Kakatapos lang gamutin ni Sophia ang huli niyang pasyente at kasalukuyan siyang naghuhugas ng kamay sa lababo. Hindi man lang niya nilingon ang nagbukas ng p***o at agad na nagsalita, “Please take off your pants and lie down on the examinatipn bed.” Marahan na saad niya habang nagpatuloy siya sa pagsabon ng kanyang mga kamay habang nakikita lamang niya sa gilid ng kanyang peripheral vision ang bagong dating.
Matangkad ang lalaki, malapad ang mga balikat, mahahaba ang mga binti, at tila mas sumikip ang maliit na silid nang pumasok ito. Pagkatapos niyang patayin ang gripo, pinunasan ni Sophia ang kanyang mga kamay gamit ang sterile gauze bago siya lumingon.
Kaagad naman siyang nagtaka, dahil nakapirmi pa rin ang lalaki sa upuang nasa tabi ng pader, tuwid ang pagkakaupo at mukhang walang balak na tumayo. Pero hindi na ito bago kay Sophia ang ganitong sitwasyon. Bilang isang acupuncturist sa Department of Traditional Chinese Medicine, sanay na siyang makakita ng mga pasyenteng naiilang. Lalo na kapag ang gagamutin ay ang baywang o balakang.
Habang inaayos niya ang mga sterilized na silver needle ayon sa haba, bahagya niyang pinabagal ang kanyang kilos. "There's no need to feel embarrassed. To a doctor, there are only patients and their conditions. Gender doesn't matter." Kumuha siya ng isang pilak na karayom na kumislap sa ilalim ng ilaw. "Please lie down and lower your waistband slightly so I can examine your lower back."
Tahimik na napapikit ang lalaki, ilang segundo ang lumipas bago dahan-dahan nitong inabot ang buckle ng sinturon. Umalingawngaw sa tahimik na silid ang mahinang tunog ng metal.
Habang naghihintay ay kinuha ni Sophia ang registration form sa ibabaw ng mesa. "Lennox? You're here for lower back pain, correct?"
Sa pagkakataong iyon, nakadapa na ang lalaki sa examination bed. Nakabaon ang mukha nito sa unan. "Mm." Isang mahinang tugon lang ang ibinigay nito.
Bitbit ang needle pouch, lumapit si Sophia at hinila ang maliit na stool gamit ang kanyang paa bago umupo sa tabi ng kama. "The outpatient record only mentions lower back pain. Did you strain it recently, or is it an old injury?"
"Neither."
Sobrang ikli at walang paligoy-ligoy na sagot nito na halos parang ayaw nitong magsayang ng kahit konting laway. Hindi napigilan ni Sophia na mapatingin sa gilid ng mukha nito, matangos ang ilong, matalim ang panga at tila inukit ang bawat linya ng mukha nito.
Karamihan sa mga pasyente ay kusang ikinukuwento ang kanilang nararamdaman, pati na kung paano sila nasaktan. Pero ang lalaking nasa harapan niya ay kabaligtaran, dahil halatang wala itong balak makipagkuwentuhan. Kaya naman ay hindi na siya nagtanong pa. Marahan niyang ipinatong ang kanyang mga daliri sa ibabang bahagi ng likod ng lalaki.
Naramdaman niya na nanigas ang mga kalamnan nito sa ilalim ng kanyang palad. "Does it hurt here?" Bahagya niya pa itong pinisil. Agad niyang naramdaman ang paggalaw ng mga kalamnan nito. "Relax. I need to locate the painful areas before I can begin the treatment." Banayad ang kanyang tinig, sapat upang unti-unting maibsan ang tensyon ng pasyente.
Isang hindi maipaliwanag na emosyon ang dumaan sa mga mata ni Lennox. Gayunpaman, dahan-dahan niyang pinilit na i-relax ang kanyang katawan.
Samantala maingat naman na sinuri ni Sophia ang ilang acupuncture points sa paligid ng baywang bago niya binawi ang kamay. "It's nothing serious. Just a mild lumbar muscle strain. It's usually caused by sitting for long hours or overexertion."
Kumuha si Sophia ng isang pilak na karayom. Sanay at tiyak ang bawat galaw ng kanyang kamay habang isa-isang itinutusok ang mga karayom sa tamang acupuncture points.
Bahagya namang nanginig ang mga pilak na karayom, "All right. Don't move for the next twenty minutes. I'll come back to remove the needles." Matapos itabi ang mga natitirang gamit, isinara niya ang asul na kurtina sa paligid ng examination bed bago bumalik sa kanyang mesa upang tawagin ang susunod na pasyente.
Samantala sa kabilang panig ng kurtina, tahimik na nakahiga si Lennox, madilim ang kanyang ekspresyon. Mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone at nagpadala ng mensahe sa kanyang sekretarya na si Chadrico o Chad.
Lennox: "You registered me for lower back pain?"
Ilang segundo lang ang lumipas bago dumating ang sagot.
Sec Chad: "Your last physical examination only showed a mild lumbar muscle strain. There wasn't anything else suitable. If I made up another illness, the doctor might actually treat it, which could create unnecessary problems."
Napahigpit ang pagkakahawak ni Lennox sa cellphone.
Lennox: "You're incredibly considerate."
Ramdam ni Chad ang panunuya sa mensaheng iyon kahit hindi niya pa nakikita ang mukha ng kanyang amo. Ang totoo, isang tao lang ang dahilan kung bakit naroon si Lennox, dahil sa kanyang lolo.
Noong kabataan nito, nagtamo ng matinding pinsala sa binti si Don leon habang nasa digmaan. Dahil limitado ang medisina noong panahong iyon, hindi na tuluyang gumaling ang sugat at nag-iwan ng panghabambuhay na komplikasyon. Habang tumatanda ang matanda, lalo lamang lumalala ang pananakit. May mga araw na halos hindi na ito makalakad. Halos lahat ng kilalang espesyalista ay napuntahan na ng mga Silvestre, ngunit wala ni isa ang nakapagpagaling rito.
Kamakailan, may nagrekomenda kay Sophia, isang batang acupuncturist mula sa Cebu Central medical Center. Ayon sa mga narinig niya, dalawampu't anim na taong gulang pa lamang ito ngunit pambihira na ang husay sa acupuncture.
Hindi naman agad naniwala si Lennox. Gaano ba karaming karanasan ang maaaring makuha ng isang doktor na ganoon kabata? Hindi sapat ang matataas na grado o magandang edukasyon. Ang tunay na husay ay nabubuo sa karanasan.
Pagkatapos ng mahabang pag-aalinlangan, nagpasya siyang subukan mismo ang kakayahan nito. Bagama't nakakahiya ang paraan ni Chad, kailangan niyang aminin na epektibo iyon. Kung gusto niyang malaman kung talagang mahusay si Sophia, kailangan niya itong makita mismo sa trabaho. Tahimik siyang nanatiling nakahiga.
Sa kabilang panig naman ng manipis na kurtina, malinaw niyang naririnig ang boses ni Sophia habang kinakausap ang isa pang pasyente. Paulit-ulit nagtanong ang matandang lalaki tungkol sa kanyang kondisyon, ngunit hindi man lang nagbago ang tono ni Sophia. Isang banayad, mahinahon at puno ng pasensya. Ngumingiti pa siya habang inuulit ang parehong paliwanag. Unti-unting lumuwag ang nakakunot na noo ni Lennox.
Marahil... talagang karapat-dapat ang reputasyon nito. Lumipas ang dalawampung minuto sa isang iglap.
Biglang nahawi ang kurtina at agad na lumapit muli si Sophia sa kama. "The treatment is finished. Try not to move." Marahan niyang hinawakan ang dulo ng bawat karayom, bahagyang iniikot ang mga ito bago isa-isang hinugot.
Napakagaan ng kanyang mga galaw kaya halos wala itong naramdamang sakit. "Your lumbar muscle strain isn't serious. Avoid sitting for long periods, and remember to stretch your lower back regularly. You don't need another acupuncture session."
Habang inaalis ang huling karayom, hindi sinasadyang napatingin siya sa matipunong baywang ng lalaki. Halatang alaga nito ang katawan. Ngunit kahit ang mga taong regular na nag-eehersisyo ay maaaring magkaroon ng muscle strain kapag nasobrahan o mali ang paraan ng paggalaw.
Matapos alisin ang huling karayom, umatras siya ng isang hakbang. "You can get dressed now." Pagkasabi niyon, muli niyang isinara ang kurtina upang bigyan ito ng privacy.
Sa sandaling maisara ang kurtina, naupo si Lennox at inayos ang kanyang damit. Tahimik niyang isinara ang sinturon bago tumayo, paglabas naman niya mula sa treatment area, may isa na namang pasyenteng naghihintay sa labas. Mukhang hindi talaga nauubusan ng mga pasyente ang dalaga. Saglit naman siyang napalingon sa batang doktor na abala sa pagtanggap ng susunod na pasyente. Hindi na siya nag-abalang magpaalam at tahimik na siyang umalis ng clinic.
Nang maihatid ni Sophia ang huli niyang pasyente, sumulyap siya sa orasan sa pader, alas-dose bente singko na ng tanghali. Isa-isa niyang nilinis ang mga pilak na karayom bago inilagay ang mga iyon sa sterilization box, pagkatapos ay inayos niya ang mesa, kinuha ang kanyang bag at agad na lumabas ng consultation room.
Ngunit biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bulsa. Nang tingnan niya ang screen, isang hindi kilalang numero ang tumatawag. Bilang doktor, nakasanayan na niyang ibigay ang personal niyang numero sa mga pasyente at kanilang pamilya para sa mga follow-up na konsultasyon. Kaya bihira siyang hindi sumagot sa mga tawag mula sa mga hindi kilalang numero.
Ini-slide niya ang answer button. "Hello?"
"Phia, it's me! Let's dinner tonight."
Agad niyang nakilala ang boses sa kabilang linya at agad siyang napangiti. “Amarah? Did you change your number?"
Si Amarah ang naging roommate niya noong kolehiyo at isa pa rin sa pinakamalalapit niyang kaibigan. Sa kasal nito unang nakilala ni Sophia si Cyrus. Noon pa lang ay nahulog na agad ang loob ni Cyrus sa kanya. Mula nang araw na iyon, walang sawang nanligaw ang lalaki, hindi siya tinantanan ng mga bulaklak, mga regalo at maliliit na sorpresa hanggang sa tuluyan niyang nabuksan ang kanyang puso.
Akala niya ay si Cyrus na ang lalaking makakasama niya habang buhay, ngunit hindi nagtagal ang masasayang araw na iyon. Wala pang dalawang taon ang kanilang relasyon nang lihim itong nakipagrelasyon sa kanyang half-sister na si Olivia. Sa isang iglap, nawasak ang lahat ng tiwalang buong puso niyang ibinigay.
Saglit na lumamig ang mga mata ni Sophia, ngunit mabilis din niyang itinago ang emosyon. Pagdating niya sa harap ng elevator, muli siyang ngumiti na parang walang nangyari. "You suddenly invited me to dinner. What's the occasion? Did something good happen?"
Tumawa naman agad si Amarah, "I'm using my husband's phone. Mine ran out of battery." Bahagya pa nitong ibinaba ang boses. “There is good news, but I'll tell you when you get here. It won't be as exciting over the phone."
Natigilan naman si Sophia, kung may ipinagdiriwang ang mag-asawa... Posible kayang inimbitahan din nila si Cyrus?
Hindi pa man siya nakakapagdesisyon, muling nagsalita si Amarah. "I'll text you the address in a minute. You have to come! My husband has another call coming in, so I'll hang up now. See you tonight!"
Hindi na siya nabigyan ng pagkakataong tumanggi at agad na naputol ang tawag. Tahimik na ibinaba ni Sophia ang kanyang cellphone at ilang sandaling pinagmasdan ang madilim na screen. Marahan siyang nagbuntong-hininga. Anuman ang nangyari sa pagitan nila ni Cyrus, hindi naman nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Amarah. Palagi siyang itinuring nitong parang kapatid. Wala siyang dahilan para tanggihan ang imbitasyon at Isa pa... Matagal na niyang ipinangako sa sarili na iiwan na niya ang nakaraan. Sa isip na iyon, isinilid niya ang cellphone sa kanyang bag at agad na pumasok sa elevator, bago pinindot ang button papunta sa unang palapag.