LOGINVIVIAN POV:Nakatingin lamang si Vivian sa anak habang papalayo ito sa kanila ni Wesley. Mabagal ang mga hakbang ni Kieran, ngunit ramdam niya ang bigat na pasan nito.Napabuntong-hininga siya, naawa siya sa kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit paulit-ulit nitong sinasabing handa na itong isuko ang lahat, alam niyang may bahagi pa rin sa puso ni Kieran na patuloy na umaasa. Ang simpleng muling pagdating ni Wesley ay tila muling nagsindi ng munting apoy ng pag-asa sa dibdib nito.Kilalang-kilala niya ang kanyang anak. Kapag sinabi nitong susuko na, ibig sabihin lang noon ay pagod na ito. Ngunit hindi kailanman tumigil ang puso nitong magmahal. At ang babaeng iyon ay si Nikita."Vivian..."Napalingon siya kay Wesley. Tahimik itong nakatingin sa direksyong nilakaran ni Kieran bago muling ibinalik ang tingin sa kanya."Our families have been through so much over the past few months... and I'm sorry, Vivian." mahina nitong sabiNapailing siya at ngumiti nang mapait. "No, Wes
Saglit na sumagi sa isip niya ang mukha ni Nikita... ngunit agad niya iyong itinaboy. Wala na siyang pakialam. Kahit pa alam niya ang address ng mga ito sa America, hindi naman siya pupunta roon para hanapin ito... hinding-hindi mangyayari yun!Tahimik siyang uminom ng tubig bago muling nagsalita. "Bakit nga po pala kayo napauwi, Tito? As far as I know, Attorney Juan Delmar is doing great in running Tala Airways."Bahagyang ngumiti ang matanda, ngunit halatang may kaunting pag-aalinlangan sa ekspresyon nito."Yeah... doing great naman si kumpadre." Tumango ito. "It's just that dumating na ang bagong eroplano na inorder ko from Japan. Kailangan kong personal na pangasiwaan ang turnover at ilang expansion plans ng kumpanya.""I see..." Tumango lamang siya habang patuloy na kumakain. "So... you're just here for vacation, Tito?"Hindi niya ito tinitingnan habang nagtatanong. Hindi niya alam kung bakit, marahil ay natatakot siyang makita ang anumang sagot sa mukha nito.Ngunit ang sumunod
Napailing siyang muli bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Binuksan niya ang compartment at inilabas ang kanyang malaking maleta kasama ang isang kahong puno ng pasalubong para sa kanyang mommy at sa mga kasambahay."Drive safe, bro.""You too... see you some other time."Nagtaas siya ng kamay bilang pamamaalam bago tuluyang isinara ang compartment. Unti-unting umalis ang sasakyan ni Oliver habang siya naman ay humarap sa malaking gate ng kanilang tahanan.Pagkapasok niya sa gate ay agad siyang sinalubong ng isa sa kanilang security guard. "Good evening, Senyorito.""Good evening." Ngumiti lang siya bilang tugon."Ako na po ang magdadala ng maleta ninyo."Umiling siya. "Ako na. Kaya ko na.""Pero, Sir---""It's okay."Kaya hinayaan na lamang siya ng guwardiya.Habang hinihila ang kanyang maleta at buhat ang kahon ng mga pasalubong, napansin niya ang isang itim na mamahaling sasakyan na nakaparada sa garahe.Bahagya siyang napakunot-noo... May bisita kami? Hindi niya naitanong sa security
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang yate na maghahatid sa kanila pabalik sa port. Unti-unting bumigat ang pakiramdam ng bawat isa. Tapos na ang isang linggong bakasyon... isang linggong puno ng tawanan, kalokohan, at mga alaalang panandaliang nagpawi sa sakit na matagal niyang pasan.Isa-isa silang nagpaalam kay Celestine. Mahigpit nitong niyakap sina Oliver, Chester, Marcus at Philip bago tuluyang lumapit sa kanya.Nang siya na ang kaharap nito, bigla nitong ipinalupot ang mga braso sa kanyang leeg at niyakap siya nang mahigpit. "Bye, Kieran... I'm gonna miss you," mahina nitong bulong. Bago pa man siya makapagsalita, hinalikan siya nito ng mabilis sa labi.Muli... Saglit siyang natigilan. Pero halos kasunod noon ay pinilit niyang iwaksi ang anumang kahulugang gustong ibigay ng isip niya rito. Ginawa na rin iyon ni Celestine noong unang araw ng pagdating nila sa isla, at malinaw nitong sinabi na wala itong romantikong nararamdaman para sa kanya. Ganoon lang talaga marahil an
KIERAN'S POV:Kasalukuyan silang abala sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.Mabilis na lumipas ang isang linggong bakasyon nila sa Boracay. Pakiramdam ni Kieran ay kahapon lang nang dumating sila sa isla, ngunit ngayon ay nakatambak na sa sahig ang kanilang mga maleta, handa nang bumiyahe pabalik sa Maynila.Kasabay ng pagtatapos ng bakasyon ay ang pagbabalik din nila sa kani-kanilang responsibilidad... mga negosyo, trabaho, at ang magulong buhay na pansamantalang iniwan nila."Haaay..."Napalingon siya sa couch kung saan nakaupo si Philip. Nakasandal ito habang nakatulala sa kisame na para bang nawalan ng gana sa buhay.Napangiti siya. "O, bakit parang ang lungkot mo yata diyan?" natatawa niyang tanong.Naghihintay na lang sila ng yate na magsusundo sa kanila para ihatid sa port. Mula roon ay didiretso sila sa airport para sa flight pauwi ng Maynila.Hindi agad sumagot si Philip. Ilang segundo muna itong nanahimik bago nagsalita."Kailangan pa ba talaga nating bumalik ng Manila?"Napa
Muling nilagyan ni Wesley ng pagkain ang kanyang plato. Napangiti ito habang inaayos pa ang piraso ng karne sa kanin niya."Salamat at nakapag-isip-isip ka na rin, anak," malumanay nitong sabi. "Marahil tama nga ang kasabihang time heals all wounds." Sandali itong humigop ng tubig bago muling nagsalita. "Hinintay lang kitang magkusa na sabihing pwede na akong bumalik ng Pilipinas. Ayokong pilitin ka dahil alam kong masasaktan ka lang. Ramdam ko rin na kailangan mo ako rito sa America."Napabuntong-hininga ito. "Sa totoo lang, wala naman talaga akong pagpipilian. Noon, hindi kita kayang iwan habang alam kong hindi ka pa handang harapin ang lahat. Pero ngayong ikaw na mismo ang nagsabing maaari na akong umuwi..." ngumiti ito nang may kasiyahan, "...malaking ginhawa iyon sa puso ko."Tumigas ang ekspresyon ni Nikita. "But that doesn't mean makikipag-ayos na ako sa mga Del Toro, Dad!"Napatawa si Wesley. "Anak..." umiling ito. "Akala ko ba okay ka na?"Sumimangot siya. Bubuka pa lamang sa
SA OSPITAL:Habang abala sina Kieran, Wesley, at ang mga pulis sa pag-uusap tungkol sa pagkawala ni Nikita, biglang nagmamadaling lumapit sa kanila ang nurse na naka-duty sa silid ng kanyang ina."Mr. Del Toro!" hingal nitong tawag. "Nagising na po si Mrs. Del Toro. Hinahanap niya po kayo. Umiiyak
"T-totoo po ba ito? Hindi po ba kayo nagbibiro?" Bahagyang nanginginig ang kanyang boses habang nakatitig kay Wesley. Halos hindi niya mapaniwalaan ang mga salitang narinig.Napailing si Wesley at nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga."Gusto ko mang sabihin na biro lang ito, pero hindi, iho."
Nagdaan pa ang mga araw ngunit hindi pa rin nagigising si Tita Vivian. Nanatili pa rin ito sa ospital. Ang pinagpasalamat lang nila ya wala naman masyadong natamong malala dito bukod sa bali at galos sa katawan.Hindi na rin sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ni Kieran matapos ang huli nilang
Oo, wala silang relasyon ni Kieran. Hindi niya ito boyfriend at wala siyang karapatang magselos. Hindi siya ang babaeng ipinapakilala nito sa iba. Hindi siya ang hinahawakan nito sa harap ng maraming tao. Hindi rin siya ang pinapangakuan nito ng kinabukasan.Pero siya ang palaging naroon. Siya ang







![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)