LOGINAng akala niyang perpektong asawa na mahal na mahal siya ay sumiping sa ibang babae. Idagdag pa na ang ina nito ay sobrang ayaw sa kaniya na kung saan ay handa pa siya nitong bayaran para lang hiwalayan niya ang anak nito at nang makita niyang may kasiping na iba ang asawa niya ay doon na tuluyang naubos si Jasmine. Nakipaghiwalay siya rito, not knowing na buntis pala siya. Limang taon ang lumipas at muling nagkrus ang landas nilang dalawa. He became her new boss at doon, muli nitong ginulo ang mundo niya. “She's our daughter right?” his eyes filled with emotion. Ngumiti siya ng mapait. “She's not.” “Jasmine please... Alam kong may nararamdaman ka pa para sa akin.“ Matinding galit ang nararamdaman niya rito dahil sa ginawa nitong pagtataksil, ngunit paano kung hindi naman pala totoo ang lahat ng iyon at isa lang misunderstanding? Will they find their way back to love? Or tatanggapin na lang ang katotohanan na hindi sila para sa isat-isa dahil sa mga hadlang sa pag-iibigan nila?
View MoreAlas syete pa lang ng umaga ay naghahanda na sa pagpasok sa paaralan si Jasmine at ang kanyang anak na si Diane. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang makitang hindi pa ring ito gumagalaw mula sa kinauupuan. “Anak, suotin mo na ang mga sapatos mo, malelate na tayo niyan e.” sabi niya rito.
Ngumuso ito at pagkatapos ay bigla na lang pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. “Ayoko! Ayokong pumasok!” sabi nito na may kasama pang pagdadabog.
Muli na lang siyang nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. “Anak naman…” medyo pinalambot niya ang kanyang boses. “Ibibili kita mamaya ng paborito mong chocolate cake kapag pumasok ka.” ngumiti siya rito. “Hindi ba at paborito mo iyon?” biglang naging malambot ang ekspresyon ng kanyang anak. Sa sumunod na sandali pa ay bigla na lang nitong iniayos ang paa.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na bilisan ang kanyang mga galaw. Mabilis niyang sinuutan ito ng sapatos pagkatapos ay binuhat niya ito pababa ng bahay. Habang buhat-buhat ang anak ay mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Sally. Ilang ring lang ay mabilis naman nitong sinagot iyon. “Sally, pwede ba akong humingi ng tulong sayo? Baka kasi malate ako e. Sunduin mo naman ako.” medyo nakikiusap na sabi niya rito.
Mabilis niya namang narinig ang sagot nito mula sa kabilang linya. “Oo naman, ikaw pa ba? Hintayin mo ako. Papunta na ako.” sagot nito sa kaniya at mabilis na ibinaba na ang tawag.
Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang dumating ang taxi na tinawag ni SAlly, hindi siya nito nagawang sunduin dahil hindi daw sila parehong pwedeng malate, inihatid na sila sa school kung saan papasok ang kanyang anak. Pagbaba niya ang sasakyan ay kaagad niyang napansin ang bag ng kanyang anak na nakabukas, yumuko siya at akmang isasara na sana ito nang mapansin niyang may nakaharang pala sa zipper ng bag ni Dave kaya hindi ito maisara. Binuksan niya muna ang bag upang iayos ito ngunit halos manlamig ang kanyang katawan nang makita kung ano iyon. Isang larawan.
Halos tumigil ang pagtibok ng kanyang puso nang makita ang lalaking nasa litrato, walang iba kundi si Nathan Cruz.
Hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang anak. Paanong napunta sa bago nito ang larawang iyon? Ang tahip sa kanyang dibdib ay mas lalo pang bumilis. “Anak, saan mo nakuha ang larawang ito?” tanong niya habang nanginginig.
Nakita niyang nagsalubong ang maliit na kilay nito at pagkatapos ay itinuro ang larawang hawak niya. “Sino ba ang lalaking yan Mommy?” tanong sa kaniya ng anak bago napuno ng lungkot ang mga mata nito. “Lahat ng kaklase ko ay may Daddy. Nakita ko yan at gusto ko rin siyang maging Daddy.” sagot nito sa kaniya.
Habang nakatingin sa mukha ng kanyang anak ay bigla na lang kumirot ang puso ni Jasmine ng wala sa oras. Halos limang taon na silang hiwalay ng dati niyang asawa at simula noon ay hindi na sila muling nagkita pa. Nawalan na siya ng balita rito dahil unang-una ay hindi naman niya pinag-interesan ang mga pangyayari sa tungkol sa buhay nito dahil hiwalay na sila. Marahil ay nag-asawa na itong muli at baka masaya na.
Hindi na lamang siya sumagot pa at muling ibinalik ang larawan sa loob ng bag ng anak kahit na may kirot siyang nararamdaman at tuluyang inihatid si Diane hanggang sa classroom nito. Paglabas niya ay halos patakbo siyang sumakay sa taxi. Nagpahintay siya rito dahil alam niyang kung hindi niya iyon gagawin ay baka mahirapan siyang makahanap ng masasakyan niya.
Pagkasakay niya pa lang ng taxi ay bigla ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Sally ang tumatawag. “Jazz, nasaan ka na? Bilisan mo! Hindi ka pwedeng malate ngayon.” may pag-aalalang sabi nito sa kaniya.
Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” bigla siyang kinabahan ng wala sa oras.
“Well, tinawagan lang din ako. Alam mo naman na ngayon darating ang bagong CEO, hindi ba?” tanong nito sa kaniya.
Halos mapamura siya sa loob-loob niya dahil paano nga bang nawala iyon sa isip niya? Oo nga pala. Napakagat labi na lang siya bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. “Oo, papunta na ako.” sabi niya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
******
Isang Rolls Royce ang pumarada sa harapan ng gusali at ilang sandali pa ay bumaba ito sa loob ng sasakyan. Nakasuot ito ng kulay itim na suit at mala-diyos ang atake nito habang naglalakad papasok. Ang mga empleyadong naghihintay sa pagdating nito ay hindi nagsalita at nakamasid lang hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa kanila. Dahil sa lakas ng awra nito ay hindi sinasadyang mapayuko silang lahat at wala ni isa ang nangahas na salubingin ang mga mata nito.
Kaagad na sinalubong ng Vice President ang bagong CEO na may ngiti sa mga labi. “Welcome sir Nathan.” magalang na sabi nito. Hindi ito sumagot sa halip ay walang pakialam nitong sinuyod ang mukha ng lahat ng empleyado na naroon.
Bakit parang may kulang yata? Tanong niya sa kanyang isip habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. “May meeting hindi ba? Kailangan lahat ng kasali sa meeting ay naroon.” sabi niya rito at tuluyang naglakad patungo sa elevator.
Dahil ito ang gagamit ng elevator, ang ilang empleyado na naroon ay kaagad na nagtakbuhan patungo sa hagdan para umakyat. Pumasok na si Nathan sa loob ng elevator kasama ang ilan at malapit ng sumara ang elevator nang isang sigaw ang umalingawngaw ng wala sa oras. “Sandali lang!”
Sa sobrang pagmamadali ni Jasmine na habulin ang pagsara ng elevator ay natapilok siya ng wala sa oras. Mabuti na lang at may mga bisig na sumalo sa pagbagsak niya. Hindi niya hahayaang malate siya dahil malalagot siya kung sakali.
Napahawak si Jasmine sa dibdib ng lalaking sumalo sa kaniya. Napakatigas ng dibdib nito at bukod pa doon ay naramdaman niya ang pagbalot ng mga kamay nito sa kanyang beywang ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay isang tinig ang narinig niya. “Sa tagal nating hindi nagkita, ganyan na ba talaga kalakas ang loob mo ngayon para gawin ang bagay na ito?”
…
KINAHAPUNAN ay kaagad na nakita ni Jasmine ang isang friend request. Lalaki iyon at alam na niya kaagad na iyon na nga ang lalaking sinasabi ng kanyang ina sa kaniya. Hindi niya na lang ito pinansin at hindi niya rin ito inaccept. Wala siyang plano na tanggapin iyon isa pa, hindi siya naghahanap ng pag-ibig sa ngayon. Dahil hindi naman siya busy ay sinundo niya na lang ang kanyang anak sa school at pagkatapos ay dinala niya ito sa playground. Pinaglaro niya muna ito sandali bago tuluyang inuwi. Pagkauwi nila ay nagluto na siya kaagad para mapakain niya ito ng maaga dahil ang plano niya ay turuan muna ito sa mga assignment nito. Hindi nagtagal ay natapos na niya itong linisan at pakainin kaya umupo silang dalawa sa sala. “Anak, anong hayop ito?” “Duck Mommy!” “E ito naman?” “Chick!” Napakunot ang noo ni Jasmine nang bigla na lang siyang makarinig ng doorbell. Baka si Jeddah ito. “Dito ka muna sandali.” sabi niya sa anak niya at tumayo tyaka siya nagtungo sa pinto. Nang buksan niy
ALAS diyes na ng umaga ng tuluyang magising si Jasmine. Kaagad siyang napahawak sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay para itong pinupukpok at bukod pa doon ay parang umiikot ang paligid niya. Napakahilot siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay bigla siyang napatayo mula sa kama ng maalala na late na siya! Kailangan niya pang pumasok! Hindi siya pwedeng umabsent dahil— Bumukas ang pinto dahilan para matigilan siya. Pumasok si Jeddah. “Gising ka na pala.” sabi nito sa kaniya at nang makita ang nag-aalala niyang itsura ay ngumiti ito sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, ipinagpaalam na muna kita.” sabi niya rito.Dahan-dahan siyang napaupo sa kama. “Dahil wala ka namang pasok ngayon, bakit hindi mo muna dalawin ang iyong ina? May sakit pa rin yata siya at tungkol naman kay Diane ay ayos lang sa akin na dito muna siya para hindi siya mahawa ng sakit.” sabi nito sa kaniya.Tumayo siya mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa kanyang kaibigan at tyaka niya ito niyakap n
PAGKATAPOS iparada ni Jeddah ang kanyang sasakyan sa parking lot ay bumaba siya ng kanyang kotse at tumawag ng kasambahay. Nagpatulong siya ritong buhatin si Jasmine na lasing na lasing ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit ito naglasing ngunit sigurado siya na may dahilan iyon. Napa buntong hininga na lang siya. Matapos nilang dalhin ito sa isang kwarto ay napabuga pa siyang muli ng hangin.Biglang nagsalita si Jasmine habang nakahiga sa kama. “Ang lakas ng loob mo Nathan…” “Akala mo ba talaga ay ibibigay ko sayo ang anak natin?” “Pagkatapos mo akong lokohin…” kahit na tulog at hindi nito alam ang sinasabi ay ramdam na ramdam niya sa boses ng kanyang kaibigan ang labis na sakit. Kapag lasing pa naman ang mga tao ay doon lumalabas ang tunay nitong nararamdaman at mabuti na lang talaga ay hindi niya ito hinayaang sumama sa lalaking iyon. Lumabas sandali si Jeddah para kumuha ng pamunas sana kay Jasmine ngunit pagbalik niya ay nakita niyang wala na ito sa kama. Nasa sahig i
WALANG magawa si Jasmine ng mga oras na iyon kundi ang hayaan ang lalaki na buhati siya. Lasing na lasing talaga siya at wala na siyang lakas pa para makipagtalo o ni makipag argumento pa rito. Napasandal na lang siya sa matigas nitong dibdib at pagkatapos ay dahan-dahang nagtaas ng ulo para tumingin sa lalaki. Sa nanlalabo niyang mga mata ay nagsalita siya. “Nathan, hinding hindi kita mapapatawad.” bulong niya rito.Samantala, napangiti naman si Nathan ng marinig niya ang sinabi nito. Hindi niya niluwagan ang pagkakayakap niya rito at sa halip ay mas humigpit pa ang hawak niya sa maliit nitong katawan habang naglalakad siya. “Wala rin akong balak na patawarin ka.” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali. “Alam mo ba na dapat kitang parusahan dahil lang sa ginawa mo?” tanong niya rito.Naabutan sila ni Asher at Siege sa labas at inabot sa kaniya ang bag ng babae. Ilang sandali pa ay hindi na napigilan pa ni Asher na magtanong sa kaniya. “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi ka
ALAS syete ng gabi mag-uumpisa ang dinner sa isang mamahaling hotel. Hindi na siya nagpasundo pa sa kanyang boss at sinabi na lang niya ritong susunod na lang siya doon. Pagdating nga niya sa pribadong silid ay kaagad niyang binuksan ang pinto at doon nga ay nakita niya ang tatlong lalaki, si Natha
UMIKOT ang mga mata ni Jasmine dahil sa sinabi ng lalaki bago nagpaalam. Mukha naman yatang wala itong importanteng sasabihin sa kaniya kaya mas maganda na lang na umalis na lang siya. Kinahapunan, alas singko ng hapon ay tapos na ni Jasmine ang mga ipinapagawa sa kaniya ng kanyang boss. Inilagay
NAGPAALAM muna si Nathan sa dalawang kasama nito bago sila naglakad na dalawa patungo sa kotse nito. “Sakay.” sabi nito sa kaniya at hindi na siya nagdalawang isip pa na sumakay dahil sa pagod niya. Bukod pa doon ay sumakit din ang dibdib niya dahil sa mga sinabi sa kaniya ng lalaki kanina na tinii
ALAS syete ng gabi ay dumating si Jasmine at Nathan sa isang pantalan pagkatapos ay sumakay sila sa isang yate. Sa isip-isip ni Jasmine ay baka kaya nagpunta sila doon ni Nathan ay may mahalaga itong meeting. Ngunit pagpasok nila sa loob ay bigla niyang napagtanto na silang dalawa lang pala ang nar


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.