Mag-log in(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)
CELESTIA'S POV
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)
CELESTIA'S POV
Nang matapos ang bagyo ng aming pagnanasa at bumalik na sa normal ang balanse ng aking mahika, dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mabigat na braso na nakapulupot pa rin sa aking baywang. Hapo ang aking buong katawan, ngunit ang aking mga ugat ay kalmado na at hindi na nag-aapoy. Tiningnan ko ang lalaking mahimbing nang natutulog sa aking tabi—basa pa rin ng pawis ang kaniyang perpektong dibdib at bahagyang nakabukas ang kaniyang mga labi.
Upang hindi naman magmukhang nanamantala lang ako nang libre, binuksan ko ang aking bag at hinalughog ko ang aking pitaka. Ang tanging natitirang pera roon ay isang pirasong limang daang piso.
Maingat ko itong inilapag sa ibabaw ng nightstand, katabi ng kaniyang mamahaling gintong relo. Kumuha rin ako ng isang maliit na papel na talisman mula sa aking bulsa at ipinatong ito sa pera.
"Salamat sa donasyon ng enerhiya, boss. Pambili mo na lang ng kape 'to, ha? Pasensya na rin at kailangan ko nang chibats," bulong ko bago mabilis na tumalon palabas ng bintana ng VIP suite at ginamit ang aking mahika upang maglaho sa dilim ng gabi.
Ang hindi ko alam noong gabing iyon, ang lalaking aking ninakawan ng enerhiya at iniwan lang ng limang daang piso bilang 'tip' ay walang iba kundi si Alexander Vance—ang malupit, walang puso, at kinatatakutang billionaire CEO ng bansa. Balita sa buong business world na matapos ang gabing iyon, nagwala ang billionaire at binaligtad ang buong lungsod para lang mahanap ang babaeng "gumatas" sa kaniya at nag-iwan ng barya na tila ba isa siyang bayarang lalaki sa gilid ng daan. Naging pambansang sikreto ang paghahanap sa akin.
Kasalukuyan
"Mommy! Tulala ka na naman! Male-late na tayo sa unang araw ng trabaho mo!"
Ang malakas na sigaw ni Basti ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napailing ako at agad kong kinuha ang aking bag mula sa mesa. Ngayong araw ang aking unang opisyal na pagpasok bilang isang data encoder sa Vance Enterprises. Limang taon kong itinatago ang aking sarili at ang aking anak, at naniniwala akong sa laki ng kumpanyang iyon at sa dami ng kanilang mga empleyado, hinding-hindi ako mapapansin ng kanilang malupit na CEO.
Pagkalipas ng isang oras, nakatayo na kaming mag-ina sa gitna ng napakalaki at napakarangyang lobby ng Vance Enterprises. Ang sahig ay gawa sa mamahaling marmol na kumikinang sa sobrang linis, at ang mga empleyadong naglalakad ay nakasuot ng mga mamahaling designer suit at kasuotan.
"Wow, Mommy, ang yaman naman ng boss mo. Puwede kayang bilhin niya ang lahat ng Choco Krunch sa mundo para sa akin kapag sumahod ka na?" namamanghang sabi ni Basti habang patingin-tingin ang kaniyang mga mata sa paligid.
"Basti, manahimik ka nga. Umupo ka lang muna diyan sa sofa habang kinukuha ko ang ID ko sa HR desk, maliwanag?" paalala ko sa kaniya, sabay kurot nang bahagya sa kaniyang pisngi.
Ngunit bago pa man ako makahakbang patungo sa front desk, biglang tumunog ang isang malakas na chime mula sa VIP elevator. Ang lahat ng empleyado sa lobby ay biglang huminto sa kanilang ginagawa at mabilis na tumabi sa gilid ng pader, na tila ba may isang hari na darating at dapat luhuran.
Bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas mula roon ang isang grupo ng mga lalaking naka-black suit na halatang mga bodyguard. At sa gitna nila, naglalakad nang may matikas, mapagmataas, at napakalamig na awra ang isang lalaki. Ang kaniyang presensya pa lang ay sapat na para magpababa ng temperatura sa buong silid dahil sa takot ng mga tao sa kaniya.
Si Alexander Vance.
Nanigas ang buong katawan ko. Ang aking mga mata ay nanlaki habang nakatitig sa mukha ng lalaking naglalakad nang direkta sa aming direksyon. Limang taon na ang nakakalipas, pero hinding-hindi ko malilimutan ang panga at ang mga matatalim na matang iyon na tila nakakatunaw ng kaluluwa.
Diyos ko... Siya ang donator ko noon! Ang sigaw ng aking isip habang nagsisimula nang mag-panic ang aking puso. Mabilis akong lumingon upang magtago sa likod ng isang malaking pot ng halaman sa lobby upang hindi niya mamukhaan.
Ngunit huli na ang lahat para sa aking mga plano. Dahil ang aking limang taong gulang na asungot na anak na si Basti ay matapos makita ang mukha ng billionaire, ay biglang binitiwan ang aking kamay. Sa isang mabilis na pagkilos, tumakbo ang makulit na bata diretso sa gitna ng daan ng naglalakad na CEO at mga bodyguard nito.
"Basti, huwag!" pigil na sigaw ko sa pabulong na paraan, ngunit huli na ang lahat.
Huminto ang buong grupo ng mga bodyguard na akala mo ay may banta sa seguridad. Si Alexander Vance ay napatigil din sa paghakbang nang maramdaman niyang may maliit na nilalang na biglang yumakap nang mahigpit sa kaniyang kanang binti.
Tumingala ang aking anak. Sa sandaling madampi ang kaniyang maliit na kamay sa binti ng billionaire, gumagana ang kaniyang kamangha-manghang Mind-Reading Power. Narinig ni Basti sa utak ng CEO ang malakas na reklamo nito tungkol sa matinding sakit ng ulo dahil sa puyat at sa inis nito sa mga palpak na board members ng kumpanya.
'Fuck up, all the board members!'
Ngumiti nang napakalaki si Basti, ipinakita ang kaniyang mga dimple, at sa harap ng lahat ng nagulat na empleyado sa lobby, sumigaw siya sa pinakamalakas niyang boses:
"Daddy! Sa wakas, nahanap ka na namin ni Mommy! Sabi ko sa'yo, huwag mo na kaming tataguan, eh!"
Nakataas ang mga kilay at naguguluhan si Alexander sa batang kamukhang-kamukha niya. Ang buong lobby ay nabalot ng nakabibinging katahimikan at walang sinuman ang nagtangkang huminga. Habang ako naman ay parang gustong lamunin ng lupa sa kinalalagyan ko sa likod ng halaman, biglang umalingawngaw ang boses ng aking anak sa loob ng aking sariling utak gamit ang kaniyang telepathy.
'Mommy, relax ka lang. Nabasa ko ang isip ni Rich Daddy. Type ka niya! Ako na ang bahala sa love life niyo!'
Napahawak na lang ako sa aking noo habang pinapawisan nang malamig. Paano ko ba matatakasan ang mapanuring tingin ng billionaire na ito kung ang sarili kong asungot na anak ang gumagawa ng paraan para ipahamak ako at paglapitin kaming dalawa?!
(Ang Bagong Imbentong Technology)CELESTIA’S POV"Sigurado ka ba talaga rito sa naisip mo, Hubby?" Kinakabahan kong tanong kay Alexander habang pinapanood namin na lumalabas ang miyembro ng Obsidian na tila mga basang sisiw na hawak-hawak ang kanilang mga leeg."Trust me, Wifey," nakangising sagot ni Alexander habang nakapamulsa ang isang kamay; ang kaniyang tech-wedding ring ay dahan-dahang bumabalik sa kalmadong gintong-pilak na liwanag. "Ang Vance Cerberus Collar ay hindi lang basta-basta tracker. Gawa ito sa pinaghalong vibranium alloy at nano-optics. Kahit saang madilim na sulok sila magtago, magsisilbi silang buhay na security camera para sa atin. Kung baga sila ang buhay na CCTv."Tinawag niya 'Vance Cerberus Collar' ang kaninang kinabit niya na armor sa mga nahuli naming kampon ni Santanas, este ng Obsidian. Napailing na lang ako habang pilit na itinatago ang aking pagkabilib sa lalaking ito, na idinagdag sa nararamdaman ko ang pag-ibig sa kanya. Iba talaga kapag bilyonaryo
(Pagbabago ng Taktika)CELESTIA’S POV"Hubby, teka lang," bigla kong hinawakan ang braso ni Alexander habang papalapit na ang chopper sa bubong ng madilim na warehouse."Bakit, Wifey? May nararamdaman ka bang kakaiba?" kunot-noong tanong niya, pero hindi pa rin binibitawan ang kaniyang heavy tech-blaster."Napansin mo ba? Para lang tayong tanga na pabalik-balik rito sa Quezon City para lang habulin 'yung mga truck nila Sabrina o kahit na sinong Obsidian," inis kong wika habang nakatingin sa monitor ng kaniyang tablet. "Kakabukas lang talaga ng Ellie's Akhine Choco Krunch Cereal shop natin. Kung nandito tayong lahat… sinong nagbabantay doon sa mga bagong dating na stock ng matcha at tsokolate sa mismong tindahan?"Nanlaki ang mga mata ni Alexander. Ang pilak na liwanag sa kaniyang tech-wedding ring ay biglang nag-flicker nang mabilis. "Parang distraction. Ang totoong target ng The Alchemist of Poison ay hindi ang warehouse na ito… kundi ang mismong shop natin habang wala tayo.""Mommy!
(The Alchemist of Poison)CELESTIA'S POV"Huwag ka nga munang malikot, Basti. Baka matapon 'tong ini-spray ko," marahan kong tinapik ang maliit na balikat ng anak ko habang pinapaputukan siya ng pinaghalong mint and sun-powder extract.Kailangang masigurong ligtas ang bagong shop namin sa Quezon City bago kami umalis. Ang itim na pergaminong iniwan ng messenger ng Obsidian Circle kanina ay may kakaibang amoy. Alam kong balak kaming unti-unting papatayin ng lason ng The Alchemist of Poison kung hindi kami mag-iingat."Mommy naman, amoy kendi po ako!" reklamo ni Basti, habang nakasimangot, pero nakayakap pa rin sa binti ko habang suot ang kaniyang maliit na chef's hat.Narinig kong mahinang pagtawa ni Alexander mula sa gilid ng lamesa. Nasa back office kami ngayon ng shop. Lumapit siya sa amin ng anak niya at binuhat si Basti, at saka niya ako hinalikan sa pisngi. "Mabuti na ang handa, Wifey. At para mas madali nating mahanap ang mga kupal na 'yan bago pa nila masira ang negosyo mo, s
(Ang unang babala mula sa 13 pillars of shadow ng Obsidian Circle)CELESTIA’S POV"Isang Ube flavor at dalawang Cookies and Cream nga po, Ma'am!" masayang sigaw ng isang estudyanteng naka-uniporme habang abot-abot ang ngiti sa harap ng aming counter."Heto na, pampatalas ng kaisipan sa exam!" Nakangiti kong iniabot ang bagong gawang garapon ng cereal.Napakasaya ng araw na ito. Pormal nang nag-open ang Ellie's Akhine Choco Krunch Cereal shop dito sa Quezon City.Punong-puno ng mga makukulay na lobo ang labas, at may malaking tarpaulin ng aming pamilya na walang kupas ang ganda. Salamat sa advanced mixing tech na ipinalagay ni Alexander. Mabilis at malinis ang produksyon namin ng limang flavors: Chocolate, Ube, Matcha, Rainbow, at Cookies and Cream. Hinding-hindi nila alam na bawat batch ay may kaunting alchemical touch ko para sa magandang kalusugan!"Mommy! Sabi ko sa'yo, papaldo tayo ngayon, eh!" daldal ni Basti habang pinupunasan ang mga lamesa gamit ang kaniyang maliit na basahan
(Bagong Yugto)CELESTIA’S POV"Dalawang minuto na lang, Wifey!" sigaw ni Alexander habang ang kaniyang kaliwang braso ay nagsisimula nang manginig. Ang mga itim na ugat ng sumpa sa aming mga balikat ay tila nagwawala, sumasabay sa pag-atungal ni Lola Euphemia na unti-unting nilalamon ng kaniyang sariling portal sa likod.Mabilis kong binuksan ang stabilization chamber ng antidote. Uminom ako ng isang malaking lagukan, ngunit hindi ko ito nilunok. Tinitigan ko ang aking asawa—ang kaniyang mga pilak na mata ay puno ng tiwala at walang-hanggang pagmamahal.Hinawakan ko ang kaniyang mukha, at bago pa man pumalo ang huling minuto sa orasan, idinikit ko ang aking mga labi sa kaniyang labi.CHUUUU—!Isang pagsabog ng kakaibang enerhiya ang agad na bumalot sa aming dalawa. Ang antidote na nasa aking bibig ay dahan-dahang lumipat sa kaniya sa pamamagitan ng aming halik. Kasabay niyon, ang gintong liwanag ng aking alchemy at ang pilak na aura ng kaniyang tech-wedding ring ay nagsama, na lumikha
(Ang tunnel sa lungga ng kalaban)ALEXANDER’S POV"Bilisan! Ilipad ang Vance Armored Chopper patungong Quezon City!" mariin kong utos sa aking Tactical Tech Squad habang mabilis kaming naglalakad sa rooftop at naghihintay ang helipad sa taas ng Grand Ballroom Hotel.Yakap-yakap ko pa rin si Celestia sa aking tabi. Nararamdaman ko ang kaniyang mahinang panginginig dahil sa labis na pagod at emosyon mula sa mga nakaraang araw. Ang aking tech-wedding ring ay patuloy na nagpapadala ng banayad na pilak na enerhiya sa aking katawan, tila ba nagpapasalamat na tuluyan ko nang nabasag ang manipulasyon ng masamang babae na si Sabrina."Hubby… ang oras natin," hingal na wika ni Celestia habang ipinapakita ang kaniyang balikat. Ang itim na ugat ng Selyo ng Pag-ani ay lalong naging matingkad at mabilis nang gumagapang patungo sa kaniyang leeg. Kulang na lang kami ng isang oras bago ang huling hininga ng tatlong araw na palugit."Hinding-hindi ko hahayaang mawala ka, Wifey. Narito na ang antidote,
(Ang halik na di makalimutan at ang Isip na maingay)ALEXANDER’S POV"Sir, kape ninyo," marahang bati ng aking chef habang ibinababa ang isang tasa ng bagong timplang espresso sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak ang aking gintong tinidor. Hindi ko nagawang matulog nang maayos k
(Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)ALEXANDER'S POV"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.Gabi na nang makalipat sila. K
(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang
(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)ALEXANDER'S POV"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumi







