LOGINElco POVHindi ko na siya naabutan. Sa huli, ang tanging nasilayan ko na lang ay ang taxi na unti-unting lumalayo habang nakaupo si Dasha sa loob.Hindi man lang siya lumingon. Hindi man lang niya ako pinagbigyan ng isang segundo.Tuluyan nang nawala ang taxi sa kalsada.Napatigil ako sa gitna ng bangketa. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga binti ko. Hindi ko na namalayang mabigat na pala ang paghinga ko dahil sa pagtakbo. Hindi ko rin namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko.Hindi ko rin namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.Napahawak ako sa noo ko. “Ano ba naman ito,” nahihiya kong sabi sa sarili ko.Pakiramdam ko, para akong tanga. Kalalaking tao ko, nakatayo ako sa harap ng wet market, umiiyak, habang maraming taong nakatingin sa akin.May ilang nagtataka. May ilang nagbubulungan. May ilang napapailing.Pero wala na akong pakialam. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman kong lungkot.Sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan na hindi namin pagkikita ay
Dasha POVMahimbing ang tulog ni Ivy nung hapon na iyon. Bandang alas singko ng hapon pa lang ay nakatulog na siya sa bedroom ko. Hinayaan ko na lang at baka napagod din talaga siya sa pagbubuhat ng mga roses ko kanina.Sinilip ko pa siya bago ko isinara nang dahan-dahan ang pinto.“Hayaan na muna kitang matulog.”Pagtingin ko sa orasan, alas singko y medya na.May bisita ako, so, ako naman ang magluluto ng dinner namin. Kanina kasi ay siya ang nagpa-lunch, kaya oras para pagsilbihan ang bisita.Gusto kong ipatikim sa kaniya ang chicken inasal na madalas kong lutuin noong nasa bahay pa ako ng mga magulang ko. At naisipan ko ring gumawa ng pork barbecue para perfect na perfect.Kinuha ko ang wallet ko, reusable shopping bag, at cellphone. Tahimik akong lumabas ng condo para hindi magising si Ivy.Halos tatlumpung minuto ang biyahe papunta sa wet market. Pagdating ko roon, siyempre, maingay dahil maraming tindera at namimili.Salamat sa isang nakasabay ko nung nakaraan sa condo. Siya an
Dasha POVHabang nagliligpit kami ng pinagkainan ni Ivy, bigla akong napangiti at may naisip.“Ivy.”“Oh?”Luminga siya mula sa paghuhugas ng plato.“May gusto akong puntahan mamaya.”Napataas ang kilay niya.“Saan?”“May coffee shop akong nadiskubre kahapon. Ang cute ng concept. Garden shop siya na may coffee shop.”Biglang lumiwanag ang mukha niya.“Ha? Talaga?”Tumango ako.“Sobrang ganda doon, Ivy. Tapos, sige, ililibre na kita.”Doon na lalong napangiti ang gaga. “Aba, kung libre mo naman pala, bakit naman ako makakatanggi niya,” natutuwa niyang sagot.“Para sulit naman ang pagpunta mo rito,” pang-uuto ko pa.Napailing siya habang natatawa. “Sige, game ako diyan!”Naligo lang siya, tapos naligo rin ako. Kumbaga ay nagpababa lang kami sa kinain namin kaninang tanghali, plus may manggo graham pa kasi.Sinakto naming umalis ng alas tres para talagang tunay na ang kinain namin kanina.PAGDATIN namin sa garden café, halos mapahinto si Ivy sa paglalakad.“Uy, grabe nga pala ang kakaiba
Dasha POVPagkalipas ng halos dalawang oras na paghihintay, tuluyan nang napuno ng mabangong amoy ng bulalo ang buong condo.Isang oras akong nag-aayos ng mga succulents ko sa terrace kasi need ko siyang mag-repot dahil nasa plastic lang na itim nakatanim ang mga halaman na bigay ni Ivy, hindi naman puwedeng ganoon na lang idi-display.Pagka-repot ko sa mga maliliit na paso ang mga succulents na halaman ay tinabi ko muna ang mga ito sa hindi maaarawan dahil bawal pa. Kakalipat lang ng paso kaya bawal pang paarawan at bawal ding diligan pa. Kapag stable na ang lagay ng mga bagong lipat na succulents ay saka lang sila puwedeng diligan at paarawan.Pagbalik ko sa dining table ay nakahain na doon ang malaking kaserola. Umuuusok pa ang sabaw.Bongga kasi malalaki ang hiwa ng baka. May mais, repolyo, pechay, patatas, at bone marrow na halos matunaw na sa sobrang lambot.Napangiti ako habang nakaupo sa harap ng lamesa.“Wow, Ivy, totoo bang ikaw ang nagluto nito?”Umirap siya sa akin. “Hindi
Dasha POVMaaga akong nagising nang araw na iyon.Alas sais pa lang ng umaga ay dilat na ang mga mata ko. Sinasanay ko na kasi ang katawan ko, plus gusto kong nagpapaaraw sa umaga dahil maganda raw iyon.Pagkagising ko, nag-almusal ako sa terrace habang nakatapat sa bagong sikat ng araw. Pagkatapos nun, gumayak at naglinis na ako ng condo dahil may bisita akong hinihintay.Pupunta raw kasi si Ivy ngayon dito.Kagabi pa lang ay nag-message na siya.“Diyan ako magpapahinga ng dalawang araw sa condo mo. Bawal kang tumanggi dahil walang makakapigil sa akin.”Napatawa na lang ako noong mabasa ko iyon.Hindi naman talaga ako tatanggi. Sa totoo lang, gusto ko ngang may kasama. Masyado nang tahimik ang condo nitong mga nakaraang linggo.Kaya matapos kong maghilamos at magbihis ng komportableng oversized shirt at shorts, nagsimula na akong magligpit ng kaunti. Inayos ko ang sala. Pinunasan ang center table. Nagpalit ng bedsheet sa guest room.Habang ginagawa ko iyon, paminsan-minsan ay napapah
Elco POVPagkaparada ko ng sasakyan sa garahe, ilang segundo muna akong nanatiling nakaupo sa driver’s seat. Patay na ang makina. Tahimik na lalo rito ang paligid.Pero ang isip ko, parang hindi pa rin humihinto.Ipinikit ko sandali ang mga mata ko bago dahan-dahang napabuntong-hininga.Simula nang malaman ko ang balitang buntis si Dasha, pakiramdam ko ay wala nang araw na naging payapa ang isip ko. Mas lalo pa ngayong gabi. Hindi ko inaasahang mabubunyag sa mga staff ko ang tungkol sa kaniya. Mabuti na lang at wala akong binanggit na pangalan.Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Pero marahil, pagod na rin ang isip ko. Pagod nang itago ang lahat.Humugot pa ulit ako ng isa pang mas malalim na hininga bago tuluyang bumaba ng sasakyan.Pagpasok ko sa bahay, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng nilulutong pagkain at bagong linis na sala. Tahimik ang bahay dahil wala si Papa Julio, nasa malayong lugar na naman naka-assign sa work.May narinig akong mahinang tumutugtog na inst
Ryuji POVNakatitig ako sa harap ng salamin. Namumula ang mata ko dahil sa tindi ng pag-iyak ko. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng masasakit na sinabi sa akin ni Dasha.Fuck you.Gago.Demonyo.Siraulo.At halos paulit-ulit niya akong minura. Sa lahat ng maganda at masayang ginawa ko sa kaniya, ga
Dasha POVAlas siyete ng umaga nang tuluyan akong lumabas ng villa. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Nung mapatingin ako sa paligid, napagtanto kong ilang oras na lang at magaganap na ang unang book signing ko.Naglalakad ako papunta sa event area. Hindi ko pa nakikita nang personal ang final
Dasha POVTinawagan ko agad si Madam Imelda about sa beach resort. Sinabi ko na sa kaniya na okay na ang beach resort. May event place na kami at final na sa La Union ito magaganap, kaya puwede na ring mag-announce ng mismong place. Hahayaan ko na lang muna na sila ang unang mag-announce bago ako m
Elco POVPagod na pagod ako nang araw na iyon.Katatapos lang ng shift ko sa Grand Dadonza Hotel at sa wakas ay nakapag-clock out na rin ako. Kahit pagod, magaan naman ang pakiramdam ko. Maayos ang naging trabaho ko buong araw, at ang iniisip ko na lang ay makauwi sa bahay para makapagpahinga at pa







