Mag-log inPAGKARATING ni Camela sa Manila ay dumiritso na siya sa isang maliit na hotel. Ang yaman ng amo niya pero kuripot. Mahal pa para rito ang nakuha nitong hotel kung saan siya pansamantalang tutuloy habang naghahanap ng maayos na apartment. Ang dami niyang kailangang gawin at halos wala na siyang pahinga.
"Camela, ikaw ba iyan?" Napalingon siya at kinilala ang babaeng tumawag sa kaniyang pangalan. Naroon siya ngayon sa supermarket at namili ng makain. "Ikaw nga, Camela! Ano ang nangyari sa iyo at ngayon ka lang nagpakita? Saan ka galing?" Napailing si Camela dahil sa sunod-sunod na tanong ng babaeng kaharap. Natandaan niya ito, ang isa sa katulong sa bahay ng abuela. Kung minamalas nga naman, sa daming taong makita ay ang related sa pamilyang iniiwasan pa. "Hija, alam mo bang matagal ka nang pinahahanap ng lola mo?" Naghalo ang saya at lungkot na nadarama ng ginang habang pinagmamasdan ang dalaga. Napataas ang kilay ni Camela sa narinig. Siya pinahahanap ng matandang ayaw sa kaniya? "Imposible!" naibulalas niya ang laman ng isipan. "Hija, mula nang malaman ng lola mo na umalis ka na sa bahay ng asawa mo ay—" "Pasensya na, manang, busy po ako." Putol niya sa pagsasalita ng matanda at ayaw niyang pakinggan ang iba pa nitong nais sabihin tungkol sa kaniyanh abuela. Napabuntong hininga si Lourdes at malungkot na pinagmasdan ang dalaga. Hindi sila nito close at sandali lamang nagkasama sa iisang bubong pero naawa siya rito. Alam niyang maldita ito at hindi marunong makisama dahil lumaki sa ibang bansa at malayo sa kaanak. "Hija, nasa hospital pa rin ang lola mo." Napabuntong hininga muli si Camela at hinarap ang ginang. "Tahimik na po ang buhay ko at ayaw ko nang gulo." 'Ayaw ko lang magsisisi ka sa bandang huli at manghinayang kapag nawala na ang lola mo." Malungkot na ani ng ginang. Huminga ng malalim si Camela at malungkot na nakipagtitigan sa ginang. "Salamat po, pero ayaw ko nang mapagbentangan. Masaya na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Huwag niyo po sanang ipaalam kahit kanino na nakita niyo ako." Pakiusap niya rito. Malungkot na pinagmasdan ni Lourdes ang dalaga. Mukhang malabong makumbinsi niya ito kaya nagpasya na lamang siyang kunin ang contact number nito. "puwede bang makuha ang numero mo? Just in case na may bagong balita tungkol sa iyong abuela ay—" Agad na inilabas ni Camela ang cellphone upang hindi na humaba ang pag-uusap nila ng ginang. Nagmamadali rin kasi siya at marami siyang dapat ayusin. Tinipa niya sa keyboard ang bawat numerong sinasabi ng ginang at call niya ito. Napangiti si Lourdes nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niyang na-save ang numero ni Camela at hinayaan na itong makaalis sa kaniyang harapan. Nang makalayo kay Lourdes, biglang na-realize ni Camela na mali ang kaniyang ginawa. Nilingon niya ang ginang at balak na balikan upang ipa delete ang kaniyang numero. Ngunit wala na ito sa kinatayuan at hindi makita kung nasaan na. Masayang umuwi si Lourdes at nagluto ng pagkaing dadalhin sa hospital. Araw-araw ay pumupunta siya sa hospital upang dalhan ng pagkain si Donya Luna. Ayaw kasi nito ng pagkain na galing sa labas, lalo na ang rasyon ng hospital. 'Manang, kapag hinanap ako ni Mommy ay pakisabing may importante akong lakad." Bilin ni Tanya kay Lourdes. "Opo, ma'am, makakarating." Bahagyang yumuko pa si Lourdes bilang pagbigay galang sa anak ni Donya Luna. "Kasama ko po si Edlyn." Muling tumango si Lourdes, "sige po, ma'am, ipaghain ko na po ba kayo ng makakain ninyo?" "Huwag na po, manang, sa labas na kami kakain ng anak ko." Nakaramdam ng lungkot si Lourdes nang mabangit ng amo ang anak nito. Mukhang nakalimutan na nitong may isa pa itong anak. Nagkibit balikat na lamang siya at inasikaso na ang dapat dadalhin sa pag-alis. Pagdating sa hospital ay agad na sinabi ni Lourdes ang magandang balita sa donya. "Sigurado ka ba na si Camela ang nakita mo?" nagkaroon ng sigla ang tinig ng matanda. "Opo, senyora! Ang laki ng pinagbago niya at mukhang hindi na rin maarte. Kamuntik ko na siyang hindi makilala at ang suot ay simpleng t-shirt at pantalon lang. Wala ring bahid ng kuloriti ang kaniyang mukha. Pansin ko rin na nag-iba ang kulay ng kaniyang balat." Napabuntong hininga si Luna matapos marinig ang kuwento ng katulong. Inaamin niyang kasalanan niya kung bakit malayo ang loob ng unang apo sa kanila, lalo na sa ina nito. Dalawang taon palang ito ay inilayo na niya sa ina nito upang maging maayos ang buhay ng anak niya sa bagong pamilya. Siya ang madalas na kasama ng bata noon sa tuwing dalawin niya sa isang bahay bakasyunan nila. Minsan ay dinadala niya ito sa kanilang mansyon ngunit napaka maldita nito at laging inaaway ang naging kapatid. Nakikita niya ring selosa ito kaya nagpasya siyang sa ibang bansa pag-aralin at ilayo ng tuluyan sa ikalawang pamilya nito. "Nakuha ko po ang numero niya." Ipinakita ni Lourdes ang cellphone sa donya. "Mukhang maayos naman na ang buhay niya at kayang tumayo sa sariling mga paa. Kung talagang may malasakit pa siya sa akin, sana noon pa ay dinalaw na niya ako." Nalungkot si Lourdes nang makitang tumigas ang anyo ng donya. Kahit matanda na ito ay nasa mukha at ugali pa rin nito ang pagiging aristocrat. Hindi na kailangan mag-isip kung saan nagmana si Camela ng ugali. "Lahat ay ibinigay ko sa kaniya, pero ang isinukli niya?" Muling sumama ang loob ni Luna pagkaalala sa mga nangyari, five years ago. Gusto sanang sagutin ni Lourdes na hindi sapat ang materyal na bagay upang maipadama ang pagmamahal sa isang tao. Pero wala siya sa posisyon upang magsalita ng ganoon. Naroon lang siya upang pakinggan ang hinaing ng donya. Mula sa bukana ng pintuang bahagyang naka bukas, dahan-dahang umalis si Camela. Pumunta siya roon para tingnan ang kalagayan ng abuela pero wala siyang balak magpakita rito. Bago pa siya makalayo si Pintuan ay may nakasalubong siyang nurse. "Hindi po ba kayo papasok sa loob?" Nakangiting umiling si Camela sa nurse at nagmamadaling lumayo na sa pintuan. Sabay na napatingin sina Luna at Lourdes sa pintuan nang marinig ang tinig ng nurse. Bahagyang nakaawang na ang pintuan na ipinagtaka ni Lourdes, dahil naisara naman niya iyon kanina. "Good evening po, check ko lang po ang dextrose." Bati ng nurse pagkapasok sa loob ng private room. "May kausap ka ba sa labas?" tanong ni Luna. "Ah upo, ang akala ko ay bisita ninyo at nakatayo siya sa harapan ng pintuan. Pero nang tinanong ko ay umiling lang siya at umalis na." Mabilis na inutusan ni Luna ang katulong na silipin kung sino ang nakita ng nurse. Kahit papaano ay umaasam siya na dalawin siya ng nagrerebelde niyang apo. Walang nakita si Lourdes na pamilyar ang mukha sa kaniya sa hallway. Pagbalik niya sa silid ay nahuli niyang bumalatay ang lungkot sa mukha ng donya. Isang pasya ang nabuo sa isip ni Luna upang mapilitang magpakita sa kaniya ang apo. Sa restaurant, masayang kumakain si Edlyn at ang ina kasama si Rashed at ang ina nito. "Rash, kasal ng kaibigan ko sa sunod na lingo." Tumigil sa pagsubo si Rashed at tumingin sa dalaga. "I will check my schedule." Napabuntong hininga si Clarisa at naaawang tinitigan si Edlyn. Hindi pa naman ito tapos magsalita ay inunahan na ng kaniyang anak. Gustong gusto niya talaga na si Edlyn ang maging asawa ng anak sa simula palang. Lahat na ay ginawa niya upang mawala sa landas ng anak ang babaeng mang aagaw sa lahat. "Anak, puwede mo namang e cancel ang appointment mo sa araw na iyan. Hindi maaring walang kasama si Edlyn sa dadaluhan niyang event." Mukhang nawalan ng ganang ibinaba mg binata ang hawak nitong tinidor kaya nabahala si Edlyn. "Tita, ayos lang po. Alam ko kung gaano kaimportante kay Rashed ang bawat appointment niya sa kompanya." Ginagap ni Tanya ang palad ng anak at ngumiti rito. Natutuwa siya at naging matured na rin ito mag-isip. Hindi na ipinipilit ang bagay na gusto nito. Pinakita ni Clarisa na hindi siya natuwa sa inakto ng anak. Hindi na rin siya kumain at hindi na muling nagsalita pa. "Anong oras?" Lihim na napangiti si Clarisa nang marinig ang tanong ng anak. Nagpalitan sila ng tingin ni Tanya at natuwa rin ito. "Nine a.m!" masiglang sagot ni Edlyn at ibinigay na rin ang lugar kung saan ganapin ang venue. Sadyang maaga niyang sinabi sa binata ang event upang wala itong ibang maidahilan sa pagtanggi. "Ok," ani Rashed at tinawagan ang secretary upang ipa-reschedule ang schedule niya next week. Naging maganang muli ang pagkain ni Clarisa at ganoon din si Edlyn. Si Rashed ay kumakain din pero madalas ay tumitigil at check ang mobile dahil tumutunog iyon. Napasunod ang tingin ni Edlyn sa binata nang magpaalam ito bago tumayo at kailangan sagutin ang tawag. "Hija, huwag ka sanang sumuko. Kapag naging asawa ka na niya ay tiyak na magkaroon siya ng mas maraming oras sa iyo." Ginagap ni Clarisa ang palad ng dalaga. Pilit ang ngiting pumaskil sa labi ni Edlyn at nakakaunawang tumango sa ina ni Rashed. Pagtingin niya sa ina ay nakangiti rin ito at binibigyan siya ng lakas ng loob. "Hindi po iyan mangyayari, tita. Kung noong may mang aagaw ay hindi ako sumuko, ngayon pang solo ko na siya?" "That's my girl!" Tuwang-tuwa si Clarisa sa nakikitang determinasyon ng dalaga dahil sa pagmamahal sa kaniyang anak."Lola, aalis na po muna ako." Paalam ni Camela sa matanda saka humalik sa noo nito."Mag ingat ka, apo!" Nakangiting ani Luna at masaya siya dahil naging maayos na ang relasyon ng mag ina. Pasalamat din siya kay Darwin dahil para sa asawa nito ay tanggapin na rin si Camela.Pag sakay ni Camela sa sasakyan ay tahimik lang siya at ok na ring sumama ang ina niya. Kahit papaano ay hindi awkward ang pag sakay niya for the first time sa sasakyan ni Darwin at ito pa ang driver."Puwedeng dumaan muna tayo sa apo natin bago sa kaibigan mo?" tanong ni Tanya sa asawa."Ok." Maiksing sagot ni Darwin at tuwid lang ang tingin sa daan.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at malapit na siya maniwala na may dadalawin ngang ibang tao si Darwim sa hospital. Bumuntong hininga siya saka ngumiti kahit wala namang kausap. Napangiti siya dahil wala ng galit siyang nararamdaman para sa amain. Dati, makita lang ito ay naiinis na siya. Paano naman kasi kung maningin ay para siyang salot na laging gagawa
"Aba at marunong ka na talaga maghugas at linis ng lababo." Mukha pa rin hindi makapaniwalang ani Tanya sa anak."Mom, halos katulong ang trabaho ko sa Japan noong una. Saka kailangan kong matutunan lahat at wala akong ibang maasahan noong manganak at kahiya din sa kaibigan ko ma kinupkop na nga ako ay magpapabigat pa ba sa gawaing bahay?" Sagot ni Camela sa ina habang pinupunasan ang lababo dahil tapos na niyang linisin gamit ang sabon at tubig. Pero natigilan din siya, huli na para bawiin ang mga sinabi. Pag tingin niya sa ina ay tahimik na itong umiiyak."Inis sorry, anak!" Umiiyak na ani Tanya. Sobra siyang nasasaktan sa dinanas ng anak. Sa ibang bansa kasi ay hindi naman ito hirap sa buhay at panay kain sa restuarant dahil hindi tinitipid ng ina niya sa pera.Huminga nang malalim si Camela saka binitiwan ang malinis na basahan saka nilapitan ang ina. "Marami akong natutunan at naging matatag kaya may maganda rin dulot ang pagtikis ninyo sa akin." Pampalubag niya sa loob ng ina.P
"Lola, baka po mangalay kayo sa pagka tayo." Inalalayan ni Edlyn ang abuela pabalik sa sala. Ayaw nitong umupo sa wheelchair kaya kailangan niyang alalayan. Alam niyang masaya ang matanda katulad niya. "Alright,let's go." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Luna. Ilang sandali pa ay dumating si Darwin."Dad, napaaga po ang uwi niyo?" bati ni Edlyn sa ama. Bigla siyang nag alala kung ano ang maaring mangyari kapag nagharap ito at ng kapatid niya."Nag aalala ako sa mommy mo at napapansin ko na naging malungkot siya nitong mga nagdaang araw." Sagot ni Darwin habang hinuhuban ang coat na suot.Napangiti si Edlyn, hindi mapagkaila na sobrang mahal ng ama ang ina niya. Sadyang mapagmahal ang ama kaya nga sobrang naiinggit su Camela noon sa kaniya. Siya ay may ama at ito ay wala. Napabuntong hininga siya, hindi niya naintindihan noon ang ganoong feeling ng kapatid. Sa halip na ipakita dito na hindi ito naiiba o hindi dapat mainggit ay lalo niya lang iniinggit noon."May problema ba?" Puna
Napangiti si Camela, hindi niya ito pwedeng biglain at baka makahalata na may alam na siya tungkol sa donor ni Lindon. Ayaw niyang isipin ng ina na nakipag mabutihan na siya rito dahil sa pagiging donor nito. Well, pareho sila ng ugali ng ina kaya naintindihan niya ito."Kumusta na ang mga anak mo? Wala ka bang balak na ipakilala sila sa lola mo?" Pagalit pa ring tanong ni Tanya sa anak.Sumubo muna siya ng pagkain bago sumagot sa ina. "Bumubuti na ang kalusugan ni Lindon kaya huwag kayong mag alala.""Apo ko pa rin sila kahit ayaw mo pa rin sa akin." Paalala niya sa anak.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at pinakatitigan ang ina."Huwag mong isiping woried ako sa mga anak mo dahil nagsisi na ako sa pamamaniwala sa iyo noon. Bilisan mo ang pagkain diyan at gusto ko silang bisitahin muli at ipakilala sa lola mo." Pagsusungit niya sa anak. Hindi niya ito mapasunod sa mahinahon na usapan at mapagkumbaba, baka sa ganitong paraan ay magbago ang isip nito."Ayaw pang aminin na natu
Sobrang natuwa si Luna nang makitang magkasama ang dalawang apo na dumating. "Tanya, halika at dumating ang mga anak mo!" Masigla niyang tawag sa anak na abala sa binabasa sa silid nito.Nagkukumahog na lumabas ng silid si Tanya nang marinig ang tinig ng ina. Kapag ganoon ang tono ng ina ay alam niya kung sino ang dumating."Hello, lola!" Nakangiting niyakap ni Camela ang abuela. "Mabuti naman at nakaalala ka pang bisitahin ang abuela mo," tonong hindi natutuwa si Tanya na makita ang panganay na anak. Humingi na siya ng tawad dito pero iba kapag nasa pamamahay siya nito.Dahan dahang bumitaw si Camela sa pagkayakap sa matanda at nilingon ang ina. Pilit niyang sinupil ang luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lubos na naunawaan ang ganitong ugali ng ina. Ngayon niya napagtuunan ng pansin ang mga titig nito sa kaniya. Kung magsalita ito noon ay parang galit pero iba ang sinasabi ng mga titig nito sa kaniya."Mom, ayos na po kami ni Ate. Isinama ko siya dito para madala
"Mag-ingat ka sa kapatid mo." Kausap ni Rex kay Edlyn bilang ganti niya sa masamang iniisip ni Rashed kanina para sa dalagang kaniyang tinatangi.Tumikwas ang kilay ni Camela habang nakatitig kay Rex. Mukhang mas mahalaga na ang kaligtasan ni Edlyn dito kaysa kaniya ngayon. "Joke lang," nakangiting inakbayan ni Rex ang kaibigan. "Mag ingat kayong dalawa." Bawi niya rito.Nakaramdam ng inggit si Rashed sa nakikitang closeness nila Camela at Rex. Nagagawan akbayan ito ng lalaki, samantalang siya ay panakaw pa lagi ang paghawak niya sa balat ng dating asawa. Naangkin man niya ito ay kung nasa mood ang dalaga at hindi siya puwede na unang mang manyak."Ikaw na muna ang bahala sa kambal, babalik din agad ako." Baling ni Camela sa binata.Tumango lang si Rashed at malungkot na tumitig kay Lindon na karga pa rin niya.Lumapit din si Edlyn kay Rashed at ipinatong ang kamay sa balikat nito. "Hindi mo ba ako pag ingatin?"Mabilis na inalis ni Rex ang brasong nakaakbay sa kaibigan saka tumikhim
"June five?" naibulong ni Camela nang makita ang date sa cellphone. "Oh my, God!" natutup ni Camela ang bibig nang maalala ang monthly period. Tatlong lingo na siyang delayed at kakaiba rin ang nararamdaman niya sa kaniyang katawan.Napahawak si Camela sa kaniyang impis na tiyan. Nahiling na sana
"No, hindi siya maaring umalis sa pamamahay na ito!""Rashed?" Sabay at hindi makapaniwalang sambit nila Edlyn at Clarisa."Gusto ko siyang makitang nagdudurusa habambuhay kapalit ng buhay ni Lola!" mabalasik na turan ni Rashed.Parang lantang gulay na napatayo si Camela nang haklitin ni Rashed ang
"MA, huwag po kayong magalit kay Rashed." Biglang nag-alala si Clarisa at pinatawag ng matanda ang anak. Nasa opisina pa si Rashed at alam niyang pauwi na ito."Hindi ko mapapalampas itong ginawa ninyong dalawa!" Galit pa rin ang matanda at iwinaksi ang kamay ng anak."Lola, huminahon po kayo at ba
Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin







