Se connecterElco POVPagkaparada ko ng sasakyan sa garahe, ilang segundo muna akong nanatiling nakaupo sa driver’s seat. Patay na ang makina. Tahimik na lalo rito ang paligid.Pero ang isip ko, parang hindi pa rin humihinto.Ipinikit ko sandali ang mga mata ko bago dahan-dahang napabuntong-hininga.Simula nang malaman ko ang balitang buntis si Dasha, pakiramdam ko ay wala nang araw na naging payapa ang isip ko. Mas lalo pa ngayong gabi. Hindi ko inaasahang mabubunyag sa mga staff ko ang tungkol sa kaniya. Mabuti na lang at wala akong binanggit na pangalan.Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Pero marahil, pagod na rin ang isip ko. Pagod nang itago ang lahat.Humugot pa ulit ako ng isa pang mas malalim na hininga bago tuluyang bumaba ng sasakyan.Pagpasok ko sa bahay, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng nilulutong pagkain at bagong linis na sala. Tahimik ang bahay dahil wala si Papa Julio, nasa malayong lugar na naman naka-assign sa work.May narinig akong mahinang tumutugtog na inst
Elco POVPagpatak ng alas singko ng hapon, saka lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Sa wakas kasi ay tapos na ang work. Putek naman kasi, punong-puno ang schedule ko ngayong araw. Sunod-sunod ang meetings, may VIP guests na kailangang asikasuhin, may inventory report pang kailangang pirmahan, at may ilang concern ang housekeeping na personal kong inayos.Pagod ako. Pero bago pa ako makalabas ng opisina, may kumatok sa pinto.“Sir Elco!” Pag-angat ko ng tingin, bumungad sa akin ang halos lahat ng staff na nasa morning shift.Nasa harapan nila si Rhea. Bitbit nito ang maliit na paper bag na may ribbon.“Sir, huwag noyo pong sabihing uuwi na kayo?”Napangiti ako. “Bakit, ano bang mayroon?”“Sir, birthday ko po ngayon.”Napatingin ako sa ibang staff. Lahat sila ay nakangiti. “Nagkayayaan po kami mag-hotpot. Libre ko po,” sabi pa ni Rhea. “At bawal pong tumanggi ang manager namin.”Natawa ang lahat habang ako naman ay napailing agad. “Rhea, pagod na ang manager ninyo.”“Ayan na nga p
Dasha POVTinapos ko ang pagluluto ko ng dinner na puro ang email ni Elco ang tumatakbo sa isip ko. Simula nung matanggap ko ang email niya, ayaw na nitong mawala sa isip ko. Alas siyete na ng gabi.Dapat kakain na ako ng dinner kasi gutom na ako pero hindi ko magawa iyon dahil iba ang tumatakbo sa isip ko.Umupo ako sa dining table habang nakatanaw sa tatlo kong bagong halaman sa terrace. Maliwanag doon dahil nakabukas ang ilaw.Umiling-iling ako. Hindi ako puwedeng magpagutom dahil baka hindi maging healthy si baby. Kaya naman tumayo na ulit ako at sumandok na ng kanin at ng chopsuey na niluto ko. Nagtimpla rin ako ng malamig na orange juice bago ako tuluyang kumain.Pagdating sa dining table, isa-isa ko roong binaba ang pagkain ko, pati ang cellphone ko.Ang bango ng chopsuey dahil sinahugan ko ito ng manok at hipon. Crab and corn naman ang pinang-sabaw ko kaya sure akong malinamnam pati ang sabaw.Habang kumakain na ako, nakatitig ako sa cellphone ko. Nandoon pa rin sa email ni El
Dasha POVMamayang gabi pa ang pagsusulat ko. Ayoko namang maburyo sa condo kaya nagpasya akong lumabas. Hindi na ako nag-ayos nang bongga. Ayoko ng atensyon. Gusto ko lang magpahangin.Ngayong araw din kasi ay may isa akong gustong gawin. Hindi talaga ako sanay ng walang inaalagaan, kaya gusto ko nang bumili ng halaman.Miss na miss ko na kasi talaga ang mga alaga ko sa bahay namin. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip kong hindi ko na muna sila maaalagaan kasi wala ako doon.Isa pa, masyadong tahimik ang terrace ng condo ko. Masyadong plain. Wala man lang kahit isang halamang nagbibigay-buhay sa espasyo.Gusto kong magkaroon ng aalagaan na rito.‘Yung halamanh unti-unting lalaki. ‘Yung halaman na makakasama ko araw-araw. Tulad ng baby ko sa loob ng sinapupunan ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang tiyan ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada.“Mamimili tayo ng mga halaman, baby,” nakangiti kong bulong.Matapos ang ilang minutong paglalakad at pagtingin sa mga tindahan, may napansin akong
Dasha POVPagkapasok ko sa condo, dahan-dahan kong isinara ang pinto at sumandal doon nang ilang segundo.Tahimik na ulit, wala ng tao, wala ng staff ng Goodnovel ink fam ang panay bati at sita sa stress ng mukha ko ngayon, lalo na si Madam Imelda na alam pala ang nangyayari sa akin.Huminga ako nang malalim bago marahang ipinatong ang isang kamay sa tiyan ko.“Hi, baby,” mahina kong bulong habang napapangiti. “Nandito na ulit tayo sa comport place natin. Nakauwi na tayo.”Napatingin ako sa kabuuan ng maliit pero maaliwalas kong condo. Dito ko na tanggap na palalakihin ang anak ko. Dito ko na rin palalakihin ang tiyan ko. Nang mag-isa, siyempre. Sino pa ba ang aasahan ko e, parang walang bayag naman pala si Elco.Ito na ang magiging tahanan namin ng matagal.Ako at ang anak ko. Hindi ko puwedeng hayaang lamunin ako ng lungkot. Buntis ako. Ayokong maramdaman ng baby ko ang stress at sakit na dinadala ko.Unti-unti ko nang natutunan iyon nitong mga nakaraang araw. Kasi masyado na palang
Dasha POVDahil natapos ko na ang manuscript at pasado ito, heto, narito ako ulit ako ngayon sa goodnovel ink company para pumirma ulit ng panibagong kontrata. Para naman sa pangalawang librong ipa-publish ng kumpanyang ito.Dapat masaya ako, dapat excited ako, pero habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ng kotse, hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.Mukha akong pagod. Hindi lang basta pagod. Haggard talaga. Namumutla ang balat ko, may bahagyang pangingitim sa ilalim ng mga mata, at parang nawalan ng sigla ang dating ningning ng mukha ko.Napalunok ako ng laway.“Ayos ka lang ba talaga, Dasha?” bulong ko sa sarili ko.Kailangan kong maging maayos. Kailangan kong itago ito. Wala pang ibang dapat makaalam. Lalo na dito.Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.Pagkapasok ko pa lang ay agad akong binati ng mga empleyadong nakakasalubong ko.“Good morning, Author Petalyn!”“Congratulations po sa success ng first book!”“Excited na kami
Dasha POVUtos ni Ivy, Ruby at Calista na ibahin ko ang itsura ko. Magkakausap kami ngayon sa video call. Kasama ko si Ivy dito sa salon. Ang ginawa ko ay ipapa-short hair ang buhok ko.Heto, no choice tuloy si Ivy. Kailangan niya akong samahan dahil malaki ang problema ko. Kailangan kong umuwi sa
Elco POVNandito na ako sa Villarama Street, Norzagaray, Bulacan. Nasa tapat na ako ng bahay nila Tita Susie. Ito ‘yung picture ng bahay na sinend ni Tita Susie kay Nanay Rosie para hindi ako maligaw.“Ito po ang bayad,” sabi ko sa tricycle driver na sinakyan ko. Pagkabayad ko, binitbit ko na ang m
Elco POVNasapak ko ang ka-work ko sa hotel na pinagtatrabahuhan ko dahil sa gigil ko. Bastos kasi ang bagong staff na si Mendez. Marami sa aming mga matagal na sa work ay sinasagot-sagot kami. At isa na ako roon. Sa dami ng mga naging staff ko, tanging siya lang ang sinagot ako, kaya hindi ako nak
Dasha POVNagulat si Ivy kasi bumalik ako sa flower shop. Pagkakita ko sa mukha ng pinsan kong si Elco, dali-dali akong lumabas sa pinto ng likod ng bahay namin. Doon ako dumaan para makabalik dito sa flower shop ni Ivy. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko itong tinakbo, basta nung makita ko ang m







