LOGINNANG marinig ni Cedric ang pangalan ng lalaki ay hindi siya makapaniwala. Nathan Cruz, siya lang naman ang tycoon na may bilyong ari-arian.
Samantala, halos mahulog na mula sa mga paa ni Jasmine ang suot niyang sapatos dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin binibitawan ni Nathan. Nilayo siya sa retaurant at inilabas sa isang bench. Nang ibaba siya nito ay matalim niya itong tiningnan. “Mag-ingat ka sa lalaking iyon.”
Ngunit hindi pinakinggan ito ni Jasmine. Wala siyang pakialam kung boss niya ang lalaki. “Ano ba talaga ang gusto mo huh? Talaga bang sinasadya mong gawin ang lahat ng ito?!” sigaw niya na rito habang naghahabol ng kanyang paghinga. Galit na galit talaga siya ng mga oras na iyon.
Nakatingin lang ito sa kaniya habang walang ekspresyon ang gwapo nitong mukha. “Maanong magpasalamat ka na lang sa akin dahil iniligtas kita mula sa kamay ng lalaking iyon.” sabi nito sa kaniya. “Hindi siya bagay sayo.”
Halos magpanting ang tenga ni Jasmine nang marinig niya ang sinabi nito. Ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit. “Wala kang pakialam kung karapat-dapat ba siya para sa akin o hindi! Baka nakakalimutan mo na ring boss lang kita kaya wala kang karapatang pakialaman ang personal kong buhay!”
Ginawa ang laha ni Nathan para makuha ang kumpanyang iyon dahil lang kay Jasmine, dahil may mga plano siya at hindi niya ito hahayaang gawin ang gusto nito pagkatapos nitong gawin sa kaniya ang mga bagay na ginawa nito sa kaniya sa nakaraan.
Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa totoo lang na ang ang babaeng mahal na mahal siya noon ay bigla na lang sinabi na gusto na nitong makipaghiwalay sa kaniya dahil bigla itong fall out of love. Akala niya ay isang biro lamang iyon ngunit totoong iniwan siya nito at ngayon, hindi niya siya papayag na gawin nito ang gusto nito pagkatapos siya nitong saktan.
“Mr. Cruz, pwede bang hayaan niyo na ako? Pagod ako at hindi ko na kaya pang magtrabaho ngayon. Kung hindi kayo masaya sa performance ko bilang sekretarya niyo ay pwede niyo na akong tanggalin.” sabi ni Jasmine sa lalaki at pagkatapos niya lang sabihin ang mga salitang iyon ay itinulak niya ito at tinalikuran.
Mabilis siyang naglakad palayo rito nang hindi na ito nililingon pa. Tinangay ng hangin ang kanyang mahabang buhok at kasabay nun ang pagkirot ng kanyang puso. Habang naglalakad siya ay bigla siyang napatingin sa kalangitan, walang bituin sa kalangitan ng mga oras na iyon dahil medyo maulap. Bigla niyang naalala ang gabing iyon, ang gabing tuluyan siyang iniwan ni Nathan. Iniwan siya nito ng pera at iniwan din nito sa kaniya ang bahay na ipinundar nilang dalawa.
Akala niya ay ganun lang kadali ang lahat. Nagtungo siya sa isang puno kung saan ay paborito nilang tumambay na dalawa at umiyak hanggang sa mapagod siya. Nang mga oras na iyon ay gusto niyang habulin ito at bawiin ang mga salitang binitawan niya, gusto niyang sabihin dito na mali pala siya ngunit hindi niya nagawa. Iniwan siya nito hanggang sa nawalan na siya ng balita mula dito at sa paglipas ng mga araw, buwan at taon ay napagtanto niyang hind na ito babalik pa.
Ang lahat ng alaala nilang dalawa ay ibinaon niya sa limot kasama ng mga mahahalagang bagay na ibinigay nito sa kaniya. Ang ilang taon bilang magkarelasyon at dalawang taon bilang mag-asawa ay mapait na nagwakas.
Sa totoo lang ay pauulit-ulit siyang palihim na kinausap ng ina ni Nathan para hiwalayan ito dahil kung ang pakakasalan daw nito ay ang anak ng isang mayaman ding pamilya ay tiyak na magkakaroon ito ng magandang kinabukasan, ngunit tinanggihan niya ito dahil mahal na mahal niya si Nathan at hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya.
Ngunit isang gabi, nang nasa ospital siya at binabantayan ang kanyang inang may sakit ay bigla na lang siyang nakatanggap ng isang larawan. Hindi lang isang simpleng larawan dahil ang naroon ay walang iba kundi si Nathan, nakahiga sa isang kama habang nakayakap sa isang babae. Hindi niya nakita ang mukha ng babae ngunit malinaw na niloko siya nito.
Halo-halong emosyon ang naramdaman niya ng mga oras na iyon at nanaig ang sakit sa dibdib niya at galit kaya pag-uwi niya ay sinabi niya rito na pagod na siya sa relasyon nila. Na hindi na niya ito mahal at dapat na silang maghiwalay na dalawa.
Tandang-tanda pa niya ang galit na ekspresyon nito ng mga oras na iyon, nagtatanong ang mga mata kung bakit ngunit hindi niya nakayang titigan ang mga ito ng matagal.
Sa sobrang sakit ng pinagdaanan niya sa mga nangyari nitong nakaraang taon ay nasabi niya pa sa isip niya na sana ay hindi niya na lang ito minahal dahil nakaukit pa rin ang lahat sa puso niya hanggang sa mga oras na iyon.
Hindi niya namalayan ay pumapatak na pala ang kanyang luha. Napakagat labi na lang siya at mabilis na pinunasan ang mga ito.
~~~~~
KINABUKASAN, pagdating pa lang ni JAsmine sa opisina ay kaagad na siyang ipinatawag ng kanyang boss. Huminga siya ng malalim. Tatanggalin na ba siya nito sa trabaho? Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok sa loob ng opisina nito.
Ang lalaki ay nakita niyang nakaupo sa mesa at may hindi maipaliwag na ekspresyon ang mukha. Nang makita siya nito ay bigla itong sumandal sa kinauupuan at tumingin sa kaniya. “Simula ngayon ay ikaw na ang magiging pormal kong magiging sekretarya at kahit anong oras ay pwede kitang tawagan at higit sa lahat ay hindi ka pwedeng umalis hanggang narito pa ako sa kumpanya kahit na magdamag pa iyan.” walang emosyon na sabi nito sa kaniya.
What? Anong sinasabi nito? Nababaliw na ba talaga nito? Talaga bang handa itong gamitin ang kanyang posisyon para gawin sa kaniya ang mga bagay na iyon?
Dahan-dahang napakuyom ang mga kamay ni JAsmine at pagkatapos ay isang pilit na ngiti ang ipinaskil sa kanyang labi. “Hindi ko akalain na may mabuti ka palang puso sir? Plano niyo rin bang itaas ang sweldo ko kung ganun?”
Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa kaniya. “What? Hindi niyo ba itaas ang sweldo kahit na dadagdagan niyo ang trabaho ko?”
Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Hindi ko akalain na matututo ka palang makipag-negosasyon pagkatapos ng ilang taon?”
Ngumiti lang si Jasmine dito ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. “Pero hindi ito tama sir, isa pa, ano ba talagang dahilan niyo para gawin ang bagay na ito? O talagang gusto niyo lang na nakikita ako palagi?” ang kanyang mga mata ay napuno ng panunuya.
“Sa tingin mo ba ay ganun ako kababaw?” balik nitong taong sa kaniya dahilan para maging malamig ang kanyang mga mata. Malinaw nitong sinasabi na ano ang tingin mo sa sarili mo.
Hindi niya ito kayang pakisamahan kung wala itong gagawin kundi ang pahirapan siya. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at walang ekspresyon ang mukhang tumingin sa lalaking nasa harapan niya. Ngunit mabilis din itong tumayo sa kinauupunan at lumapit sa kaniya.
Halos ilang pulgada lang ang naging layo nito sa kaniya kung saan ay naamoy niya ang mabango nitong hininga ngunit mas lalo lang naging malamig ang kanyang mga mata. Tinanggal niya ang suot niyang id sa leeg at malakas na inihampas ito sa malapad nitong dibdib.
“Hindi ko kayang pagsilbihan ka! Madami pa naman siguro akong mapapasukan hindi lang dito.” walang pagsisising sabi niya. Mas mainam nang umalis siya doon kaysa araw-araw siya nitong pahirapan. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod siya rito at humakbang para umalis na ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang bigla na lang niyang narinig ng boses nito mula sa likod niya.
“Sandali!” hindi iyon isang simpleng salita kundi isa iyong utos.
Narinig niya ang papalapit nitong mga yabag at sa ilang sandali ay bigla na lang itong inabot sa kaniya. “Basahin mo.”
Wala mang ideya si Jasmine ay kinuha niya ito at binasa at halos mamula ang kanyang mukha dahil sa galit nang mabasa niya ang nakasulat sa papel ng mga oras na iyon. Anong klaseng rules ito?
…
KINAHAPUNAN ay kaagad na nakita ni Jasmine ang isang friend request. Lalaki iyon at alam na niya kaagad na iyon na nga ang lalaking sinasabi ng kanyang ina sa kaniya. Hindi niya na lang ito pinansin at hindi niya rin ito inaccept. Wala siyang plano na tanggapin iyon isa pa, hindi siya naghahanap ng pag-ibig sa ngayon. Dahil hindi naman siya busy ay sinundo niya na lang ang kanyang anak sa school at pagkatapos ay dinala niya ito sa playground. Pinaglaro niya muna ito sandali bago tuluyang inuwi. Pagkauwi nila ay nagluto na siya kaagad para mapakain niya ito ng maaga dahil ang plano niya ay turuan muna ito sa mga assignment nito. Hindi nagtagal ay natapos na niya itong linisan at pakainin kaya umupo silang dalawa sa sala. “Anak, anong hayop ito?” “Duck Mommy!” “E ito naman?” “Chick!” Napakunot ang noo ni Jasmine nang bigla na lang siyang makarinig ng doorbell. Baka si Jeddah ito. “Dito ka muna sandali.” sabi niya sa anak niya at tumayo tyaka siya nagtungo sa pinto. Nang buksan niy
ALAS diyes na ng umaga ng tuluyang magising si Jasmine. Kaagad siyang napahawak sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay para itong pinupukpok at bukod pa doon ay parang umiikot ang paligid niya. Napakahilot siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay bigla siyang napatayo mula sa kama ng maalala na late na siya! Kailangan niya pang pumasok! Hindi siya pwedeng umabsent dahil— Bumukas ang pinto dahilan para matigilan siya. Pumasok si Jeddah. “Gising ka na pala.” sabi nito sa kaniya at nang makita ang nag-aalala niyang itsura ay ngumiti ito sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, ipinagpaalam na muna kita.” sabi niya rito.Dahan-dahan siyang napaupo sa kama. “Dahil wala ka namang pasok ngayon, bakit hindi mo muna dalawin ang iyong ina? May sakit pa rin yata siya at tungkol naman kay Diane ay ayos lang sa akin na dito muna siya para hindi siya mahawa ng sakit.” sabi nito sa kaniya.Tumayo siya mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa kanyang kaibigan at tyaka niya ito niyakap n
PAGKATAPOS iparada ni Jeddah ang kanyang sasakyan sa parking lot ay bumaba siya ng kanyang kotse at tumawag ng kasambahay. Nagpatulong siya ritong buhatin si Jasmine na lasing na lasing ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit ito naglasing ngunit sigurado siya na may dahilan iyon. Napa buntong hininga na lang siya. Matapos nilang dalhin ito sa isang kwarto ay napabuga pa siyang muli ng hangin.Biglang nagsalita si Jasmine habang nakahiga sa kama. “Ang lakas ng loob mo Nathan…” “Akala mo ba talaga ay ibibigay ko sayo ang anak natin?” “Pagkatapos mo akong lokohin…” kahit na tulog at hindi nito alam ang sinasabi ay ramdam na ramdam niya sa boses ng kanyang kaibigan ang labis na sakit. Kapag lasing pa naman ang mga tao ay doon lumalabas ang tunay nitong nararamdaman at mabuti na lang talaga ay hindi niya ito hinayaang sumama sa lalaking iyon. Lumabas sandali si Jeddah para kumuha ng pamunas sana kay Jasmine ngunit pagbalik niya ay nakita niyang wala na ito sa kama. Nasa sahig i
WALANG magawa si Jasmine ng mga oras na iyon kundi ang hayaan ang lalaki na buhati siya. Lasing na lasing talaga siya at wala na siyang lakas pa para makipagtalo o ni makipag argumento pa rito. Napasandal na lang siya sa matigas nitong dibdib at pagkatapos ay dahan-dahang nagtaas ng ulo para tumingin sa lalaki. Sa nanlalabo niyang mga mata ay nagsalita siya. “Nathan, hinding hindi kita mapapatawad.” bulong niya rito.Samantala, napangiti naman si Nathan ng marinig niya ang sinabi nito. Hindi niya niluwagan ang pagkakayakap niya rito at sa halip ay mas humigpit pa ang hawak niya sa maliit nitong katawan habang naglalakad siya. “Wala rin akong balak na patawarin ka.” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali. “Alam mo ba na dapat kitang parusahan dahil lang sa ginawa mo?” tanong niya rito.Naabutan sila ni Asher at Siege sa labas at inabot sa kaniya ang bag ng babae. Ilang sandali pa ay hindi na napigilan pa ni Asher na magtanong sa kaniya. “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi ka
ALAS syete ng gabi mag-uumpisa ang dinner sa isang mamahaling hotel. Hindi na siya nagpasundo pa sa kanyang boss at sinabi na lang niya ritong susunod na lang siya doon. Pagdating nga niya sa pribadong silid ay kaagad niyang binuksan ang pinto at doon nga ay nakita niya ang tatlong lalaki, si Nathan, Asher Villanueva at Siege Ross.Kilala niya ang mga ito. Si Asher Villanueva ay isang playboy at isa itong anak ng isa sa mga mayayamang pamilya sa lungsod. Si Siege naman ay allergic sa mga babae na kinailangan pang bumili ng pamilya nito ng sariling facility para lang magamot ang sakit nitong iyon. Mabilis na itinuro ng kanyang boss ang kanyang uupuan. Pagkaupo niya ay nagsimula ng mag-inuman ang tatlo. Nang hindi siya dumampot ng baso ay nilingon siya ni Asher. “Miss De Leon right?” tumango siya. “Bakit ayaw mong makipag-toast sa amin? Isa pa, isa ka sa mga secretary ni Nathan kaya kasali ka sa kasiyahan.” sabi nito sa kaniya ngunit sa halip ay ngumiti lang siya at dinampot ang baso n
UMIKOT ang mga mata ni Jasmine dahil sa sinabi ng lalaki bago nagpaalam. Mukha naman yatang wala itong importanteng sasabihin sa kaniya kaya mas maganda na lang na umalis na lang siya. Kinahapunan, alas singko ng hapon ay tapos na ni Jasmine ang mga ipinapagawa sa kaniya ng kanyang boss. Inilagay niya ito sa mesa ng lalaki bago nagmamadaling umalis.Nagtext sa kaniya ang kanyang ina na hindi daw maganda ang pakiramdam nito kaya wala siyang choice kung hindi kuhanin si Diane. Baka din kasi mahawa ng sakit ang anak niya e kawawa naman. Nasa school pa ito panigurado at naghihintay dahil hindi daw kayang bumangon ng kanyang ina kaya hindi nito nasundo. Medyo binilisan niya ang pagtakbo ng kanyang sasakyan para lang makarating kaagad sa school ng kanyang anak. Ang hindi niya alam ay isang luxury car pala ang nakasunod sa kanyang likuran. Pagkaparada niya ng sasakyan sa labas ng eskwelahan ay nagmamadali siyang pumasok sa loob para sunduin ang anak. Kinarga niya ito at buong pagmamahal na
NAGPAALAM muna si Nathan sa dalawang kasama nito bago sila naglakad na dalawa patungo sa kotse nito. “Sakay.” sabi nito sa kaniya at hindi na siya nagdalawang isip pa na sumakay dahil sa pagod niya. Bukod pa doon ay sumakit din ang dibdib niya dahil sa mga sinabi sa kaniya ng lalaki kanina na tinii
MAG-aalas kwatro ng hapon ay mabilis na umalis si Jasmine sa kumpanya at dumiretso na siya kaagad sa kindergarten kung saan pumapasok ang anak niya. Samantala, lingid sa kanyang kaalaman ay isang mamahaling sasakyan ang maingat na nakasunod sa kanyang likuran. Ang driver ni Nathan ay hindi maiwasa
NANG sumara ang pinto ay binalingan ni Nadia si Nathan at muling nagtanong. “Wala ka bang balak na bumalik? Talaga bang mananatili ka rito?” Hindi na nagdalawang isip pa na sagutin ang tanong ni Nadia at diretsa niya itong sinagot ng walang pag-aalinlangan. “Oo, wala akong balak bumalik. Dito na m
DAHIL hindi siya halos nakatulog kagabi ay may itim sa ibaba ng kanyang mga mata. Ayaw niya sanang pumasok ngunit naalala niya ang sinabi ng lalaki kagabi kaya wala siyang choice. Pagdating niya sa opisina ay napakunot ang noo niya ng makita ang napakaraming bulaklak. Alam niyang mahal ang mga iyon







