Share

Chapter Four

last update publish date: 2026-05-22 10:46:15

“ROYALTY.” nang-uuyam na wika ni Yeahua kay Grayton.

Masama ang tingin na pinukol nito sa akin at saka humakbang palapit sa babae niya. Ako naman ay nakatayo lang habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayo. Lumapit sa akin si Grayton at umakbay sa akin.

"Pinagpalit mo ako diyan sa damuhong lalaking ‘yan, buti na lang marunong akong tumanggap ng pagkatalo at pinaubaya kita sa kan’ya. Ikaw ba, tumatanggap ka ba ng pagkatalo?" tanong sa akin ni Grayton saka iginaya ako papalapit sa kotse nito.

"Tumahimik ka na nga. Pinapamukha mo lang sa akin ang mali ko, e. Pero nagpapasalamat ako sa’yo, dahil sa tulong mo sa akin ngayon." sincere kong wika lay Grayton saka tumingala para tignan ito sa mga mata.

"Don't worry, you're going to be my cousin now. At wala akong balak lokohin ang pinsan po. Mahal ko ‘yon." pagtatapat ni Grayton na ikinatuwa ko naman.

"Dapat lang na mahalin mo siya, dahil malaki ang angkan namin at siguradong tutugusin ka naming lahat." pabirong banta ko kay Grayton.

"I know." nakangiting sagot nito sa akin. "Siya nga pala may padala sayo si Amelie. Nasa bahay, kakarating ko lang kagabi." anito pa.

"Dapat sinabi mo para masundo kita." ani ko naman. Tumayo ako sa harap ng kotse ni Grayton habang pinagbubuksan ako nito ng pinto.

"Get in." wika nito sa akin saka inalalayan akong makapasok sa loob ng kotse saka umikot sa kabila at pumwesto sa driver sit. Pinaandar nito ang kotse at tuluyan na naming nilisan ang YMV building.

Tahimik kaming nagbyahe ni Grayton papunta sa bahay nila, habang ang utak ko naman ay tila sasabog na sa dami ng aking iniisip. P*****a. Kung pwede lang tanggalin ang puso ng tao kapag nasasaktan at ibabalik lang ito kapag gumaling na. Gagawin ko. Dahil maganda ang gano’n at walang may nabubuhay sa sakit. Wala ring nagpapakamatay ng dahil sa pag-ibig. Nilingon ko si Grayton ng marinig kong nagsalita ito.

"What?" pa-asik kong tanong.

"Kanina pa kita kinakausap at pinapababa. Your spacing out, Desi." wika sa akin ni Grayton saka nagpatiunang lumabas ng kotse. Lumabas ako ng kotse at sumunod kay Grayton papasok ng bahay nito. Nadatnan namin si tito Orlando habang nakaupo sa sofa at nakaharap sa TV na nanononood ng balita.

Sa totoo lang, never ko pang nakita si tito Orlando na nanononood ng TV show or drama. Palaging pinapanood nito ay balita at trading. Ganito ba talaga kapag mayaman? Pasensiya na hindi ako relate sa kanila dahil lumaki akong independent at hindi umaasa sa pera ng aking mga magulang.

Nagtapos ako sa pag-aaral dahil sa member ako ng cheering squad ng school namin. May pera ang magulang ko pero hindi ako umaasa sa kanila, kaya nga noong pinagkasundo ako kay Grayton, hindi na ako nagdalawang isip na umalis ng bahay kahit pa binantaan ko ni daddy na tanggalan ako ng mana.

"Hi dad." bati ni Grayton kay tito Orlando.

"Hi, tito Orlando." nakangiti kong bati kay tito Orlando.

"O hi, Desiree. And hi to you too, son." bati ni tito sa amin.

"Where's mom?" tanong ni Grayton kay tito sabay lapag ng susi ng kotse sa ibabaw ng mesa sa harap ng sofa.

"Upstairs." matipid na sagot ni tito saka tumayo.

"Wait here Desiree, I will till Manang Elsa to make you food and to prepare the guest room. You will be sleep here." wika sa akin nu tito. Napatingin ako sa kanya na nagtataka. "Base on your face, you need a friend to cry on."

Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi ni tito Orlando. Ang bait-bait talaga ng mga lahi nila. Napaka-down to earth pa.

"Thanks, tito Orlando." nahihiyang pasalamat ko. Nalipat ang tingin ko kay Grayton ng makaalis na si tito Orlando at nakita kong busy ito sa pagkakalikot ng cellphone. "Huwag mong sabihin kay daddy na nandito ako. P’wede mong sabihin kay Disney pero hindi p’wede kay daddy."

"I know. Gusto mo bang makausap si Disney?" tanong nito sa akin.

"Later. Medyo pagod na ako. Gusto ko na magpahinga." wika ko. Sa totoo lang physically fit ako pero ang utak at puso ko hindi. I'm in pain. Severe.

"Mag-elevator ka na lang. Doon ka sa 4th floor, wala kang katabing tao kaya malaya kang umiiyak doon." si Grayton.

"Oo na, brokenhearted na ako."

"Matulog ka lang doon, ha, huwag kang magpakamatay." biro sa akin ni Grayton.

"Tss. Wala akong balak magpakamatay. Mag-aasawa pa ako, maghahanap nalang ako ng afam." naiinis kong wika saka tumayo na. Tinawanan ako ni Grayton dahil sa sinabi ko. "Happy?"taas ang kilay natanong ko.

"Kahit brokenhearted ka nakuha mo pang magbiro." ani nito.

"I am not joking. Totoo ang sinasabi ko." angil ko.

"Okay."

Sumakay na kami ng elevator at pumasok sa loob ng guest room. Kunting pagpag lang ang ginawa ng katulong kasi nililinis naman daw nila araw-araw ang lahat ng kwarto. Grabe ang laki ng bahay na to with 10 bed rooms.

Umupo ako sa ibabaw ng kama saka niyakap ang aking dalawang tuhod habang binabalikan ang nakaraan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming My Desire   Chapter Twenty-Six

    "KUNG hindi lang masama magpalayas ng ama, papalayasin ko na si daddy pati si Yeshua.” wika ko kay Disney at mas lalo itong tumawa. Tinawagan ko na nga kanina si tito Romulus para ipakuha ang anak niya sa bahay. Mabuti naman at naintindihan ako ni tito, pero no’ng una tawa lang nang tawa dahil sa mga kinu-kuwento ko sa kan’yan. Pakiramdam ko para akong batang nagsusumbong kay tito Romulus. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung ganon sila palagi? Mabuti na lang at naawa sa akin si tito Romulus at nagbigay ito nang assurance na pau-uwiin niya si Yeshua. Pagkarinig ko, nagpasalamat pa ako ng paulit-ulit sa matanda. At sa mga oras na iyon, unti-unti akong nakaramdam nang kaginhawaan at looking forward sa katahimikan sa bahay kung sakali. "Kailan daw ba aalis si Yeshua sa bahay niyo?" "Wala daw siyang balak na umalis sa bahay.” sagot ko kay Disney at saka humingi nang malalim. “Naririndi na ako sa kanilang dalawa, Dis. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa war zone araw-araw.” Tumawa

  • Taming My Desire   Chapter Twenty-Five

    ANG lakas ng loob ni Yeshua na maka-mine sa akin sa harap mismo ng ama ko. Ang kapal talaga ng mukha nito. “Anong mine-mine ang pinagsasabi mo, Mr. Ventura? Hindi mapasa iyo ang anak ko. Pagkatapos mo siyang saktan at ipamukha sa kaniya na hindi mo siya mahal? Pagkatapos mong apak-apakan ang pagkatao niya? Pagkatapos mong ipahiya ang anak ko hanggang sa masira ag dignidad niya, sasabihin mo na mapupunta siya sa’yo? Never!” galit na wika ni daddy kay Yeshua. Dahil sa sinabi ni daddy, muli akong nasaktan at muling pinaalaala nito ang naranasan ko sa mg ka-officemate ko. Throwback. “Nandiyan na naman ang malandi. Mag-ingat kayo kaniya, baka isa kayo sa masabunutan niya. Nawawala sa sarili ‘yan kapag nakita niyang lalapit-lapit ka kay sir Yeshua. Galit sa kapwa ‘yan e.” wika ng isa kong katrabaho habang nakatingin sa akin at may ngiting nang-iinsulto. “Bakit, Ma’am, ano po ang mayro’n? At ano po ang ibig ninyong sabihin sa kapwa?” inosente na tanong ng bagong hire na babae kay Melbe

  • Taming My Desire   Chapter Twenty-Four

    “HAY NAKU!”Kanina pa ako pikon na pikon kay daddy at kay Yeshua, walang araw na hindi sila nagsasagutan. Nakakarindi. Daig pa nila ang mag-jowa na may mga sumpong. May mga daily menstration. “Lord, dasal ko talaga sa araw-araw ay ang magkaroon ng mahabang pasensiya sa dalawang lalaking nandito sa bahay. Ama ko po ang isa at ang isa ay manliligaw. Pareho ko po silang mahal, Lord. Help. Please, Lord, bigyan mo pa po ako nang mahaba-habang pasensiya. Mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel na pasensiya, Lord.” tahimik kong dasal habang nakikinig sa dalawang nagbabangayan. "Mr. Ventura, namimihasa kana yata sa kalalapit sa anak ko." si daddy."Alangan naman tignan ko lang ang mahal ko, Mr. Bonaverde." sagot naman ni Yeshua kay daddy. “Syempre lapitan ko talaga tapos yakapin.” dugtong pa nito. "Ang kapal ng mukha mo, Mr. Ventura. Ipaka-kasal ko siya kay Joseph at hindi sa’yo." si daddy."Wala ka ng magagawa pa, Daddy, umuwi na ako sa bahay niyo.” sagot naman ni Yeshua at tinawag pang daddy

  • Taming My Desire   Chapater Twenty-Three

    "PERO hindi ko po alam lutuin 'to." si Yeashua. "Uh-uh, bagsak sa akin ang attitude na ‘yan, Mr. Ventura. Magluluto ka o hindi?” tanong ni daddy."Okay. Next menu na muna tayo. Piliin ko nalang ang madali lang, kaya bilisan mo na. Lutong pinoy nalang tayo, waley ka sa lutong Ontario." dagdag pa ni daddy. Nakita ko pa ang pag-irap ni Yeshua kay daddy. ‘Ang cute nilang dalawa tingnan.’"Next menu, please." si daddy ulit."Okay, heto na ang recipe ng kare-kare. Sinearch ko na ‘yan sa internet, baka sabihin mo ulit na unfair ako." nakangising wika ni daddy kay Yeshua. Halatang pinaglalaruan ni Daddy ang lalaki. "I hate bagoong, Mr. Bonaverde." inis na wika ni Yeshua kay daddy. "It's my daughter's favorite dish, Mr. Ventura. Mag-reklamo ka pa, papauwiin na kita sa inyo." banta ni daddy kay Yeshua. "Okay na po. We’ll start na. Please pass me the face mask. Ayoko talaga sa amoy ng bagoong, medyo maarte ako nang kaunti." wika ni Yeshua kay daddy. Dahil pinagti-trip-an niya si Yeshua. Dad

  • Taming My Desire   Chapter Twenty-Two

    NAPAKISLOT ako ng pilit akong pinapanganga ni Yeshua para subuan ng pancake. "Mahal, open your mouth, please." wika sa akin ni Yeshua habang naka-ipit sa chopsticks ang maliit na hiwa ng pancake. Hindi ko ibinuka ang aking bibig. Ayokong nagmumukha one year old na kailangan subuan. "Mahal, open your mouth, dali na." pamimilit ni Yeshua sa akin."Ayoko. Mr. Ventura, for your information, I am 28 years at hindi one year old. Kaya hindi mo ma ako kailangan subuan.” nakasimangot na wika ko kay Yeshua. Ngunit tumawa lang ito. Mukhang ipipilit talaga ang gusto nito."Nasaan na ang sweetness sa katawan ni, Miss Desiree Bonaverde? Naubos na ba lahat?” nanunudyong wika sa akin ni Yeshua. "Umayos ka kung ayaw mo tawagin ko si daddy." banta ko kay Yeshua. "Umalis si tito Zaldy kanina pa, pumunta ng farm niyo." "Ah. Kaya pala malakas ang loob mo pumasok dito sa kwarto ko. Kasi wala si daddy. Pero puwede ko naman siyang tawagan at pauwiin.” banta ko."Mahal, sorry na. Kung ayaw mo, sige, ikaw

  • Taming My Desire   Chapter Twenty-One

    Nakangiti akong natulog kagabi at gumising nang may ngiti pa rin sa mga labi. Nakikita ko kung gaano ka pursigido si Yeshua na hingiin ang kamay ko. Ngunit si Daddy ang kontrabida sa lahat ng gusto ni Yeshua. At tama lang aa kaniya iyon, soya na ang bahala kung paano niya paamuhin ang mga magulang ko. At masaya ako kasi nakikita ko kung paano suya mag-effort. Pero hindi pa rin mawala sa isi ko ang pagdududa. Ngunit habang tumatagal nakikita ko ang dating sarili ko kay Yeshua, hindi pala nakakatuwa ang mga ginagawa ko dati. Kaya pala galit na galit sa akin ang lalaki. Kaya pala iniiwasan ako nito, na kung puwede lang lumipat sa Mars, lumipat na ito kaagad. Hindi ko nga alam kung totoo nga ang mga sinasabi ni Yeshua kay daddy, baka mamaya ay binabawian lang ako nito. Baka sinisira niya lang ang buhay ko, katulad sa mga pinagagawa ko sa kaniya dati. Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil sa mga negatibong naiisip ko. Nagpakawala ako ng sunud-sunod na buntong hininga para gumaan nang

  • Taming My Desire   Chapter 18

    “ANG kapag ng mukha mo mag-desisyon. Ano ang akala mo sa bahay namin, hotel?” "Pasensiya na, Mr. Bonaverde hangga't nandito si Desiree, dito din ako titira sa inyo." sagot ni Yeshua kay daddy. Oo nga, ang kapal nga ng mukha ng lalaking ito. Hindi man lang marunong magtanong o makiusap, diretsong

  • Taming My Desire   Chapter Seventeen

    “ZALDY, ang anak natin.” umiiyak na wika ni mommy kay daddy. Yumakap si mommy kay daddy habang si daddy ay mahigpit na naka-kuyom ang mga kamay."God, bakit mo ginawa ‘yon, Desi? Hindi mo ba alam na sobra-sobra ang takot ko ng makita kitang nakalutang sa tubig? Akala ko mawawala ka na sa akin." umi

  • Taming My Desire   Chapter Sixteen

    “UMALIS ka na, Mr. Ventura.” mahina kong wika. “Bro, please, umalis ka na. Masyado nang magulo.” si Grayton. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko dala si Desi. Ayokong makasal siya sa’yo.” mariin na wika ni Yeshua sa kaibigan at hinawakang muli ang aking braso. Animo’y takot na takot itong mawala a

  • Taming My Desire    Chapter Fourteen

    HINDI ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Yeshua. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, siguro ang sirain din ang relasyon namin ni Grayton. Siguro, gumaganti siya ngayon sa mga pinagagawa ko noon. Siguro ayaw niya akong makitang masaya. Siguro mas gusto niyang maging miserable ang buhay ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status