LOGINSakal-sakal ni Kenneth si Mallory, ang tanging ginawa lamang niya ay tingnan ito sa mga mata na puno ng galit at poot. Mula noon hanggang ngayon, wala siyang lakas na ipagtanggol ang kanyang sarili. Katulad na ng nasira nilang relasyon.
Pabato siyang binitawan ni Kenneth. Mapang-asar itong tumawa. "Ano? Gusto mong makipag-ugnayan kay Cameron? May kakayahan ka ba? Lahat sa industriya ay alam na pihikan siya sa mga babae, maganda, mayaman at professional ang mga tipo niya, Mallory. Eh, ikaw? Ano lang bang mayroon ka? Hahalikan ka na nga lang eh para ka ng tuod, ano pa kaya kapag hinubaran ka na? Edi namatay ka?" Nag-iwas ng tingin si Mallory, ayaw niyang tingnan ang mukha ng lalaki. "This is my private matter, you don't have the right to interfere!" Sinubukan niyang maging matapang. Tumingin pababa si Kenneth. "O baka naman hindi mo lang talaga ako makalimutan. Sinasadta mong lumapit kay Cameron para kunyari interesado ka sa kanya pero ang totoo ay pinagseselos mo lang ako." Tumango-tango ito na para bang kinukumbinsi ang sarili. "Sinabi ko naman sayo, hindi ba, pumayag ka na maging kabit ko..." Nandidiring nag-angat ng tingin si Mallory.. "Ang kapal ng mukha mo, Kenneth! Kahit kailan ay hindi ko pinangarap maging kabit! And I will never be one! Kung gusto mong sirain ang relasyon mo sa fiancee mo dahil hindi ka makunto sa isa, wala na akong pakialam sayo! Labas ako sa kahipokrituhan mo!" Tinitigan siya ni Kenneth sa mga mata na para bang isa siyang batang nagpasaway at idadaan lang sa paninitig upang maging masunurin ulit. Pero hindi siya ganoon, pagod na siya maging sunud-sunuran sa lalaking ito! Hindi katulad ng dati na yumuko lamang siya na parang kawawang tuta, ngayon ay nilabanan niya ng titig ang lalaki. Pinapakita rito na hindi na siya ang dating Mallory na nagpapaapi. Matapos ang mahabang katahimikan, ngumiti si Kenneth na may halong panunuya: "Mallory, one day you'll chose to be with me. Dahil walang ibang lalaking magtitiis sa isang katulad mo kundi ako lang. You'll see!" Pagkatapos niyon ay binuksan na nito ang pintuan at naunang lumabas. Lumikha ng ingay ang pagsarado ng pinto. Nang tuluyan ng makalabas ang lalaki, napahawak si Mallory sa kanyang leeg, nanginginig ang kanyang mga tuhod at unti-unti siyang napadausdos sa pader kasabay niyon ay ang pag-uunahang pagtuluan ng kanyang mga luha. Napakahayop talaga ng Kenneth na iyon! Hindi niya lubos naintindihan kung bakit ito pa ang lalaking minahal niya! Sa loob ng apat na taon, napakarami niyang ginawa at sinakripisyo. Ngunit sa huli ay iiwan pala siya nito sa ere at nalaman na lamang niyang ikakasal na ito sa ibang babae. Ngayon ay napagtanto na ni Mallory na kinasama lang siya ng lalaki para gamitin at paglaruan, dahil ang totoo ay umpisa pa pag ay wala na itong balak na pakasalan siya. Buong akala niya ay sa tuwing binabanggit niya ang kanilang kasal, palagi nitong sinasabi na nag-iipon pa. Hindi naman siya na-inform na kasal nito sa ibang babae ang pinag-iipunan nito! Para ng baliw si Mallory dahil tumatawa siya kahit na malakas na umagos ang kanyang mga luha. Nakakaawa pala talaga siya, habang nanaginip siya isang simple at intimate wedding nila at kalauna'y magiging anak kasama ang lalaking mahal, iba na pala ang tinatrabaho nito. Naabutan ni Diana sa ganoong ayos si Mallory. "Mallory..." Nahahabag na tawag ni Diana sa kaibigan. Pinunasan ni Mallory ang kanyang luha, nag-angat ng tingin at natigilan. Dahil sa labas ng pintuan, bukod sa asawa ni Diana ay naroon din si Cameron. Magkakrus ang mga braso nito sa dibdib, seryoso ang tingin sa kanyang gawi. Nakapagpalit na si Cameron ng damit, mula sa suot nitong dark blue top kanina at iron-gray na pantalon, isang pormal na damit na ngayon ang suot nito. Labis na nag-aalala si Diana kay Mallory ngunit hindi niya ito binanggit sa dalawa ang tunay na ginawa ni Kenneth. Sa halip ay pinaliwanag niya. "Biglang umulan, kaya hindi na muna tayo makakapaglaro ng bola." "Yes, yes! Ayusin na lang natin sa ibang araw... Atty. Gavinson, pwede mo bang ihatid si Mallory pauwi? May importante kasi kaming pupuntahan, biglaan din kasi..." Tumingin si Cameron kay Mallory at sa namumulang sulok ng mga mata nito. "Walang problema, ako na ang bahala sa kanya." Malamig nitong sinabi. Nakahinga ng maluwag si Diana, ngunit kasabay nito ay nalulungkot siya para kay Mallory. Malungkot siyang tumingin kay Mallory ngunit ang huli ay tipid lamang na ngumiti at tumango. Wala nang magawa si Mallory kung hindi ang umalis kasama si Cameron. Sa labas, malakas na humahampas ang hangin. Sinasabayan pa iyon ng malakas na kulog at kidlat. Nasa open area ang parking lot kaya tumakbo si Cameron sa kanyang sasakyan ay pinaandar ito patungo sa kanya. Ilang sandaling makalipas, isang gintong Continental ang dahan-dahang huminto sa harap ni Mallory. Wala siyang dalang payong, hindi niya tuloy mapigilang makiusap kay Cameron para lang pagbuksan siya nito, dahil kahit na halos nasa tapat niya tumigil ang sasakyan nito ngunit malakas ang buhos ng ulan, isang hakbang lang niya ay siguradong makakaligo siya. Pero kahit na nagpaawa na ang kanyang mga mata, matigas pa rin ang lalaki at hindi bumaba sa sasakyan nito. Sa kahihiyan ay napalunok si Mallory, Inumpisahan niyang maglakad at katulad ng nasa isip niya, nabasa nga siya. Nakaramdam siya ng kaba nang makapasok siya sa sasakyan, natatakot na baka mainis si Cameron. Sinulyapan lang siya ni Cameron ngunit walang ibang sinabi. Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan. Nasa kalagitnaan ng bundok ang club. Umiikot-ikot ang sasakyan ng ilang beses bago makarating sa ibaba. Naka-on ang aircon sa loob ng sasakyan, at hindi nagtagal ay nanginginig si Mallory sa lamig, nawalan ng kulay ang kanyang labi. Habang naghihintay sa pulang ilaw, inabot ni Cameron sa kanya ang isang coat at sinabi, "Suotin mo 'yan." Mahinang nagpasalamat si Mallory. Naramdaman niyang mas mainit na matapos suotin ang coat nito, ngunit hindi pinatay ni Cameron ang aircon; nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa kalsada sa harap. Dahil sa malakas na ulan, napakalakas ng trapiko, at hindi gumalaw ang sasakyan kahit na ilang beses nang naging berdeng ilaw. Kumuha si Cameron ng isang pakete ng sigarilyo mula sa locker, sinindihan ang isa, at dahan-dahang ibinuga ang usok. "Gaano ka na ba katagal na natitiis riyan kay Kenneth?" Walang prenong tanong nito. Hindi iyon inasahan ni Mallory. Ngunit sinabi niya pa rin ang totoo. "Apat na taon." Bahagyang nanlaki ang mata ni Cameron sa gulat. Ang kanyang tingin ay dumaan sa kanyang mahaba at maputing mga binti, at may bahid ng pagnanasa na lumitaw sa kanyang mga mata. "And how many times you've slept with him?" Malamig nitong tanong.“Sige, subukan mo akong ilantad!” Nagusot ang mukha ni Kenneth at mapang-asar na tumawa. “Tingnan natin kung patatawarin ka ni Mitzie, tingnan natin kung makakaligtas nang walang kapinsalaan ang iyong buong pamilya, at tingnan natin kung tutulungan ka ni Cameron Gavinson!”Nang mabanggit ang pangalan ni Cameron ay lalong tumindi ang hapdi ng kaniyang sugat!Sobrang tindi ng kasamaan nito. Sa pagkakataong ito ay nakita na ni Mallory ang tunay na anyo ni Kenneth…Tiniis ng lalaki ang hapdi at lumapit upang hilahin si Mallory palapit sa kaniya.Marahang hinaplos niya ang mukha ng dalaga, at mababa at paos ang kaniyang tinig. “Bumalik ka sa akin! Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko pa! Halimbawa, maaari kong ipakulong si Tita Ruth ng sampu o walong taon dahil sa pananakit, o kaya naman ay gawan ko ng paraan si Bernardo…”Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang mukha!Nanginginig sa matinding galit si Mallory. “Napakasama mo!” inangat ang kamay upang sampalin ang la
Natulala lang si Mallory at hindi naiproseso ng kanyang utak ang sinabi ng madrasta.Namumutlang inulit iyon ni Ruth. “Nagpakamatay ang Daddy mo sa loob! Mabuti na lang at may nakakita at agad siyang nailigtas! Stable na siya sa ngayon, ngunit napakabigat pa rin ng kaniyang kalagayan! Mallory, nakikiusap ako sa’yo, humanap ka ng paraan para makita ko siya! Mahina na ang kaniyang pangangatawan, at napakalaki ng dagok na ito sa kaniya!”Tinakpan ni Tita Ruth ang kaniyang mukha at humagulgol nang malakas.Nalilito at hindi makapaniwala si Mallory. Hindi niya matanggap na ang kaniyang ama—na para bang matibay na bato—ay magtatangkang magpakamatay. Noong huli niya itong nakausap ay maayos naman ang kalagayan nito! Agad niyang tinawagan si Attorney Mendoza para humingi ng tulong at mapabilis ang mga papeles upang makita nila si Bernardo.Nakatanggap din si Atty. Mendoza ng balita at handa sanang makipag-usap kay Mallory, kaya ipinatawag niya ito sa kaniyang tanggapan.Pinakalma muna ni Mall
Habang nag-iisip si Charlene, bigla siyang nakaramdam ng matinding hapdi sa kaniyang anit.Hinawakan ni Kenneth ang kaniyang buhok at ibinagsak ang kaniyang mukha sa malamig na ibabaw ng mesa, na nagdulot ng matinding pagkakatama sa kaniyang noo at pagdurugo nito nang malakas…Natigilan si Charlene.Walang bahid ng awa si Kenneth. Muli niyang hinawakan ang itim na buhok nito at pilit na hinarap sa kaniya. Nanlalamig ang kaniyang mukha habang nagsasalita. “Alam mo ba ang kapalit ng pagsasalita ng walang kabuluhan?”Masakit ang kaniyang nararamdaman, ngunit higit na nabalisa si Charlene. Sa wakas ay naunawaan niya kung saan nagmumula ang galit ni Kenneth.Nalaman ni Mallory na mahalaga ito sa kaniya!Hindi makapaniwala si Charlene at napabulong. “Hindi ba sinabi mong hindi mo siya mahal?”“Tama! Hindi ko siya mahal!” Lalong nanlamig ang ngiti ni Kenneth. “Pero sino ka para makialam sa aming dalawa?”Napatawa at napa-iyak si Charlene.Ang dugo at luha ay naghalo sa kaniyang mukha, nasira
Upang hindi malungkot si Mallory ay pinakalma pa niya ito. “Huwag mo nang isipin! Sa ngayon ay kay Mitzie na siya, at hindi na tayo dapat makialam sa kanilang maruruming gawain.”Biglang naalala ni Mallory ang sinabi ni Cameron. Minsan ay nagtangkang magpakamatay si Mitzie dahil kay Kenneth… Marahil ay alam din ni Cameron ang mga gawain ng lalaki, ngunit sadyang ipinipikit na lamang ang kaniyang mga mata alang-alang sa kapatid!Nalulunod siya sa kaniyang pag-iisip nang tapikin siya ni Dianna. “Huwag ka nang malungkot dahil sa lalaking 'yon. Hindi niya deserve ng luha mo, you should be happy dahil sa wakas ay nakalaya ka na sa isang gagong kagaya niya!”Tumango lamang si Mallory.Bumuntong-hininga si Diana. “Mas mahalaga ang pera kaysa sa isang lalaking walang kwenta.”Nag-aalalang baka kapusin sa pera si Mallory, inilabas pa niya ang kaniyang bank card… Ngunit agad na tumanggi si Mallory at mahinang sumagot. “Salamat, hindi ko naman kailangan sa ngayon.”Hindi ito naniwala si Diana.N
Medyo nadismaya si Direktor Lowell sa babae.Bumuntong-hininga ito at nagsalita. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pag-alis mo sa sentro ng musika? Alam mo ba kung ilang tao ang naiinggit sa dami ng mahuhusay na mag-aaral na ipinagkatiwala sa’yo?”Alam na alam iyon ni Mallory!Ngunit ano ang magagawa niya? Napigilan na lamang niya ang kaniyang mga luha at humingi ng paumanhin sa matandang tumulong at gumabay sa kaniya.Labis na inis ang naramdaman ni Direktor Lowell.Nagsindi ito ng isang payat na sigarilyo, hinihithit ito hanggang sa kalahati, bago tumingin kay Mallory at magtanong. “Mallory, may nakagalit ka ba?”Mariing tumango si Mallory.Alam niyang hindi kayang mag-isa ni Charlene na gumawa ng gulo; tiyak na nasa likod nito si Kenneth! Gusto niyang malaman kung hanggang saan pa aabot ang mga pakana ng lalaki laban sa kaniya.Pinatay ni Direktor Lowell ang sigarilyo, at kahit labis na nagsisisi ay kailangan itong magsalita. "Para mapatahan ang mga magulang na nagagalit, ka
Bahagyang naantig ang damdamin ni Mallory. Marahang hinaplos ng kanyang mahahabang daliri ang telepono. Matagal siyang nag-alinlangan at hindi agad sumagot; makalipas ang kalahating oras pa lamang siya nakapagpadala ng mensahe. "Sorry, Mr. Gavinson, nakatulog na kasi ako." Sa kabilang dako, hawak ni Cameron ang isang baso ng alak at napangiti nang mabasa ang sagot ni Mallory. —Medyo nakatutuwa pa rin ang pagiging mahinhin ni Miss Sullivan. Hindi na siya sumagot, kundi dahan-dahang hinalo at ininom ang pulang alak sa kanyang baso. Sa mga sumunod na araw ay hindi nagpakita si Cameron, ngunit paminsan-minsan ay nagpapadala pa rin siya ng mensahe—minsan ay litrato, minsan ay isa o dalawang pangungusap. Magaan at tila walang bahala ang kanyang pananalita, ngunit may halong karisma ng isang may sapat na gulang na lalaki. Hindi naman laging sumasagot si Mallory. Ngunit pareho nilang nararamdaman ang hindi malinaw na ugnayan sa pagitan nila. Isang madaling araw, habang papaso
Hindi sana niya ito papansinin, ngunit nang makita ang paparating sa kanto, mahina ngunit mariing sumagot. “Huwag po kayong mag-alala, Tita, hinding-hindi ko ilalagay ang lahat ng aking pag-asa sa iisang bagay lang.”Ngumiti ang ginang at sinabi. “Nakagagaan naman ng loob na marinig iyan.”Lumingon
Ibinaba ni Cameron ang telepono.May halong biro niyang tanong, “Hindi ba dapat ay manatili ka rito sa tabi ko?”Nagulat na tumingala si Mallory sa lalaki. “Hindi… Attorney Gavinson, nakikiisa lang po ako sa inyo kanina.”Hindi siya inalisan ng tingin ni Cameron. Malalim ang kanyang mga mata at mah
Higit alas-dose na ng hatinggabi nang matapos ang lahat.Nakaupo si Kenneth sa isang silyang kahoy na nasa terasa. Sa ibabaw ng maliit at bilog na mesa ay may isang pakete ng sigarilyo, at apat o limang stick na ang kanyang naubos.Nakuha naman niya ang lahat ng gusto niya; isang magandang nakatakd
Napakalupit at walang-awang kumilos si Kenneth. Sa loob lamang ng dalawang araw, ang lahat ng ari-arian ng pamilya Sullivan ay ipinagbawal nang gamitin o ilipat. Kasama rito ang dalawang bahay, pati na ang mga bahagi ng negosyo na nakapangalan sa ama ni Mallory.Sigurado si Kenneth na hindi na magt







