Share

Chapter 4

Penulis: Amarahwrites
last update Tanggal publikasi: 2026-07-30 19:11:51

Pagkabukas pa lang ni Sophia ng p***o, napansin niya na agad si Chloe na nakaupo sa loob ng kwarto. Dahil hindi sila magkasundo at nag-away na sila kaninang umaga, umiwas na agad siya ng tingin at nagkunwaring hindi ito nakita. Tungkol naman kay Lennox, wala rin siyang balak batiin ito. Ang relasyon ng doktor at pasyente ay sa ospital lang, ngunir pagdating sa labas ng trabaho, magkasing-ibang tao sila na parang hindi sila kailanman nagkakilala.

Paalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Chloe. "Dr. Sophia, bakit hindi ka sumabay sa amin maghapunan? Nagkataon naman na nagkita tayo.”

Natigilan agad si Sophia habang hawak pa rin ang p***o. "I've already eaten," seryosong sagot niya. "Sorry for interrupting."

Alam niyang hindi magandang makisalo sa hapunan ng ibang tao, pumasok lang naman siya dahil higit sampung minuto na siyang naghihintay sa labas pero hindi pa rin lumalabas ang waiter.

"Oh, come on." Tumayo si Chloe at lumapit sa kanya habang nakangiti. "I heard you just went through a breakup. Since we're here anyway, why don't you have a few drinks with us? Once you're drunk, all your troubles will disappear."

Tiningnan siya nang malamig ni Sophia, alam niya agad ang maitim na balak ni Chloe. Hindi ito nagmamalasakit, gusto lang nitong asarin si Sophia dahil iniwan siya ni Cyrus.

Ngumiti nang bahagya si Sophia. "I'm not as fortunate as you, Miss Chloe," kalmado niyang sabi. "I still have to go to work tomorrow, hindi ako pwedeng makipag-inuman kasama ang kliyente.” Pagkasabi niyon ay hindi na siya nagdagdag pa ng iba. Isinarado niya ang p***o at naglakad na palayo.

Sa loob naman ng kwarto, natigilan si Chloe at namula sa galit. Hindi niya mapalagpas na pinalabas siya ni Sophia na parang babaeng bayaran na nag-aaliw ng mga kliyente.

Nang makita ni Director Manuel na napahiya ang kanyang pamangkin, agad itong sumali sa usapan. “Napakayabang ng mga kabataan ngayon,” inis niyang sabi. "Kakapasok pa lang nila sa mundo ng trabaho, pero akala na agad nila ay mas magaling sila kaysa sa iba.”

"Exactly," pagsang-ayon naman ng isa. "Being a doctor isn't just about medical skill. Character and professional ethics matter too. Does Cebu Central medical Center only care about academic qualifications now? Can anyone become a doctor these days?"

Sumabat pa ang isa.

"Which department is she from? I'd like to avoid her in the future."

Sunod-sunod na lumait ang mga tao kay Sophia. Sa totoo lang, ginagawa lang nila ito para sipsipan si Chloe.

Huminga naman ng malalim si Chloe para itago ang galit. Pagkaupo niya, nakangiti na naman siya. "She's from the Department of Traditional Chinese Medicine," banayad niyang sabi. "Her name is Sophia Lucero."

"So refusing to eat and drink with strangers means someone lacks medical ethics?" Isang malamig at seryosong boses ng lalaki ang biglang pumutol sa kanila. At si Lennox iyon.

Biglang tumahimik ang buong kwarto. Nagkatinginan ang mga negosyante dahil halatang-halata ang galit sa boses ni Lennox. Agad na sumikip ang atmosphere sa loob.

Si Director Manuel ang unang nakabawi. Mabilis niyang itinaas ang kanyang baso at ngumiti nang malawak. "Come on, everyone! Let's not talk about such trivial matters. A toast!" Itinaas niya ang baso kay Lennox. "Chairman, welcome to Cebu. We hope you'll continue to guide and support us in the future. Apex Silvestre company is the city's largest energy enterprise, and we'll surely have many opportunities to work together."

Dahil doon, naibalik ang usapan sa negosyo at natakpan ang nangyaring gulo sa pamamagitan ng tagay at kwentuhan.

Samanyala pagkauwi ni sophia sa kanyang bahay ay agas siyang naligo para tanggalin ang pagod sa buong araw. At hihiga na sana siya sa kama nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Tiningnan niya ang screen. Ang Papa niya—si Peter.

Pagkatapos ng maikling pag-aalinlangan, sinagot niya ito. "What is it?"

Malamig at walang emosyon ang boses niya, dahil maalala pa niya noong pinili ni Cyrus si Olivia, kamping kampi ang Papa niya kay Olivia. Sinabihan pa siya nito na huwag nang habulin si Cyrus para hindi siya mapahiya. Ang lantarang pagkapabor na iyon ang tuluyang nagpabato sa puso niya, simula noon ay hindi na siya bumalik sa itinuturing niyang tahanan at nangupahan na lang malapit sa ospital.

"Where are you?" galit na tanong ni Peter na may kasamang utos. "Go to your hospital's emergency department immediately! Your sister was admitted because of you. Come here right now!"

Napasimangot naman agad si Sophia at lihim na natawa sa sarili, tiyak na umuwi na naman si Olivia at nagkunwaring biktima, kung hindi ay hindi magagalit nang ganito ang Papa niya. Para sa Papa niya, si Olivia ang prinsesa na hindi pwedeng masaktan kahit konti. Habang si Sophia naman ay pwedeng utusan at ipatawag kung kailan lang nito gusto.

"I'm already in bed," kalmadong sagot ni Sophia. "The emergency department has plenty of doctors and nurses."

"What did you say?" sigaw ni Peter. "Sophia, how come you become so arrogant? That's your own sister! She's lying in the hospital, and you're worried about sleeping? I'm telling you—get here immediately!"

"And why should I?" hindi napigilang itanong ni Sophia na may kasamang inis. "She's neither my mother nor my daughter. Why should I rush over just because she's in the hospital?"

"You dare talk back to me?" galit na galit na sigaw ng Papa niya. "I'll give you ten minutes. If you don't get here, you'll bear the consequences yourself!"

Natawa nang malamig si Sophia. "Haven't I always been the one bearing the consequences ever since I was a child?"

Lalong nanakot naman ang ama niya. "If you still want to keep your job at the hospital, you'd better come here. Otherwise, I have plenty of ways to make sure you never set foot in that hospital again."

Kahit kaaway ay hindi gagawa nito, napakapit nang mahigpit si Sophia sa telepono hanggang sa mamuti ang kanyang mga daliri. Nakaramdam kaagad siya ng lamig sa kanyang puso, alam niyang paborito nito si Olivia at dati ay pinapalagpas niya lang ito dahil mahal din niya ang kapatid niya. Pero ngayong nag-away sila, agad siyang tinalikuran ng sarili niyang ama. Para dito, si Olivia lang ang tunay na anak at si Sophia ay isang kagamitan lang na pwedeng isakripisyo kapag may gusto si Olivia.

"Peter Lucero." Tinawag niya ito sa buong pangalan, walang emosyon ang boses. "You've never treated me like your daughter. In your eyes, Olivia is the only child you truly care about. Whatever she says becomes the truth. When you're in a good mood, you smile at me and expect me to help spoil her. When you're not, I'm nothing more than a punching bag you can order around whenever you please."

Natahimik sandali ang kabilang linya bago sumagot si Peter nang may inis. "Enough with your nonsense! I'll ask you one last time. Are you coming or not?"

Huminga nang malalim si Sophia para pigilan ang galit at sakit na nararamdaman niya. Pagkatapos ay sumagot siya nang may paninindigan. "No."

"Fine! Very well!" galit na galit na sabi ni Peter habang nagngangalit ang mga ngipin. "Sophia, don't say I didn't warn you!"

Malamig ang banta nito, pero wala nang naramdaman pa si Sophia dahil tuluyan na siyang walang nararamdaman. Hindi na niya hinintay ang susunod na sasabihin nito at agad na pinatay ang tawag, nilagay niya pa ito sa silent mode at inilapag sa mesa sa katabi ng kanyang kama.

Sa dilim ay nakahiga siya na gising at nakatitig sa kisame. Kung nalaman niya lang sana noon pa na hindi siya makakatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang ama, siguro ay nagkunwari na lang siyang mabuting anak para lang mapanatili ang pekeng pagmamahal na iyon. Pero pagkatapos ng maraming taon ng sakit at kabiguan, ang huling pag-asa niya para sa kanyang ama ay tuluyang nawala dahil sa isang tawag na ito.

Tumagilid siya at nagkumot nang mahigpit, pero kahit gaano pa kakapal ang kumot niya, ang lamig sa kanyang puso ay ayaw pa ring mawala.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 5

    Kinabukasan ng umaga, kahit halos wala siyang masyadong tulog ay dumating pa din siya sa ospital ng tamang oras. Pagkatapos niyang magpalit ng kanyang puting coat ay lalabas pa lamang siya ng may iilang tao na naglalakad sa hallway patungo sa kanya. At ang nangunguna sa grupo ay isang lalaki na may katandaan na at namumula ang mata sa sobrang galit. Paglapit sa kanya ay mabilis nitong hinawakan ang collar ng kanyang white coat. “Ikaw ba si Dr. Sophia?” tanong nito, “Wala kang awa! Maayos pa si Mama ng pumunta siya sayo. Pero pagkatapos mong itusok ang ilang mga acupuncture needles sa kanya ay hindi na siya nakakagalaw pa! Wala kang awa! Manloloko ka!”Marami na ang mga pasyente ang naghihintay sa labas, para sa kanilang acupunture. Ngunit ng marinig ang gulo ay agad na napatingin ang lahat. Naging mabilis ang paghinga ni Sophia ng hawakan ng lalaki ang kanyang damit, pero pinilit niyang maging kalmado. Gamit ang buo niyang lakas ay inalis agad niya ang kamay ng lalaki sa kanyang d

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 4

    Pagkabukas pa lang ni Sophia ng pinto, napansin niya na agad si Chloe na nakaupo sa loob ng kwarto. Dahil hindi sila magkasundo at nag-away na sila kaninang umaga, umiwas na agad siya ng tingin at nagkunwaring hindi ito nakita. Tungkol naman kay Lennox, wala rin siyang balak batiin ito. Ang relasyon ng doktor at pasyente ay sa ospital lang, ngunir pagdating sa labas ng trabaho, magkasing-ibang tao sila na parang hindi sila kailanman nagkakilala.Paalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Chloe. "Dr. Sophia, bakit hindi ka sumabay sa amin maghapunan? Nagkataon naman na nagkita tayo.”Natigilan agad si Sophia habang hawak pa rin ang pinto. "I've already eaten," seryosong sagot niya. "Sorry for interrupting."Alam niyang hindi magandang makisalo sa hapunan ng ibang tao, pumasok lang naman siya dahil higit sampung minuto na siyang naghihintay sa labas pero hindi pa rin lumalabas ang waiter."Oh, come on." Tumayo si Chloe at lumapit sa kanya habang nakangiti. "I heard you just went t

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 3

    Dahil sa kaguluhan ay mabilis na natapos kaagad ang hapunan. Sinamahan ni Amarah si Sophia pababa ng seafood house, na may kasamang pagrereklamo sa sarili. "Sorry talaga, Phia. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko lang sana pinakilala sayo ang lalaking yon noon, hindi mo sana nararanasan ang lahat ng ito."Para kay Amarah, mabait at maalaga si Sophia sa lahat. Nararapat talaga itong mahalin at hindi lokohin. Pero kalmado lang si Sophia, walang bakas ng lungkot sa kanyang mukha. Mas kalmado pa siya kaysa sa galit na galit na kaibigan."Walang kang kasalanan, Amarah." nakangiting sabi ni Sophia. "Ako ang nagkamali sa pagkilala sa kanya. Hindi ko lang talaga napansin ang pagkakaiba ng mabuting tao sa manloloko.""Isang malaking blessing ang pakikipaghiwalay mo sa walang pusong lalaki na katulad niya!" sabi ni Amarah sabay kapit sa braso ng kaibigan. "Maganda, may talento at mahusay na doktor ang kaibigan ko. Nararapat ka sa mas mabuting lalaki—yong talagang magpahalaga sa iyo."Natawa n

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 2

    Pagkatapos magtrabaho nang buong hapon at gumabi na nga ay nagpalit ng damit si Sophia at sumakay ng taxi papunta sa restaurant na La Playa seafood house sa timog ng lungsod. Sikat ito bilang isang mamahaling seafood. Ilang beses na ring nakakain doon si Sophia kasama ang ex niyang si Cyrus.Gabi na nang makarating siya sa lugar at puno na ng mararangyang kotse ang labas ng seafood house, sinabi ni Sophia sa waiter ang room number na sinend ng kaibigan niyang si Amarah. Pagdating sa pinto ng kwarto, narinig niya agad ang boses ng kapatid niyang si Olivia.Mabilis namang natigilan si Sophia at agad nakaramdam ng sakit, ngunit biglang binuksan ng waiter ang pinto at agad tumahimik ang mga tao sa loob. Kasama nina Olivia at Cyrus ang mga kilala nila sa kasal ni Amarah.Nang makita ni Olivia si Sophia, tumayo ito na parang takot na takot. "Ate... hindi ko alam na darating ka," nanginginig nitong sabi.Nakaramdam naman agad ng inis si Sophia sa pagiging plastik ng kapatid. Dati, inalagaan

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 1

    Kakatapos lang gamutin ni Sophia ang huli niyang pasyente at kasalukuyan siyang naghuhugas ng kamay sa lababo. Hindi man lang niya nilingon ang nagbukas ng pinto at agad na nagsalita, “Please take off your pants and lie down on the examinatipn bed.” Marahan na saad niya habang nagpatuloy siya sa pagsabon ng kanyang mga kamay habang nakikita lamang niya sa gilid ng kanyang peripheral vision ang bagong dating. Matangkad ang lalaki, malapad ang mga balikat, mahahaba ang mga binti, at tila mas sumikip ang maliit na silid nang pumasok ito. Pagkatapos niyang patayin ang gripo, pinunasan ni Sophia ang kanyang mga kamay gamit ang sterile gauze bago siya lumingon.Kaagad naman siyang nagtaka, dahil nakapirmi pa rin ang lalaki sa upuang nasa tabi ng pader, tuwid ang pagkakaupo at mukhang walang balak na tumayo. Pero hindi na ito bago kay Sophia ang ganitong sitwasyon. Bilang isang acupuncturist sa Department of Traditional Chinese Medicine, sanay na siyang makakita ng mga pasyenteng naiilang.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status