เข้าสู่ระบบAkala ni Vera Mendoza ay nasa tamang landas na ang kanyang buhay kasama ang live-in partner niyang si Draven Villareal. Ngunit isang gabing puno ng dilim at pagkakamali ang tuluyang sumira sa lahat. Sa isang madilim na silid ng hotel, inakala ni Vera na si Draven ang lalaking nakapiling niya. Kinaumagahan, umalis siya nang hindi man lang nasilayan ang mukha nito. Buo ang paniniwala niyang ang lalaking minamahal niya ang nakasama niya noong gabing iyon. Ngunit pag-uwi niya, nadatnan niyang nakikipagtalik si Draven sa ibang babae. Sugatan at wasak ang puso, pinili niyang lumayo, hindi alam na may dinadala na pala siyang lihim na bunga ng gabing iyon. Lumipas ang mga taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit ang mas nakakagulat, nalaman ni Vera na ang lalaking nakasama niya sa hotel ay hindi pala si Draven... kundi ang sarili nitong ama. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari, nauwi sa kasalan ang dalawa. Ang dating live-in partner ni Draven... ay naging asawa ng kanyang ama. Ang babaeng minsan niyang minahal ay tatawagin na niyang stepmother. Ano ang mangyayari kapag nabunyag ang buong katotohanan? Paano haharapin ni Draven ang babaeng dati niyang minahal na ngayon ay kanyang madrasta? At paano kung ang batang matagal niyang inakalang anak ay anak pala ng sarili niyang ama? Sa mundong puno ng maling akala, pagtataksil, at lihim, kaya bang paghilumin ng katotohanan ang mga pusong matagal nang nasugatan? O mas lalo lamang nitong guguluhin ang pamilyang nabuo sa isang gabing hindi dapat nangyari?
ดูเพิ่มเติมC H A P T E R -O N E
V E R A : P O V “Argh! Aaah… faster, Draven… faster…” Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko. Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—buntis ako. Buong biyahe ko pauwi, hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Draven na magkakaanak na kami. Mahigpit ko pang hawak ang maliit na papel ng resulta habang iniisip ang magiging reaksyon niya. Akala ko yayakapin niya ako. Akala ko matutuwa siya. Akala ko… magiging masaya kami. Pero pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay, ibang ingay ang sumalubong sa akin. “Ahh… Draven…” ungol muli ng isang babae, kasabay ng mahinang pag-uga ng kama mula sa silid namin. Biglang nanlamig ang buo kong katawan. Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko habang unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi agad nagsink in sa isip ko ang naririnig ko, pero sapat na iyon para durugin ang lahat ng saya at pananabik na dala ko kanina. Unti-unti akong napalapit sa pintuan ng kwarto, nanginginig ang kamay habang mahigpit pa ring hawak ang papel na magpapatunay sana na mabubuo na ang pamilya naming dalawa. “Ahhhhh!” malakas na ungol ng babae, habang dinig na dinig ko pa ang mapang-akit nitong pagbulong sa punong tainga ng nobyo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan kong makita ang ginagawa nila. Nakahiga ang babae sa kama habang nakabuka ang mga hita nito, at nasa pagitan naman niyon si Draven, abalang-abala sa pag-indayog sa harap ng babae na para bang wala siyang ibang iniisip kundi ang kasiyahang nararamdaman nila. Parang unti-unting nawalan ng hangin ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking pinangarap kong makasama habambuhay ay ngayon mismo, harapan akong winawasak. “Sigurado ka bang iiwan mo na si Vera?” malambing na tanong ng babae habang hinihimas ang dibdib ni Draven. “Handa ka na bang bumalik sa pamilya mo sa Maynila na kasama ako?” Huminto sandali si Draven bago ngumisi. “Oo, babe. Aalis na tayo rito,” sagot niya habang walang kaabog-abog na ipinagpapatuloy ang ginagawa nila. “Hindi ko na kayang makisama kay Vera. Nagsasama nga kami sa iisang bubong pero hindi ko maramdaman ang galing niya sa kama.” Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, parang paulit-ulit na may kutsilyong tumatarak sa puso ko. Mahigpit kong napisil ang hawak kong papel ng ultrasound habang pilit pinipigilan ang sarili kong huwag bumagsak sa sobrang sakit. “GISING!” Napabalikwas ako sa higaan nang marinig ang malakas na sigaw ni Uncle John. Pawis na pawis ako at mabilis ang paghinga, tila ba totoong nangyayari muli sa harap ko ang bangungot na pilit kong kinakalimutan. “Binabangungot ka na naman, Vera. Ano bang balak mo? Makikitira ka na lang ba lagi rito sa bahay namin ng ante mo?” bungad niya sa akin. Si Uncle John ang kapatid ng yumao kong ama. Sa kanila ako nakituloy simula nang iwan ako ni Draven habang buntis pa ako. Kahit ilang taon na ang lumipas, ramdam ko pa rin na isa akong pabigat sa bahay nila. “Si Yannah, kanina pa umiiyak. Nagugutom na raw, wala naman kaming maibigay sa kanya,” dagdag pa niya habang halatang inis na inis. “Bumangon ka na diyan at nang makapagtrabaho ka na.” Tahimik akong napayuko habang mahigpit na niyayakap ang manipis kong kumot. Mula sa kabilang kwarto, rinig ko ang mahina ngunit sunod-sunod na iyak ng anak ko. Parang pinipiga ang puso ko sa bawat hikbi nito. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang namuo sa gilid ng mga mata ko bago pilit na tumayo. Kahit mabigat ang katawan ko at pagod na pagod ang isip ko, wala akong choice kundi bumangon—dahil may anak akong kailangang buhayin. Pagpunta ko sa kabilang silid, bumungad agad sa akin ang anak kong tatlong taong gulang na si Yannah. Umiiyak ito habang nakatayo sa gilid ng mesa, nakatingin sa pinsan niyang sarap na sarap kumain ng tatlong pirasong pritong manok. “Ma… gutom na po ako…” hikbi ni Yannah habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya. Nanlumo ang puso ko nang makita ko kung paano niya tinititigan ang pagkain, para bang umaasang kahit isang piraso ay may mag-aabot sa kanya. Ngunit abala lang ang pinsan niya sa pagkain, walang pakialam sa umiiyak kong anak. Mahigpit kong nakuyom ang mga kamay ko habang pilit nilulunok ang sakit at kahihiyang nararamdaman ko. Bilang ina, iyon ang pinakamasakit makita—ang sariling anak mo na umiiyak sa gutom habang wala kang maibigay kahit simpleng pagkain man lang. Kaya nagpasya akong mamasukan bilang katulong sa Maynila kasama ang anak ko. Ayokong iwanan si Yannah sa kanila, lalo na’t alam kong walang ibang mag-aalaga at magmamahal dito kundi ako lang. Mas pipiliin ko pang mapagod sa trabaho araw-araw kaysa marinig ang anak kong umiiyak sa gutom o makitang minamaliit siya ng ibang tao. Kahit mahirap ang buhay sa Maynila at wala akong kasiguraduhan kung anong klaseng trabaho ang naghihintay sa amin doon, handa akong tiisin ang lahat—mabigyan ko lang ng maayos na buhay ang anak ko. At sa paghahanap ko ng trabaho, nagkasalubong kami ni Marie—ang dati naming kapitbahay sa probinsya. Nagulat pa siya nang makita ako kasama si Yannah, ngunit agad din siyang naawa sa kalagayan namin. Sakto namang naghahanap sila ng isang katulong sa mansion na pinapasukan niya kaya inalok niya akong sumama. Wala na akong ibang pagpipilian kaya agad akong pumayag. Pagdating namin sa mansion, halos mapatigil ako sa paghakbang sa sobrang laki at ganda ng bahay. Napakataas ng kisame, mamahalin ang mga dekorasyon, at bawat sulok ay halatang pag-aari ng isang napakayamang pamilya. Kahit simpleng paghinga ko, parang natatakot akong may mabasag sa sobrang elegante ng paligid. Pero ang labis kong ipinagtaka ay ang malaking larawan na nakasabit sa gitna ng mansion. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa larawan. Naroon si Draven—ang ex-boyfriend ko—nakatayo sa gitna habang nakangiti, kasama ang mga magulang niya. Maayos ang suot nito at ibang-iba sa lalaking nakilala ko noon sa probinsya. Parang biglang tumigil ang mundo ko. “Hindi… imposible…” mahina kong bulong habang unti-unting nanlalamig ang buo kong katawan. Bigla akong napaatras nang makita ko ang larawan niya. Mahigpit kong napahawak si Yannah habang mabilis na bumalik sa isip ko ang lahat ng sakit at alaala na pilit kong ibinaon sa nakaraan.Dahan-dahang umatras si Draven patungo sa pinakadulo ng rooftop habang mahigpit pa rin niyang hawak si Vera. "Draven... pakinggan mo ako!" malakas na sigaw ni Brooklyn. Napangiti nang mapait si Draven. "Para saan pa ang pakikinig?" garalgal niyang tugon. "Wala nang kuwenta ang buhay ko kung hindi rin mapapasakin si Vera!" Huminga nang malalim si Brooklyn bago siya nagsalita. "Sige..." "Ibabalik ko sa'yo si Vera." "Kaya bumalik ka na rito..." "Sa'yo na si Vera!" sigaw niya, seryoso ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ni Draven. "T-Talaga?" nanginginig niyang tanong. "Seryoso ka, Dad?" Samantala, tila natigilan si Vera sa narinig. Seryoso ba siya? Ibibigay na lang niya ako basta-basta? Niloloko ba ako ni Brooklyn?! Hindi siya makapaniwala habang nakatitig lamang sa lalaki. Halo-halong emosyon ang bumalot sa kanyang dibdib—pagkabigla, sakit, at matinding pagkalito. Hindi agad sumagot si Brooklyn. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Draven
Nag-uunahan ang mga yabag sa loob ng mansyon."VERA!""YANNAH!"Paulit-ulit na sigaw ni Brooklyn habang mabilis na inaakyat ang hagdan kasama ang kanyang mga tauhan.Ngunit pagdating nila sa ikalawang palapag...Wala na roon sina Draven at Vera.Napansin ng isa sa mga bodyguard ang nakabukas na bakal na pintuan patungo sa rooftop."Sir!""Nasa rooftop sila!"Hindi na nag-atubili si Brooklyn.Mabilis siyang umakyat sa huling hagdan upang hanapin sina Vera at Yannah.Samantala...Sa rooftop ng Villareal Mansion...Malakas ang ihip ng hangin.Nagdidilim na ang kalangitan habang tila nagbabadya ang malakas na ulan.Hingal na hingal si Vera habang mahigpit na hawak ni Draven ang kanyang braso."Bitawan mo ako, Draven!" pagsusumamo niya. "Pakiusap, tumigil ka na. Maawa ka naman sa akin at sa pamangkin mo."Pilit siyang kumakawala."Maawa ka..."Ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Draven.Nanlilisik ang kanyang mga mata."Wala nang maaawa pa sa'yo, Vera. Isa kang lalakero!" marii
"YANNAH! Bumalik ka rito!"Malakas na sigaw ni Draven habang akmang hahabulin ang batang mabilis na tumatakbo paakyat sa hagdan.Ngunit mabilis na humarang si Vera sa kanyang daraanan.Iniunat niya ang dalawang braso upang pigilan ito."Draven!"Halos maiyak niyang sigaw."Ano bang ginagawa mo?! Bakit kailangan mong maging ganito kalupit?!"Huminto si Draven.Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Vera.Mababakas sa kanyang mukha ang matinding galit at pagkamuhi."Ako? Malupit?!"Mapait siyang napatawa."Sa tingin mo ako ang malupit?"Mariin niyang itinuro si Vera."Kayo ng ama ko ang mas malupit sa lahat!""Nagawa ninyo akong gawing tanga!"Unti-unting namula ang kanyang mga mata."Tayo pa noon!""Pero nagawa mong makipag-*talik sa sarili kong ama!"Halos manginig ang buong katawan ni Draven sa sobrang galit."Plano mo na 'yan noon pa, hindi ba?!"Napailing si Vera habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha."Nagkakamali ka, Draven..."Mahina ngunit puno ng emos
Ilang sandali pang nanatiling tahimik si Draven sa gitna ng malawak na sala. Ngunit maya-maya... May kung anong bagay ang nakatawag ng kanyang pansin. Mula sa ikalawang palapag... May narinig siyang napakahinang kaluskos. Krrrk... Napangiti siya ng bahagya. "Hindi pala ako nagkakamali..." Mahina niyang bulong sa sarili. Dahan-dahan siyang muling umakyat sa hagdan.Sa bawat hakbang niya ay lalong bumibigat ang katahimikan sa buong mansyon. Huminto siya sa harap ng silid ni Brooklyn. Tahimik niyang sinuyod ng tingin ang bawat sulok. Hanggang sa mapansin niyang may nakausling damit mula sa likod ng malaking built-in cabinet. Unti-unting lumawak ang kanyang ngiti. "Nandiyan lang pala kayo..." Malamig niyang sambit. Bigla niyang itinulak ang cabinet. KRRRRGGG...! Unti-unti itong umusog. Nanlaki ang mga mata ni Vera. "Takbo, Yannah!" Halos mapasigaw siya habang mabilis niyang hinila ang kamay ng bata. Agad silang lumabas sa lihim na taguan at nagsimulang tumakbo sa kahab
V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabah
V E R A : P O V“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha
V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็นเพิ่มเติม