LOGINMaverick Vijay Thalapathy - Akin ka lang, sapagkat ikaw ay aking laruan, na hindi pwedeng agawin ng iba o lawayan kahit si Diablo ng impiyerno Shavena Malasaga - Hindi mo ako pagmamay-ari. Tapos na ang kontrata ko sa'yo, Mister Thalapathy; wala akong pakialam diyan sa Diablo na sinabi mo. Hindi mo na ako laruan? Magunaw man ang mundo, hinding-hindi ako papayag na maging isang laruan mo. Mas gusto kong maging pulubi sa kalsada kaysa makasama kang muli. Isang pagkakamali ba ang pagbili ng pagkatao para lang sa mithiin mo? Makikita ba nila ang pag-ibig na sumibol sa maling pagbili at pagpayag?
View MoreTHE BILLIONAIRE'S TOY
Hindi ko alam kung bakit ako narito sa isang club sa BGC, Metro Manila. Pagmamay-ari ito ng kaibigan kong si Rama—isang kilalang playboy na walang ibang ginagawa sa buhay kundi mambabae. Ilang oras na ako sa aming mesa, dahan-dahang humihigop ng paborito kong luxury whiskey na malapit ko nang maubos. Anyway, money is not my problem. Ako si Maverick Vijay Thalapathy, ang bilyonaryong binata na kilala sa loob at labas ng bansa. Iyan ang dahilan kung bakit lahat ay nahuhumaling sa akin. Masyado akong pinalaki ng aking mga magulang na may kakaibang pagkatao. Isa akong Thalapathy na kinatatakutan sa larangan ng negosyo, kaya siguro nahihirapan ang iba na makibagay sa akin. “Hey, Vijay! Narito ka para mag-enjoy, hindi para mag-isip tungkol sa mga negosyo mo,” puna ni Rama sa akin. Masyado siyang workaholic, anang isipan ni Rama. Sa edad niyang ito, walang babaeng tumatagal sa kanya dahil sa ugali niya. “Don’t mind me, Rama. Mag-enjoy lang kayo ni Piper, parang hindi naman kayo nasanay sa akin,” tugon ko sa kanya. “That’s exactly what I mean! Ganyan ka na talaga kahit noon pa man. Ano bang bago, ‘di ba?” mayabang niyang sagot. “Iyon naman pala, eh. Sige na, mag-enjoy na kayo roon! Hayaan niyo muna akong lasapin itong paborito kong alak.” “Oh, men... Bahala ka nga riyan!” pagsuko ni Rama bago ako tuluyang iniwan. Iyon naman ang gusto ko—ang mapag-isa. Magkaibigan kami pero magkaiba kami ng personalidad, at nirerespeto namin iyon. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng club. Hindi kalayuan, may natanaw akong isang babae na kakaiba ang dating. Ibang-iba siya sa mga tipikal na babaeng narito sa loob. “Hmm, ang ganda niya kahit sa malayo,” bulong ko sa sarili. Isang ideya ang biglang pumasok sa isip ko. Bakit hindi ko subukan? Napangiti ako. Shalavi’s POV Narito ako sa isang club dahil isinama ako ng kaibigan kong si Merry. Kalalabas ko lang mula sa trabaho ko bilang isang saleslady. Hindi ako makatanggi dahil siya lang ang takbuhan ko rito sa Maynila. Lumuwas ako mula sa probinsya para makatulong sa pamilya. Sinikap kong maging matatag, subalit kahit anong pilit kong mag-enjoy ngayon, hindi ko magawa. Tumawag si Nanay kahapon; ang lupa naming nakasangla ay kailangan nang matubos sa madaling panahon dahil nagkasakit si Tatay. Kung hindi namin ito matutubos ngayong taon mula sa kamag-anak naming nasa Amerika, re-rematahan na nila ito. Paano na si Tatay? Alam kong may sentimental value ang lupang iyon sa kanya dahil iyon lang ang naiwan ng kanyang mga magulang. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera? Umabot na sa 1.8 milyon ang pagkakautang at hindi sapat ang sahod ko. Kahit mangutang ako sa SSS, kulang pa rin. Pagod na pagod na ako, pero hindi ako pwedeng sumuko. Sa edad kong bente-kwatro, wala pa akong nagiging karelasyon dahil sa hirap ng buhay. The Encounter Nagulat ako nang may lumapit sa aking lalaki. Halata sa tindig niya ang pagiging arogante at mayaman. “Yes? Kasi tayo lang namang dalawa rito,” kabadong panimula ko. “Pardon?” wika niya, tila nagtataka sa sagot ko. “Actually, kanina pa kita pinagmamasdan. Mukhang wala ka sa mood para mag-enjoy. Pasensya na,” saad niya na may halong awtoridad. “Wala lang ito, sanay lang ako sa ganito kapag isinasama ako ng kaibigan ko,” mahina kong tugon. “Hmm... I’m not a mind reader, pero nababasa ko sa iyong mga mata na may problema ka. Baka makatulong ako? Anyway, I’m Maverick Vijay Thalapathy,” wika niya sabay lahad ng kanyang kamay. “Shalavi Malasaga. Nice to meet you, Vi,” sagot ko habang tinatanggap ang kamay niya. Bakit ang lambot ng kanyang palad at ang init? Kay sarap hawakan, anang isip ko. “Nice name,” wika ni Vijay sabay lunok ng laway. Ganda ng kanyang mga mata kahit malalim siyang tumingin. Dahil sa suot niyang mamahaling corporate attire, alam kong tinitingala siya sa lipunan. “I know may dinadala kang mabigat na problema. I have a proposal for you,” diretsang sabi niya. “If you don’t mind, 5 million ang offer ko. Pwede mong makuha agad kung papayag ka sa gusto ko.” Napamangha ako. Hindi ko akalain na may pakay siya sa akin. “What do you mean?” “Five million. Kung hindi pa sapat, tell me!” wika niya habang nakatitig sa aking mukha. “Anong kapalit?” mabilis kong tanong. “Be my toy. Ako lang ang nakakaalam kung ano ang plano ko sa iyo. Anim na buwan ang kontrata natin; bukas ko ibibigay ang mga papeles.” Halos hindi ako makahinga. Kapag pumayag ako, matutubos namin ang lupa, maipapaayos ang bahay, at makakaipon pa ako para sa pangarap kong mag-Amerika. “Pwedeng... bigyan mo muna ako ng ilang araw para makapag-isip?” tanong ko nang may pag-aalinlangan. “Okay. But give me your contact number para malaman ko ang sagot mo.” Kinuha ko ang phone ko at ibinigay ang numero ko. Dinial niya ito agad. “That’s my number. Save it para alam mo kung ako ang tumatawag. Got it?” “Ang bossy naman,” bulong ko. Sinave ko ang number niya sa pangalang “My Bossy Vijay.” “Papasok na ako sa loob. Hindi ka ba sasabay?” tanong ko sa kanya. “Mauna ka na, baka may makakita sa atin. Alam kong kilala ka sa lipunan, ayaw kong maging sentro ng usap-usapan,” paliwanag ko. “Subalit kailangan mong masanay, Shalavi... kung papayag ka sa alok ko,” tugon niya. “Ayaw ko ng spotlight, Vijay. Sana maunawaan mo.” Vijay’s POV Shit. Bakit kay sarap pakinggan ang pagtawag niya sa pangalan ko? Napapikit ako at nilunok ang sariling laway. “Okay.” Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap para mag-beso. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. “Vijay...” mahina niyang tawag sa akin. Nagulat siya pero niyakap niya rin ako pabalik. “Mauna na ako,” wika ko nang may ngisi. Pagbalik ko sa aming mesa, sinalubong ako ng mapanuring tingin ng aking mga kaibigan. “Where have you been?” tanong ni Piper. “I think may nakita siyang chick,” kantiyaw naman ni Ervick. “Kailan pa kayo naging imbestigador? Mind your own business, dudes,” matigas kong tugon. Tumawag ako ng waiter at nag-order ng paborito kong Klage. Habang sinisimsim ko ang alak, nakatingin ako sa table ni Shalavi. Naroon siya, umiinom lang ng pineapple juice. Hindi ko ipinahalata sa mga kasama ko na siya ang tinitingnan ko. Kaya pala hindi ako makatanggi kanina sa aya nila, dahil dito ko pala makikita ang magiging “laruan” ko. Excited na akong makuha siya. Alam kong papayag siya; malaki ang offer ko at halatang kailangan niya ito. Nang mag-yaya nang umuwi si Rama dahil darating ang Daddy niya bukas, agad ko siyang pinadalhan ng mensahe. Nang nasa bahay na ako, habang nakahiga, hinanap ko ang pangalan niya sa social media at agad ko naman itong nahanap. Nakita ko ang mga selfie niya—may mga litratong naka-nguso siya na tila nang-aakit ng halik. I feel weird. Bakit masyado akong nag-iinteres sa kanya? Sana ay tanggapin niya ang alok ko. In six months, hindi na siya lugi; pwede pa siyang mag-demand kung nais niya. Ako ang magiging una sa lahat, kaya masarap siyang maging laruan. Mas maganda kung ang magiging titulo niya ay... ‘THE BILLIONAIRE’S TOY.’ Ngumisi ako habang dahan-dahang ipinipikit ang aking mga mata.“Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa—sa aking asawa at sa aming anak—biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng pangyayari, at kung saan mismo nagsimula ang aming kwento.” Tama kayo. Binili ako ng isang bilyonaryo. Ika nga nila, “The Billionaire’s Toy” — iyan ang madalas na tawag sa mga tulad ko. Isang bagay na nakuha gamit ang pera, na maaaring gamitin, itabi, o itapon kapag hindi na kailangan. Sa simula, ganoon din ang tingin ko sa aking sarili. Naramdaman kong wala akong halaga, na ang tanging dahilan kung bakit ako nasa tabi niya ay dahil may kakayahan siyang bayaran ang presyo ng aking katahimikan at ng aking oras. Ngunit sa kabila ng masakit na katotohanang iyon, hindi ko maikakaila na naging daan din ang pangyayaring iyon para mailigtas ang kung ano ang pinakamahalaga sa akin. Dahil sa kanya, hindi nawala ang lupang minana ng aking mga magulang — ang tanging yaman na mayroon kami, ang lugar kung saan kami lumaki at nakatayo nang may dangal. Ang perang ibinigay niya ang n
Matapos ang pangyayari sa lobby ng kumpanya, wala nang pag-aalinlangan pa si Vijay. Agad niyang inayos ang lahat para tuluyan na kaming makasama — ako, at higit sa lahat, si Mave. Wala nang itatago, wala nang pagkukunwari; opisyal na kaming pamilya sa kanyang paningin, at handa siyang ibigay ang lahat para mabawi ang mga taon at buwan na lumipas nang wala siya sa tabi ng kanyang anak. Lumipat kami sa malawak at magarang bahay na pag-aari ng pamilya Thalapathy. Bagama’t malaki at tahimik ang paligid, sinikap ni Vijay na punuin ito ng saya at kulay para maramdaman ni Mave na ito na ang kanyang tunay na tahanan. Sa mga sumunod na araw, nakatuon ang buong atensyon ni Vijay sa aming anak. Para siyang taong natuklasan ang pinakamahalagang yaman sa buong mundo, at ayaw niyang sayangin kahit isang sandali pa. “Mave, gusto mo bang samahan kita mamaya sa hardin? May mga ibon at bulaklak doon na siguradong magugustuhan mo,” anyaya ni Vijay isang umaga, ang boses ay malambing na hindi karaniwa
Kahit naging madamdamin ang sandaling iyon, alam ko sa sarili ko na kailangan kong ipakilala nang maayos at pormal ang aming anak sa kanyang ama. Gusto kong maramdaman ni Vijay na tanggap ko na rin ang katotohanan, at handa na akong harapin ang buhay na mayroon siya. Nagpasya akong dalhin si Mave sa mismong gusali ng kumpanya ni Vijay — ang Thalapathy Corporation, isa sa pinakamalalaki at pinakakilalang kumpanya sa buong bansa. Akala ko ay magiging maayos ang lahat, na sa pamamagitan nito ay sisimulan na naming buuin ang aming pamilya nang walang itatago. Nakasuot kami ng maayos pero simpleng damit. Hawak nang mahigpit ni Mave ang aking kamay habang papasok kami sa malaking pintuan ng lobby. Ang paligid ay makintab, malawak, at puno ng mga taong abala sa kani-kanilang gawain. “Ma, malaki po ba ang opisina ni Tatay?” mahinang tanong ni Mave habang tumitingin sa paligid nang may pagkamangha. “Oo, anak. Malaki at maganda. Hihintayin lang natin siyang lumabas o papasukin tayo ng mga t
Matapos kumalma ang aming damdamin at maubos ang simpleng almusal na inihanda niya, nanatili kaming nakahiga nang magkahawak ang kamay. Ang tanong na matagal ko nang kinikimkim ay kailangan ko nang marinig ang sagot—hindi lang para sa sarili ko, kundi para maintindihan ko rin kung bakit naging ganoon ang pananaw niya sa buhay at sa pagmamahal.Tumingala ako sa kanya, ang mukha niya ay kalmado na ngayon, pero may bahid pa rin ng bigat na tila dala niya sa loob ng mahabang panahon.“Vijay,” panimula ko nang mahina. “Sinabi mo kanina na may sakit ka mula sa iyong nakaraan, galing sa iyong ina. Gusto kong malaman ang buong kwento. Bakit ganoon ang naging pananaw mo? Bakit sa una ay akala mo ay nabibili ang lahat ng bagay, pati ang pagmamahal?”Huminga siya nang malalim, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagi ng kanyang puso na laging itinatago sa lahat. Idinikit niya ang noo niya sa akin habang nagsisimula siyang magkwento, ang boses ay mababa at puno ng pait na matagal nang nakaba
VijayPagkatapos ng gabing iyon, tila gumaan ang pakiramdam ko ngunit nananatili ang matinding pagnanasa sa aking puso at isipan. Habang nililinis ko ang aking sarili, ang mga salitang binitawan ko sa aking sarili ay patuloy na umuugma sa aking isipan. 'Bayad ka naman... bakit pa ako mag-aadjust?'
Ang Init sa Gitna ng Pagpipigil Ang gabi sa mansyon ng mga Thalapathy ay tila mas mahaba kaysa sa dati. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa garden, hindi na mawala sa isip ni Shalavi ang malambot na titig ni Vijay. Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasok siya sa kontrata, pero sa bawat
Ang Init sa Gitna ng Lamig Dahil sa pagnanais na mas makilala ang isa’t isa bago tuluyang magsimula ang anim na buwang kontrata, napagkasunduan nina Vijay at Shalavi na mag-date muna. Lingid sa kaalaman ni Vijay, ang ideyang ito ay nakuha lang ni Shalavi sa mga love stories na kanyang pinapanood
Ang Desisyon at ang Kasunduan Shalavi’s POV Namamangha pa rin ako sa lalaking nakausap ko sa club kagabi. Hindi ko akalain na may ganoon talagang tao sa totoong buhay. Akala ko sa mga kuwentong nababasa ko lang o napapanood sa YouTube nangyayari ang ganoon. Pagbabasa at pakikinig ng mga love st






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews