تسجيل الدخول(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)
ALEXANDER'S POV
"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.
Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumirot ang sintido ko. Isang matinding serye ng tibok ng ugat ang naramdaman ko sa aking ulo. Damn it. Umakyat na naman ang high blood ko dahil sa galit, puyat, at matinding stress na dulot ng babaeng ito at ng kaniyang limang daang piso. Napapikit ako nang mariin at napahawak sa aking noo.
"Daddy! Masyado ka kasing high-blood eh. Sabi sa isip mo, parang sasabog na 'yung ugat mo sa galit," isang maliit na boses ang bumasag sa katahimikan.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong lumapit ang bata sa gilid ng aking swivel chair. Bago ko pa siya maitaboy, mabilis niyang idinikit ang kaniyang maliit at malambot na palad sa aking kamay. Sa isang segundo, naramdaman ko na naman ang kakaibang kuryente—at laking gulat ko nang ang bata ay dumukot sa kaniyang bulsa at naglabas ng isang maliit, bilog, at kulay-pink na pildoras.
"O, Daddy, inumin mo 'to. Gawa 'yan ni Mommy. Ang pangalan niyan ay Calming and Truth Elixir. anti-high blood 'yan! Sabi ni Mommy sa isip niya ngayon, baka raw ma-stroke ka at mamatay, kawawa naman kami, mawawalan kami ng tagatustos sa gatas ko!" dire-diretsong daldal ng bata.
"Basti! Huwag!" tarantang sigaw ng babae, pero huli na.
Dahil sa bilis ng kamay ng bata, bago ko pa makuha ang ibig sabihin ng "sabi ni Mommy sa isip niya," mabilis niyang isinubo sa akin ang pink na pildoras. Kasabay nito, kinuha ng bata ang baso ng tubig sa lamesa ko na parang alam na alam niya kung nasaan ito at ipinainom sa akin.
"Shit—" Nabilaukan ako nang bahagya at napalunok.
Agad na humakbang pabalik ang bata at pumalakpak. "Yehey! Operation: Paamuhin si Rich Daddy, success!"
Humarap ako sa babae nang may nag-aapoy na galit. "Anong ipinainom sa akin ng anak mo?! Lason ba—"
Natigil ang pagsasalita ko. Biglang may malamig at napakaginhawang enerhiya ang gumatas sa buong katawan ko. Ang kumikirot kong ulo ay biglang gumaan na parang bula. Ang galit sa dibdib ko ay napalitan ng isang kakaiba at malambot na pakiramdam. Pero ang pinakamalala… tila nawalan ng preno ang dila ko.
"Diyos ko, bakit ba ang bango-bango ng babaeng ito at bakit parang gusto ko na lang siyang iuwi sa bahay ko ngayon din?!"
Nanlaki ang sarili kong mga mata sa mga salitang lumabas sa bibig ko. What the hell? Bakit ko sinabi 'yun nang malakas?!
CELESTIA'S POV
"Hala ka…" Napabulong na lang ako habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig.
Paktay na talaga! Ang ipinainom ni Basti kay Alexander ay ang aking pinalakas na bersyon ng Calming Pill na may halong Truth Elixir. Ginawa ko ang pildoras na iyon para sa mga taong may matinding galit, para kumalma sila at mapilitang magsabi ng katotohanan nang walang paligoy-ligoy. Pero hindi ko inaasahan na ang unang sasabihin ng seryoso at kinatatakutang billionaire ay ang gusto niya akong iuwi dahil mabango ako!
Nilingon ko si Basti na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa labi. 'Basti! Bakit mo ipinainom 'yon?!" galit kong sigaw sa utak niya gamit ang telepathy.
'Mommy, relax ka nga lang!' sagot naman ng makulit kong anak sa isip ko. 'Kung hindi ko ipinainom 'yon, ipapakain niya tayo sa pating! Tingnan mo ngayon, naging mabait si Rich Daddy. Nabasa ko ang isip niya. Sobrang gaan na ng pakiramdam ng ulo niya at nagugandahan talaga siya sa'yo!'
Tumingin muli ako kay Alexander. Ang mukha niya ngayon ay halo ng gulat, hiya, at matinding pagkalito kung bakit niya sinabi ang mga salitang iyon. Namumula ang kaniyang mga tainga habang pilit na ibinabalik ang kaniyang seryosong mukha.
"I-I mean... ang ibig kong sabihin, anong uri ng gamot ang ibinigay niyo sa akin?" pagbawi ni Alexander, bagama't bakas pa rin sa boses niya ang kakaibang lambot dahil sa epekto ng aking pildoras.
Huminga ako nang malalim at naglakad palapit para kunin si Basti sa gilid niya. "Sir… pasensya na po sa anak ko. Hindi po 'yon lason; herbal supplement lang 'yon para sa high blood. At saka... tungkol po sa limang taon na ang nakakalipas... aksidente lang po ang lahat."
Tumingin nang mariin si Alexander sa aming dalawa ni Basti. Ang epekto ng truth elixir ay unti-unti pang gumagana sa kaniyang sistema, kaya naman ang kaniyang mapanuring tingin ay may halong kakaibang emosyon na hindi niya maitago.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang kaniyang secretary na may hawak na piraso ng papel. "Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test na ipinakuha ninyo mula sa hibla ng buhok ng bata na naiwan sa lobby kanina."
Inabot ni Alexander ang papel. Habang binabasa niya ang resulta, nakita ko ang pagtaas ng kaniyang mga kilay at ang mabilis na pagtibok ng kaniyang panga. Ibinaling niya ang kaniyang mga matatalim na mata sa akin, hawak ang papel na nagpapatunay ng 99.9% compatibility.
"Biological child ko nga siya," bulong ni Alexander, at dahil sa epekto ng truth pill, dugtong niya nang malakas: "At mas lalo akong nagagalit sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa ako na ikaw ang nanay ng anak ko!"
Napahawak na lang ako sa aking noo habang si Basti naman ay humagikhik sa tabi ko. Mukhang mas lalong magiging magulo ang buhay ko rito sa Vance Enterprises!
(Ang kababatang babae ni Alexander)CELESTIA’S POVInilapit ni Alexander ang kaniyang mukha sa akin. Sa ilalim ng mga holographic lights ng aming laboratoryo, ang kaniyang mga mata ay tila naglalabas ng sariling pilak na liwanag. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa aking baywang unti-unting nagpapakalma sa nanginginig kong katawan. Ang markang itim ng sumpa sa aking balikat ay tila nag-iingay pa rin, pilit kaming hinihila paalis sa isa't isa, ngunit ang presensya ng aking asawa ay sapat na para labanan ito."Handa ka na ba, Wifey?" bulong niya. Ang kaniyang malalim na boses ay nagpadala ng kakaibang kuryente sa buong sistema ko."Handa na, Hubby… para sa lunas," sagot ko habang dahan-dahang ipinipikit ang aking mga mata.Isang pulgada na lang ang distansya ng aming mga labi. Nararamdaman ko na ang kaniyang mainit na hininga, at ang gintong aura ng aking alchemy at pilak na liwanag ng kaniyang tech-enhanced wedding ring ay nagsisimula nang magsalubong nang biglang—BZZZZZZ—BZZZZZZ—
(Pagsasakripisyo para sa pagmamahal)ALEXANDER'S POVBZZZZ—TUK. Ang mabigat na bakal na pinto ng aking pribadong laboratoryo sa penthouse ng Vance Tower ay sumara nang hermetically sealed. Dito sa loob, pinaliligiran kami ng mga naglalakihang holographic screens, mga supercomputers, at mga advanced medical apparatus na binuo ng aking mga top-tier tech inventors. Sa gitna ng mahabang metal table, ligtas na nakalagay ang Midnight Lotus sa loob ng isang glass stabilization chamber. Ang itim at lilang bulaklak ay dahan-dahang umiikot at naglalabas ng manipis at kumikinang na usok."Wifey, pakidala nga rito si Basti sa sofa. Mukhang malalim na ang tulog," mahinang utos ng aking magandang asawa. Nagsusuot na siya ng kaniyang protective goggles at white lab coat sa ibabaw ng kaniyang magandang emerald gown na may kaunting punit dahil sa mga tinik kanina sa hardin.Maingat kong binuhat si Basti. Pagod na pagod ang kaniyang maliit na katawan matapos niyang pakawalan ang kaniyang Holy Beam
(Paghaharap sa kadiliman at Ang galit ni Alexander)CELESTIA’S POV"L-lola Euphemia..."Nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa matandang babaeng lumabas mula sa itim na portal sa gitna ng maze. Ang kaniyang mukha ay mabilis kong nakilala dahil pamilyar pa rin sa akin ang kaniyang mukha, ang aking lola, ngunit ang kaniyang mga mata ay wala nang kahit anong init—puro na lang ito ng kadiliman at uhaw sa kapangyarihan."Napakaganda mo pa rin hanggang ngayon, apo," ngumisi si Lola Euphemia. Ang kaniyang boses ay tila gasgas na boses ng plaka. "Sabi ko naman sa'yo noong bata ka pa, ikaw ang pinaka-espesyal sa pamilya natin. Ibigay mo na sa akin ang Midnight Lotus na hawak mo."Mahigpit kong niyakap ang nagniningning na bulaklak.Inihakbang ko ang aking kanang paa paatras para itago si Basti sa likod ko. "Hindi ko 'to ibibigay sa'yo! Niloko mo kami! Akala namin ni Ate Juliana ay matagal ka nang patay, pero naririto ka… Hindi ako makapaniwala… ikaw pala ang nasa likod ng lahat ng ito!"
(Ang Charity ball sa forbes park)ALEXANDER’S POV"Huwag kang malikot, Celestia. Baka matanggal ang alchemical hidden earpiece natin," bulong ko habang inaayos ko ang aking itim na tuxedo. Gawa ng mga magagaling kong staff ang hidden earpiece, na nilagyan ni Celestia ng mahiwaga niyang potion gamit ang kapangyarihan ng pagiging alchemist. Nasa loob kami ngayon ng aking sasakyan na limousine ng Vance Group, patungo sa Forbes Park para sa charity ball ni Fernando Gomez. Sa harap ko, si Celestia na mukhang isang diyosa sa kanyang suot na gown. Ang kaniyang mahabang emerald green na gown ay bumagay sa kaniyang balat, at ang kaniyang buhok ay nakataas na may kasamang maliliit na diamond pins."Hindi ako malikot, Alexander. Kinakabahan lang ako," sagot niya habang pilit na ngumingiti. "Paano kung makilala tayo ng mga tauhan ni Lola Euphemia doon?""Kaya nga tayo naka-disguise," sagot ko sa kanya habang inilalabas ko ang isang maliit na vial ng Alchemy Masking Potion."Ang potion na i
(Ang katotohanan at ang pagsasagawa ng plano)CELESTIA’S POV"Mark, huwag mo naman kaming bitinin ng ganyan," sita ko sa kaniya habang pilit kong pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. "Ano ang nakasulat sa huling pahina na parang nakakita ka ng multo?"Inayos ni Mark ang kaniyang salamin gamit ang nanginginig na daliri. Maingat na iniharap sa amin ang lumang itim na aklat ng Obsidian Circle. Sa pinakahuling pahina, may nakaguhit na isang dambuhalang family tree na nakasulat sa lumang tinta ng dugo.Ngunit sa pinakababang bahagi ng ugat ng pamilya, may isang pamilyar na pangalan na nakasalungguhit ng kulay itim na mahika."Ma'am Celestia… ang nakasulat po rito sa huling propesiya…" lunok-laway na sabi ni Mark, na tila nawalan ng lahat ng kaniyang pormalidad bilang corporate secretary. "Ang Reyna ng mga Black Witches na nag-utos na dukutin ang kapatid ninyong si Juliana… ay walang iba kundi ang inyong lola na matagal ninyo nang akalang patay—si EUPHEMIA!""Ano?!" Napasigaw ako. M
(Ang lihim sa Vault at ang Unang alagad)ALEXANDER’S POVWUSH-WUSH-WUSH-WUSH.Ang ingay ng elisi ng chopper ng Vance Group ay sumasabay sa mabilis na pintig ng puso ko habang pababa kami sa abandonadong compound ng HexaPharma sa Quezon City. Mula sa itaas, ang lumang planta ay mukhang normal na bodega na nabubulok na sa lumipas na panahon, ngunit sa paningin ng isang alchemist at ng may hawak ng Yang energy, ang buong paligid ay nababalutan ng isang manipis at kulay-berdeng usok ng nakalalasong mahika."Pababa na po tayo nang ligtas, Sir Alexander," ulat ng piloto sa aking headset habang tuluyang lumapag ang chopper sa lumang helipad.Mabilis akong bumaba at binuhat si Basti na mahigpit na nakakapit sa aking leeg, habang si Celestia naman ay sumunod sa tabi ko at hawak niya ang kaniyang alchemist bag na puno ng mga kumikinang na likido. Sa likod namin ay si Mark, hawak ang isang mamahaling thermal scanner at tablet para sa pag-detect ng mga kakaibang enerhiya. Pinagawa ko ang ba
(Ang Pagtatagpo ng aming mga mata)ALEXANDER'S POV"Shit. Alisin niyo ang batang ito sa binti ko," malamig at mariin kong utos sa aking mga bodyguard.Masakit ang ulo ko dahil sa tatlong oras na walang kwentang meeting sa mga board members ng kumpanya. Gusto ko na lang sanang pumasok sa aking priva
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POV(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POVNang matapos ang bagyo ng aming pagnanasa at bumalik na sa normal ang balanse ng aking mahika, dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mabigat na braso na nakapul
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 1)CELESTIA'S POV" Habaan mo pa ang pasensya mo, Celestia. Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to," bulong ko habang ang aking kanang kamay ay nakatapat sa ilalim ng isang maliit na kaldero. Mula sa aking mga daliri ay lumalabas ang isang p
(Ang pagpapalit ng katauhan ng Alchemist at Bilyonaryo)ALEXANDER'S POV"Sebastian, dahan-dahan sa pagbaba ng sasakyan, baka maiwan mo 'yang robot mo," paalala ko sa anak ko habang ipinapasok ko ang sports car sa private parking lot ng aking penthouse sa BGC.Mag-aalas-dos na ng madaling-araw. Pa







