Mag-log inDasha POVPagkapasok ko sa condo, dahan-dahan kong isinara ang pinto at sumandal doon nang ilang segundo.Tahimik na ulit, wala ng tao, wala ng staff ng Goodnovel ink fam ang panay bati at sita sa stress ng mukha ko ngayon, lalo na si Madam Imelda na alam pala ang nangyayari sa akin.Huminga ako nang malalim bago marahang ipinatong ang isang kamay sa tiyan ko.“Hi, baby,” mahina kong bulong habang napapangiti. “Nandito na ulit tayo sa comport place natin. Nakauwi na tayo.”Napatingin ako sa kabuuan ng maliit pero maaliwalas kong condo. Dito ko na tanggap na palalakihin ang anak ko. Dito ko na rin palalakihin ang tiyan ko. Nang mag-isa, siyempre. Sino pa ba ang aasahan ko e, parang walang bayag naman pala si Elco.Ito na ang magiging tahanan namin ng matagal.Ako at ang anak ko. Hindi ko puwedeng hayaang lamunin ako ng lungkot. Buntis ako. Ayokong maramdaman ng baby ko ang stress at sakit na dinadala ko.Unti-unti ko nang natutunan iyon nitong mga nakaraang araw. Kasi masyado na palang
Dasha POVDahil natapos ko na ang manuscript at pasado ito, heto, narito ako ulit ako ngayon sa goodnovel ink company para pumirma ulit ng panibagong kontrata. Para naman sa pangalawang librong ipa-publish ng kumpanyang ito.Dapat masaya ako, dapat excited ako, pero habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ng kotse, hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.Mukha akong pagod. Hindi lang basta pagod. Haggard talaga. Namumutla ang balat ko, may bahagyang pangingitim sa ilalim ng mga mata, at parang nawalan ng sigla ang dating ningning ng mukha ko.Napalunok ako ng laway.“Ayos ka lang ba talaga, Dasha?” bulong ko sa sarili ko.Kailangan kong maging maayos. Kailangan kong itago ito. Wala pang ibang dapat makaalam. Lalo na dito.Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.Pagkapasok ko pa lang ay agad akong binati ng mga empleyadong nakakasalubong ko.“Good morning, Author Petalyn!”“Congratulations po sa success ng first book!”“Excited na kami
Dasha POVNananatili akong nakatayo sa harap ng malaking bintana ng condo unit na kakalipat ko lang ngayong linggo. Mula rito, tanaw ko ang nagkikislapang ilaw ng city. Hindi tulad sa probinsiya kung saan tahimik ang gabi at maririnig mo pa ang huni ng mga kuliglig, dito ay buhay na buhay ang lahat. May mga sasakyang dumaraan, mga taong naglalakad sa ibaba, at mga gusaling tila hindi natutulog. Ngayon na lang ulit ako nakarating dito sa city matapos ang ilang linggong pananahimik ko sa bahay namin sa probinsya.Huminga ako nang malalim at ipinatong ang isang kamay sa tiyan ko. Tatlong araw na.Tatlong araw na mula nang takasan ko sina Nanay at Tatay sa ospital. Hindi pa rin ako makapaniwalang umabot ako sa puntong ito. Kung may nagsabi sa akin noon na magtatago ako sa sarili kong pamilya habang nagdadalang-tao, malamang tatawanan ko lang sila. Pero ngayon, iyon mismo ang buhay na kinakaharap ko.Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman gustong magsinungaling kina Nanay at Tatay. Mahal
Dasha POVLumipas ang isang linggo na halos hindi ko namalayan. Pitong araw akong tahimik, tulala, parang walang gana sa lahat. Pitong araw na nakakulong lang ako sa loob ng bahay, nakatutok sa laptop, nakayuko sa lamesa, at paulit-ulit na hinahabol ang bawat eksenang kailangan kong isulat.Kung tutuusin, hindi naman ako pinilit ng kahit sino na gawin ito. Ako mismo ang pumili nito. Mas mabuti nang magkulong kaysa mag-isip. Mas mabuti nang magsulat kaysa maalala ang mga bagay na gusto kong kalimutan.Sa loob ng isang linggo, halos hindi ko na nasilayan ang labas ng bahay. Ang tanging nakikita ko ay ang puting dingding ng kuwarto ko, ang monitor ng laptop, at ang mga healthy food na palaging ginagawa sa akin nila Nanay Susie at Tatay Darwin.Kailangan kong matapos ang pangalawang librong ipapasa ko sa GoodNovel Ink Company.Kailangan ko ring libangin ang sarili ko para hindi mabaliw kakaisip sa mga naganap nitong mga nakaraang linggo. Dahil kapag nagsusulat ako, kahit paano, tumatahimi
Ryuji POVNakatitig ako sa harap ng salamin. Namumula ang mata ko dahil sa tindi ng pag-iyak ko. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng masasakit na sinabi sa akin ni Dasha.Fuck you.Gago.Demonyo.Siraulo.At halos paulit-ulit niya akong minura. Sa lahat ng maganda at masayang ginawa ko sa kaniya, ganoon na lang bigla.Naka-block na ako sa lahat. Wala na akong ibang pang-contact sa kaniya kaya araw-araw ko siyang kinulit, pero ‘yung kanina, wala na talaga. Talagang galit na galit na siya at sukang-suka sa akin.Hindi ko alam na ganoon ang magiging ending ng ginawa ko. Hindi ko alam na mawawalan ako ng Dasha.Talaga bang mas gusto pa niyang makipag-relasyon sa sarili niyang kadugo? Sa sariling pinsan?Grabe, hindi ako makapaniwala. Gusto ko lang siyang itama ng landas. Gusto ko lang siyang ma-distract, pero ganoon lang pala ang mangyayari.Nagpapogi pa naman ako, nagpaganda ng katawan at pinaghandaan ang pagharap sa lahat ng fans at readers pero isusuka lang pala ako sa huli.Ngayong aya
Dasha POVIsang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ‘yon, at hanggang ngayon, galit pa rin ako kay Ryuji. Hindi lang galit. Gigil na gigil. Inis na inis. Buwisit na buwisit. Lahat na yata ng klase ng pagkainis ay nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya.Nakaupo ako ngayon sa may veranda ng bahay namin dito sa probinsya habang nakatingin sa mga tanim kong halaman. Nalungkot ako lalo nung makita kong napabayaan na ang ilan sa mga alaga kong halaman. Maraming natuyot at may iilan na namatay. Mabuti na lang at nag-survive ko ang iba. Diniligan at nilagyan ko na ng fertilizer at mukhang mabubuhay pa naman.Tapos na ko sa mga dapat kong ayusin sa mga alaga kong halaman kaya nagpapahinga na ako ngayon.Pero paano ako magpapahinga kung kada limang minuto ay may bagong notification sa cellphone ko?“Dasha!”Napapikit ako. Narinig ko ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay.“Ano po?”“Lumabas na naman kayo sa TV!”Napahawak ako agad sa noo ko. Hindi na bago sa akin. Alam
Elco POVNandito na ako sa Villarama Street, Norzagaray, Bulacan. Nasa tapat na ako ng bahay nila Tita Susie. Ito ‘yung picture ng bahay na sinend ni Tita Susie kay Nanay Rosie para hindi ako maligaw.“Ito po ang bayad,” sabi ko sa tricycle driver na sinakyan ko. Pagkabayad ko, binitbit ko na ang m
Elco POVNasapak ko ang ka-work ko sa hotel na pinagtatrabahuhan ko dahil sa gigil ko. Bastos kasi ang bagong staff na si Mendez. Marami sa aming mga matagal na sa work ay sinasagot-sagot kami. At isa na ako roon. Sa dami ng mga naging staff ko, tanging siya lang ang sinagot ako, kaya hindi ako nak
Dasha POVNagulat si Ivy kasi bumalik ako sa flower shop. Pagkakita ko sa mukha ng pinsan kong si Elco, dali-dali akong lumabas sa pinto ng likod ng bahay namin. Doon ako dumaan para makabalik dito sa flower shop ni Ivy. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko itong tinakbo, basta nung makita ko ang m
Dasha POV“Bakit ba nagmamadali ka sa trabaho mo ngayon, Dasha?” tanong ni Ivy.Kaibigan ko siya at sa kaniya ako nagtatrabaho bilang flower shop assistant. Oo, siya rin ang may-ari nitong flower shop.“Sorry, Ivy, need ko talagang mag-half day ngayon. Kailangan ko pa kasing mag-update sa on-going







