Share

UNANG DATE

Author: Raindaja323
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-27 02:48:30

Ang Init sa Gitna ng Lamig

Dahil sa pagnanais na mas makilala ang isa’t isa bago tuluyang magsimula ang anim na buwang kontrata, napagkasunduan nina Vijay at Shalavi na mag-date muna. Lingid sa kaalaman ni Vijay, ang ideyang ito ay nakuha lang ni Shalavi sa mga love stories na kanyang pinapanood at binabasa.

Sa Baguio nila napiling pumunta dahil ayaw ni Shalavi sa matataong lugar. Ramdam niya ang bigat ng pangalang dala ni Vijay sa lipunan, kaya mas pinili niya ang katahimikan ng North. Naging maganda ang kanilang unang paghaharap sa labas ng club; tila unti-unti nilang natutuklasan na sa kabila ng magkaiba nilang mundo, may mga bagay silang pagkakapareho.

Matapos ang isang masarap na hapunan, napagpasyahan nilang maglakad-lakad. Habang binabaybay ang tahimik na kalsada, hindi napigilan ni Vijay na abutin ang kamay ni Shalavi. Ramdam niya ang panginginig nito dahil sa manipis na kasuotang hindi sapat para labanan ang sikat na lamig ng Baguio.

Noong una ay tila nahiya pa si Shalavi, subalit nang gumapang ang init mula sa palad ni Vijay patungo sa kanyang balat, hindi na siya pumalag. Doon niya napagtanto na totoo nga ang mga nababasa niya sa social media—iba ang lamig sa Baguio, at mas masarap kapag may humahawak sa iyong kamay.

“Bakit ang lambot ng palad niya?” tanong ni Vijay sa kanyang isipan habang dahan-dahang pinipisil ang kamay ng dalaga. Alam niyang batak sa trabaho si Shalavi, ngunit ang kinis at lambot nito ay tila hindi nababagay sa hirap na dinanas nito.

Naupo sila sa isang bench na tila sadyang inilaan para sa mga naglalakad na magkapares. Nanatiling magkahawak ang kanilang mga kamay, tila doon sila kumukuha ng lakas para labanan ang mahanging panahon. Sa hindi kalayuan, napansin nila ang isang magkasintahang biglang naglapat ang mga labi.

Nagkatinginan ang dalawa. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Shalavi kay Vijay, ngunit tila bato ang ekspresyon ng bilyonaryo. Dahil likas na clingy, napanguso na lamang si Shalavi sa kawalan ng tugon ng lalaki. Hindi niya alam, lihim na napapangiti si Vijay sa loob. Namamangha siya sa pagiging inosente at diretsang pag-uugali ni Shalavi—isang bagay na nagpapataas ng sensasyon sa kanyang katawan, ngunit pinili niyang manatiling seryoso sa labas.

Nang mapansin nilang unti-unti nang naglalaho ang buwan at lumalalim na ang gabi, nagpasya silang bumalik na sa Maynila. Sa gitna ng biyahe, hindi na nakayanan ni Shalavi ang antok at tuluyan nang naidlip.

Habang nagmamaneho, paminsan-minsang sumusulyap si Vijay sa katabi. Hanggang sa mapako ang kanyang tingin sa tiyan ni Shalavi; bahagyang tumaas ang blouse nito at lumitaw ang maputi at makinis na balat na tila kumikinang sa dilim. Napalunok si Vijay. “Hindi pa ngayon,” paalala niya sa sarili, sabay balik ng tingin sa kalsada.

Ngunit tila nanunubok ang tadhana. Gumalaw si Shalavi at mas lalong tumaas ang suot nito, halos maaninag na ni Vijay ang kurba ng kanyang dibdib na natatakpan lamang ng manipis na pangloob. Hindi na napigilan ni Vijay ang kanyang sarili; dahan-dahan niyang hinaplos ang balat ng dalaga. Halos mapapikit siya sa sarap ng init na dumampi sa kanyang palad. Hinayaan niya lang na nakadampi ang kanyang kamay doon habang ang isa ay nasa manibela.

“Hmm...” ungol ni Shalavi. Sa kanyang pagtulog, hinawakan niya ang kamay ni Vijay at inilagay ito sa kanyang pisngi, akala niya ay unan ito. Kinabahan si Vijay pero napangiti na rin habang pinagmamasdan ang tinawag niyang "manok" na mahimbing na natutulog.

Para siyang tanga na nakangiti mag-isa. Ang hindi niya alam, simula pa sa Baguio ay may mga matang matyag na nakasunod sa kanila hanggang sa kanilang pag-uwi.

Nang makarating sa tapat ng apartment ni Shalavi, hindi niya ito ginising. Inayos niya na lang ang pagkakahiga nito para hindi sumakit ang leeg. Humiga rin si Vijay sa kanyang upuan, hinayaang hawak pa rin ni Shalavi ang kanyang kamay kahit nangangalay na ang kanyang braso.

Makalipas ang isang oras, naalimpungatan si Shalavi. Nagulat siya nang marealize na palad ni Vijay ang yakap niya. Sa kanyang pag-aayos ng upo, hindi niya sinasadyang mapalapit nang husto kay Vijay. Sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Shalavi. Akala niya ay tulog si Vijay, ngunit naramdaman niyang gumalaw ang mga labi nito. Nanatiling nakapikit si Vijay, kaya inakala ni Shalavi na nanaginip lang ito. Sa bango ng hininga ni Vijay, tila natutunaw ang pagpipigil ni Shalavi. Ito ang kanyang unang halik, at hindi niya akalaing magiging ganito ito kasarap.

Ang hindi niya alam, gising na gising si Vijay at nagtutulog-tulugan lang para hindi matakot ang dalaga. Sa loob ni Vijay, halos magsisigaw siya sa saya. First base na agad! At mas masarap dahil alam niyang siya rin ang "una" ni Shalavi.

Nang makapasok na si Shalavi sa kanyang apartment, naiwan si Vijay na nakatingin sa kawalan hanggang sa magising siya mula sa malalim na pag-iisip dahil sa isang tawag.

Samantala, sa isang dambuhalang mansyon...

Halos maputol ang litid ni Don Bosco sa galit habang sinisigawan ang kanyang mga apo. Isang taon na lang ang ibinigay niyang palugit para mahanap ang kanyang nawawalang tagapagmana.

“Wala pa rin kayong balita?! Isang taon na lang ang binibigay ko sa inyo!” sigaw ng matanda bago pabalas na umakyat sa kanyang silid. “Tandaan niyo, walang kwento ang mansyong ito kung wala sila!”

Napailing na lang si Rama at ang kanyang kambal. Alam ni Rumer na may sarili na siyang tauhan na naghahanap, ngunit mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap.

Sa loob ng kanyang kwarto, malungkot na hinaplos ni Don Bosco ang natitirang larawan ni Amelia. Naalala niya kung paano lumayas ang kanyang anak kasama ang lalaking minahal nito dahil sa higpit ng pamilya. Umalis si Amelia na nagdadalang-tao, at hanggang ngayon, wala pa ring balita.

“Nasaan ka na, apo?” bulong ni Don Bosco sa hangin, habang nangingilid ang luha. Ngayon niya napatunayan na walang silbi ang yaman at kapangyarihan kung ang puso naman ay nangungulila. Namatay ang kanyang anak at ang asawa nito sa pangungulila, at ang tanging pangakong hindi niya pa natutupad ay ang mahanap ang bunga ng pag-ibig ni Amelia.

Shalavi’s POV

Pagkapasok ko sa aking silid, tila lumilipad pa rin ang aking isipan. Hinawakan ko ang aking mga labi habang nakaupo sa gilid ng kama. Iyon ang aking unang halik. At kahit akala ko ay tulog siya noon, naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga labi na tila sinasabing tinatanggap niya rin ako. Ang lamig ng Baguio ay naiwan na sa Baguio, dahil sa tuwing naaalala ko ang pangyayari, tila nagliliyab ang aking buong katawan sa init.

"Shalavi, anong ginagawa mo?" tanong ko sa sarili habang tinatapik ang aking pisngi na namumula sa hiya at tuwa. Hindi ko akalain na magiging ganito kabilis ang lahat. Mula sa pagiging simpleng dalagang nagbabasa lamang ng kwentong pag-ibig, bigla akong napasabak sa sarili kong kwento na tila hango sa mga librong gusto ko.

Nagbihis ako at humiga, ngunit hindi ako makatulog. Ang imahe ni Vijay—ang kanyang mga mata, ang kanyang hawak, ang kanyang halik—ay paulit-ulit na gumuguhit sa aking isipan. Ngunit sa gitna ng aking kaligayahan, may kakaibang pakiramdam na bumubulong sa akin. Parang may nakatago siyang sikreto. At parang hindi lang ito tungkol sa kanyang pagiging bilyonaryo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   WAKAS

    “Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa—sa aking asawa at sa aming anak—biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng pangyayari, at kung saan mismo nagsimula ang aming kwento.” Tama kayo. Binili ako ng isang bilyonaryo. Ika nga nila, “The Billionaire’s Toy” — iyan ang madalas na tawag sa mga tulad ko. Isang bagay na nakuha gamit ang pera, na maaaring gamitin, itabi, o itapon kapag hindi na kailangan. Sa simula, ganoon din ang tingin ko sa aking sarili. Naramdaman kong wala akong halaga, na ang tanging dahilan kung bakit ako nasa tabi niya ay dahil may kakayahan siyang bayaran ang presyo ng aking katahimikan at ng aking oras. Ngunit sa kabila ng masakit na katotohanang iyon, hindi ko maikakaila na naging daan din ang pangyayaring iyon para mailigtas ang kung ano ang pinakamahalaga sa akin. Dahil sa kanya, hindi nawala ang lupang minana ng aking mga magulang — ang tanging yaman na mayroon kami, ang lugar kung saan kami lumaki at nakatayo nang may dangal. Ang perang ibinigay niya ang n

  • THE BILLIONAIRE’S TOY    PAMILYA

    Matapos ang pangyayari sa lobby ng kumpanya, wala nang pag-aalinlangan pa si Vijay. Agad niyang inayos ang lahat para tuluyan na kaming makasama — ako, at higit sa lahat, si Mave. Wala nang itatago, wala nang pagkukunwari; opisyal na kaming pamilya sa kanyang paningin, at handa siyang ibigay ang lahat para mabawi ang mga taon at buwan na lumipas nang wala siya sa tabi ng kanyang anak. Lumipat kami sa malawak at magarang bahay na pag-aari ng pamilya Thalapathy. Bagama’t malaki at tahimik ang paligid, sinikap ni Vijay na punuin ito ng saya at kulay para maramdaman ni Mave na ito na ang kanyang tunay na tahanan. Sa mga sumunod na araw, nakatuon ang buong atensyon ni Vijay sa aming anak. Para siyang taong natuklasan ang pinakamahalagang yaman sa buong mundo, at ayaw niyang sayangin kahit isang sandali pa. “Mave, gusto mo bang samahan kita mamaya sa hardin? May mga ibon at bulaklak doon na siguradong magugustuhan mo,” anyaya ni Vijay isang umaga, ang boses ay malambing na hindi karaniwa

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   ANAK

    Kahit naging madamdamin ang sandaling iyon, alam ko sa sarili ko na kailangan kong ipakilala nang maayos at pormal ang aming anak sa kanyang ama. Gusto kong maramdaman ni Vijay na tanggap ko na rin ang katotohanan, at handa na akong harapin ang buhay na mayroon siya. Nagpasya akong dalhin si Mave sa mismong gusali ng kumpanya ni Vijay — ang Thalapathy Corporation, isa sa pinakamalalaki at pinakakilalang kumpanya sa buong bansa. Akala ko ay magiging maayos ang lahat, na sa pamamagitan nito ay sisimulan na naming buuin ang aming pamilya nang walang itatago. Nakasuot kami ng maayos pero simpleng damit. Hawak nang mahigpit ni Mave ang aking kamay habang papasok kami sa malaking pintuan ng lobby. Ang paligid ay makintab, malawak, at puno ng mga taong abala sa kani-kanilang gawain. “Ma, malaki po ba ang opisina ni Tatay?” mahinang tanong ni Mave habang tumitingin sa paligid nang may pagkamangha. “Oo, anak. Malaki at maganda. Hihintayin lang natin siyang lumabas o papasukin tayo ng mga t

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   HINDING-HINDI KITA IIWAN

    Matapos kumalma ang aming damdamin at maubos ang simpleng almusal na inihanda niya, nanatili kaming nakahiga nang magkahawak ang kamay. Ang tanong na matagal ko nang kinikimkim ay kailangan ko nang marinig ang sagot—hindi lang para sa sarili ko, kundi para maintindihan ko rin kung bakit naging ganoon ang pananaw niya sa buhay at sa pagmamahal.Tumingala ako sa kanya, ang mukha niya ay kalmado na ngayon, pero may bahid pa rin ng bigat na tila dala niya sa loob ng mahabang panahon.“Vijay,” panimula ko nang mahina. “Sinabi mo kanina na may sakit ka mula sa iyong nakaraan, galing sa iyong ina. Gusto kong malaman ang buong kwento. Bakit ganoon ang naging pananaw mo? Bakit sa una ay akala mo ay nabibili ang lahat ng bagay, pati ang pagmamahal?”Huminga siya nang malalim, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagi ng kanyang puso na laging itinatago sa lahat. Idinikit niya ang noo niya sa akin habang nagsisimula siyang magkwento, ang boses ay mababa at puno ng pait na matagal nang nakaba

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   HAPDI NG KASIYAHAN

    Ramdam ko pa rin ang init at panginginig ng aking katawan matapos ang matinding pagmamahalan namin. Pero habang unti-unting kumakalma ang tibok ng puso ko, may ibang pakiramdam na pumasok—isang mapurol na kirot at hapdi sa pagitan ng aking mga hita. Gumalaw ako nang kaunti at napadaing nang bahagya dahil sa sakit. Ito ang paalala kung gaano siya ka-matindi at ka-ganid kanina, pero sa kabila nito, ang mas masakit ay ang bigat na dala ng aking isipan.Medyo antok na ako, pero hindi ako makatulog nang tuluyan dahil sa hapdi at sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Nang abutin ko ang tabi ko para maramdaman ang init ng katawan ni Vijay, ang dumampi lang sa kamay ko ay malamig na punda.Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon nang dahan-dahan.Wala na siya.Ang pwesto kung saan siya nakahiga kanina ay walang laman. Kahit na amoy ko pa rin ang pabango niya sa paligid at ang unan ay may bakas pa ng kanyang ulo, wala na siya sa tabi ko.Biglang bumigat ang dibdib ko, mas masakit pa kaysa sa ha

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   INIT NA PINAGSALUHAN

    Halos hindi ako makatulog sa mga nalalaman ko; hindi ako mapakali. Buti na lang, nasa probinsya si Mave kasama sina Nanay at Tatay. Ano ba talaga ang totoo, Vijay Maverick Thalapathy? Binili mo lang ba ako para maging laruan mo? Hindi man lang ba ako nagkaroon ng tunay na puwang sa puso mo? — sigaw ng isip ko.Tumayo ako, maglakad-lakad, umupo, at tumayo ulit. Hindi rin ako agad makatulog dahil kakatapos ko lang maligo. Kinuha ko ang aking susi at bag, saka lumabas ng bahay. Ngunit ang daang tinahak ko ay patungo mismo sa bahay niya. Kailangan kong malaman ang katotohanan — o baka laro lang ang lahat ng ito. Hindi na ako pinigilan ng mga guwardiya o ng kanyang mga katulong; dumiretso ako sa kwartong dati naming pinagsaluhan.Hindi na ako nag-abalang kumatok. Pagbukas ko ng pinto, siya naman ang kalalabas lang mula sa banyo — bago pa man makapagsuot ng damit, dahil tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang hubog na dibdib at matitigas na kalamnan. Shit. Bakit doon p

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   MADILIM KWARTO

    Matapos ang gabing iyon kung saan tuluyan nang naging akin si Shalavi, tila hindi pa nasiyahan ang aking puso at katawan. Ang init na dulot niya ay tila apoy na patuloy na nag-aalab sa aking kalooban, na hindi mapatay ng kahit ano. Ang bawat haplos, bawat hininga, at bawat ungol niya ay nakaukit na

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   TINATAGONG PLANO

    VijayPagkatapos ng gabing iyon, tila gumaan ang pakiramdam ko ngunit nananatili ang matinding pagnanasa sa aking puso at isipan. Habang nililinis ko ang aking sarili, ang mga salitang binitawan ko sa aking sarili ay patuloy na umuugma sa aking isipan. 'Bayad ka naman... bakit pa ako mag-aadjust?'

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   INIT

    Ang Init sa Gitna ng Pagpipigil Ang gabi sa mansyon ng mga Thalapathy ay tila mas mahaba kaysa sa dati. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa garden, hindi na mawala sa isip ni Shalavi ang malambot na titig ni Vijay. Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasok siya sa kontrata, pero sa bawat

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   ENCOUNTER

    THE BILLIONAIRE'S TOY Hindi ko alam kung bakit ako narito sa isang club sa BGC, Metro Manila. Pagmamay-ari ito ng kaibigan kong si Rama—isang kilalang playboy na walang ibang ginagawa sa buhay kundi mambabae. Ilang oras na ako sa aming mesa, dahan-dahang humihigop ng paborito kong luxury whiskey

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status