LOGINDasha POVHinanda ko na ang na-marinate kong chicken at pork barbecue. Saktong nakababad na ang mga ito nang mahigit ilang minuto kaya siguradong kakapit na ang lasa. Tinusok-tusok ko kasi ang mga laman kanina, kaya sure akong pati sa loob ay nagpasok na ang mga sauce na ginawa ko.Binuksan ko ang electric grill. Mabuti na lang at malakas ang exhaust fan ng kusina, kaya kahit mag-ihaw ako sa loob ng condo, hindi gaanong kakalat ang usok.Paglapag ko ng unang piraso ng chicken sa grill, agad umalingawngaw ang tunog ng nag-iihaw na karne.Kasabay noon ang mabangong amoy ng marinade na gawa ko.Maya-maya ay inilagay ko na rin ang mga barbecue.Unti-unting nagkaroon ng mapusyaw na kulay kayumanggi ang mga ito.Habang pinapahiran ko ng natitirang marinade ang bawat piraso, narinig kong nagsalita si Ivy.“Naku po, lalo akong ginutom tuloy.”Tinignan ko siya. Nakangiwi siya na parang nagutom talaga bigla. “Iready mo ang tiyan mo, mabubundat ka ngayong gabi,” sagot ko.“Tinatakam na rin talag
Dasha POV“Huwag kang mag-alala, hija, lahat ng problema ay palaging may solusyon, makakaraos ka rin sa mga problema mo,” biglang sabi ng taxi driver matapos akong magbayad.Tumango na lang tuloy ako at nagpasalamat. Siguro ay kahit malakas ang radyo kanina ng sasakyan niya ay dinig pa rin niya ang bawat paghikbi ko.Nakakahiya tuloy. Feeling ko ay nasa music video ako kanina habang nasa biyahe.Pagdating sa condo, tahimik pa rin ang loob ng unit. Mukhang tulog pa rin si Ivy.Mabuti na rin. Ayokong may makakita sa akin sa ganitong ayos.Dumiretso agad ako sa kusina. Isa-isa kong inilabas ang mga pinamili. Ang manok, baboy, pampalasa.Kumuha ako ng malaking mangkok at nagsimulang hugasan ang chicken. Malamig ang tubig na dumadaloy sa mga kamay ko. Pero hindi iyon sapat para pakalmahin ang puso ko.Habang hinuhugasan ko ang manok, bigla na lang ulit tumulo ang luha. Hinahayaan ko lang silang bumagsak.Ang lala ko ata. Ako ang tumakbo, ako ang umiwas, pero ako rin ang umiiyak ngayon.Mat
Elco POVHindi ko na siya naabutan. Sa huli, ang tanging nasilayan ko na lang ay ang taxi na unti-unting lumalayo habang nakaupo si Dasha sa loob.Hindi man lang siya lumingon. Hindi man lang niya ako pinagbigyan ng isang segundo.Tuluyan nang nawala ang taxi sa kalsada.Napatigil ako sa gitna ng bangketa. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga binti ko. Hindi ko na namalayang mabigat na pala ang paghinga ko dahil sa pagtakbo. Hindi ko rin namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko.Hindi ko rin namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.Napahawak ako sa noo ko. “Ano ba naman ito,” nahihiya kong sabi sa sarili ko.Pakiramdam ko, para akong tanga. Kalalaking tao ko, nakatayo ako sa harap ng wet market, umiiyak, habang maraming taong nakatingin sa akin.May ilang nagtataka. May ilang nagbubulungan. May ilang napapailing.Pero wala na akong pakialam. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman kong lungkot.Sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan na hindi namin pagkikita ay
Dasha POVMahimbing ang tulog ni Ivy nung hapon na iyon. Bandang alas singko ng hapon pa lang ay nakatulog na siya sa bedroom ko. Hinayaan ko na lang at baka napagod din talaga siya sa pagbubuhat ng mga roses ko kanina.Sinilip ko pa siya bago ko isinara nang dahan-dahan ang pinto.“Hayaan na muna kitang matulog.”Pagtingin ko sa orasan, alas singko y medya na.May bisita ako, so, ako naman ang magluluto ng dinner namin. Kanina kasi ay siya ang nagpa-lunch, kaya oras para pagsilbihan ang bisita.Gusto kong ipatikim sa kaniya ang chicken inasal na madalas kong lutuin noong nasa bahay pa ako ng mga magulang ko. At naisipan ko ring gumawa ng pork barbecue para perfect na perfect.Kinuha ko ang wallet ko, reusable shopping bag, at cellphone. Tahimik akong lumabas ng condo para hindi magising si Ivy.Halos tatlumpung minuto ang biyahe papunta sa wet market. Pagdating ko roon, siyempre, maingay dahil maraming tindera at namimili.Salamat sa isang nakasabay ko nung nakaraan sa condo. Siya an
Dasha POVHabang nagliligpit kami ng pinagkainan ni Ivy, bigla akong napangiti at may naisip.“Ivy.”“Oh?”Luminga siya mula sa paghuhugas ng plato.“May gusto akong puntahan mamaya.”Napataas ang kilay niya.“Saan?”“May coffee shop akong nadiskubre kahapon. Ang cute ng concept. Garden shop siya na may coffee shop.”Biglang lumiwanag ang mukha niya.“Ha? Talaga?”Tumango ako.“Sobrang ganda doon, Ivy. Tapos, sige, ililibre na kita.”Doon na lalong napangiti ang gaga. “Aba, kung libre mo naman pala, bakit naman ako makakatanggi niya,” natutuwa niyang sagot.“Para sulit naman ang pagpunta mo rito,” pang-uuto ko pa.Napailing siya habang natatawa. “Sige, game ako diyan!”Naligo lang siya, tapos naligo rin ako. Kumbaga ay nagpababa lang kami sa kinain namin kaninang tanghali, plus may manggo graham pa kasi.Sinakto naming umalis ng alas tres para talagang tunay na ang kinain namin kanina.PAGDATIN namin sa garden café, halos mapahinto si Ivy sa paglalakad.“Uy, grabe nga pala ang kakaiba
Dasha POVPagkalipas ng halos dalawang oras na paghihintay, tuluyan nang napuno ng mabangong amoy ng bulalo ang buong condo.Isang oras akong nag-aayos ng mga succulents ko sa terrace kasi need ko siyang mag-repot dahil nasa plastic lang na itim nakatanim ang mga halaman na bigay ni Ivy, hindi naman puwedeng ganoon na lang idi-display.Pagka-repot ko sa mga maliliit na paso ang mga succulents na halaman ay tinabi ko muna ang mga ito sa hindi maaarawan dahil bawal pa. Kakalipat lang ng paso kaya bawal pang paarawan at bawal ding diligan pa. Kapag stable na ang lagay ng mga bagong lipat na succulents ay saka lang sila puwedeng diligan at paarawan.Pagbalik ko sa dining table ay nakahain na doon ang malaking kaserola. Umuuusok pa ang sabaw.Bongga kasi malalaki ang hiwa ng baka. May mais, repolyo, pechay, patatas, at bone marrow na halos matunaw na sa sobrang lambot.Napangiti ako habang nakaupo sa harap ng lamesa.“Wow, Ivy, totoo bang ikaw ang nagluto nito?”Umirap siya sa akin. “Hindi
Ryuji POVAlas dos ng madaling-araw nang bigla akong magising. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa wine. O baka dahil nakatulog akong hindi gaanong umiinom ng tubig.Pagmulat ko ng mga mata ko, madilim pa ang buong master bedroom ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama.Pak
Dasha POVPagkatapos naming kumain sa luxury coffee shop, akala ko ihahatid na niya ako sa bahay nila Elco.Busog na busog ako dahil pinilit kong ubusin ‘yung napakamahal na pasta. Aba, dapat lang, ako ang nasasayangan, e.Hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako maka-move on sa halos sampung libon
Dasha POVMay nadaanan kaming store ng donuts. Nagpahinto ako at bumili para ipasalubong kay Tita Rosie. Ayon kasi kay Elco, mahilig sa sweets ang Mama niya, kaya papasalubungan ko siya. Nakakahiya rin kasing mag-stay doon ng wala rin akong dala o pasalubong.“Magugustuhan niya ‘yan,” sabi ni Elco
Elco POVKanina pa ako nakatayo sa may gate ng bahay. Paulit-ulit akong sumisilip sa kalsada. Paulit-ulit ding tumitingin sa oras. Para akong batang excited na makita ang nanay kong matagal kong hindi nakita. Pero, siyempre, hindi talaga ganoon dahil may pa-surprise kaming lahat kay Dasha. Sakto ng







![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)