LOGINDahan-dahang umatras si Draven patungo sa pinakadulo ng rooftop habang mahigpit pa rin niyang hawak si Vera. "Draven... pakinggan mo ako!" malakas na sigaw ni Brooklyn. Napangiti nang mapait si Draven. "Para saan pa ang pakikinig?" garalgal niyang tugon. "Wala nang kuwenta ang buhay ko kung hindi rin mapapasakin si Vera!" Huminga nang malalim si Brooklyn bago siya nagsalita. "Sige..." "Ibabalik ko sa'yo si Vera." "Kaya bumalik ka na rito..." "Sa'yo na si Vera!" sigaw niya, seryoso ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ni Draven. "T-Talaga?" nanginginig niyang tanong. "Seryoso ka, Dad?" Samantala, tila natigilan si Vera sa narinig. Seryoso ba siya? Ibibigay na lang niya ako basta-basta? Niloloko ba ako ni Brooklyn?! Hindi siya makapaniwala habang nakatitig lamang sa lalaki. Halo-halong emosyon ang bumalot sa kanyang dibdib—pagkabigla, sakit, at matinding pagkalito. Hindi agad sumagot si Brooklyn. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Draven
Nag-uunahan ang mga yabag sa loob ng mansyon."VERA!""YANNAH!"Paulit-ulit na sigaw ni Brooklyn habang mabilis na inaakyat ang hagdan kasama ang kanyang mga tauhan.Ngunit pagdating nila sa ikalawang palapag...Wala na roon sina Draven at Vera.Napansin ng isa sa mga bodyguard ang nakabukas na bakal na pintuan patungo sa rooftop."Sir!""Nasa rooftop sila!"Hindi na nag-atubili si Brooklyn.Mabilis siyang umakyat sa huling hagdan upang hanapin sina Vera at Yannah.Samantala...Sa rooftop ng Villareal Mansion...Malakas ang ihip ng hangin.Nagdidilim na ang kalangitan habang tila nagbabadya ang malakas na ulan.Hingal na hingal si Vera habang mahigpit na hawak ni Draven ang kanyang braso."Bitawan mo ako, Draven!" pagsusumamo niya. "Pakiusap, tumigil ka na. Maawa ka naman sa akin at sa pamangkin mo."Pilit siyang kumakawala."Maawa ka..."Ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Draven.Nanlilisik ang kanyang mga mata."Wala nang maaawa pa sa'yo, Vera. Isa kang lalakero!" marii
"YANNAH! Bumalik ka rito!"Malakas na sigaw ni Draven habang akmang hahabulin ang batang mabilis na tumatakbo paakyat sa hagdan.Ngunit mabilis na humarang si Vera sa kanyang daraanan.Iniunat niya ang dalawang braso upang pigilan ito."Draven!"Halos maiyak niyang sigaw."Ano bang ginagawa mo?! Bakit kailangan mong maging ganito kalupit?!"Huminto si Draven.Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Vera.Mababakas sa kanyang mukha ang matinding galit at pagkamuhi."Ako? Malupit?!"Mapait siyang napatawa."Sa tingin mo ako ang malupit?"Mariin niyang itinuro si Vera."Kayo ng ama ko ang mas malupit sa lahat!""Nagawa ninyo akong gawing tanga!"Unti-unting namula ang kanyang mga mata."Tayo pa noon!""Pero nagawa mong makipag-*talik sa sarili kong ama!"Halos manginig ang buong katawan ni Draven sa sobrang galit."Plano mo na 'yan noon pa, hindi ba?!"Napailing si Vera habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha."Nagkakamali ka, Draven..."Mahina ngunit puno ng emos
Ilang sandali pang nanatiling tahimik si Draven sa gitna ng malawak na sala. Ngunit maya-maya... May kung anong bagay ang nakatawag ng kanyang pansin. Mula sa ikalawang palapag... May narinig siyang napakahinang kaluskos. Krrrk... Napangiti siya ng bahagya. "Hindi pala ako nagkakamali..." Mahina niyang bulong sa sarili. Dahan-dahan siyang muling umakyat sa hagdan.Sa bawat hakbang niya ay lalong bumibigat ang katahimikan sa buong mansyon. Huminto siya sa harap ng silid ni Brooklyn. Tahimik niyang sinuyod ng tingin ang bawat sulok. Hanggang sa mapansin niyang may nakausling damit mula sa likod ng malaking built-in cabinet. Unti-unting lumawak ang kanyang ngiti. "Nandiyan lang pala kayo..." Malamig niyang sambit. Bigla niyang itinulak ang cabinet. KRRRRGGG...! Unti-unti itong umusog. Nanlaki ang mga mata ni Vera. "Takbo, Yannah!" Halos mapasigaw siya habang mabilis niyang hinila ang kamay ng bata. Agad silang lumabas sa lihim na taguan at nagsimulang tumakbo sa kahab
Samantala... sa Villareal Mansion... Mahigpit pa ring hawak ni Vera ang kanyang cellphone matapos maputol ang tawag ni Brooklyn. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa kanyang dibdib. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga salitang binitiwan ng asawa. "Papunta riyan si Draven..." "Magtago kayo ni Yannah." Napalunok siya. Mabilis siyang lumabas ng sala at tinungo ang hagdan. "Yannah!" malakas niyang tawag. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumilip ang batang babae mula sa ikalawang palapag. "Mommy?" "Halika rito, anak." Agad na bumaba si Yannah. Paglapit nito ay mahigpit siyang niyakap ni Vera. "Mommy... anong nangyari?" Hindi agad nakasagot si Vera. Pinilit niyang ngumiti upang hindi matakot ang bata. "Wala, anak." "May aasikasuhin lang tayo." "Halik ka na sa akin." Humalik si Yannah sa kanyang pisngi. Kasunod niyon ay mabilis siyang hinawakan ni Vera sa kamay. "Tara." "Magtatago muna tayo." Napakunot-noo si Yannah. "Bakit po?" "Sinabi ni Daddy." "Kailangan d
Nanginginig ang mga kamay ni Brooklyn.Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kapatid niyang si Velma.Marahan siyang lumapit sa pintuan ng ICU.Pagkabukas nito...Tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng kapatid.Tahimik itong nakahiga sa hospital bed, natatakpan ng puting kumot hanggang dibdib.Unti-unting lumapit si Brooklyn."Velma..."Mahina niyang tawag.Marahan niyang hinawakan ang malamig nitong kamay."Pasensya ka na..."hindi kita naprotektahan."Tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha.Sa labas ng ICU, tahimik na umiiyak ang kanyang ina habang inaalalayan ng asawa.Ngunit ang ama ni Brooklyn ay nanatiling seryoso.Maya-maya'y lumapit sa kanila ang #2 Guard."Sir..."Napalingon si Brooklyn."Ano na?""Sir... wala pa rin po sina Sir Draven at ang Head Bodyguard."Lalong tumalim ang tingin ni Brooklyn."Nasaan ang tauhang pinasunod mo?""Sir... kasalukuyan pa rin po namin siyang kinokontak."Kasabay noon ay tumunog ang communication device ng #2 Guard
V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon
C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b
V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabah







