Mag-log inTanging ingay ng kubyertos, mahihinang usapan ng customers, tunog ng wine glasses, at sunod-sunod na tawag ng head chef ang maririnig sa loob ng Verdanza Restaurant.
Elegant ang buong lugar—dim lights, mamahaling chandelier, soft piano music, at mga taong mukhang walang ibang problema kundi kung anong wine ang babagay sa steak nila. Busy ang lahat. May servers na nagmamadaling maghatid ng orders. May mga couples na nagtatawanan habang magkahawak ng kamay. May businessmen na abala sa pag-uusap tungkol sa pera at negosyo. At ako? Pakiramdam ko biglang huminto ang mundo ko. Nakatayo lang ako sa gitna ng dining area habang hawak ang tray ng mga inumin para sa table twelve. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga nang maayos. Para bang may humihigpit sa dibdib ko habang nakatitig sa eksenang nasa harap ko. Kasi nandoon siya. Si Adrian Cortez. Boyfriend ko. O… siguro ex na. Nakaharap siya sa isang babae. Maganda. Mestiza. Mahaba ang buhok at nakasuot ng mamahaling dress na siguradong hindi kayang bilhin ng isang waitress na tulad ko kahit isang buwang sahod pa ang ipunin. At ang pinakamasakit? Nakangiti siya. Iyong ngiting dati para lang sa’kin. Iyong ngiting ilang buwan kong hinintay makita ulit dahil palagi niyang dahilan ang pagiging busy niya sa trabaho. Pero ngayon… Ibinibigay niya iyon sa iba. Bigla akong napalunok habang mas lalong humigpit ang hawak ko sa tray. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo roon. Pakiramdam ko kasi, habang tumatawa silang dalawa, unti-unting nababasag ang natitira kong dignidad. “Mich.” Napakurap ako. Nasa tabi ko na pala ang manager namin na si Mrs. Velasquez. Nakakunot-noo siyang nakatingin sa’kin. “You okay?” Mabilis akong tumango kahit hindi naman totoo. “Yes, Ma’am.” “Table twelve.” Table twelve. Sila. Pakiramdam ko gusto kong matawa sa tadhana. Sa dami ng customers ngayong gabi, bakit sila pa? Huminga ako nang malalim bago inayos ang postura ko. Sanay akong ngumiti kahit pagod. Sanay akong magpanggap kahit gusto ko nang umiyak. Part iyon ng trabaho ko. Kaya naglakad ako papunta sa kanila na parang walang nangyayari. “Good evening,” bati ko habang pilit pinapatatag ang boses ko. “Here’s your wine, sir.” Pag-angat ni Adrian ng tingin, literal na nawala ang ngiti sa mukha niya. “Mich…” Parang biglang namutla ang mukha niya. Napangisi ako nang bahagya. Oh, so guilty ka pala. “Would you like to order now?” tanong ko na parang wala lang. Tahimik siya. Samantalang iyong babae, salitan kaming tiningnan. “Do you know her?” tanong nito habang nakakunot-noo. Hindi agad sumagot si Adrian. At sapat na iyon para mas lalo akong masaktan. Kasi kung mahal niya ako, dapat madali lang sagutin iyon. Pero hindi. Para bang nahihiya siyang aminin na naging parte ako ng buhay niya. “Adrian?” ulit ng babae. Humugot ako ng mabigat na hininga bago ako ngumiti. Iyong tipong ngiting pilit pero kalmado. “Girlfriend niya ako,” sabi ko. Saglit akong tumigil. “Ex na pala.” Tahimik. Ramdam ko agad ang pagbabago ng atmosphere sa mesa nila. Nanlaki ang mata ng babae habang si Adrian naman ay halatang hindi malaman ang sasabihin. “Mich, wait—” Pero tumalikod na ako. Hindi ako nag-eskandalo. Hindi ako sumigaw. Hindi ako nanampal. Kasi sa sandaling iyon, may mas masakit akong na-realize. Hindi ako ang pinili niya. At kahit anong gawin ko… hindi ako magiging sapat para sa maling tao. Pagkatapos ng shift ko, halos alas-onse na ng gabi nang makauwi ako sa maliit kong apartment. Tahimik agad akong sinalubong ng paligid. Mas tahimik kaysa dati.Mas malamig. Mas masakit. Agad kong ibinagsak ang bag ko sa sofa bago dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. Automatic kong kinuha ang cellphone ko. Wala pa ring message. Walang missed calls. Walang paliwanag. Napatawa ako nang mahina habang nakatitig sa screen. Ganun lang pala kadali. Tatlong taon. Tatlong taon ko siyang minahal. Tatlong taon akong naniwala sa mga pangako niya. Pero isang gabi lang pala sapat na para iparamdam sa’kin na wala akong halaga. Binuksan ko ang last conversation namin. Adrian: Busy ako this week, baby. Sorry. Busy. Napapikit ako habang nararamdaman ang paghapdi ng mata ko. Busy pala siya. Busy magmahal ng iba. Napayuko ako habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Isa. Dalawa. Hanggang sa tuluyan na akong mapahagulgol. Tahimik lang. Iyong tipong iyak na punong-puno ng pagod. “Anong mali sa’kin?” garalgal kong bulong. Hindi ba ako sapat? Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako worth it mahalin? Pakiramdam ko unti-unti akong nilalamon ng insecurities ko habang paulit-ulit kong inaalala iyong eksena kanina sa restaurant. Iyong paraan ng paghawak niya sa babae. Iyong ngiti niya. Iyong tingin niya. Mga bagay na dati… para lang sa’kin. Napailing ako habang pinupunasan ang luha ko. Hindi. Ayokong maawa sa sarili ko habambuhay. Huminga ako nang malalim bago tumayo. Diretso akong lumapit sa cabinet at kinuha ang maleta ko. Hindi ko alam kung impulsive decision ba ito o epekto lang ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi na ako pwedeng manatili rito. Isa-isa kong nilagay ang mga gamit ko sa maleta. Mga damit. Sapatos. Ilang pictures. Mga gamit na akala ko dati, dadalhin ko kapag nagsimula na kami ni Adrian ng buhay together. Nakakatawa. Kasi heto ako ngayon—mag-isa. “Uuwi ako,” mahina kong bulong. Uuwi ako sa bansang iniwan ko para sa pangarap namin. Pangarap na ako lang pala ang naniniwala. Tumingin ako sa salamin pagkatapos kong mag-empake. Ako pa rin naman. Pareho pa rin ang mukha ko. Pero mas pagod na. Mas wasak. At mas mulat na sa katotohanan. Unti-unti akong napangiti habang nakatitig sa sarili ko. “Ang dali lang pala,” bulong ko. Ang dali akong palitan. Ang dali akong kalimutan. Pero this time… Hindi na ako hahabol. Kinuha ko ang cellphone ko at agad nag-book ng flight pauwi. One way. No plans. No expectations. Gusto ko lang umalis. Humiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Masakit pa rin. Sobra. Pero kahit paano… gumagalaw na ako. Hindi tulad dati na palagi akong naghihintay. Naghihintay sa oras niya. Sa atensyon niya. Sa pagmamahal na hindi naman niya kayang ibigay. Napapikit ako habang dahan-dahang humihinga. “Hindi pa tapos,” bulong ko sa sarili ko. At alam ko iyon. Kasi pakiramdam ko… ito pa lang ang simula ng mas malaking gulo sa buhay ko. Pero sa unang pagkakataon pagkatapos ng matagal na panahon- pipiliin ko naman ang sarili ko.The ink on the secret agreement was barely dry, but Zane was already moving like a man possessed. Returning to his private office at his independent firm, he pulled an all-night operation. Phone calls to international market makers, massive capital transfers from his offshore accounts, and strategic block trades were executed under his direct command. By 4:00 AM, the bleeding in the Villanueva Group’s aftermarket trading had finally stopped. Zane was pouring his own hard-earned wealth into the very empire that had tried to crush him, all to buy a freedom that should have been his from the start.But while Zane was silently executing his high-stakes rescue mission, the emotional toll on the other side of the city was reaching its breaking point.Back at the penthouse, Mich hadn't slept a wink. The silence of the massive apartment felt louder than the corporate warfare outside. She sat on the edge of the bed, her laptop open to the news feeds. Even though the immediate attacks
By 9:00 PM, the structural damage to the Villanueva Group had crossed the point of no return. Zane’s ruthless counter-strategy, paired with the public exposure of his father’s manufactured lies, had sent the corporate board into a state of absolute terror. Investors were pulling out in droves, and the critical multi-billion-peso merger with the Delos Reyes group was officially dead. The proud, untouchable empire that Mr. Villanueva had spent a lifetime guarding was visibly fracturing from the top down.Inside a dimly lit private boardroom at the Villanueva Executive Annex, the father of Zane sat alone. The room, which usually buzzed with powerful executives, was dead silent. The stock tickers on the wall were a bloodbath of red percentages. For the first time in his life, Mr. Villanueva looked his age—defeated, cornered, and left with no cards to play.The heavy mahogany doors swung open, and Zane walked in. He didn't look like a son visiting his father; he looked like a con
The morning hustle inside Serafina Studios was louder than usual, but the atmosphere felt incredibly suffocating. Even though Zane’s team was actively moving in the background to intercept the logistics freeze, Mich could feel the invisible eyes of the high society judging her every move. She stood by the large glass window of her office, watching the city below, her mind drifting to a dark, quiet place.With every day that passed, the realization was hitting her harder than before. She couldn't shake off the crushing weight of the social divide between them. To the elite world, to his family, she was just an event stylist who got lucky—a distraction. Meanwhile, Zane was a Villanueva, born to lead an empire and legally bound by tradition to marry someone like Veronica Delos Reyes.Mich clutched her cold hands together, feeling an intense, quiet ache in her chest. Habang tumatagal, mas lalo niyang nare-realize kung gaano kalaki ang pagitan ng mundong ginagalawan nila. The she
The morning sun filtered through the floor-to-ceiling windows of the penthouse, but the warmth did not reach Mich. By 8:00 AM, the brief peace they had fought for the night before vanished. Mich sat at the dining table, surrounded by three different phones, all of them ringing intermittently."Anong ibig mong sabihin na hindi darating ang mga raw materials?" Mich’s voice trembled with a mixture of disbelief and growing panic as she spoke into her main office line. "Naka-kontrata tayo sa Vanguard Logistics para sa delivery ng international film equipment at hard drives ngayon. We have a hard deadline for the Southeast Asian cultural film showcase next week!""Pasensya na talaga, Ms. Mich," the logistics manager on the other end stuttered, sounding terrified. "Biglang nag-pull out ang Vanguard. Sabi nila, nagkaroon daw ng biglaang system-wide audit sa mga warehouse nila at hindi pwedeng ilabas ang kahit anong kargamento para sa Serafina Studios. At hindi lang sila, pati ang ba
The response from Zane’s legal team dropped like another bombshell onto the already chaotic news cycle. When the court-stamped, certified medical clearances from the independent medical group were published online, the Villanueva Group’s narrative shattered instantly. The public, now fully invested in this corporate thriller, saw the family’s press release for exactly what it was—a desperate, malicious attempt to silence a dissenting heir.By 6:00 PM, major news anchors were openly questioning the integrity of the Villanueva Group's board. The company's stocks, which had been fluctuating, took another massive dive, plunging by nearly twenty-two percent in a single day.Inside a private, heavily guarded VIP lounge at a luxury hotel downtown, Mr. Villanueva sat in a leather armchair, staring at the televised reports. The room was dead silent except for the frantic murmurs of his PR advisors whispering in the corner. His face was no longer just flushed; it was pale with the rea
The air inside the penthouse grew frigidly cold. Mr. Villanueva's move was low, desperate, and incredibly dangerous. By attacking Zane's mental stability, his father wasn't just trying to save the family stock; he was trying to legally weaponize the medical system to strip Zane of his autonomy and force him into submission.Mich's hands shook as she looked at the official press release. "Zane, kapag naglabas sila ng legal order para sa evaluation, pwedeng pumunta rito ang mga awtoridad. Gagamitin nila ang kapangyarihan nila para magkalayo tayo."Zane didn't flinch. He slowly set the tablet down on the coffee table, his movements deliberate and entirely devoid of fear. "Hindi nila magagawa 'yan, Mich. My father thinks he’s the only one who knows how to manipulate the system, but he forgets that I’ve been running his operations for the last seven years. I know every judge, every high-ranking official, and every loophole he has ever used."He turned to face her, his hands s
Zane’s POV “Mr. Villanueva, your signature, please.” Hindi ko na halos narinig ang sinasabi ng assistant ko habang walang emosyon kong pinipirmahan ang mga documents sa harap ko. Tatlong oras. Tatlong oras na meeting pero pakiramdam ko wala namang pumapasok sa utak ko. Numbers. Contract
Zane’s POV “Sir, the board meeting starts in ten minutes.” Hindi ko agad pinansin ang secretary ko habang nakatitig lang sa glass wall ng office ko. Mula sa forty-second floor ng Villanueva Group building, kitang-kita ang buong city skyline. Powerful. Busy. Cold. Just like the world I grew u
Mich’s POV“Miss Reyes?”Napakurap ako nang marinig ang apelyidong matagal ko nang hindi ginagamit sa harap ng ibang tao.Mabilis akong napalingon at nakita si Selena na nakangiti habang hawak ang isang wine glass.“Sorry,” natatawa nitong sabi. “Nakita ko kasi iyong full name mo sa registration ea
Mich’s POVPagkapasok ko sa condo, saka ko lang tuluyang naramdaman ang pagod.Tahimik ang buong unit habang marahan kong isinara ang pinto sa likod ko. Wala akong ibang marinig kundi ang mahinang tunog ng air conditioner at ang mabilis kong tibok ng puso.Pakiramdam ko para pa rin akong lutang.Pa

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





