LOGINElco POVMadaling-araw na ako nakauwi sa amin. Gising na si Dasha nung magpaalam akong uuwi muna para gumayak sa pagpasok ko sa work.Nang iparada ko ang sasakyan sa garahe, sumulyap ako sa relo. Sakto lang siguro ang ganitong oras, alam naman ni mama na galing ako sa Tagaytay.Pero sa mga oras na ito, sigurado akong tulog pa si Mama, kaya tahimik akong pumasok sa bahay.Maingat ko pang isinara ang pinto para hindi ako makagising, pero paglingon ko sa sala ay napahinto ako.Para akong nakakita ng multo dahil napamilog ang mga mata ko nang makita ko si Mama na gising na pala.Tahimik itong nakaupo sa sofa habang may hawak na tasa ng tsaa. Diretso ang tingin niya sa akin. Parang kanina pa ako hinihintay.“Ma…” halos pabulong kong sambit sa kaniya.Napangiti siya nang bahagya. “Mabuti naman at nandito ka na,” seryoso niyang sabi.Tumango ako. “Opo, kakauwi lang po dahil kailangan kong gumayak para sa work ko.”Akala ko ay magtatanong lang siya kung bakit ako inumag ng uwi o baka pagsasab
Dasha POVPagbalik namin sa Manila, parang unti-unti na ring bumabalik ang katahimikan sa buhay ko. Hindi na katulad noong mga nakaraang buwan na bawat paggising ko ay may kasamang lungkot at takot.Ngayon, may kasama na ako.Pagkatapos naming ihatid si Ivy sa terminal, mahigpit niya muna akong niyakap.“Alagaan mo ang sarili mo,” sabi niya habang kita ang lungkot sa mukha niya.Ngumiti ako. “Ikaw rin, saka, salamat sa ilang araw na pagsama sa akin, super na-enjoy ko ang bonding natin, sobrang na-miss din kita.”Napatingin siya kay Elco. “Ayusin mo rin, Elco. Na sa’yo na ulit ang kaibigan ko, kaya ayusin mo na ngayon.”Napangiti si Elco. “Opo, pangako, hindi ko na siya pababayaan.”Tumango si Ivy. “Wag mong sisirain ang pangakong ‘yan. Tuparin mo, kundi, lagot ka na talaga sa akin,”dagdag pa niya.Bago sumakay ng bus si Ivy, sinabi pa niyang babalikan niya ang sasakyan niya soon, kainis kasi dahil nasira ang makina bigla. Hindi namin alam kung anong nangyari, kaya doon muna ito sa par
Dasha POVHindi ko na maalis ang tingin ko kay Elco. Nakatayo lang siya sa may pintuan. Magulo ang buhok niya, parang nagmamadali siyang umalis kung saan man siya nanggaling.Hingal pa talaga siya at namumula ang mga mata.Grabe, sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang araw na hindi ko siya nakita at nakasama, heto, parang may magic na biglang tumama sa akin. Wala kasi akong naramdamang galit. Ang nakita ko lang ay pagod. Pagod nang magtampo, mamoblema at malungkot. Pagod na akong mag-iiyak at mag-isa.Nung makita ko si Elco, parang lumiwanag ang pag-iisip ko. Parang sumaya ang puso ko. Parang nabuo bigla ang kulang sa sarili ko.Hindi na ako nakatiis. Tuluyan na akong gumalaw at kumilos.Tumakbo na ako palapit sa kaniya.“Elco!!!” Halos basag ang boses ko pagkasabi ko palang sa pangalan niya. Hindi na ako nag-isip. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Diretso na akong yumakap sa kaniya nang mahigpit, na para bang natatakot akong mawala na naman siya.Sa sandaling maramdaman ko
Elco POVDay off ko ngayon, kaya walang pasok. Kaya naman nakanganga lang ako ngayong umaga.Habang nakaupo ako sa gilid ng kama at nakatitig lang sa cellphone ko, bigla itong nag-vibrate.May natanggap akong bagong message. Pagtingin ko sa sender, napakunot-noo agad ang noo ko.Nakita ko kasi ang pangalan ni Ivy. Ngayon na lang ulit siya nag-message, kaya takang-taka ako.Hindi kami ganoon ka-close. Pero naamoy kong baka may mahalaga siyang sasabihin kaya agad kong binuksan ang message niya.“Sige, Elco, para matapos na ang lungkot at pagtitiis na dinadanas ni Dasha, tutulungan na kitang makita at makausap siya.”Namilog ang mga mata ko matapos kong basahin iyon. Pakiramdam ko ay para akong nananaginip, kaya paulit-ulit ko pang binasa ang message niya.Baka kasi mali lang ang pagkakaintindi ko, pero hindi, talagang iyon ang message na nakalagay doon.Hindi na ako nag-aksaya ng oras, mabilis akong nag-reply.“Anong ibig mong sabihin?”Hindi nagtagal ay sumagot na rin siya.“Nandito ka
Dasha POVHindi na kami umuwi ng city. Pagkatapos ng balitang tumambad sa amin sa coffee shop, pareho na kaming nawalan ng ganang gumala. Sayang lang tuloy ang kape at pagkaing in-order namin sa coffee shop na iyon. Umalis na rin agad kami kasi nakilala ako ng mga tao at tiyak na pupuntahan ako ng mga readers ko kapag nalaman nilang nandito ako ngayon sa Tagaytay. Kahit kasi patay na ang issue na ginawa ni Ryuji, marami pa rin sa kanila ang nakakaalala doon. Na ang akala nga ng iba ay palihim na kaming nagkikita at nagde-date ni Ryuji. Marami kasi ang naniwalang magsyota talaga kami.Kaya ngayong nabalitaang wala na ito, tiyak na madadawit pa rin ang pangalan ko sa balita at social media. Marami ang kakalat na haka-haka.Saya dapat ang pinunta namin dito, pero parang lalong akong na-stress.Oo, nandito nga kami sa Tagaytay, maganda ang panahon, malamig sana ang hangin, napakaganda ng tanawin, pero wala parang nawalan kami ng lakas para i-enjoy ang kahit ano rito.Plano pa naman naming
Dasha POVMaaga kaming nagising ni Ivy kinabukasan. Habang nag-aalmusal kami ng tinapay at scrambled eggs, bigla na lang siyang nagdesisyon ng ganap namin today.“Dasha?”Napatingin ako sa kaniya habang may tinapay pa sa bibig ko. “Bakit?”“Tara kaya?”Naibaba ko bigla ang hawak kong kape. “Saan?”“Sa Tagaytay.”Napahinto ako sa pagsubo ulit ng tinapay.“Ha? Ngayon?” nakakunot noo kong tanong kasi hindi ako makapaniwala. Parang nagbibiro lang.Tumango siya habang umiinom ng kape.“Sulitin na natin ang bakasyon ko rito. Saka, nakakabagot kasi kung dito lang tayo, so, naisip kong umakyat tayo ng Tagaytay, para bongga ang bakasyon ko.”Kumindat-kindat pa siya.“Ikaw talaga, paladesisyon ka palagi. Ang hilig-hilig mo sa ganiyan,” sita ko sa kaniya pero nakangiti naman ako.“Mas masaya kaya ‘yung walang plano,” katwiran pa niya.Sa totoo lang, matapos ang nangyari kahapon sa wet market, gusto ko ring lumayo muna sa city.Kahit isang araw lang. Kahit ilang oras lang.“Pero, sige, game na ri
Dasha POVUtos ni Ivy, Ruby at Calista na ibahin ko ang itsura ko. Magkakausap kami ngayon sa video call. Kasama ko si Ivy dito sa salon. Ang ginawa ko ay ipapa-short hair ang buhok ko.Heto, no choice tuloy si Ivy. Kailangan niya akong samahan dahil malaki ang problema ko. Kailangan kong umuwi sa
Elco POVNandito na ako sa Villarama Street, Norzagaray, Bulacan. Nasa tapat na ako ng bahay nila Tita Susie. Ito ‘yung picture ng bahay na sinend ni Tita Susie kay Nanay Rosie para hindi ako maligaw.“Ito po ang bayad,” sabi ko sa tricycle driver na sinakyan ko. Pagkabayad ko, binitbit ko na ang m
Elco POVNasapak ko ang ka-work ko sa hotel na pinagtatrabahuhan ko dahil sa gigil ko. Bastos kasi ang bagong staff na si Mendez. Marami sa aming mga matagal na sa work ay sinasagot-sagot kami. At isa na ako roon. Sa dami ng mga naging staff ko, tanging siya lang ang sinagot ako, kaya hindi ako nak
Dasha POVNagulat si Ivy kasi bumalik ako sa flower shop. Pagkakita ko sa mukha ng pinsan kong si Elco, dali-dali akong lumabas sa pinto ng likod ng bahay namin. Doon ako dumaan para makabalik dito sa flower shop ni Ivy. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko itong tinakbo, basta nung makita ko ang m

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





