LOGINV E R A : P O V
“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha. Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko hanggang sa halos maramdaman ko na ang bigat ng presensya niya. “Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa’yo kung bakit?” mababa ngunit mariin niyang tanong. Napalunok ako. “I'm your boss, Vera,” dugtong niya habang diretsong nakatitig sa akin. “At lahat ng sasabihin ko, kailangan mong sundin. Kung gusto mong manatili sa mansion na ito bilang personal maid ko, kailangan mong sumunod sa bawat utos ko.” Parang nanlamig ang buo kong katawan. “O-opo, Sir…” mahina kong sagot, halos kusang lumabas sa bibig ko. Ngunit hindi pa rin matahimik ang isip ko. “P-pero Sir… ano po bang gagawin natin sa airport?” maingat kong tanong. Bahagya siyang napabuntong-hininga bago ngumisi nang kaunti. “Uhmmmm… I told you, don’t ask me questions.” Natahimik ako agad at yumuko. “Pero dahil gusto mong malaman ang dahilan…” muli niyang saad habang inaayos ang cuff ng kanyang mamahaling suot. “Sasamahan mo ako para salubungin ang anak ko at ang fiancé nito.” “ANO?!” halos mapasigaw ako sa sobrang gulat. Bigla akong natigilan. Parang huminto ang mundo ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala. Sa maikling panahon ko pa lamang sa mansion bilang katulong… makikita ko na agad si Draven—ang lalaking minsan kong minahal… ang ama ng anak ko… at ang ex-boyfriend kong akala ko’y hindi ko na muling makakaharap. Nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako nakakaipon para sa amin ng anak ko… hindi ko pa naaayos ang buhay namin… pero darating na agad siya. “Hindi pwede…” mahina kong bulong habang pilit pinapakalma ang sarili. “Anong gagawin ko…?” Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. “Hindi niya ako dapat makita rito…” dagdag ko pang bulong sa sarili ko, pilit pinipigilan ang kaba na tuluyang lamunin ako. Ngunit tila narinig niya ang takot sa boses ko. “Wag kang mag-alala, Vera,” mahinang bulong niya habang nakatitig sa akin. “Mabait ang anak ko.” Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung alam lang niya… hindi kabaitan ni Draven ang kinatatakutan ko. Kundi ang posibilidad na makilala niya ako… at malaman niyang may anak kami.. “Pero Sir… pwede bang si Ate Marie na lang po ang sumama sa inyo sa airport?” nag-aalangan kong sabi habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay ko. “Ahm… kasi po, yung anak ko—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Biglang tumigas ang ekspresyon ni Mr. Brooklyn. Dahan-dahan siyang tumigil sa kanyang ginagawa at malamig akong tinignan. “Kung ano ang sinabi ko, hindi na iyon mababago pa.” Mariin ngunit kontrolado ang kanyang boses—iyong tipong hindi mo kayang suwayin kahit gustuhin mo. “Lumabas ka na,” dagdag niya habang inaayos ang relo sa kanyang pulsuhan. “At magbihis ka. Aalis na tayo maya-maya lang. Napaaga ang uwi ng anak ko.” Wala na akong nagawa kundi ang yumuko. “O-opo, Sir…” Mabibigat ang mga paa kong lumabas ng silid niya. Pagkasara ng pinto, saka ako napahawak sa dibdib ko. Parang hirap akong huminga. Ilang taon na rin naman ang lumipas… Baka hindi na niya ako makilala. Hindi ko naman sinasadyang mapunta sa bahay nila. Nagkataon lang talagang dito ako natanggap na trabaho… sa mismong mansion ng pamilya niya. Napailing ako habang pilit inaayos ang magulong isip. “Nagkataon nga lang ba… o sadyang tadhana na talaga ang may gusto?” bulong ko sa sarili bago mariing napapikit. “Ahhhh… kainis!” Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang frustrasyon. Sa dami ng pwedeng mapasukan na trabaho… bakit dito pa? At sa dami ng taong pwede kong iwasan… Bakit si Draven pa mismo ang kailangan kong harapin muli? Ilang minuto… hanggang sa tuluyang lumipas ang ilang oras. Tahimik akong naghanda sa loob ng maliit kong silid. Isinuot ko ang uniporme ng katulong—iyon lang naman kasi talaga ang maayos kong damit. Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, agad bumungad sa akin si Mr. Brooklyn na nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Napatigil ako sandali. Gwapo… matangkad… at sobrang astig niyang tingnan. Nakasuot lamang siya ng simpleng dark suit, ngunit kitang-kita pa rin ang dating at awtoridad niya. Para siyang isang binatang hindi tumatanda. “Ibang-iba talaga kapag bilyonaryo…” mahina kong bulong sa sarili habang palihim siyang tinitignan. Paglapit ko sa kanya, bahagya akong yumuko. “T-tara na po, Sir,” mahinahon kong saad. Ngunit hindi siya agad nagsalita. Dahan-dahan niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Seryoso ang mukha niya na tila may malalim na iniisip. “Wala ka bang dalang ibang damit bukod sa yaya dress na ’yan?” malamig niyang tanong. Napayuko ako. “W-wala po akong matinong damit, Sir…” mahina kong sagot. Sandali siyang natahimik. Bahagya siyang napabuntong-hininga bago tumayo at kinuha ang susi ng sasakyan. “Uhmmmm… let’s go.” Iyon lang ang sinabi niya bago diretsong naglakad palabas. Mabilis akong sumunod. Buong biyahe ay tahimik lamang ako. Tanging tunog ng makina ng mamahaling sasakyan at mahinang musika lang ang maririnig sa loob. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko mas lalo akong kinakabahan habang papalapit kami sa airport… o kung saan man talaga kami pupunta. Makalipas ang ilang oras ng biyahe, dahan-dahang tumigil ang sasakyan ni Mr. Brooklyn sa harap ng isang mamahaling dress shop. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita kong may katabi pa itong make-over studio. Napalingon ako sa kanya. “Akala ko po ba… sa airport tayo, Sir?” nagtataka kong tanong. “Yes,” malamig niyang sagot habang inaalis ang seatbelt. “Pero bago ’yon…” Bahagya niya akong nilingon. “Kailangan mo munang maging maayos tingnan pagharap sa anak ko.” “H-Huh?” natigilan kong sambit. Hindi siya agad nagsalita. Muli niya akong sinulyapan—this time, mas malumanay na ang tingin niya kahit suplado pa rin ang tono. “Personal maid kita, Vera,” aniya. “Ayokong magmukhang pinapabayaan ko ang mga taong nasa ilalim ko.” Parang may kung anong kakaibang init na dumaan sa dibdib ko sa sinabi niya. Ngunit mabilis ding bumalik ang kaba ko nang maalala kung sino ang haharapin namin. Si Draven.Inis na napapadyak na lang si Yannah bago sumunod kay Manang Fe patungo sa ikalawang palapag.Habang inaakay siya ng matanda patungo sa master's suite, hindi pa rin mawala sa isip niya ang pang-aasar at tiwala sa sarili ni Luxer.Subalit sa kabilang panig ng mansyon, sa sandaling marating ni Luxer ang kaniyang pribadong opisina at maisara ang pinto nang malayo sa paningin ni Yannah, tuluyang napawi ang panunukso sa kaniyang mukha.Nawala ang malamig ngunit may birong aura ng binata. Napalitan ito ng isang matalim, seryoso, at misteryosong ekspresyon.Tahimik na lumapit si Christ mula sa likuran niya, dala ang isang makapal na itim na folder. Wala na ang pormal na ngiti ng matapat na tauhan; napalitan din ito ng seryosong mukha."Seniorito," pabulong na simula ni Christ. "Nakasigurado na po tayong walang nakasunod sa inyo mula sa lungsod. Subalit nakatanggap kami ng ulat mula sa tauhan natin sa underground network. May mga nagtatanong na sa kinaroroonan ni Ma'am Yannah."Humarap si Lux
Tahimik ang buong biyahe pagkatapos noon, pero napakabigat ng tensyon sa loob ng sasakyan. Pilit na tumitingin si Yannah sa mga gusaling nadadaanan nila, pero paminsan-minsan ay pasimple niyang nasusulyapan si Luxer sa kaniyang tabi. Nakasandal ito sa upuan, nakapikit ang mga mata habang bahagyang nakakunot ang noo, halatang pagod din sa biyahe ngunit napakalakas pa rin ng karisma."Tinititigan mo na naman ako," biglang salita ni Luxer nang hindi man lang idinidilat ang kaniyang mga mata.Mabilis na napaiwas ng tingin si Yannah at halos mapatalon sa gulat. "A-ano?! Pinagsasabi mo diyan! Asa ka naman, nakatingin lang ako sa labas!"Bahagyang lumabi ang labi ni Luxer sa isang patagong ngiti bago dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Matagal pa ang biyahe. Kung gusto mo akong titigan nang malapitan, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang mag-alangan.""Kapal talaga!" inis na bulong ni Yannah habang umiiling-iling. "Napakayabang mo na talaga mula nang magkaroon ka ng muscle.”B
"Wait... Hindi porke fiancé mo ako, pwede na akong sumama sa 'yo kung saan mo man gustuhin!" Mabilis niyang binawi ang kamay na hawak ni Luxer. "I'm your fiancé, at kailangan kitang—" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang biglang may lalaking sumalubong sa harapan nila. Nawalan siya ng balanse at natumba—dahilan para tila mag-slow motion ang buong paligid. Agad siyang sinalo ni Luxer at iningatan ang pagkahulog ni Yannah. Tila huminto ang mundo nang magtama ang kanilang mga mata. Sa sandaling iyon, malinaw na naramdaman ni Yannah ang matigas at lapad ng dibdib ni Luxer. Malayong-malayo na ito sa dating payatot na kilala niya—sobrang kisig at kakikitaan na ng kakisigan ang katawan nito ngayon, kahit sa paraan pa lang ng pagkakakapa niya rito. “B-bitawan mo nga ako…” utal at naiilang na sambit ni Yannah, kasabay ng mabilis na pag-iwas ng tingin habang sinusubukang idikit ang sarili sa realidad. “I’m sorry…” mahina ngunit seryosong sagot ni Luxer. Bahagya pa nitong inilapi
Napatigil si Yannah sa paglalakad nang marinig ang malalim at malamig na boses na iyon—isang boses na may awtoridad ngunit may kakaibang lambing sa dulo. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang sunglasses at inilagay ito sa kanyang ulo. Sumalubong sa kanya ang isang matangkad at napakagwapong lalaki na nakatayo ilang hakbang lang ang distansya mula sa kanya. Suot nito ang isang napakalinis na itim na polo shirt na bahagyang nakatupi ang mga braso, at nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, kapwa sila natigilan. Lumipas ang ilang segundo na walang sinuman sa kanila ang nagsasalita. Nakatitig lang sila sa isa't isa. "Exc--excuse me?" bahagyang nag-alangan si Yannah, habang mabilis na tumitibok ang kanyang dibdib sa 'di maipaliwanag na dahilan. "Kayo po ba si... Mr Luxer Delgado?" Bahagyang napangiti si Luxer. Ang malamig niyang mga mata ay biglang lumambot. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalaga hanggang sa amoy na
“Mr. Luxer Delgado, narito na po ang unica hija ng Pamilya Baltazar,” magalang na saad ng kanyang sekretarya habang bahagyang yumuko.Ngunit ni hindi man lang napatingin si Luxer sa direksiyon nito. Nanatili siyang nakatanaw sa malawak na bintana ng kanyang opisina, tila may mas mahalagang iniisip kaysa sa negosyong naghihintay sa kanya.“Christ,” kalmado niyang tawag sa kanyang kanang kamay. “Kumusta ang graduation ni Yannah?”Bahagyang napangiti si Christ bago sumagot.“Matagumpay po ang kanyang pagtatapos, Sir. At ngayong araw din po lalapag ng bansa si Madam Yannah Villareal. Gusto n'yo po ba siyang salubungin sa airport?”Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa labi ni Luxer. Ang malamig niyang ekspresyon kanina ay tila biglang nabuhayan.Ngunit bago pa siya makasagot...“Mr. Luxer...” singit ng sekretarya, halatang kinakabahan. “Hindi n'yo po puwedeng baliwalain si Madam Carissa Baltazar. Siya po ang kaisa-isang anak ng Pamilya Baltazar at may hawak na pitumpung porsiyento ng share
Tahimik na pinagmasdan ni Luxer si Yannah. Maya-maya'y bahagya siyang napailing. "Tingin ko..." malamig niyang saad, "hindi mo naman talaga binasa ang huling pahina." "Ano?" gulat na tanong ni Yannah. Agad niyang ibinuklat ang pinakahuling pahina ng kontrata. Ngunit pagdapo pa lamang ng kanyang mga mata sa nakasulat... Unti-unting naglaho ang pagtatakang nasa kanyang mukha. Napalitan iyon ng matinding pagkabigla. Mahigpit niyang napisil ang mga pahina ng kontrata habang paulit-ulit niyang binabasa ang bawat salita. Nakasulat doon: "Ang sinumang pumirma sa kasunduang ito ay awtomatikong sumasang-ayon na maging opisyal at tunay na fiancée ng tagapagmana ng pamilya. Anumang paglabag, pagtanggi, o pagtatangkang ipawalang-bisa ang kontratang ito bago sumapit ang itinakdang edad ay magreresulta sa agarang pagkalugi at pagsalo sa lahat ng ari-arian at utang ng magkabilang pamilya." "A-Ano 'to?!" sigaw ni Yannah. Halos manginig ang kanyang boses sa labis na pagkagulat. Dahan-dahan
V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabah
V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon
C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b







