LOGINPagdating sa kanyang opisina ay halos ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair. Napasandal siya rito at ipinatong ang dalawang paa sa ibabaw ng kanyang mesa habang nakatingala sa kisame.Pakiramdam niya ay wala siyang lakas para harapin ang buong araw. Katatapos pa lang ng bakasyon, ngunit imbes na ma-recharge, tila mas lalo pa siyang napagod.Ilang segundo pa lang siyang nakaupo nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina."Good morning, Boss Kieran!" masiglang bati ng kanyang sekretarya. "Kamusta po ang bakasyon ninyo?"Hindi siya sumagot. Dahan-dahan lang niyang ibinaba ang tingin at binigyan ito ng masamang tingin bago muling tumitig sa kisame.Napatawa si Adrian. "Oh? Akala ko ba kaya ka nag-Boracay ay para mag-recharge? Bakit parang low battery ka pa rin pagbalik mo?"Hindi na siya nag-abalang sumagot. Matagal na niyang assistant at sekretarya si Adrian. Ngunit higit pa roon, kaibigan na rin niya ito. Ilang taon na rin silang magkasama sa trabaho kaya kabisado na nito ang bawat e
Nagising si Kieran na tila may mabigat na martilyong paulit-ulit na tumatama sa kanyang sentido. Napapikit siya at agad na dinala ang isang kamay sa noo, marahang minamasahe iyon habang nananatiling nakahiga sa kama."Ang sakit..."Marahil dala lang ito ng pagod. Hindi naman siguro jet lag. Mula Boracay lang naman ang biyahe nila kahapon, halos isang oras lang ang flight. Ni hindi nga siya nakakaranas ng jet lag kapag galing sa mga international flight na inaabot ng halos isang araw ang biyahe. Bilang isang piloto, sanay na sanay na siya sa mahabang oras sa ere.Pero iba ang pagod na nararamdaman niya ngayon. Sa buong isang linggo nilang pananatili sa Boracay, wala siyang naramdamang kapaguran. Puro tawanan, kwentuhan, pagkain, at masasayang bonding kasama ang mga barkada.Panandalian niyang nakalimutan ang problema.Ngunit nang lumapag ang eroplano sa Maynila... kasabay ng paglapag ay ang pagbabalik ng realidad. Ang saya ay tila naiwan sa Casa Celestine, habang ang tanging nadala niya
VIVIAN POV:Nakatingin lamang si Vivian sa anak habang papalayo ito sa kanila ni Wesley. Mabagal ang mga hakbang ni Kieran, ngunit ramdam niya ang bigat na pasan nito.Napabuntong-hininga siya, naawa siya sa kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit paulit-ulit nitong sinasabing handa na itong isuko ang lahat, alam niyang may bahagi pa rin sa puso ni Kieran na patuloy na umaasa. Ang simpleng muling pagdating ni Wesley ay tila muling nagsindi ng munting apoy ng pag-asa sa dibdib nito.Kilalang-kilala niya ang kanyang anak. Kapag sinabi nitong susuko na, ibig sabihin lang noon ay pagod na ito. Ngunit hindi kailanman tumigil ang puso nitong magmahal. At ang babaeng iyon ay si Nikita."Vivian..."Napalingon siya kay Wesley. Tahimik itong nakatingin sa direksyong nilakaran ni Kieran bago muling ibinalik ang tingin sa kanya."Our families have been through so much over the past few months... and I'm sorry, Vivian." mahina nitong sabiNapailing siya at ngumiti nang mapait. "No, Wes
Saglit na sumagi sa isip niya ang mukha ni Nikita... ngunit agad niya iyong itinaboy. Wala na siyang pakialam. Kahit pa alam niya ang address ng mga ito sa America, hindi naman siya pupunta roon para hanapin ito... hinding-hindi mangyayari yun!Tahimik siyang uminom ng tubig bago muling nagsalita. "Bakit nga po pala kayo napauwi, Tito? As far as I know, Attorney Juan Delmar is doing great in running Tala Airways."Bahagyang ngumiti ang matanda, ngunit halatang may kaunting pag-aalinlangan sa ekspresyon nito."Yeah... doing great naman si kumpadre." Tumango ito. "It's just that dumating na ang bagong eroplano na inorder ko from Japan. Kailangan kong personal na pangasiwaan ang turnover at ilang expansion plans ng kumpanya.""I see..." Tumango lamang siya habang patuloy na kumakain. "So... you're just here for vacation, Tito?"Hindi niya ito tinitingnan habang nagtatanong. Hindi niya alam kung bakit, marahil ay natatakot siyang makita ang anumang sagot sa mukha nito.Ngunit ang sumunod
Napailing siyang muli bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Binuksan niya ang compartment at inilabas ang kanyang malaking maleta kasama ang isang kahong puno ng pasalubong para sa kanyang mommy at sa mga kasambahay."Drive safe, bro.""You too... see you some other time."Nagtaas siya ng kamay bilang pamamaalam bago tuluyang isinara ang compartment. Unti-unting umalis ang sasakyan ni Oliver habang siya naman ay humarap sa malaking gate ng kanilang tahanan.Pagkapasok niya sa gate ay agad siyang sinalubong ng isa sa kanilang security guard. "Good evening, Senyorito.""Good evening." Ngumiti lang siya bilang tugon."Ako na po ang magdadala ng maleta ninyo."Umiling siya. "Ako na. Kaya ko na.""Pero, Sir---""It's okay."Kaya hinayaan na lamang siya ng guwardiya.Habang hinihila ang kanyang maleta at buhat ang kahon ng mga pasalubong, napansin niya ang isang itim na mamahaling sasakyan na nakaparada sa garahe.Bahagya siyang napakunot-noo... May bisita kami? Hindi niya naitanong sa security
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang yate na maghahatid sa kanila pabalik sa port. Unti-unting bumigat ang pakiramdam ng bawat isa. Tapos na ang isang linggong bakasyon... isang linggong puno ng tawanan, kalokohan, at mga alaalang panandaliang nagpawi sa sakit na matagal niyang pasan.Isa-isa silang nagpaalam kay Celestine. Mahigpit nitong niyakap sina Oliver, Chester, Marcus at Philip bago tuluyang lumapit sa kanya.Nang siya na ang kaharap nito, bigla nitong ipinalupot ang mga braso sa kanyang leeg at niyakap siya nang mahigpit. "Bye, Kieran... I'm gonna miss you," mahina nitong bulong. Bago pa man siya makapagsalita, hinalikan siya nito ng mabilis sa labi.Muli... Saglit siyang natigilan. Pero halos kasunod noon ay pinilit niyang iwaksi ang anumang kahulugang gustong ibigay ng isip niya rito. Ginawa na rin iyon ni Celestine noong unang araw ng pagdating nila sa isla, at malinaw nitong sinabi na wala itong romantikong nararamdaman para sa kanya. Ganoon lang talaga marahil an
"Iha, bukas pala ay sumama ka sa kanya sa opisina, ha? Nang sa ganoon ay makilala ka naman ng mga empleyado natin. Nasabi ko na kay Kieran ang gagawin," dagdag ng kanyang ama.Nanlaki ang kanyang mga mata. "Dad naman... umuwi ako rito para magbakasyon, hindi para magtrabaho!"Alam na niya ang gusto
Ang kaninang excitement dahil sa paborito niya ang ulam ay biglang naglaho. Para bang isang iglap lang, nawalan siya ng gana.Kanina, masaya naman siya pagdating, pero nang makita si Kieran na naging seryoso ang mukha, matigas ang panga at malamig ang mga mata, napaisip din siya... Galit ba ito sa
NIKITA'S POV:Pagkapasok na pagkapasok sa kotse, agad niyang inayos ang sarili sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang kulitin siya ni Kieran, Ayaw niyang makipag-usap, Ayaw niyang harapin ang gulong bumabalot sa isip at damdamin niya.Kahit mahigit isang oras na silang magkasama mul
“Ano nga pala ang plano mo habang andito ka sa Pilipinas?” kaswal na tanong niya, pilit ding pinapatay ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.“I’m just here for the wedding, then babalik na ako ng US. ’Yun naman ang sinabi ko kay Dad.” sagot nito nang hindi nakatingin sa kanya.“Bakit hindi ka n







