Mag-log inFIVE YEARS AGO.
"Hija, araw-araw ka na yata na pumupunta dito sa bahay, dati kapag may okasyon at iniimbitahan ko kayo wala ka palagi. Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Tita Yna sa akin ang mama nina Yannah at Yeshua. "Hehe. Wala naman po, Tita." nahihiya kong sagot. "Tapos, palagi kang may dalang bulaklak para sa akin ba talaga mga iyon?" nagtataka na tanong ulit ni tita Yna. Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Yannah. "Para po kay kuya ‘yon, Mom. Nanliligaw po kasi siya kay kuya." walang pakundangan sa wika ni Yannah sa ina at ako naman ay napalingon sa kanya. Sarap tahiin ang bunganga. Nahihiyang napayuko ako ng ulo dahil ayokong ipakita ang namumula kong pisngi. "Mag-aral muna kayo at magtapos. At kapag nasa tamang edad na kayo saka mo ligawan ang panganay ko." wika ni tita Yna sa akin at batid kong nakangiti ito. Nakayukong tumango ako kay tita Yna habang si Yannah ay tawang-tawa. Saka lang ako umangat ng ulo ng umalis na si tita Yna. Nang makalayo na si Tita Yna, binalingan si Yannah at saka hinampas nang malakas sa balikat. "Siraulo ka, doon tayo sa kwarto para mabogbog kita." wika ko kay Yannah habang hawak-hawak ko siya sa braso at hatak-hatak paakyat ng hagdan. Dahil sa inis ko hindi ko na nagawang isara ang pinto at tinulak ko si Yannah sa ibabaw ng kama niya. "Bakit mo sinabi kay Tita? Nakakainis ka talaga." wika ko sabay hampas sa kabilang balikat ni Yannah. Para pantay ang sakit dapat magkabilaan. "Nanliligaw ka naman talaga kay kuya Yeshua, a. Kaso di niya alam." sagot sa akin ni Yannah habang nakangisi. "E ano naman kung nanliligaw ako sa kuya mo na hindi niya alam?" Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang may umubo sa bukas na pinto ni Yannah. Sabay kaming napalingon ni Yannah at nakita ko doon si Yeshua na nakatayo ay seryo ang mukha. Tumingin muna ito kay Yannah bago tumingin sa akin magkasalubong ang kilay. Mabilis akong sumampa sa ibabaw ng kama at nagtago sa likod ni Yannah ng pumasok sa loob si Yeshua. "Bakit ka pumasok dito, Kuya, ano’ng kailangan mo?" tanong ni Yannah sa kapatid. Galit na tumingin si Yeshua kay Yannah at sa akin. "That girl." tila nanggigil na wika ni Yeshua sabay turo sa akin. "Iyang kaibigan mo pinagkalat na magpapakasal daw kami kaya nakipaghiwalay sa akin si Grazie." galit na wika ni Yeshua. Mabilis ang galaw ni Yannah at sinalag ang kamay ni Yeshua ng nagtangka itong hawakan ako. "Kuya, kung naniniwala siya sa tsismis at hindi ka niya pinaniwalaan, ibig sabihin no’n hindi ka niya talaga mahal. Kasi kung mahal ka niya papakinggan ka niya." pagtatanggol sa akin ni Yannah. Bumaba ako sa kama at tumakbo papuntang comfort room para magtago. Narinig ko ang mga yabag papalapit. "Siraulo ka talagang babae ka, lumabas ka diyan. Magtutuos pa tayo." galit na wika sa akin ni Yeshua. "For your information, Mr. Ventura ako talaga ang nakatadhana sa’yo, huwag kang bulag." malakas ang loob kong wika habang nakatago sa loob ng cr. Habang nasa labas naman si Yeshua at kinakalampag ang pinto. "Puwes, hindi ikaw ang gusto ko. Si Grazie." sagot nito saka pilit binubuksan ang pinto. "Girlfriend mong naniwala din naman kaagad sa tsismis." asik ko. "Kung ako ang girlfriend mo, wala akong ibang paniniwalaan kundi ikaw lang." sagot ko naman sa kan’ya. "Hindi kita gusto! Mahirap bang intindihin ‘yon?” nagngingitngit nitong sagot sa akin. "Sa ikaw ang gusto kong mapangasawa, mahirap din bang intindihin ‘yon?" matapang kong sagot kay Yeshua. "Kahit kailan hindi kita magugustuhan." pasigaw na wika ni Yeshua habang nasa labas ng pinto ng cr. "Kahit anong mangyari ikaw lang ang gugustuhin ko." sagot ko naman sa kan’ya. "That's bullshit!" walang magawang wika ni Yeshua saka narinig ko ang mga yabag nito papalayo. Nag-antay muna ako ng ilang minuto ayokong lumabas hangga't hindi ako sigurado sa kaligtasan ko. Ilang minuto pa ang inantay ko ng boses na mismo ni Yannah ang nagkumpirma na pwede na akong lumabas. Mabilis akong lumbas saka takot na lumapit kay Yannah. Masama ang tingin na pinukol sa akin ni Yannah. "Nanggigigil ako sa’yo, Desiree. Andami mo ng katarantaduhang ginawa kay kuya." naninibighong wika sa akin ni Yannah. "Sorry na, Yan, talagang malakas ang tama ko sa kuya mo." sagot ko naman at malungkot na umupo sa tabi nito. "Sabi ni mama huwag ka daw muna pumunta dito tapos yong pagpapadala mo ng bulaklak itigil mo na daw. Puno na ang garden ni mama aa mga bulaklak na bigay mo para kay kuya."mahabang wika sa akin ni Yannah na bigla kong ikinalungkot. Napabuntong hininga ako saka walang ganang humiga sa kama ni Yannah. "Hirap magmahal lalo na kong basted ka palagi." ani ko saka kinuha ang isang unan at ipinatong sa mukha ko para ikubli ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. "Laylo ka muna, bumalik ka na lang kapag hindi na galit si kuya sa’yo." si Yannah. SABADO. Galit na mukha ni Yannah ang bumungad sa akin ng mapagbuksan ko siya ng gate. Habang may buhat-buhat itong karton na medium size. "Bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kanya. Padaskol niyang pinasa sa akin ang karton natamaan pa ang boobs ko, masakit. "Bakit? Sa akin ka ba galit?" nagtataka kong tanong habang palipat-lipat ang tingin kay Yannah at sa karton na hawak ko ngayon. "Pinapabalik sa’yo ni kuya at ‘wag na ‘wag ka na daw magpadala ng mga love letters mo sa kan’ya." nakabusangot na sagot sa akin ni Yannah saka hinawi ako at dumiretso pasok sa loob ng bahay habang ako naiwang nakatayo dito sa labas. Mabilis akong humabol sa kay Yannah at ng maabotan ko siya sa hagdan sinimangutan lang ako. "Bakit, nasaan ba ang kuya mo?" tanong ko. "Sa bahay at galit na galit sa’yo." sagot sa akin ni Yannah. "Binasa ko nga pala ang ibang love letter mo kay kuya. Yuck! Eww!" wika ni Yannah sa akin habang kunwari ay naduduwal. Nahampas ko tuloy siya ng karton sa likod. "Bakit mo kasi binasa." naiinis kong wika kay Yannah at hinampas ko ulit siya ng karton ngunit nakailag siya. "Mahal na mahal kita, Yeshua. You are my dream boy and I can't imagine my days, my years, my life without you." pang-aasar sa akin ni Yannah. "Siraulo ka! Bakit mo pinakialaman para sa kuya mo yon hindi sayo!" naiinis kong wika kay Yannah. "At heto pa. You know, I had a dream yesterday that we were lying on the grass watching the flying birds. You kissed and hugged me. Feels heaven, right? "Bakit mo memorize?" naiiyak kong tanong kay Yannah na ngayon ay nakahiga na sa aking kama ni man lang nito hinubad ang suot nitong flat sandal. "Syempre, kailangan kong i-memorize para matukso kita, anong silbi ko bilang kaibigan mo kong di man lang kita mabiro?" proud na sagot sa akin ni Yannah. Gusto kong sabunutan si Yannah kaso kailangan ko pa siya para maging mata at teynga sa kapatid niya. "Hindi mo man lang inisip ang dignidad ko?" "Ay naku, Desiree Bonaverde, simula ng ligawan mo ang kuya ko, wala ka ng dignidad." sagot sa akin ni Yannah. "Ouch! Ang sama mo." wika sabay bato ng unan kay Yannah. Kaya muli akong inasar ni Yannah. "To my Dearest Yeshua, Sino yong kasama mo kanina? Nagseselos ako, layuan mo ang babaeng yan kong ayaw mong ipa-bulldoz ko ng malaking bulldozer ang bahay nila. "Your future wife, Desi."KUNG hindi lang masama magpalayas ng ama, papalayasin ko na si daddy pati si Yeshua.” wika ko kay Disney at mas lalo itong tumawa. Tinawagan ko na nga kanina si tito Romulus para ipakuha ang anak niya sa bahay. Mabuti naman at naintindihan ako ni tito, pero no’ng una tawa lang nang tawa dahil sa mga kinu-kuwento ko sa kan’yan. Pakiramdam ko para akong batang nagsusumbong kay tito Romulus. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung ganon sila palagi? Mabuti na lang at naawa sa akin si tito Romulus at nagbigay ito nang assurance na pau-uwiin niya si Yeshua. Pagkarinig ko, nagpasalamat pa ako ng paulit-ulit sa matanda. At sa mga oras na iyon, unti-unti akong nakaramdam nang kaginhawaan at looking forward sa katahimikan sa bahay kung sakali. "Kailan daw ba aalis si Yeshua sa bahay niyo?" "Wala daw siyang balak na umalis sa bahay.” sagot ko kay Disney at saka humingi nang malalim. “Naririndi na ako sa kanilang dalawa, Dis. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa war zone araw-araw.” Tumawa
ANG lakas ng loob ni Yeshua na maka-mine sa akin sa harap mismo ng ama ko. Ang kapal talaga ng mukha nito. “Anong mine-mine ang pinagsasabi mo, Mr. Ventura? Hindi mapasa iyo ang anak ko. Pagkatapos mo siyang saktan at ipamukha sa kaniya na hindi mo siya mahal? Pagkatapos mong apak-apakan ang pagkatao niya? Pagkatapos mong ipahiya ang anak ko hanggang sa masira ag dignidad niya, sasabihin mo na mapupunta siya sa’yo? Never!” galit na wika ni daddy kay Yeshua. Dahil sa sinabi ni daddy, muli akong nasaktan at muling pinaalaala nito ang naranasan ko sa mg ka-officemate ko. Throwback. “Nandiyan na naman ang malandi. Mag-ingat kayo kaniya, baka isa kayo sa masabunutan niya. Nawawala sa sarili ‘yan kapag nakita niyang lalapit-lapit ka kay sir Yeshua. Galit sa kapwa ‘yan e.” wika ng isa kong katrabaho habang nakatingin sa akin at may ngiting nang-iinsulto. “Bakit, Ma’am, ano po ang mayro’n? At ano po ang ibig ninyong sabihin sa kapwa?” inosente na tanong ng bagong hire na babae kay Melbe
“HAY NAKU!”Kanina pa ako pikon na pikon kay daddy at kay Yeshua, walang araw na hindi sila nagsasagutan. Nakakarindi. Daig pa nila ang mag-jowa na may mga sumpong. May mga daily menstration. “Lord, dasal ko talaga sa araw-araw ay ang magkaroon ng mahabang pasensiya sa dalawang lalaking nandito sa bahay. Ama ko po ang isa at ang isa ay manliligaw. Pareho ko po silang mahal, Lord. Help. Please, Lord, bigyan mo pa po ako nang mahaba-habang pasensiya. Mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel na pasensiya, Lord.” tahimik kong dasal habang nakikinig sa dalawang nagbabangayan. "Mr. Ventura, namimihasa kana yata sa kalalapit sa anak ko." si daddy."Alangan naman tignan ko lang ang mahal ko, Mr. Bonaverde." sagot naman ni Yeshua kay daddy. “Syempre lapitan ko talaga tapos yakapin.” dugtong pa nito. "Ang kapal ng mukha mo, Mr. Ventura. Ipaka-kasal ko siya kay Joseph at hindi sa’yo." si daddy."Wala ka ng magagawa pa, Daddy, umuwi na ako sa bahay niyo.” sagot naman ni Yeshua at tinawag pang daddy
"PERO hindi ko po alam lutuin 'to." si Yeashua. "Uh-uh, bagsak sa akin ang attitude na ‘yan, Mr. Ventura. Magluluto ka o hindi?” tanong ni daddy."Okay. Next menu na muna tayo. Piliin ko nalang ang madali lang, kaya bilisan mo na. Lutong pinoy nalang tayo, waley ka sa lutong Ontario." dagdag pa ni daddy. Nakita ko pa ang pag-irap ni Yeshua kay daddy. ‘Ang cute nilang dalawa tingnan.’"Next menu, please." si daddy ulit."Okay, heto na ang recipe ng kare-kare. Sinearch ko na ‘yan sa internet, baka sabihin mo ulit na unfair ako." nakangising wika ni daddy kay Yeshua. Halatang pinaglalaruan ni Daddy ang lalaki. "I hate bagoong, Mr. Bonaverde." inis na wika ni Yeshua kay daddy. "It's my daughter's favorite dish, Mr. Ventura. Mag-reklamo ka pa, papauwiin na kita sa inyo." banta ni daddy kay Yeshua. "Okay na po. We’ll start na. Please pass me the face mask. Ayoko talaga sa amoy ng bagoong, medyo maarte ako nang kaunti." wika ni Yeshua kay daddy. Dahil pinagti-trip-an niya si Yeshua. Dad
NAPAKISLOT ako ng pilit akong pinapanganga ni Yeshua para subuan ng pancake. "Mahal, open your mouth, please." wika sa akin ni Yeshua habang naka-ipit sa chopsticks ang maliit na hiwa ng pancake. Hindi ko ibinuka ang aking bibig. Ayokong nagmumukha one year old na kailangan subuan. "Mahal, open your mouth, dali na." pamimilit ni Yeshua sa akin."Ayoko. Mr. Ventura, for your information, I am 28 years at hindi one year old. Kaya hindi mo ma ako kailangan subuan.” nakasimangot na wika ko kay Yeshua. Ngunit tumawa lang ito. Mukhang ipipilit talaga ang gusto nito."Nasaan na ang sweetness sa katawan ni, Miss Desiree Bonaverde? Naubos na ba lahat?” nanunudyong wika sa akin ni Yeshua. "Umayos ka kung ayaw mo tawagin ko si daddy." banta ko kay Yeshua. "Umalis si tito Zaldy kanina pa, pumunta ng farm niyo." "Ah. Kaya pala malakas ang loob mo pumasok dito sa kwarto ko. Kasi wala si daddy. Pero puwede ko naman siyang tawagan at pauwiin.” banta ko."Mahal, sorry na. Kung ayaw mo, sige, ikaw
Nakangiti akong natulog kagabi at gumising nang may ngiti pa rin sa mga labi. Nakikita ko kung gaano ka pursigido si Yeshua na hingiin ang kamay ko. Ngunit si Daddy ang kontrabida sa lahat ng gusto ni Yeshua. At tama lang aa kaniya iyon, soya na ang bahala kung paano niya paamuhin ang mga magulang ko. At masaya ako kasi nakikita ko kung paano suya mag-effort. Pero hindi pa rin mawala sa isi ko ang pagdududa. Ngunit habang tumatagal nakikita ko ang dating sarili ko kay Yeshua, hindi pala nakakatuwa ang mga ginagawa ko dati. Kaya pala galit na galit sa akin ang lalaki. Kaya pala iniiwasan ako nito, na kung puwede lang lumipat sa Mars, lumipat na ito kaagad. Hindi ko nga alam kung totoo nga ang mga sinasabi ni Yeshua kay daddy, baka mamaya ay binabawian lang ako nito. Baka sinisira niya lang ang buhay ko, katulad sa mga pinagagawa ko sa kaniya dati. Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil sa mga negatibong naiisip ko. Nagpakawala ako ng sunud-sunod na buntong hininga para gumaan nang
“ANG kapag ng mukha mo mag-desisyon. Ano ang akala mo sa bahay namin, hotel?” "Pasensiya na, Mr. Bonaverde hangga't nandito si Desiree, dito din ako titira sa inyo." sagot ni Yeshua kay daddy. Oo nga, ang kapal nga ng mukha ng lalaking ito. Hindi man lang marunong magtanong o makiusap, diretsong
“ZALDY, ang anak natin.” umiiyak na wika ni mommy kay daddy. Yumakap si mommy kay daddy habang si daddy ay mahigpit na naka-kuyom ang mga kamay."God, bakit mo ginawa ‘yon, Desi? Hindi mo ba alam na sobra-sobra ang takot ko ng makita kitang nakalutang sa tubig? Akala ko mawawala ka na sa akin." umi
“UMALIS ka na, Mr. Ventura.” mahina kong wika. “Bro, please, umalis ka na. Masyado nang magulo.” si Grayton. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko dala si Desi. Ayokong makasal siya sa’yo.” mariin na wika ni Yeshua sa kaibigan at hinawakang muli ang aking braso. Animo’y takot na takot itong mawala a
HINDI ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Yeshua. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, siguro ang sirain din ang relasyon namin ni Grayton. Siguro, gumaganti siya ngayon sa mga pinagagawa ko noon. Siguro ayaw niya akong makitang masaya. Siguro mas gusto niyang maging miserable ang buhay ko.







