INICIAR SESIÓNAng Desisyon at ang Kasunduan
Shalavi’s POV Namamangha pa rin ako sa lalaking nakausap ko sa club kagabi. Hindi ko akalain na may ganoon talagang tao sa totoong buhay. Akala ko sa mga kuwentong nababasa ko lang o napapanood sa YouTube nangyayari ang ganoon. Pagbabasa at pakikinig ng mga love stories ang tanging libangan ko, kaya naman sa edad kong ito, hindi halata na simula pagkabata ay hindi pa ako nakakaranas magkaroon ng karelasyon. Subalit, nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ang kanyang alok. Parang may mali. Bakit ako pa? Marami namang ibang babae sa loob ng club na mas nakakaakit. Habang malalim ang iniisip sa loob ng aking silid, biglang tumunog ang phone ko. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot. “Nanay, kamusta po kayo?” agad kong tanong. “Anak... pasensya na kung naistorbo ko ang pahinga mo,” wika ni Aling Elma sa kabilang linya. “Ayos lang po, ‘Nay. Kakagising ko lang din po,” tugon ko. “Ganito kasi, anak... yung tungkol sa lupa. Minamadali na tayong magbayad dahil kailangan na raw nila ang pera.” “Hindi ba natin sila pwedeng pakiusapan ulit, ‘Nay?” may halong lungkot kong tanong. “Ginawa ko na, anak. Pero kailangan daw talaga nila ngayon dahil ang pinsan mo ay may kailangang bayarang malaki sa kumpanyang pinapasukan niya. Hindi ko rin alam ang buong detalye,” buntong-hininga ni Nanay. “Gagawa po ako ng paraan, ‘Nay. Pakisabi, sa loob ng linggong ito ay mababayaran natin. Siyanga pala, kamusta si Tatay?” “Iyon... lagi na lang nasa kubo, nakatanaw sa lupain na iniwan ng magulang niya.” Nahabag ako sa kalagayan ni Tatay. “Pakisabi po sa kanya, huwag na siyang malungkot. Hindi nila marerematahan ang lupa natin. Sa susunod na taniman, makakapagtanim na siya ng palay at sibuyas. Magpapadala ako ng pambili ng binhi.” Nang matapos ang tawag, doon na bumuhos ang aking mga luha. Ang hirap kapag salat sa buhay. Kahit anong kayod ko, parang walang nangyayari. Pinahid ko ang aking mga mata at lumabas na para mag-ayos ng makakain. Tatanggapin ko na ba ang offer niya? Paano kung sadista pala siya? “Hindi naman siguro niya ako papatayin,” bulong ko sa hangin. Matapos kumain, sinubukan ko pang pumunta sa bangko at SSS para mag-loan, ngunit nabigo ako. Masyadong maliit ang kayang ibigay ng mga ito. Nanlumo ako habang naglalakad hanggang sa makarating ako sa harap ng simbahan. Pumasok ako at nanalangin. Paglabas ko, buo na ang desisyon ko. Wala nang iba kundi siya. Kinuha ko ang business card ni Vijay sa aking sling bag habang nakaupo sa isang waiting shed sa boulevard. Nag-text ako ng simpleng "Hello," at agad naman siyang nag-reply. “Pwede ba tayong magkita?” tanong ko. Sinend niya agad ang address ng isang café. Pagkarating ko sa café, nakita ko siyang mag-isa. Mukhang pinasara niya ang buong lugar para sa amin. Lumapit ako sa kanyang mesa. “Hi... kanina ka pa ba? Sorry kung late ako,” nahihiya kong bati. “No, it’s okay, Shalavi. Kararating ko lang din. Sit down, please,” tugon niya. Huminga ako nang malalim. “Vi... tungkol sa offer mo, available pa ba?” tanong ko habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga palad. “Bakit? Tatanggapin mo na ba? Yes, para sa iyo lang naman talaga ang offer na iyon,” sagot niya sa kanyang baritonong boses. “Tatanggapin ko. Pwede ko na rin bang makuha ang kalahati? May kailangan lang akong bayaran agad,” sabi ko at dahil sa kaba ay bigla kong nilagok ang baso ng tubig sa harap ko. Hindi ko napansin na baso niya iyon at nainuman na niya. Nanlaki ang mga mata ni Vijay habang pinapanood ako. “S-sarap...” bulong niya na hindi ko maintindihan. “I mean... sige, isesend ko na ang pera sa bank account mo ngayon din,” wika niya habang tila nahihirapan ding lumunok. “Salamat. Hindi mo naman ako papatayin, ‘di ba?” diretsahan kong tanong. Isang mapanganib na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. “Lahat ng gagawin ko sa iyo, magugustuhan mo. Give me your bank account details.” Ibinigay ko ang detalye ko at mabilis niyang ginawa ang transfer. “Salamat, Vi. Pwede bang sa susunod na linggo na ako mag-umpisa? At kailangan ko rin ang kontratang sinasabi mo.” “Sure. Ang kontrata ay mababasa mo sa araw ng pag-uumpisa mo. At isa pa, Miss Shalavi... ayaw kong may ibang lalaking kinakausap ka. Iba akong magalit,” babala niya. Tumango ako at mabilis na naglakad palabas. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Salamat, Lord, matatapos na ang problema namin sa lupa. Agad kong tinawagan si Nanay para ibalita ang magandang balita at nagtungo ako sa Cebuana Lhuillier para magpadala ng pera. Binayaran ko na rin ang pinsan ko, kahit wala man lang itong pasasalamat nang makuha ang pera. Pagbalik sa apartment, bagsak ang katawan ko sa kama. Bukas ko na iisipin ang lahat. Maverick Vijay’s POV Habang busy ako sa opisina, nag-pop ang message ni Shalavi. Napangiti ako. Agad kaming nagkita sa café na pagmamay-ari ko rin kaya ipinasara ko muna ito. Habang nag-uusap kami, hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Lalo na nang inumin niya ang tubig mula sa basong ginamit ko. Halos malunok ko ang sarili kong laway sa sensasyong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit tila nahinihipnotismo ako ng aura niya. Pagkaalis niya, bumalik ako sa opisina nang tulala. Kahit ang secretary ko na may gusto sa akin ay binalewala ko. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Shalavi. Kumuha ako ng alak at nanood ng isang action movie na may mga maseselang eksena. Sa isip ko, ako ang bidang lalaki at si Shalavi ang babae. Naisip ko ang bawat eksena—kung paano ko siya aangkulin sa ibabaw ng isang marangyang kama. Naramdaman ko ang pag-init ng aking katawan at ang pagtugon ng aking pagkalalaki. “Relax, buddy. Makakapasok ka rin sa ilalim ng bangin na iyon,” bulong ko sa sarili. Nang matapos ang pinapanood ko, napansin kong oras na ng uwian. Pinatay ko ang aking laptop at naghanda nang umuwi. Sa bahay ko na lang itutuloy ang aking mga plano. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na linggo. Shalavi’s POV Hindi ako pumasok sa trabaho nang sumunod na Lunes. Nag-resign na ako sa maliit na pinapasukan kong boutique. Masakit man sa loob na iwan ang mga katrabaho ko, kailangan kong harapin ang mas malaking obligasyon. Sa loob ng ilang araw na lumipas, hindi ako pinatutulog ng kaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Isang estranghero ang nagbayad ng milyun-milyon para sa akin, at ang tanging kapalit ay isang kontratang hindi ko pa nababasa. Nakahanda na ang gamit ko. Simple lang ang mga dala ko—isang maleta ng mga damit at ang paborito kong rosaryo. Habang hinihintay ko ang sundo na ipinadala ni Vijay, paulit-ulit kong binabasa ang huling text niya: “My driver is on his way. Be ready, Shalavi. Your new life begins today.” Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang huminto ang isang itim na SUV sa tapat ng apartment ko. Isang lalaking naka-uniporme ang bumaba at kinuha ang gamit ko. Pagdating sa isang eksklusibong subdivision, halos malaglag ang panga ko sa laki ng mansyong tinigilan namin. Moderno ang disenyo nito, puro salamin, at tila nakadungaw sa buong siyudad. “Dito po tayo, Ma’am,” giya ng katulong sa akin patungo sa isang malawak na library. Doon, nakita ko si Vijay. Naka-salamin siya at seryosong may binabasa. Nang mapansin niya ako, dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na papel at tumayo. Ang awra niya ay tila isang leon na nakakita ng biktima—kalmado pero mapanganib. “You’re here,” bati niya. Inilapag niya ang isang folder sa mesa. “The contract. Read it carefully before you sign.” Nanginginig ang kamay kong binuksan ang folder. Nakasaad doon ang mga kondisyon: titira ako sa bahay niya, susunod sa lahat ng utos niya, at higit sa lahat... hindi ako pwedeng lumabas nang walang paalam sa kanya. “Wala ba itong hangganan?” tanong ko, halos pabulong. Lumapit siya sa akin, sapat na para maamoy ko ang kanyang mamahaling pabango. “Hangga’t hindi ko pa nararamdaman na sulit na ang ibinayad ko, akin ka, Shalavi. Sign it.” Pikit-mata kong nilagdaan ang papel. Wala na itong balikan. Maverick Vijay’s POV The ink is dry. She’s officially mine. Pinanood ko si Shalavi habang binabasa ang bawat letra ng kontrata. Nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata, pero naroon din ang determinasyon. Iyan ang nagustuhan ko sa kanya—mukha siyang inosente, pero may apoy sa loob. Nang pirmahan niya ang huling pahina, nakaramdam ako ng kakaibang tagumpay. Mas masarap pa ito sa pakiramdam kaysa sa pagsasara ng isang billion-peso deal. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang baba para patingalain siya sa akin. “Welcome home, Shalavi,” sabi ko sa mababang boses. Ramdam ko ang panginginig niya, pero hindi siya umiwas ng tingin. Matapang. Gusto ko ang mga hamon. Gusto ko ang unti-unting pagpapasuko sa mga taong akala nila ay hindi ko makukuha. “Ipapahatid kita sa kwarto mo. Magpahinga ka na, dahil simula mamayang gabi, mag-uumpisa na ang trabaho mo,” dagdag ko. “Anong... anong trabaho?” kabadong tanong niya. Ngumiti lang ako—isang ngiting alam kong mas lalong magpapakaba sa kanya. “Simple lang. You will be my constant companion. Wherever I go, whatever I do... you will be there. Especially in the dark.” Nang makaalis siya kasama ang katulong, naupo ako sa aking swivel chair at niluwagan ang aking kurbata. Sa wakas, ang matagal ko nang pinagplanuhan ay nagsisimula na. Hindi lang lupa ng mga magulang niya ang nailigtas ko; kinuha ko rin ang pinaka-importanteng pag-aari nila. At hindi ko siya hahayaang makawala pa.“Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa—sa aking asawa at sa aming anak—biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng pangyayari, at kung saan mismo nagsimula ang aming kwento.” Tama kayo. Binili ako ng isang bilyonaryo. Ika nga nila, “The Billionaire’s Toy” — iyan ang madalas na tawag sa mga tulad ko. Isang bagay na nakuha gamit ang pera, na maaaring gamitin, itabi, o itapon kapag hindi na kailangan. Sa simula, ganoon din ang tingin ko sa aking sarili. Naramdaman kong wala akong halaga, na ang tanging dahilan kung bakit ako nasa tabi niya ay dahil may kakayahan siyang bayaran ang presyo ng aking katahimikan at ng aking oras. Ngunit sa kabila ng masakit na katotohanang iyon, hindi ko maikakaila na naging daan din ang pangyayaring iyon para mailigtas ang kung ano ang pinakamahalaga sa akin. Dahil sa kanya, hindi nawala ang lupang minana ng aking mga magulang — ang tanging yaman na mayroon kami, ang lugar kung saan kami lumaki at nakatayo nang may dangal. Ang perang ibinigay niya ang n
Matapos ang pangyayari sa lobby ng kumpanya, wala nang pag-aalinlangan pa si Vijay. Agad niyang inayos ang lahat para tuluyan na kaming makasama — ako, at higit sa lahat, si Mave. Wala nang itatago, wala nang pagkukunwari; opisyal na kaming pamilya sa kanyang paningin, at handa siyang ibigay ang lahat para mabawi ang mga taon at buwan na lumipas nang wala siya sa tabi ng kanyang anak. Lumipat kami sa malawak at magarang bahay na pag-aari ng pamilya Thalapathy. Bagama’t malaki at tahimik ang paligid, sinikap ni Vijay na punuin ito ng saya at kulay para maramdaman ni Mave na ito na ang kanyang tunay na tahanan. Sa mga sumunod na araw, nakatuon ang buong atensyon ni Vijay sa aming anak. Para siyang taong natuklasan ang pinakamahalagang yaman sa buong mundo, at ayaw niyang sayangin kahit isang sandali pa. “Mave, gusto mo bang samahan kita mamaya sa hardin? May mga ibon at bulaklak doon na siguradong magugustuhan mo,” anyaya ni Vijay isang umaga, ang boses ay malambing na hindi karaniwa
Kahit naging madamdamin ang sandaling iyon, alam ko sa sarili ko na kailangan kong ipakilala nang maayos at pormal ang aming anak sa kanyang ama. Gusto kong maramdaman ni Vijay na tanggap ko na rin ang katotohanan, at handa na akong harapin ang buhay na mayroon siya. Nagpasya akong dalhin si Mave sa mismong gusali ng kumpanya ni Vijay — ang Thalapathy Corporation, isa sa pinakamalalaki at pinakakilalang kumpanya sa buong bansa. Akala ko ay magiging maayos ang lahat, na sa pamamagitan nito ay sisimulan na naming buuin ang aming pamilya nang walang itatago. Nakasuot kami ng maayos pero simpleng damit. Hawak nang mahigpit ni Mave ang aking kamay habang papasok kami sa malaking pintuan ng lobby. Ang paligid ay makintab, malawak, at puno ng mga taong abala sa kani-kanilang gawain. “Ma, malaki po ba ang opisina ni Tatay?” mahinang tanong ni Mave habang tumitingin sa paligid nang may pagkamangha. “Oo, anak. Malaki at maganda. Hihintayin lang natin siyang lumabas o papasukin tayo ng mga t
Matapos kumalma ang aming damdamin at maubos ang simpleng almusal na inihanda niya, nanatili kaming nakahiga nang magkahawak ang kamay. Ang tanong na matagal ko nang kinikimkim ay kailangan ko nang marinig ang sagot—hindi lang para sa sarili ko, kundi para maintindihan ko rin kung bakit naging ganoon ang pananaw niya sa buhay at sa pagmamahal.Tumingala ako sa kanya, ang mukha niya ay kalmado na ngayon, pero may bahid pa rin ng bigat na tila dala niya sa loob ng mahabang panahon.“Vijay,” panimula ko nang mahina. “Sinabi mo kanina na may sakit ka mula sa iyong nakaraan, galing sa iyong ina. Gusto kong malaman ang buong kwento. Bakit ganoon ang naging pananaw mo? Bakit sa una ay akala mo ay nabibili ang lahat ng bagay, pati ang pagmamahal?”Huminga siya nang malalim, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagi ng kanyang puso na laging itinatago sa lahat. Idinikit niya ang noo niya sa akin habang nagsisimula siyang magkwento, ang boses ay mababa at puno ng pait na matagal nang nakaba
Ramdam ko pa rin ang init at panginginig ng aking katawan matapos ang matinding pagmamahalan namin. Pero habang unti-unting kumakalma ang tibok ng puso ko, may ibang pakiramdam na pumasok—isang mapurol na kirot at hapdi sa pagitan ng aking mga hita. Gumalaw ako nang kaunti at napadaing nang bahagya dahil sa sakit. Ito ang paalala kung gaano siya ka-matindi at ka-ganid kanina, pero sa kabila nito, ang mas masakit ay ang bigat na dala ng aking isipan.Medyo antok na ako, pero hindi ako makatulog nang tuluyan dahil sa hapdi at sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Nang abutin ko ang tabi ko para maramdaman ang init ng katawan ni Vijay, ang dumampi lang sa kamay ko ay malamig na punda.Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon nang dahan-dahan.Wala na siya.Ang pwesto kung saan siya nakahiga kanina ay walang laman. Kahit na amoy ko pa rin ang pabango niya sa paligid at ang unan ay may bakas pa ng kanyang ulo, wala na siya sa tabi ko.Biglang bumigat ang dibdib ko, mas masakit pa kaysa sa ha
Halos hindi ako makatulog sa mga nalalaman ko; hindi ako mapakali. Buti na lang, nasa probinsya si Mave kasama sina Nanay at Tatay. Ano ba talaga ang totoo, Vijay Maverick Thalapathy? Binili mo lang ba ako para maging laruan mo? Hindi man lang ba ako nagkaroon ng tunay na puwang sa puso mo? — sigaw ng isip ko.Tumayo ako, maglakad-lakad, umupo, at tumayo ulit. Hindi rin ako agad makatulog dahil kakatapos ko lang maligo. Kinuha ko ang aking susi at bag, saka lumabas ng bahay. Ngunit ang daang tinahak ko ay patungo mismo sa bahay niya. Kailangan kong malaman ang katotohanan — o baka laro lang ang lahat ng ito. Hindi na ako pinigilan ng mga guwardiya o ng kanyang mga katulong; dumiretso ako sa kwartong dati naming pinagsaluhan.Hindi na ako nag-abalang kumatok. Pagbukas ko ng pinto, siya naman ang kalalabas lang mula sa banyo — bago pa man makapagsuot ng damit, dahil tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang hubog na dibdib at matitigas na kalamnan. Shit. Bakit doon p
Matapos ang gabing iyon kung saan tuluyan nang naging akin si Shalavi, tila hindi pa nasiyahan ang aking puso at katawan. Ang init na dulot niya ay tila apoy na patuloy na nag-aalab sa aking kalooban, na hindi mapatay ng kahit ano. Ang bawat haplos, bawat hininga, at bawat ungol niya ay nakaukit na
VijayPagkatapos ng gabing iyon, tila gumaan ang pakiramdam ko ngunit nananatili ang matinding pagnanasa sa aking puso at isipan. Habang nililinis ko ang aking sarili, ang mga salitang binitawan ko sa aking sarili ay patuloy na umuugma sa aking isipan. 'Bayad ka naman... bakit pa ako mag-aadjust?'
Ang Init sa Gitna ng Pagpipigil Ang gabi sa mansyon ng mga Thalapathy ay tila mas mahaba kaysa sa dati. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa garden, hindi na mawala sa isip ni Shalavi ang malambot na titig ni Vijay. Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasok siya sa kontrata, pero sa bawat
Ang Init sa Gitna ng Lamig Dahil sa pagnanais na mas makilala ang isa’t isa bago tuluyang magsimula ang anim na buwang kontrata, napagkasunduan nina Vijay at Shalavi na mag-date muna. Lingid sa kaalaman ni Vijay, ang ideyang ito ay nakuha lang ni Shalavi sa mga love stories na kanyang pinapanood







