Share

Became 5.

Author: Batino
last update publish date: 2026-05-17 18:11:53

V E R A : P O V

“Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.”

Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn.

“Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabahan, “wala po akong pambayad, saka kakaumpisa ko pa lang po ng trabaho—”

“Psssstt…” putol niya habang bahagyang ngumiti. “Pumili ka na. Libre ko na ito.”

Parang biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng tindahan. Ang bawat damit na nakasabit ay tila mas mahal pa kaysa sa ilang buwang kinikita ko.

Ilang oras ang lumipas, maingat akong namili hanggang sa napunta ang tingin ko sa isang simpleng dress. Hindi iyon ang pinakaengrande, pero para sa akin, iyon na ang pinakamahal na damit na nahawakan ko sa buong buhay ko.

Nang maisuot ko iyon, halos hindi ako makapaniwala sa babaeng nakikita ko sa salamin.

Isang napakagandang dress na talagang bagay sa akin.

Maingat akong inayusan ng mga staff. Mula buhok, kaunting make-up, hanggang sa mga maliliit na detalye ng aking itsura, lahat ay inayos nila para bumagay sa suot ko. Unti-unti, tila nawawala ang dating simpleng Vera na nakasanayan kong makita araw-araw.

“You look so gorgeous, Vera…” mahina ngunit malinaw na bulong ni Sir Brooklyn habang nakatingin sa akin.

Biglang uminit ang pisngi ko.

“Maging ang ayos ko ay ipinagkatiwala na rin sa dress shop dahilan para bumagay lahat. Para na akong isang mayaman sa suot ko. Hindi ko akalain na darating ako sa puntong masisilayan ko ang gandang hindi ko inaasahan.”

At sa unang pagkakataon, pakiramdam ko… kaya ko rin palang maging isang babaeng kayang ningningan ang isang buong silid.

—-----------------------------------

SA AIRPORT…

“Draven… honey, it's been a year now. Narito na rin tayo sa Philippines, and I’m ready to become Mrs. Villareal,” masayang saad ng babae habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Draven. Halata sa kanyang mga mata ang excitement matapos ang matagal nilang pananatili sa ibang bansa.

“Of course, honey,” mahinang sagot ni Draven sabay ngiti rito habang dahan-dahan silang naglalakad palabas ng airport.

“Minuto ang lumipas…

“Honey… where is your father? Akala ko ba siya ang susundo sa atin at hindi ang mga tauhan niya? Bakit hanggang ngayon ay wala—

Hindi na naituloy ni Savannah ang sasabihin nang biglang huminto ang isang mamahaling sasakyan sa harapan nila. Agad bumukas ang pinto nito, dahilan upang mapalingon silang dalawa.

“Oh, narito na pala ang ama ko,” magalang na sabi ni Draven habang inaayos ang suot niyang coat.

Sa loob ng sasakyan, kitang-kita ni Vera si Brooklyn. Ngunit mas lalong hindi niya maiwasang mapatitig kay Draven.

Ibang-iba na siya ngayon. Hindi na katulad ng lalaking nakilala niya noon na halos walang-wala at handang magpakapagod para lang mabigyan siya ng maayos na buhay.

“Ako lang ba ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang bumalik sa kanila habang nagsasama kami? Anong dahilan? Kung mayaman pala siya, bakit siya nagpakahirap na kasama ako noon at—

“VERA…” biglang tawag ni Brooklyn mula sa loob ng sasakyan, dahilan upang agad siyang matauhan sa malalim niyang iniisip.

Saglit na natigilan si Vera habang nakatitig kay Brooklyn.

“PASENSIYA NA PO, SIR…” mahinang saad niya sabay yuko ng kaunti. Pilit niyang pinanatiling kalmado ang kanyang mukha kahit ramdam niyang bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay.

Huminga siya nang malalim bago inayos ang suot niyang damit, saka dahan-dahang lumabas ng sasakyan upang kunin ang mga maleta ng bagong dating na sina Draven at Savannah.

Bahagya niyang iniwas ang tingin habang papalapit sa likuran ng sasakyan. Ayaw niyang mahalata ang kaba na pilit niyang ikinukubli sa likod ng maayos niyang kilos.

“K-kaya ko ito… Hindi naman siguro niya ako makikilala sa bago kong mukha. Malayong-malayo na ang itsura ko ngayon kaysa sa nagdaan kong mukha…” mahinang saad pa niya sa sarili bago tuluyang binuksan ang pinto ng sasakyan.

Ngunit sa kabila ng pilit niyang pagpapakalma sa sarili, hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang unti-unti siyang lumalapit kay Draven.

Paglabas na paglabas pa lamang ni Vera sa sasakyan, agad siyang yumuko sa mga ito upang itago ang kaba na pilit umaakyat sa kanyang dibdib.

“Maligayang pagbabalik po, Ma’am… Sir,” magalang niyang bati sabay kuha sa mga maleta.

“Wait…” sambit ni Draven.

Agad na napatigil si Vera sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang hangin sa paligid habang dahan-dahang lumingon si Draven sa kanya.

“Nakilala kaya niya ako?” mahina niyang bulong sa sarili habang pilit pinananatiling kalmado ang mukha.

“What happened, honey? May problema ba sa kanya?” tanong ni Savannah habang kumakapit sa braso ni Draven.

Tiningnan siya ni Draven mula ulo hanggang paa bago bahagyang ngumisi.

“Naiinis lang ako. Pakiramdam ko nagpapapansin siya sa akin,” malamig na saad ni Draven na tila hinuhusgahan agad si Vera kahit wala naman itong ginagawa.

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Vera dahil sa sinabi nito. Agad siyang yumuko upang hindi mahalata ang reaksyon niya.

“N-naku… hindi po totoo ’yan. Kukunin ko lang po ang—

“Are you seducing my fiancé?” “Don’t tell me you’re trying to get his attention?,

mataray na tanong ni Savannah habang nakataas ang kilay at mariing nakatingin kay Vera.

Saglit na natigilan si Vera. Hindi niya inaasahang ganoon agad ang magiging trato sa kanya ng babae. Ngunit imbes na sumagot, mas lalo lamang niyang hinigpitan ang hawak sa maleta habang pilit nilulunok ang bigat na namumuo sa kanyang dibdib.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Book 2. Fake Wife 6

    Napatigil si Yannah sa paglalakad nang marinig ang malalim at malamig na boses na iyon—isang boses na may awtoridad ngunit may kakaibang lambing sa dulo. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang sunglasses at inilagay ito sa kanyang ulo. Sumalubong sa kanya ang isang matangkad at napakagwapong lalaki na nakatayo ilang hakbang lang ang distansya mula sa kanya. Suot nito ang isang napakalinis na itim na polo shirt na bahagyang nakatupi ang mga braso, at nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, kapwa sila natigilan. Lumipas ang ilang segundo na walang sinuman sa kanila ang nagsasalita. Nakatitig lang sila sa isa't isa. "Exc--excuse me?" bahagyang nag-alangan si Yannah, habang mabilis na tumitibok ang kanyang dibdib sa 'di maipaliwanag na dahilan. "Kayo po ba si... Mr Luxer Delgado?" Bahagyang napangiti si Luxer. Ang malamig niyang mga mata ay biglang lumambot. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalaga hanggang sa amoy na

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Book 2. Fake Wife 5

    “Mr. Luxer Delgado, narito na po ang unica hija ng Pamilya Baltazar,” magalang na saad ng kanyang sekretarya habang bahagyang yumuko.Ngunit ni hindi man lang napatingin si Luxer sa direksiyon nito. Nanatili siyang nakatanaw sa malawak na bintana ng kanyang opisina, tila may mas mahalagang iniisip kaysa sa negosyong naghihintay sa kanya.“Christ,” kalmado niyang tawag sa kanyang kanang kamay. “Kumusta ang graduation ni Yannah?”Bahagyang napangiti si Christ bago sumagot.“Matagumpay po ang kanyang pagtatapos, Sir. At ngayong araw din po lalapag ng bansa si Madam Yannah Villareal. Gusto n'yo po ba siyang salubungin sa airport?”Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa labi ni Luxer. Ang malamig niyang ekspresyon kanina ay tila biglang nabuhayan.Ngunit bago pa siya makasagot...“Mr. Luxer...” singit ng sekretarya, halatang kinakabahan. “Hindi n'yo po puwedeng baliwalain si Madam Carissa Baltazar. Siya po ang kaisa-isang anak ng Pamilya Baltazar at may hawak na pitumpung porsiyento ng share

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Book 2. Fake Wife 4

    Tahimik na pinagmasdan ni Luxer si Yannah. Maya-maya'y bahagya siyang napailing. "Tingin ko..." malamig niyang saad, "hindi mo naman talaga binasa ang huling pahina." "Ano?" gulat na tanong ni Yannah. Agad niyang ibinuklat ang pinakahuling pahina ng kontrata. Ngunit pagdapo pa lamang ng kanyang mga mata sa nakasulat... Unti-unting naglaho ang pagtatakang nasa kanyang mukha. Napalitan iyon ng matinding pagkabigla. Mahigpit niyang napisil ang mga pahina ng kontrata habang paulit-ulit niyang binabasa ang bawat salita. Nakasulat doon: "Ang sinumang pumirma sa kasunduang ito ay awtomatikong sumasang-ayon na maging opisyal at tunay na fiancée ng tagapagmana ng pamilya. Anumang paglabag, pagtanggi, o pagtatangkang ipawalang-bisa ang kontratang ito bago sumapit ang itinakdang edad ay magreresulta sa agarang pagkalugi at pagsalo sa lahat ng ari-arian at utang ng magkabilang pamilya." "A-Ano 'to?!" sigaw ni Yannah. Halos manginig ang kanyang boses sa labis na pagkagulat. Dahan-dahan

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Book 2. Fake Wife . 3

    "Mga tauhan." Malamig na tawag ni Luxer. "Iwan n'yo muna kami." "Yes, Señorito." Agad na yumuko ang mga bodyguard bago sabay-sabay na lumayo. Pagkatapos ay ibinaling ni Luxer ang tingin sa yaya ni Yannah. Isang simpleng tango lamang ang ibinigay niya bilang hudyat. Naunawaan agad iyon ng matandang yaya. "Seniorita..." nag-aalalang sambit nito. "Hintayin na lang kita roon sa may veranda." Nag-aalinlangan man, tuluyan na rin itong naglakad palayo. Ilang segundo lamang ang lumipas... Tanging sina Luxer at Yannah na lamang ang naiwan sa gitna ng malawak na hardin. Tahimik na humarap si Luxer sa dalagita. "Sige, Miss Villareal," kalmado ngunit seryosong saad niya. "Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin.” Ang gwapo pala niya... At ang astig ng dating. Pero kahit gano'n... wala pa rin akong balak magpakasal sa kanya! Mahigpit na ikinrus ni Yannah ang kanyang mga braso bago buong tapang na tumingin kay Luxer. "Okay, Mr. Payatot." Bahagyang tumaas ang kilay ng binata.

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Book 2. Fake Wife 2

    Three Years Ago… Tatlong Taon ang Nakalipas… "Yannah! Bilisan mo! Hinihintay ka na nila sa mansion!" Napalingon si Yannah Villareal sa kanyang yaya habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. "Yaya, bakit po ba kailangan kong pumunta roon? Hindi ko naman kilala ang pamilyang Delgado." Napabuntong-hininga ang kanyang yaya. "May mahalagang pag-uusapan ang dalawang pamilya. Sumunod ka na lang Señiorita." Bahagyang kumunot ang noo ni Yannah. Simula pagkabata, naririnig na niya ang apelyidong Delgado. Ngunit ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang araw na magiging bahagi siya ng pamilyang iyon. Pagdating nila sa Delgado Mansion... Huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking gate. Unti-unting bumukas ang bakal na pintuan. At sa unang pagkakataon... Nasilayan ni Yannah ang lalaking tuluyang babago sa takbo ng kanyang buhay. Isang matangkad na binata ang nakatayo sa harap ng fountain. Nakadamit ng itim na suit. Tahimik. Malamig ang ekspresyon. At tila walang interes sa l

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Book 2. FAKE WIFE 1

    Pak! Nanigas si Yannah Villareal matapos lumapat ang isang malakas na sampal sa kanyang pisngi. Unti unting umangat ang kanyang tingin sa babaeng nasa harapan niya. "Carissa..." mahina niyang usal. Hindi niya maintindihan kung bakit ang matalik niyang kaibigan ang siyang nakatayo sa harap niya, puno ng galit at panghahamak. Humalakhak si Carissa bago may inilabas na isang dokumento mula sa kanyang bag. "Akala mo ba tunay kang asawa ni Luxer Delgado?" mapanuyang tanong nito. Napakurap si Yannah. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Isinampal ni Carissa ang dokumento sa kanyang dibdib. "Basahin mo." Nanginginig ang mga kamay ni Yannah habang dahan dahan niyang binuklat ang papel. Ngunit bago pa man niya matapos ang unang pahina... Isang pangungusap ang tuluyang dumurog sa kanyang puso. "This marriage is contractual and shall only fulfill the ancestral agreement between the Villareal and Delgado families." Parang huminto ang mundo. Unti unting umiling si Yannah. "Hindi... hindi

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 4.

    V E R A : P O V“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 3.

    V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 2.

    V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 1.

    C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status