw dahil baka may masagi siyang mas m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status