FAZER LOGIN"Tinurukan ko muna siya ng pampatulog at kailangan niya ito." Paliwanag ng doctor matapos masuri si Camela. "Kapag nagising siya, alam kong mahirap dahil sa nangyari sa isa ninyo sa mahal sa buhay, pero subukan po ninyo na huwag ng malungkot sa harapan niya." Payo ng doctor sa mga naroon.Sumang ayon ang lahat maging si Darwin. Tama nang isang mahal sa buhay nila ang nawala. May inosinteng bata rin ang madadamay kapag hindi sila nakinig sa doctor. Inilipat na si Camela sa private room at ang asawa niya ay hinayaan na niyang kunin upang linisan at bihisan."Malagpasin din natin ang lahat ng ito!" Mahigpit na hinawakan ni Luna ang kamay ni Darwin.Pilit na ngumiti su Darwin at muling nag init anv sulok ng nga mata. "We will po, mom. Please take care of yourself at pasensya na kung nagpapakita ako ng kahinaan ngayon." Yumuko siya upang mayakap ang ginang.Malungkot na ngiti ang humulma sa labi ni Luna at tinapik tapik sa balikat ang manugang. Alam niyang sobrang mahal nito ang anak niya
Napayuko ng ulo si Luna at tahimik na umiiyak. Pilit niyang kinu control ang emotions at hindi siya maaring bumigay. Ayaw niyang dagdagan ang alalahanin ng mga apo. Kailangan niyang pakatatag sa mga oras na ito para sa naiwan ng anak niya. Ang sakit at nauna pang nawala sa mundo ang nag iisa niyang anak. Wala ng sasakit pa ang mawalan ng anak. Pero alam niyang masaya ang anak sa paglisan sa mundong ito. Kung wala ang mga apo ay baka mas gustohin na lang din niyang sumunod na sa anak.Mabilis na tumayo si Edlyn at ang abuela naman ang nilapitan. Kailangan niyang pakatatag katulad sa bilin ng ina. "Lola, no more pain for mommy!"Hilam ng luha ang mukha ni Luna nang umangat iyon saka pilit na ngumiti. Tama, hindi na makaramdam pa ng sakit ang anak niya. Alam niyang lagi itong hirap sa puso nito pero hindi dumadaing sa kanila.Ikinalulungkot ko pong muli ang pagkawala ng isa sa mahal ninyo sa buhay." Ani ng doctor na nakatayo lang at naging alerto sa kalusugan ng naiwan ng pasyente kaya s
"Kumusta po ang kapatid ko, doc?""Kumusta po ang pasyente?"Magkapanabay na tanong nila Rashed at Edlyn sa doctor.Nagpalipat lipat ang tingin ng doctor sa dalawang kaharap na nag tanong bago sumagot. "Dahil sa stress at kulang sa pahinga ang dahilan ng pagkawala ng kaniyang malay. Kung maari ay iiwas ninyo siya sa problema at huwag malungkot dahil nakakaapikto sa pagbubuntis niya.""Buntis?" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Edlyn sa manggagamot.May hinala na si Rashed tungkol sa kalagayan ng dalaga pero na overwhelmed pa rin siya nang marinig ito mula sa doctor. "Sorry, ang akala ko ay alam niyo na dahil she's more than two months pregnant." Naging apologetic ang doctor at hindi niya na congratulate ang relatives bago sinabi ang magandang balita."Its ok, doc, thank you so much!' Nakangiting pasalamat ni Rashed sa manggagamot. Ang saya niya at tama nga talaga ang research niya about her condition. Pero ilang sandali pa ay nagulat siya nang may kamay na tumama sa batok niya.
"I-ikaw ang hinahanap ni Mommy." Nakagat ni Edlyn ang labi matapos sabihin ang habilin ng ina sa doctor kanina.Hindi na nagawang sagutin ni Camela ang kapatid at bumukas ang pinto. Mabilis siyang pinakawalan ni Darwin at sabay silang lumapit sa doctor."Ikinalulungkot namin ngunit sobrang mahina na ang pasyente. Gusto niyang makausap ang anak niyang panganay." Malungkot na ani ng doctor."A-ako po iyon." Itinaas ni Camela ang nanginginig niyang kanang kamay. Nang tumalikod ang doctor ay agad siyang sumunod. Naiwan ang iba pang pamilya sa labas dahil bawal pumasok.Halos hindi maihakbang ni Camela ang mga paa nang masilayan ang naghihingalong ina. Ang lalim ng bawat paghinga nito at nang makita siya ay ngumiti ito. "Lumapit ka, hija at may gusto siyang sabihin." Saka lang parang nagkaroon ng lakas ang mga paa ni Camela nang marinig ang sinabi ng doctor.Nanghihinang inangat ni Tanya ang kamay at hinaplos ang luhaang pisngi ni Camela. Hindi niya magawang makapagsalita dahil sa oxyg
Umiiyak na nilapitan ni Camela ang amain at niyakap ito. Naghihirap ang kalooban niya dahil sa nangyayari sa ina at hindi maiwasang sisihin ang sarili. "Sorry po, hindi ko rin gusto itong nangyayari kay Mommy."Mabilis na pinunasan ni Darwin ang luha sa mga mata at tinapik sa balikat si Camela. Bago pa isinagawa itong transplant bone marrow ay inihanda na niya ang sarili at tinanggap ang desisyon ng asawa. Naunawaan niya ang asawa bilang isang ina at lola ng isang bata. Hindi naiya naisip na sisihin ngayon si Camela dahil naliwanagan na rin siya."Alagaan mong mabuti ang pamilya mo at huwag maulit ang nangyari sa buhay mo. Alalahanin mong buhay ng iyong ina ang itinaya rito upang humaba pa ang buhay ng anak mo." Tanging payo niya kay Camela.Lalong napaiyak si Camela dahil sa mga sinabi ni Darwin. Hilam sa luha ang mga mata na tumango siya rito at pilit na ngumiti. "Huwag mong hayaang magkaroon ng ikalawang pamilya ang mga anak mo." Dugtong pa ni Darwin, hindi masama ang magkaroon ng
"Mom, nandito lang kami at naghihintay sa paglabas ninyo sa operating room!" Kausap ni Camela sa ina habang hawak ng mahigpit sa kamay na walang dextrose.Ngumiti si Tanya sa anak at gumanti ng pisil sa kamay nito. "I'll be ok, huwag kayong mag alala nang husto sa akin."Nakagat ni Camela ang ibabang labi at napilitang bitiwan na ang kamay ng ina at mag give way para sa iba pang nais kausapin ang ina niya bago dalhin sa loob ng operating room.Hinalikan ni Edlyn ang ina sa noo saka ngumiti dito. "I love you, mom!""I love you too, anak, kayo ng ate mo!"Pilit na ngumiti si Edlyn at ayaw niyang ipakita sa ina na nag aalala din siya na baka hindi nito kayanin habang nasa loob ng operating."Hon, I'm here!" Ngumiti si Tanya nang marinig ang tinig ng asawa na nasa likod ni Edlyn. Tumabi ang anak niya at ang ama naman nito ang humawak sa kamay niya. Nang lumapat ang magaan na halik nito sa labi niya ay pumikit siya at ninamnam iyon. Gusto niyang bauinin ang masasayang alaala ng buong pami
Hindi pinansin ni Camela ang mga mapanuri at disgustong tingin sa kaniya ng karamihang naroon. Nakangiting lumapit siya sa abuela at bumati. "Kumusta po kayo, lola?"Naluluhang pinagmasdan ni Luna ang apo. Ang laki nga ng pinagbago ng kulay ng balat nito at katawan. Kung noon ay nag-aalingasaw ang
"F*ck you! Hindi ko kailangan ang kayamanan ninyo!" Napaiyak siya dahil sa galit na nadarama at hindi dahil sa sama ng loob. Hindi niga alintana ang sakit ng paa nang tumana iyon sa pader at nanaig ang galit na nadarama dahil sa dating asawa.Ilang segundo pa ang pinalipas ni Camela bago marahas na
"No, hindi siya maaring umalis sa pamamahay na ito!""Rashed?" Sabay at hindi makapaniwalang sambit nila Edlyn at Clarisa."Gusto ko siyang makitang nagdudurusa habambuhay kapalit ng buhay ni Lola!" mabalasik na turan ni Rashed.Parang lantang gulay na napatayo si Camela nang haklitin ni Rashed ang
Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin







