LOGIN"IKAW stay lang dito tabi ko, okay?"
"Yes, sir." May kasamang tango at ngumiti si Camela sa ginoo. Kung magsalita ito ay binarok dahil pinaghalo ang lengwaheng english at tagalog plus tonong Chinese pa. Marunong magtagalog ang ginoo dahil ang dati nitong asawa ay pinay. May isang anak at hiwalay na sa asawa. Minsan ay napagkamalan siyang babae nito dahil kahit saan ito magpunta ay sinasama na siya. Ayos lang sa kaniya dahil extra income ang bawat pagsama niya sa matanda. Yes, matanda na ito sa edad na sixty pero mukha pa ring nasa late forty. Naroon sila ngayon sa reception na dinalohan nilang kasal. Ginagawa pa siyang translator minsan ng kaniyang boss. Kasal ng anak ng kasosyo nito sa negosyo kaya sila naroon. Sa totoo lang ay ito ang suwerteng nakilala siya. Hindi lang trabaho sa kompanya kundi maging sa ganitong gathering. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng ibang tao tungkol sa tunay na relasyon niya sa matanda. Ang mahalaga sa kaniya ay kumikita. "Kumpadre, thank you for coming!" bati ni Golf na siyang kasosyo ng boss ni Camela. "Welcome, welcome! Happy ako para sa iyong daughter!" Nakipagkamay si Mr. Go sa kasosyo. Ngumiti si Camela nang bumati rin sa kaniya si Golf. Magkakilala na sila noong nasa Japan pa sila at kilala siya nito bilang engineer na siyang hahawak sa project. "Tamang-tama, narito ang CEO ng kompanya na prospect nating pagkuhanan ng materyales." Inakay ni Golf ang kaibigan at hindi na nag abalang magsalita ng english dahil alam naman nitong nakakaintindi ang ginoo. Sumunod si Camela sa dalawa at nakaalalay lang ang bagal sa paghakbang upang masabayan ang kaniyang boss. Tulad nito ay kailangan niya ring nakangiti kahit hindi kilala ang mga nakakasalubong nila. "Mr. De La Fuente," tawag ni Golf sa taong nakaupo sa VIP chairs. Ang ngiti sa labi ni Camela ay unti unting nabura pagkarinig sa pangalan ng taong tinawag ni Mr. Golf. Pakiramdam niya ay natuod na siya sa kinatayuan at hindi niya magawang mag-angat ng mukha mula sa pagkayuko. Hindi pa man kumpirmado pero ramdam niya ang mainit at galit na titig ng mga mata ng isang taong may ganoong epikto sa kaniya. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman niya kanina pa. "Kapag minamalas nga naman oh!" naibulong ni Camela at pinakalma ang sarili. Wala siyang dapat ikatakot. Hindi rin siya dapat umiwas dahil part ito ng negosyo. Labas dito ang personal niyang buhay at kailangang maging propisyonal. Nanatili ang tingin ni Rashed sa babaeng katabi ng matanda na ipinakilala sa kaniya ni Golf. Kanina niya pa ito nakita kaya hindi na nagulat nang magkaharap sila. "And this is Camela, Mr. Go's—" hindi naituloy ni Golf ang pagpakilala kay Camela at nagsalita ang binata. "Nice to meet you, Mr. Go!" Inilahad ni Rashed ang kanang palad sa ginoo. "Camela?" gulat na naibulalas ni Edlyn nang humarap sa kanila ang babaeng kasama ng isang matanda. Kamuntik na niyang hindi ito nakilala dahil ang mala-porselana nitong kutis noon ay nag iba na. "Magkakilala kayo?" Nagpalipat lipat ang tingin ni Golf sa dalawang babae. Ngumiti si Camela sa kapatid at iniwas ang tingin sa matalim na titig ni Rashed. Wala sana siyang balak makipag plastikan sa mga ito pero wala siyang choice. "Yes, tito at—" hindi rin natapos ni Edlyn ang pagsasalita dahil biglang tumunog ang cellphone ni Rashed. Tiningnan lang ni Rashed kung sino ang caller saka muling ibinulsa iyon. "Kinagagalak ko ikaw makilala, Mr. De La Fuente! Asahan ko magkasundo ikaw sa presyo." Masiglang bati ni Mr. Go sa binata. Pumalatak sa isipan si Camela at gumana na naman ang pagiging advance sa business ng amo. Alam niya5ng mambabarat na naman ito at siya ang pahaharapin sa taong prospect nito. Tsk tsk, ito na yata ang pinaka mahirap na project ang hahawakan niya. Mas gustohin pa niyang magbilad sa initan at magbuhat ng mabibigay na bagay kung papipiliin lang siya. "I will let my secretary set an appointment with you, Mr. Go, and then we can talk about that matter." Pormal na sagot ni Rashed sa ginoo pero ang tingin ay nanatili kay Camela na kung umakto ay parang hindi siya kilala personally. "Sure, sure! Ako ay may lakad pa today kaya una na ako sa inyo." Kumukumpas pa ang kamay ng matanda at binalingan si Camel. " Ikaw pwede iwan dito and talk to your old friends." Pinigilan ni Camela na umikot ang mga mata dahil sa gasgas na litanya ng amo. Ganito naman ito, iiwan siya kapag may magandang opportunity na nakita tulad ngayon. Ang akala nito ay dati na niyang kaibigan ang kanilang kaharap ngayon. Iwan siya roon upang makipag negotiate in advance. Mabilis na nilapitan ni Golf ang ginoo at nagpaalam pansamantala kay Rashed upang ihatid si Mr. Go. Mukhang may anghel na dumaan sa harapan ng tatlo nang sila na lang ang naiwan. Nabasag lamang ang katahimikan nang magsalita si Edlyn. "Hindi ko akalaing papatol ka sa isang matandang dayuhan upang hindi maghirap." Hindi makapaniwalang naibulalas ni Edlyn sa kapatid. Hindi na napigilan ni Camela ang pag ikot ng mga mata dahil sa narinig. Pagtingin niya kay Rashed ang madilim ang aura ng mukha nito. "Paano mo naatim na maging kalaguyo ang matandang iyon? Kung pera ang dahilan ay mayroon naman ang pamilya natin." Naghalo ang lungkot at pag alala ni Edlyn dahil sa ginawa ng kapatid sa buhay nito. "Tapos ka na ba?" tila naiinip na tanong ni Camela. Ayaw niyang tumagal sa harapan ng mga ito at nakakaagaw na sila ng atensyon ng ibang bisita na malapit sa kinaroonan nila. Mabilis na kumapit si Edlyn sa braso ni Rashed nang tapunan ito ng tingin ni Camela. Blangko ang expression ng mukha ni Rashed habang nakatingin kay Camela na ikinatuwa niya. "Panlabas na anyo lang pala ang nagbago sa iyo." Batikos niyang muli rito. "Hindi ko kailangan baguhin ang ugali ko upang magustohan ng mga taong may ayaw sa akin." Sarkastiko niyang sagot sa kapatid at binaliwala ang presensya ni Rashed. "Stop arguing with her, you're just wasting your time." Malamig na saway ni Rashed kay Edlyn. "Sorry!" ani Edlyn at isinandal ang ulo sa braso ni Rashed. Sa tangkad ng binata ay bahagya na siyang umabot sa balikat nito. Muling umikot ang itim sa mga mata ni Camela at sobrang timid ng kapatid sa harapan ni Rashed. Gusto niyang batiin ang sarili at hindi siya naapiktohan sa sinabi ni Rashed. Kung noon siya sinabihan nito ng ganoon ay tiyak na tumulo agad ang kaniyang mga luha sa harapan nito. "Kung may kailangan pa kayong pag uusapan, mauna na ako sa sasakyan." Hindi na hinintay ni Rashed ang sagot ni Edlyn. Gustong ipadyak ni Edlyn ang mga paa nang iwan siya ng binata. Pagtingin sa kapatid ay tumikwas ang kilay niyang sadyang nakaangat na ang pagkaguhit. "Bumalik ka na kung saan ka man nagtago ng ilang taon kung ayaw mong masaktan muli." Tumikwas ang isang sulok ng labi ni Camela at nang aasar ang tinging ipinukol sa kapatid. "Sorry my dear sister pero dapat mong sabihin iyan sa iyong sarili." "Bitch, huwag mong ipagyabang ang matandang kalaguyo mo ngayon! Tingnan natin kung makapagtaray ka pa kapag nalaman ni Lola ang tungkol dito!" Nagkibit balikat lang si Camela sa kapatid at walang salitang tinalikuran na ito. Wala na siyang trabaho doon kaya kailangan na niyang umalis kahit hindi pa naka-kain. Sinundan ng tingin ni Rashed ang babaeng dumaan sa harapan ng kaniyang kotse. Napahigpit ang hawak niya sa manibela nang makita itong kalmado habang naglalakad. Nakita niya itong abala sa pagtitipa sa cellphone habang lumilinga sa paligid. Gustong maiyak ni Edlyn nang matanggap ang mensahe mula kay Rashed. "I booked a taxi for you at hindi na kita mahintay dahil nagmamadali ako. "Kasalanan mong babae ka ang lahat ng ito! Kahit kailan ay kamalasan sa buhay namin ang dala mo!" nangigil na bulong ni Edlyn sa sarili at ang tinutukoy ay ang kapatid. Wala na nga siyang nagawa pa kundi ang magpaalam na sa kaibigang ikinasal. Nagdahilan na lang siya kung bakit nauna nang umalis si Rashed at hindi na nakapag paalam. Pagkababa ni Camela sa taxi ay dumiritso na siya sa inuukupang silid. Pagod ang kaniyang pakiramdam gayong hindi naman siya nagbungkal ng lupa sa construction site. Agad na tinawagan ang mga anak habang naghahanda ng maka-kain. "Mama, I miss you!" bungad na bati ni Lindon sa ina. "I miss you too, baby L, where's kuya?" Itinapat ni Lindon ang camera sa kapatid na abala sa pag-iimpake ng gamit nila. "Mama, we're ready!" Napangiti si Camela nang marinig ang tinig ni Rafael. Halatang excited ang mga anak upang sumunod sa kinaroonan niya. Nakahanap na siya ng matirhan nila kahapon kaya mapaaga ang pagluwas ng kambal. Hindi na ibinaba ni Camela ang tawagan. Ipinatong niya iyon sa bandang itaas upang makita pa rin siya ng kambal habang abala siya sa paghahanda ng kakainin. Ganoon ang scenario nilang tatlo kahit noong nasa Japan pa siya. Maging sa pagtulog ay naka on ang video call nila. Pero malayo ang cellphone sa dalawa kapag matutulog na ang mga ito. Hinayaan lang iyon hanggang sa pareho na silang makatulog at kusa na lang mamatay ang tawag. "Mama, kailan po namin makilala si Papa?" tanong ni Lindon habang mataman na nakatitig sa camera ng cellphone. Natigil si Camela sa paghugas ng gulay na gagawin niyang vegetable salad at tumingin sa cellphone. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Soon, Baby L!" Kahit na dissapoint ay ngumiti pa rin si Lindon sa ina. Sa tuwing magtanong silang magkapatid ay ganoon ang sagot ng ina. "Lindon, huwag mo nang hanapin si Papa dahil ayaw niya sa atin." Gustong tumulo ng luha ni Camela at naawa sa mga anak. Hindi sinasadyang narinig ni Rafael ang huling pag-uusap nila ni Jackson tungkol sa ama ng mga ito noon. "Totoo po ba ang sinasabi ni Kuya R, mama?" naiiyak na tanong ni Lindon sa ina. "Anak, pag usapan natin ang tungkol diyan kapag narito na kayo, okay?" paglalambing ni Camela sa anak at iniba na ang paksa. "Ipapasyal ko kayo sa Zoo pagdating niyo rito." Sabay na sumigaw ang dalawang anak dahil sa tuwa. Napangiti na rin si Camela at gumana ang kaniyang naisip upang hindi na malungkot pa si Lindon. Kay Rafael ay wala siyang problema dahil mas matured na kung mag isip. Madali itong makaintindi at hindi matampuhin. Parang ang ama lang nito na heatless minsan. "Tsk, huwag mo na ikumpara ang mga bata sa lalaking iyon." Kastigo ng kunsensya ni Camela sa sarili. Naiiling at mabilis nang tinapos ni Camela sa paghuhugas ng gulay. Kaunti lang naman ang gagawin niya at para lang sa sarili."Lola, aalis na po muna ako." Paalam ni Camela sa matanda saka humalik sa noo nito."Mag ingat ka, apo!" Nakangiting ani Luna at masaya siya dahil naging maayos na ang relasyon ng mag ina. Pasalamat din siya kay Darwin dahil para sa asawa nito ay tanggapin na rin si Camela.Pag sakay ni Camela sa sasakyan ay tahimik lang siya at ok na ring sumama ang ina niya. Kahit papaano ay hindi awkward ang pag sakay niya for the first time sa sasakyan ni Darwin at ito pa ang driver."Puwedeng dumaan muna tayo sa apo natin bago sa kaibigan mo?" tanong ni Tanya sa asawa."Ok." Maiksing sagot ni Darwin at tuwid lang ang tingin sa daan.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at malapit na siya maniwala na may dadalawin ngang ibang tao si Darwim sa hospital. Bumuntong hininga siya saka ngumiti kahit wala namang kausap. Napangiti siya dahil wala ng galit siyang nararamdaman para sa amain. Dati, makita lang ito ay naiinis na siya. Paano naman kasi kung maningin ay para siyang salot na laging gagawa
"Aba at marunong ka na talaga maghugas at linis ng lababo." Mukha pa rin hindi makapaniwalang ani Tanya sa anak."Mom, halos katulong ang trabaho ko sa Japan noong una. Saka kailangan kong matutunan lahat at wala akong ibang maasahan noong manganak at kahiya din sa kaibigan ko ma kinupkop na nga ako ay magpapabigat pa ba sa gawaing bahay?" Sagot ni Camela sa ina habang pinupunasan ang lababo dahil tapos na niyang linisin gamit ang sabon at tubig. Pero natigilan din siya, huli na para bawiin ang mga sinabi. Pag tingin niya sa ina ay tahimik na itong umiiyak."Inis sorry, anak!" Umiiyak na ani Tanya. Sobra siyang nasasaktan sa dinanas ng anak. Sa ibang bansa kasi ay hindi naman ito hirap sa buhay at panay kain sa restuarant dahil hindi tinitipid ng ina niya sa pera.Huminga nang malalim si Camela saka binitiwan ang malinis na basahan saka nilapitan ang ina. "Marami akong natutunan at naging matatag kaya may maganda rin dulot ang pagtikis ninyo sa akin." Pampalubag niya sa loob ng ina.P
"Lola, baka po mangalay kayo sa pagka tayo." Inalalayan ni Edlyn ang abuela pabalik sa sala. Ayaw nitong umupo sa wheelchair kaya kailangan niyang alalayan. Alam niyang masaya ang matanda katulad niya. "Alright,let's go." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Luna. Ilang sandali pa ay dumating si Darwin."Dad, napaaga po ang uwi niyo?" bati ni Edlyn sa ama. Bigla siyang nag alala kung ano ang maaring mangyari kapag nagharap ito at ng kapatid niya."Nag aalala ako sa mommy mo at napapansin ko na naging malungkot siya nitong mga nagdaang araw." Sagot ni Darwin habang hinuhuban ang coat na suot.Napangiti si Edlyn, hindi mapagkaila na sobrang mahal ng ama ang ina niya. Sadyang mapagmahal ang ama kaya nga sobrang naiinggit su Camela noon sa kaniya. Siya ay may ama at ito ay wala. Napabuntong hininga siya, hindi niya naintindihan noon ang ganoong feeling ng kapatid. Sa halip na ipakita dito na hindi ito naiiba o hindi dapat mainggit ay lalo niya lang iniinggit noon."May problema ba?" Puna
Napangiti si Camela, hindi niya ito pwedeng biglain at baka makahalata na may alam na siya tungkol sa donor ni Lindon. Ayaw niyang isipin ng ina na nakipag mabutihan na siya rito dahil sa pagiging donor nito. Well, pareho sila ng ugali ng ina kaya naintindihan niya ito."Kumusta na ang mga anak mo? Wala ka bang balak na ipakilala sila sa lola mo?" Pagalit pa ring tanong ni Tanya sa anak.Sumubo muna siya ng pagkain bago sumagot sa ina. "Bumubuti na ang kalusugan ni Lindon kaya huwag kayong mag alala.""Apo ko pa rin sila kahit ayaw mo pa rin sa akin." Paalala niya sa anak.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at pinakatitigan ang ina."Huwag mong isiping woried ako sa mga anak mo dahil nagsisi na ako sa pamamaniwala sa iyo noon. Bilisan mo ang pagkain diyan at gusto ko silang bisitahin muli at ipakilala sa lola mo." Pagsusungit niya sa anak. Hindi niya ito mapasunod sa mahinahon na usapan at mapagkumbaba, baka sa ganitong paraan ay magbago ang isip nito."Ayaw pang aminin na natu
Sobrang natuwa si Luna nang makitang magkasama ang dalawang apo na dumating. "Tanya, halika at dumating ang mga anak mo!" Masigla niyang tawag sa anak na abala sa binabasa sa silid nito.Nagkukumahog na lumabas ng silid si Tanya nang marinig ang tinig ng ina. Kapag ganoon ang tono ng ina ay alam niya kung sino ang dumating."Hello, lola!" Nakangiting niyakap ni Camela ang abuela. "Mabuti naman at nakaalala ka pang bisitahin ang abuela mo," tonong hindi natutuwa si Tanya na makita ang panganay na anak. Humingi na siya ng tawad dito pero iba kapag nasa pamamahay siya nito.Dahan dahang bumitaw si Camela sa pagkayakap sa matanda at nilingon ang ina. Pilit niyang sinupil ang luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lubos na naunawaan ang ganitong ugali ng ina. Ngayon niya napagtuunan ng pansin ang mga titig nito sa kaniya. Kung magsalita ito noon ay parang galit pero iba ang sinasabi ng mga titig nito sa kaniya."Mom, ayos na po kami ni Ate. Isinama ko siya dito para madala
"Mag-ingat ka sa kapatid mo." Kausap ni Rex kay Edlyn bilang ganti niya sa masamang iniisip ni Rashed kanina para sa dalagang kaniyang tinatangi.Tumikwas ang kilay ni Camela habang nakatitig kay Rex. Mukhang mas mahalaga na ang kaligtasan ni Edlyn dito kaysa kaniya ngayon. "Joke lang," nakangiting inakbayan ni Rex ang kaibigan. "Mag ingat kayong dalawa." Bawi niya rito.Nakaramdam ng inggit si Rashed sa nakikitang closeness nila Camela at Rex. Nagagawan akbayan ito ng lalaki, samantalang siya ay panakaw pa lagi ang paghawak niya sa balat ng dating asawa. Naangkin man niya ito ay kung nasa mood ang dalaga at hindi siya puwede na unang mang manyak."Ikaw na muna ang bahala sa kambal, babalik din agad ako." Baling ni Camela sa binata.Tumango lang si Rashed at malungkot na tumitig kay Lindon na karga pa rin niya.Lumapit din si Edlyn kay Rashed at ipinatong ang kamay sa balikat nito. "Hindi mo ba ako pag ingatin?"Mabilis na inalis ni Rex ang brasong nakaakbay sa kaibigan saka tumikhim
"Ayaw mo akong ibili?" Mukhang masama ang loob na tanong ni Camela."Ahm, tatawagan ko ang driver upang ibili ang gusto mong—""Gusto kong ikaw ang bumili." Putol ni Camela sa pagsasalita ng binata. Napamura si Rashed sa isipan at talagang pinahihirapan siya ng dalaga. Tatakas sana siya bago pa ma
"Ituturo ko sa iyo kung paano lutuin kung gusto mong matutunan." Nakangiti ani Jinky sa binata."Thank you po, nay!"Nakalabi lang na nakatingin si Camela sa binata at seryuso nitong nakipag usap sa mga at ginang at sa mga bata. Naroon na naman ang pakiramdam niya na nagtatampo na wala namam ikasel
Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Rashed habang nakatihaya lang sa pagkahiga. Saka lang siya kumilos nang masiguro na mahimbing na ang tulog ng dalaga. Sinuot niyang muli ang undies nito at ganoon din siya. Gusto man niyang makatabi ito sa pagtulog pero alam niyang hindi nito magustohang may mak
'Nasa hospital ang lola mo, hindi ka ba dadalaw?"Sandaling itinigil ni Camela ang paglilinis sa mukha ng anak at nilingon ang kaibigang bakla. "Malala na ba?"Napailing si Jackson habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kakauwi lang nito galing Japan. Dalawang taon din itong namalagi roon at iniwan sa







