INICIAR SESIÓNAfter catching her boyfriend cheating on her inside the restaurant where she worked abroad, Mich Serafina Reyes decided to return home and leave everything behind—including the version of herself that kept begging for love. Broken and emotionally exhausted, she spent one reckless night inside Bachelor’s Hub Bar, where she met a dangerous stranger named Zane. What was supposed to be a temporary escape turned into a night she could never forget. Unknown to Mich, Zane Alejandro Villanueva was not an ordinary man. He was the heir of the powerful Villanueva family and a businessman trapped in an engagement with socialite Veronica Delos Reyes. Their worlds were never supposed to cross again, but fate had other plans. When Mich unexpectedly attended Zane’s second engagement celebration through her friend Kyra Santos, the two met again—this time without secrets to hide behind. As their connection deepened, so did the complications surrounding them. Zane’s family disapproved of Mich, Veronica refused to let him go, and Adrian Cruz suddenly wanted Mich back after realizing her worth too late. While Mich slowly convinced herself that she would never belong in Zane’s world, a hidden agreement between Zane and his family quietly changed everything. In a world filled with heartbreak, forbidden desire, family pressure, and midnight promises, two strangers discovered that sometimes the person who ruins your plans becomes the one who finally makes you feel chosen.
Ver másMaingay ang buong bar. Halo-halong tunog ng malalakas na bass, tawanan ng mga taong lasing, lagabog ng baso, at mga katawang sabay-sabay na gumagalaw sa ilalim ng makukulay na ilaw.
Pero sa gitna ng magulong lugar na iyon, pakiramdam ni Mich ay siya lang mag-isa. Nakatulala siya sa hawak niyang baso habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Adrian. Iyong paraan ng paghawak nito sa ibang babae. Iyong ngiti nito. Iyong tingin nitong minsan niyang inakalang para lang sa kaniya. Napapikit siya habang mabilis na inubos ang laman ng baso niya. Ramdam niya agad ang init na dumaloy sa lalamunan niya pababa sa sikmura. “Another one,” mahinang sambit niya sa bartender. Hindi na siya sanay uminom. Pero ngayong gabi? Pakiramdam niya kailangan niyang lunurin ang sakit. Kahit pansamantala lang. “Mukhang wasak si ate girl ah,” natatawang sambit ng bartender habang nagsasalin muli ng alak. Tipid lang siyang ngumiti. If only he knew. Huminga siya nang malalim bago muling uminom. Unti-unti nang umiikot ang paligid pero wala na siyang pakialam. Mas gusto niya na iyong hilo kaysa maramdaman ulit iyong sakit sa dibdib niya. Hindi niya namalayang may naupo na pala sa tabi niya. Matangkad. Naka-black polo. Bahagyang nakabukas ang dalawang butones sa taas kaya litaw ang maputing balat at matigas nitong dibdib. May mamahaling relo sa kaliwang kamay at mukhang bagong sindi ang sigarilyong hawak nito. Pero hindi iyon ang unang napansin ni Mich. Kundi iyong presensya nito. Mabigat, Dangerous. Parang klase ng lalaking dapat iniiwasan. “Drinking alone?” malamig ngunit malalim nitong tanong. Napalingon si Mich. At doon niya unang nakita nang maayos ang mukha nito. Sharp jawline, matangos na ilong, makakapal na kilay, at mga matang tila laging walang emosyon pero kayang manghubad ng tao sa isang tingin lang. Napakurap siya, gwapo. Nakakainis na gwapo. “Problem?” tanong ulit ng lalaki nang mapansing nakatitig siya. Mabilis siyang umiwas ng tingin bago uminom ulit. “Wala.” Natawa nang mahina ang lalaki bago sumimsim sa sariling baso. Tahimik silang dalawa sandali. Pero hindi awkward. Parang pareho lang silang pagod sa mundo. “Heartbroken?” diretsong tanong nito. Napangisi si Mich nang mapait. “Halata ba?” “Yes.” Simple lang ang sagot pero somehow, mas lalo siyang natamaan. Hindi niya alam kung epekto lang ba ng alak o sobrang pagod niya emotionally, pero bigla niyang gustong magsalita. Gustong ilabas lahat. “He cheated,” mahina niyang sabi habang nakatitig sa dance floor. “Saw him with another woman earlier.” Tahimik lang ang lalaki. Nakikinig. “At stupid enough, mahal ko pa rin yata.” Napatawa siya nang mahina pero halatang pilit iyon. Narinig niya ang marahang buntong-hininga ng lalaki. “Men are trash,” sambit niya. “Not all.” “Really?” Ngayon ay direkta na siyang tumingin dito. Napangisi nang bahagya ang lalaki. Iyong klase ng ngiting hindi friendly—masyadong confident. “Some are worse.” Hindi niya alam kung bakit pero natawa siya roon. Totoong tawa. Unang beses simula nang makita niya si Adrian kanina. At mukhang napansin din iyon ng lalaki dahil bahagyang lumambot ang ekspresyon nito. “See?” anito. “You look better laughing.” Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis tibok ng puso niya. Siguro dahil matagal na walang nagsabi sa kaniya niyon. “Oo nga pala,” sambit ng lalaki habang inaabot ang panibagong sigarilyo. “What’s your name?” “Mich.” “And your full name?” Nagdalawang-isip siya saglit bago sumagot. “Mich Fernandez.” Tumango ito nang mabagal. “Zane.” “Zane what?” Napangisi ulit ito bago sumandal sa couch. “Just Zane.” Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya, hindi iyon ang klase ng lalaking nagbibigay agad ng impormasyon tungkol sa sarili niya. Parang punong-puno ng sikreto. At dapat siguro, doon pa lang umalis na siya. Pero hindi niya ginawa. Sa halip, mas lalo siyang lumapit sa panganib. Hindi na maalala ni Mich kung paano sila napunta sa elevator ng private lounge. Ang malinaw lang sa kaniya ay iyong paraan ng paghila ni Zane sa kaniya palapit sa dibdib nito habang nagsasara ang elevator doors. Mainit agad ang naging tingin nito sa kaniya. Nakakakaba at nakakalunod. Parang sa isang tingin lang, kaya nitong basahin lahat ng kahinaan niya. “Still wanna stop?” mababa nitong tanong habang nakatitig sa labi niya. Dapat tumanggi siya. Dapat umatras siya. Pero sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon… may lalaking nakatingin sa kaniya na parang siya lang ang babae sa mundo. Kaya marahan siyang umiling. At parang iyon lang ang hinihintay ni Zane. Mabilis nitong hinawakan ang bewang niya bago siya hinila palapit. Napasinghap si Mich nang magdikit ang katawan nila. Ramdam niya agad ang init ng palad nito sa manipis niyang dress. “Zane…” Mababa itong natawa bago dahan-dahang yumuko para halikan siya. Hindi marahas. Pero hindi rin mabagal. Iyong tipong halik na parang matagal nang pinipigilan. Napapikit si Mich habang unti-unting gumagapang ang init sa buong katawan niya. Kusang napahawak siya sa polo nito habang mas lalo siyang hinahalikan ng lalaki. The elevator suddenly stopped. Pero wala ni isa sa kanilang gumalaw. Tanging malalalim nilang paghinga lang ang maririnig sa maliit na espasyo. Dahan-dahang bumaba ang labi ni Zane sa leeg niya dahilan para mapasinghap siya. “Tell me to stop,” bulong nito. Pero sa halip na sumagot, mas lalo lang siyang napalapit dito. At doon tuluyang nawala ang natitira niyang control. Pagpasok nila sa private suite, agad isinara ni Zane ang pinto habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Pakiramdam ni Mich parang bigla siyang kinabahan. Hindi dahil natatakot siya. Kundi dahil alam niyang kapag itinuloy nila ito… wala nang bawian. Lumapit si Zane sa kaniya nang dahan-dahan bago marahang inayos ang buhok niyang magulo. “Last chance,” mahina nitong sabi. Pero sa halip na umatras, siya mismo ang humawak sa collar nito at hinila ito para halikan. Mas mariin, mas desperado, At doon tuluyang nawala ang pagitan nilang dalawa. Marahan siyang isinandal ni Zane sa gilid ng kama habang patuloy siyang hinahalikan. Punong-puno ng init ang bawat hawak nito sa kaniya, pero nakakagulat na maingat pa rin. Parang alam nitong wasak siya. At kahit saglit lang, gusto siyang buuin ulit. Napasinghap si Mich nang maramdaman ang labi nito sa balikat niya. “Zane…” “Hmm?” “Bakit parang sanay na sanay ka rito?” Mababa itong natawa. “You don’t wanna know.” At somehow… tama siya. Dahil sa gabing iyon, wala nang gustong isipin pa si Mich. Hindi si Adrian. Hindi ang sakit. Hindi ang kahihiyan. Ang gusto lang niya ay makalimot. Kahit isang gabi lang. At sa mga bisig ng lalaking halos hindi niya kilala—doon niya unang naramdaman kung paano mawala sa realidad. Maliwanag na ang paligid nang dahan-dahang magmulat ng mata si Mich. Masakit ang ulo niya. Mabigat ang katawan niya. Napakurap siya habang sinusubukang alalahanin ang nangyari kagabi. Then suddenly— nanlaki ang mata niya. The bar, the drinks, and Zane. Mabilis siyang napabangon pero agad napahawak sa kumot nang maramdamang wala siyang suot. Napalingon siya sa kabilang side ng kama. Wala na. Tanging gusot na bedsheets at amoy ng mamahaling pabango na lang ang naiwan. Iniwan siya. Napakagat siya sa labi habang mabilis na bumangon para hanapin ang mga damit niya sa sahig. Ano bang ginawa mo, Mich? Napapikit siya nang mariin habang mabilis na nagbibihis. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakahiya—iyong nakipag-one night stand siya sa lalaking hindi niya kilala, o iyong parte ng sarili niyang ayaw kalimutan ang paraan ng paghawak nito sa kaniya kagabi. Mabilis niyang kinuha ang bag niya bago lumabas ng kwarto. Wala na si Zane. Parang hindi ito nag-exist. At dapat siguro, doon na nagtapos lahat. Pero hindi. Dahil hindi alam ni Mich na ang lalaking iniwan siya pagkatapos ng isang magulong gabi—ay si Zane Alejandro Villanueva. Ang lalaking nakatakdang ikasal sa iba. At ang lalaking muling gugulo sa buong buhay niya.The moment the ring slid perfectly onto Mich’s finger, Kyra and Damon rushed out from the shadows of the palm trees, popping a bottle of champagne that sprayed into the twilight air amidst ecstatic cheers and laughter. Kyra threw her arms around Mich, sobbing with pure joy, while Damon clapped Zane firmly on the back, both of them sharing a look of profound relief and victory. They had witnessed every ounce of pain, every wrong timing, and every sacrifice their best friends had endured. To see them here, under the open sky, was the ultimate reward. They spent the rest of the night huddled around a small beach bonfire, barefoot in the sand, sharing stories and drinking wine as the music faded into the gentle rush of the tide. For the first time in their lives, there was no looming corporate threat, no media scandal to fix, and no fear of what tomorrow would bring. Later that night, after Kyra and Damon had headed back to the main resort, the beach fell into a serene, blissf
The acoustic melody floated softly on the warm sea breeze, blending perfectly with the gentle rush of the tide. Mich’s heart hammered against her ribs as Zane finally stopped them right beneath the towering arch of orchids and pampas grass. The golden hour light painted everything in shades of rose and deep amber, reflecting beautifully off the tears that were now openly spilling down her cheeks.Zane turned to face her completely, taking both of her hands in his. His large, calloused palms were slightly damp—a rare sign of nervousness from a man who had faced down ruthless corporate boards without a single flinch. He looked down at her, his dark eyes brimming with a vulnerability that he had never shown to anyone else in the world."Mich," Zane began, his deep voice thick with an emotion that vibrated straight through her soul. "We spent years running from each other. Years hiding behind fake names, dealing with the worst possible timing, and pretending that we could surviv
The soft, rhythmic sound of the waves crashing against the shore echoed through the open windows of the private beach villa. Mich stood in front of the mirror, adjusting the straps of a simple, flowing white sundress she had found neatly hanging in the closet—a thoughtful detail she knew had Zane’s signature all over it. The heavy, structure-filled gowns of the high-society gala were gone, replaced by a pure, barefoot freedom that felt incredibly liberating.Zane walked into the room, his casual white linen shirt half-unbuttoned, matching her relaxed attire perfectly. He didn't say a word at first; he just stood at the doorway, his dark eyes sweeping over her with a raw intensity that made her chest tighten with affection. He walked up behind her, his large hands resting on the curves of her waist."The sun is about to set," Zane murmured, his deep voice carrying a quiet warmth that always grounded her. "Let’s take a walk down the beach."Mich turned in his arms, smiling
The bright morning sun filtered through the floor-to-ceiling glass windows of the penthouse, casting a warm, golden glow across the master bedroom. Mich woke up with a light heart, the lingering peace of the previous night’s grand declaration still wrapping around her like a security blanket. When she walked into the kitchen, she found Zane already dressed in casual linen clothes, looking effortlessly handsome as he poured fresh orange juice into two glasses."Pack a light bag, Mich," Zane said, a rare, teasing smirk playing on his lips as he handed her a glass. "We’re leaving the city for a few days."Mich blinked in surprise, taking a sip. "Leaving? Akala ko ba may mga pirmahan ka pa ng mga dokumento kasama si Atty. Santos ngayon?""Everything is handled," Zane replied smoothly, stepping closer to wrap his arms around her waist, pulling her into his solid warmth. "I told you, we are operating on our own terms now. The city can wait. We’re going on a road trip."Mic
Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya, hindi iyon ang klase ng lalaking nagbibigay agad ng impormasyon tungkol sa sarili niya. Parang punong-puno ng sikreto. At dapat siguro, doon pa lang umalis na siya. Pero hindi niya ginawa. Sa halip, mas lalo siyang lumapit sa panganib. Mas lalo pang
Zane’s POV The bass of the music echoed across the dark walls of Bachelor’s Hub Bar habang nakaupo ako sa pinakadulong bahagi ng VIP section, hawak ang isang baso ng whiskey na ilang beses ko nang pinaikot pero hindi pa rin inuubos. Sa ibaba, nagkakagulo ang mga tao sa dance floor. Bodies pressed
Tanging ingay ng kubyertos, mahihinang usapan ng customers, tunog ng wine glasses, at sunod-sunod na tawag ng head chef ang maririnig sa loob ng Verdanza Restaurant. Elegant ang buong lugar—dim lights, mamahaling chandelier, soft piano music, at mga taong mukhang walang ibang problema kundi kung an
Maingay ang buong bar. Halo-halong tunog ng malalakas na bass, tawanan ng mga taong lasing, lagabog ng baso, at mga katawang sabay-sabay na gumagalaw sa ilalim ng makukulay na ilaw. Pero sa gitna ng magulong lugar na iyon, pakiramdam ni Mich ay siya lang mag-isa. Nakatulala siya sa hawak niyang bas












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas